“Kumain ka na muna Melody, puro aral na lang ang inaatupag mo.” sabi ni Lovely at umupo sa tabi ko. Dito ako nakikitira kina Lovely. Halos isang linggo na ang nakakalipas simula nang umalis ako sa unit ni Rash. Buti na lang mabait ang mga magulang ni Lovely, wala naman daw problema sa kanila na nandito ako. Mabuti pa nga daw 'yon para may kasama si Lovely bukod sa mga katulong. Minsan lang kasi umuuwi ang parents ni Lovely dahil lagi silang may business trip. “Kailangan kong maging busy, para hindi ko maisip si Rash.” napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. Nakakapagod din mag-aral ng mag-aral, pero kailangan kong gawin ang lahat para makapagtapos. Mahirap ang buhay lalo na at mag-isa lang ako, walang kamag-anak. Buti na lang laging nasa tabi ko s