Chapter 5

1722 Words
“Ano naman kung nandito ako? Inimbitahan naman ako ni Leo ah.” nakasimangot na sabi ko. Ang totoo kinakabahan talaga ako, nakakatakot kasi si Rash ngayon. “Alam mo ba kung bakit hindi na ikaw ang niyaya ko dito?” mariing tanong niya. Napalunok ako at napatingin sa asul niyang mga mata. “Because this is a pool party. Kapag dinala kita dito, you have to wear this sh*tty swimwear! Tapos pupunta ka din pala! Fvck it!” galit na sabi nito. “Edi sana sinabi mo ng maayos sakin para natanggihan ko yung alok ni Leo!” pangangatwiran ko. Natahimik kaming saglit. Maya maya hinila niya ako, agad naman akong nagpumiglas. “Saan mo ko dadalhin?!” “Uuwi na tayo!” nagulat ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya?! “Hindi ako uuwi! Nasisiraan ka na ba? Ano na lang ang sasabihin nila kapag parehas tayong nawala, saka si Leo---” “Tangina! Puro ka na lang Leo! Leo! Tanginang Leo yan!” napapitlag ako sa sigaw niya. Buti na lang walang tao dito. Malaking issue pag may nakakita samin dito. Natahimik ako sa sinabi niya. Sumasakit ang ulo ko sa taong 'to. “H-Hindi ako uuwi kaya wag mo kong pilitin.” sabi ko at tumakbo na paalis do'n. Agad akong sinalubong ni Leo nang makarating ako sa pool area. “Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang hinila ni Rash?” napaiwas ako ng tingin sa kanya. “A-Ah, tinanong niya lang yung PIN code ng unit. N-Nakalimutan niya daw.” pagpapalusot ko. Mukhang hindi siya convinced pero tumango na lang siya. Umupo kami sa may gilid ng pool. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakatingin si Rash sa amin mula sa di kalayuan. Salubong na salubong ang makapal niyang kilay. Napaiwas ako ng tingin at nakipagkwentuhan na lang kay Leo. Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sakin. “Hey!” napalingon ako sa cute na boses na tumawag sakin. “Ikaw po si Melody diba?” tanong ng batang babae sakin. Feeling ko ten years old lang siya. Kulay brown ang medyo kulot niyang buhok. Maputi siya at kulay blue din ang mga mata niya gaya ng kina Rash. Grabe, ang cute niya. Para siyang barbie. “O-Oo, ako nga si Melody.” nakangiting sabi ko. Umupo siya sa tabi ko. “Ako si Snow, kapatid po ako ni Kuya Rash.” nakangiting sabi niya. Grabe. Nanggigigil ako sa kanya, parang gusto ko siyang iuwi. Sobrang cute! “Girlfriend ka po ni Kuya Leo?” tanong nito. Nagkatinginan kami ni Leo at sabay na natawa. “Hindi po. Friends lang kami.” nakangiting sabi ko at pinisil ang cute na pisngi niya. “Ahh. Buti naman po, baka po magselos si Kuya Rash eh.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ha? Bakit naman?” tanong ko sa kanya. “Eh kasi kanina pa siya nakatingin sayo. Feeling ko may crush sayo si Kuya Rash.” bulong niya sakin. Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi naman siguro.” pagtanggi ko. “Ate, wag ka pong magkaka-crush kay Kuya Rash ah. Lagi niya po kasi akong inaaway at pinagt-tripan, isip bata din po yan. Nakakaturn off siya.” sabi niya at napahagikhik. Natawa ako sa ka-cutean niya. Siniraan niya talaga ang kuya niya, grabe. “Mas bagay kami ni Ate Melody diba?” natigilan ako sa tanong ni Leo. “Hindi din, babaero ka eh.” natawa ako sa sinabi ni Snow. Napakamot naman si Leo sa kilay niya. “Grabe ka naman sakin, ako nga tagapagtanggol mo eh.” pag-iinarte ni Leo. Binelatan lang siya ni Snow na agad ding umalis. “Ang kulit talaga no'n.”  napapailing na sabi ni Leo. “Ang cute nga niya eh. Nakakagigil.” sabi ko habang winawagwag ang mga paa ko sa pool. “Swimming tayo?” tanong niya at lumublob sa pool. Napaiwas ako ng tingin sa katawan niya. Grabe, nakakaloka. Ang dami kong mga pandesal na nakikita ngayong gabi. “Ayoko.” sabi ko at umiling. Napatingin ako sa pwesto ni Rash. Naningkit ang mga mata ko nang may kalandian siyang babae. Sana makita siya ni Mrs. Farthon! Leche siya! “Ahh!” napatili ako nang hilahin ako ni Leo sa pool. Hinampas ko siya sa dibdib. Hindi maabot ng mga paa ko yung sahig. Hinawakan ni Leo ang magkabilang baywang ko. Kumapit ako sa balikat niya. My ghad! Kinikilig ang lola niyo! Natigilan ako nang mapatingin ako sa pwesto ni Rash. Para siyang papatay sa tingin niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. “Nagugutom ka?” tanong ni Leo sakin. “O-Oo, kain tayo?” gusto kong makaiwas kay Rash. Nakakatakot yung tingin niya. Inalalayan niya ko sa pag-ahon. Binalot niya ko ng towel. Pumasok kami sa mansyon at dumiretso sa dining area. “Ako na lang ang kukuha ng pagkain mo. Dito na kita dinala dahil alam kong ayaw mong makiparty sa kanila.” napangiti ako sa sinabi niya. “Salamat.” ngumiti siya at umalis na. Piniga ko ang buhok ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa sarili ko. “Hello.” napalingon ako sa maarteng boses na tumawag sakin. Napapitlag ako nang umupo sina Rash at yung babae. Napaiwas ako ng tingin. “Girlfriend ka ni Leo?” nakataas kilay na tanong nung babae. Agad akong napailing. “M-Magkaibigan lang kami.” nakatungong sabi ko. “Oh really? By the way, I'm Maddie, and you are?” ngumiti lang ako sa kanya. “Ako si Melody.” nahihiyang sabi ko. Napatingin ako kay Rash, agad akong napaiwas ng tingin nang makita kong nakatitig siya sakin. “Hey Maddison.” napalingon ako kay Leo. Inilapag niya ang pagkain ko sa mesa. “Salamat.” nakangiting sabi ko. Umupo siya sa tabi ko. “Sigurado kang friends lang kayo? Iba ang nakikita ko eh.” sabi ni Maddie at sumandal sa balikat ni Rash. “We're friends, pero may balak akong manligaw. Kung papayag siya...” makahulugang sabi ni Leo at tumingin sakin. Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. “Wow, manliligaw ka talaga Leo? First time 'to ah.” natatawang sabi ni Maddie. “Magpapaligaw ka ba?” natigilan ako sa malamig na tanong ni Rash. Seryosong nakatitig sakin ang asul niyang mga mata. “H-Ha?” nauutal na tanong ko. “Magpapaligaw ka ba kay Leo?” muling tanong niya. Napalunok ako. Nakatitig sila saking tatlo na para bang hinihintay ang sagot ko. “Just go with the flow Melody, trust me on this one.” bulong ni Leo sa tainga ko. “O-Oo, may balak ako.” napakunot ang noo ni Rash. Kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. “Talaga? May pag-asa ako?” nakangiting tanong ni Leo. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti at tumango. “Leo, p-pwede ba tayong mag-usap?” bulong ko sa kanya. Napangiti si Leo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. “Excuse us, may pag-uusapan lang kami.” sabi ni Leo. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na kami doon. Dinala niya ako sa may garden. Walang masyadong tao dito, mas komportable. “He likes you.” natigilan ako sa sinabi niya. “H-Ha?” nawawala na naman ako sa sarili dahil sa Rash na 'yon. “Si Rash, trust me when I say that he likes you.” natigilan ako sa sinabi niya. “H-Hindi noh. Imposible 'yon.” sabi ko at napaiwas ng tingin. “Alam mo, yung Papa ko. Malakas ang pakiramdam niya kapag magkakatuluyan ang dalawang tao. Si Tito Prince at Tita Shenna, si Tito Bullet at Tita Sarah, si Tito Shark at Tita Jam at yung iba pa. Sabi nila, palabiro ang Papa ko pero misteryoso siya. Walang nakakabasa ng tunay na nararamdaman niya maliban kay Mama.” nakatingin lang ako sa kanya habang nagk-kwento siya. “And believe it or not, mukhang namana ko ang ugaling 'yon ni Papa. Malakas ang pakiramdam ko kay Dash at Lovely, kay Shaun at Jaimee. Pati sa inyo ni Rash.” napaiwas ako ng tingin sa kanya. “H-Hindi naman siguro. Protective lang talaga si Rash sakin.” nauutal na sabi ko. “Protective? I think that's being possessive.” nakangising sabi niya. Napasinghap ako nang may marahas na humila sakin patayo. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sakin ang galit na mukha ni Rash. “Uuwi na kami.” malamig na sabi nito. “Aah!” napatili ako nang bigla niya kong buhatin na parang sako ng bigas. “R-Rash!” wala na kong nagawa nang maialis niya ko doon. Nagulat na lang ako nang ibaba niya ko sa kotse niya. Napapitlag ako nang padabog niyang sinara ang pinto ng kotse. Hindi ko alam pero kinakabahan na talaga ako ngayon. *** Mahigpit ang pagkakahawak ni Rash sa braso ko nang makarating kami sa unit niya. “R-Rash---” Napasinghap ako nang hilahin niya ko papasok sa kwarto niya at padabog na isinara ang pinto. Impit akong napatili nang marahas niyang tanggalin ang tuwalyang bumabalot sa katawan ko. Marahas niya kong tinulak sa kama. Agad siyang pumatong sakin Umakyat ang kaba at takot sa dibdib ko. “Rash, a-anong nangyayari sayo?” pilit kong tinutulak ang dibdib niya. Amoy alak siya, mukhang nakainom siya, halata rin dahil pulang pula ang magkabilang tainga niya pati ang dibdib. “Si Leo? Si Leo na lang ba lagi Melody?” mapanganib na tanong niya. “A-Ano bang sinasabi mo?” pilit ko siyang tinutulak palayo. Nanlaki ang mga mata ko nang siilin niya ng halik ang labi ko. Pilit ko siyang tinutulak. Mukhang nairita siya sa mga kamay ko kaya diniin niya ito sa kama. “R-Rash wag!” Nataranta ako nang bumaba ang marahas na halik niya sa leeg ko. (A/N: manang mana si bebe Rash kay Ice ✌) “Please w-wag...” napahagulgol ako ng iyak. Natigilan si Rash at napatingin sa mukha ko, tila natauhan siya. Umalis siya sa pagkakapatong sakin at umupo sa sahig. Napasabunot siya sa sariling buhok. Naiiyak na umupo ako at sumandal sa headboard. Binalot ko ng kumot ang katawan ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak kahit anong pigil ko. “Damn!” agad na lumabas si Rash sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto. *** Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Halatang puyat ako, napabuntong hininga na lang ako. Agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Napapitlag ako nang makita ko si Rash doon. Agad akong napaiwas ng tingin nang mapadako ang tingin niya sa pwesto ko. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Napabuntong hininga siya at pinagpatuloy na lang ang paghahain. Nakatayo lang ako sa may gilid at pinapanood siya. Natigilan ako nang mapansin kong pang isang tao lang ang niluto niya. Bakit? Galit ba siya sakin? Dapat nga ako ang magalit sa kanya. Hindi pa rin ako makamove on sa ginawa niya kagabi. Nilapag niya ang plato sa mesa. Pero nagulat ako nang lumabas siya sa kusina, kinuha niya ang bag niya sa couch at walang sabi sabing lumabas ng unit. Napakurap kurap ako at napatingin sa almusal na hinanda niya. May sticky note sa tabi ng plato. Eat.           -Rash Para sakin pala ang niluto niya. Napatingin ako sa pintong nilabasan niya. Dapat na ba akong kabahan sa pakikitungo niya? Mukhang mas lalala pa ang pag-iwas niya sakin. Nanghihinang umupo ako at tinitigan ang pagkain na niluto niya. Namimiss ko na yung dating Rash. Miss na miss ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD