“Grabe ka naman, kakadating ko lang sa party kagabi tapos nabalitaan ko nakauwi ka na daw. Nakakainis ka.” nakasimangot na sabi ni Lovely. Nakatulala lang ako. Hindi napasok sa utak ko ang mga pinasasasabi niya. “Hoy!” napapitlag ako sa sigaw niya. Binatukan ko siya. “Bakit ka ba nasigaw diyan?! Eto lang po kaya ako sa tabi niyo!” napairap si Lovely. “Oo nga eh, pero hindi mo naman ako naririnig. Kanina pa ko salita ng salita dito eh.” nakasimangot na sabi niya. “Ano ba yong pinagsasasabi mo? May sense ba yan?” napanguso siya sa sinabi ko. “Grabe ka talaga sakin eh.” sabi niya at kumain ng chips niya. Natigilan ako nang dumaan sina Rash sa hallway. Napalunok ako nang mapadako ang tingin niya sa pwesto ko pero agad rin siyang nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. “Bak