Parehas kaming walang imik ni Rash habang nakain. Wala akong balak na kausapin siya, wala talaga. Nilagay ko na sa sink ang platong ginamit ko at hinugasan. Nararamdaman ko ang pagtingin ni Rash sakin sa bawat galaw ko. Inignora ko lang 'yon. Sagad sa bones ang inis ko sa kanya. Mabilaukan sana siya. Natigilan ako nang mapaubo si Rash, pulang pula ang mukha niya habang hinahampas ang dibdib niya. Hala! Nabilaukan nga siya! Agad akong kumuha ng baso na may tubig at inabot 'yon sa kanya. Agad niya naman 'yong ininom. “Ang engot mo talaga!” natigilan siya sa sinabi ko. Natigilan din ako. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Nakalimutan kong galit nga pala ako sa kanya. Napatikhim na lang ako at umalis saka pumunta sa kwarto ko. Nanghihinang umupo ako sa kama. Naiinis na ko sa na