Mag hapon akong hindi lumabas sa loob ng aking bahay dahil sa itusura ng aking labi.
Baka kong anong isipin ng mga kapit bahay kong mga tsismosa.
Bukas na lamang ako lalabas ng bahay upang dumiskarte Alam kong hinihintay na rin ako ng mga batang aking tinutulungan.
Nagluto na laman ako ng aking hapunan Nilagang itlog at Cantoon na lamang ang aking kakainin.
"Jackie!! Jackie!!! Tawag ng makulit kong manliligaw naawa naman ako rito kaya nilabas ko na ito Dahil Naka ilang beses na itong nagpabalik balik sa aking bahay.
"Oh Garry bakit nandito ka?
May kailangan kaba?"
Tanong ko agad sa lalaki.
Nakita ko sa mukha ni Garry, ang pagkagulat habang nakatingin ito sa aking labi.
Oo nga pala nangangapal pa ang aking labi.
"Bakit Ganyan ang labi mo Jackie?
subra yatang nangapal ngayon may sakit kaba?"
Tanong sa aking ni Garry sa akin.
"Wala akong sakit nag honeymon kasi kami Ng asawa ko, dalawang Oras kaming nag tukaan kaya ganito ang nanyari sa akin labi"
Baliw kong sagot sa Makulit kong manliligaw.
"May kailangan kaba sa akin?"
Kasi aalis ulit ako dahil tinatawagan na ako ng honey my love ko"
"Wala naman sige Aalis na ako"
Saad nito habang nasa mukha nito ang lungkot.
Kakamot -kamot ako sa aking ulo ng muli akong pumasok sa loob ng aking bahay.
Pasalampak akong umupo, sa sahig upang lantakan ang aking hapunan dahil gutom na ako hindi pa ako kumain ng almosal at tanghalian kanina pa.
Sa subrang gutom ko naubos ko ang isang Cantoon at dalawang itlog.
'Sino kaya ang Tumatawag sa akin?"
Bulong ko ng marinig kong tumunog ang aking Cellphine ko.
Kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng aking higaan.
Number lang sino kaya ito?"
Nagtatakang tanong ko.
Kaya hindi ko na lamang ito sinagot ngunit Makulit ang tumatawag sa akin.
Sinagot ko na lamang ito upang alamin kung sino ang tumatawag sa akin.
"Hello Sino ito?"
Tanong ko sa kabilang linya ngunit walang sumasagot.
Kaya kinansel ko na lamang ang tawag ng nasa kabilang linya ngunit hindi ko pa naibaba ang cellphone ko sa ibabaw ng aking higaan ay muli itong tumunog.
Hindi ko na lang pinasin ang tumatawag sa akin telepono.
ngunit Makulit talaga ang tumatawag.
Kaya Sinagot ko muli ang tumatawag sa akin cellphone.
"Hello sino ba ito?!"
Bakit ayaw mong mag salita?"
Nakakaistorbo ka!
Pwede ba wag kang istorbo" Iniistorbo mo kami ng boyfriend ko!!"
'Yamot kong singhal sa kabilang linya.
Sabay patay ko ng tawag ng nasa kabilang linya.
Yamot kong ibinaba aking phone sa aking higaan at muling bumalik ng kusina Upang
Hugasan ang aking pinagkainan.
Nagtaka ako ng sunod-sunod na tumunog ang aking Phone.
"Sino nanaman kaya ang nagtxt sa akin?"
Bulong ko.
Tinapos ko muna ang aking ginagawa Bago ko tinignan kung sino ang nagtxt.
Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang mga txt sa akin kong sino itong baliw na nagtitxt sa akin.
"Baby sinong boyfriend ang sinasabi mo!! At ibabaon ko siya ng buhay!!"
Sinong baliw ang taong nag txt sa akin At paano na laman taong ito ang number ko?
"Baby sumagot ka!!
Sinong lalaki ang kasama mo!!"
"Humanda ka sa akin babae ka!!"
Oras na malaman kong may kasama kang ibang lalaki Ikukulong talaga kita!!"
"Saan ka?!
At pupuntahan kita d'yan ngayon!!"
Sino kaya itong baliw na nagtitxt sa akin?"
Parang galit na galit ito.
At may gana pa siyang pag bantaan ako.
"Replyan ko nga ang mokong na ito.
"Hoy!! Kung sino ka man na wa lang magawa sa buhay bumili ka na lang ng kausap mo kaysa naman nang iistorbo ka pa!!"
Maya-Maya muling tumunog ang aking phone.
Dahil may natanggap muli akong txt.
"Babae Wag mong hintayin na puntahan pa kita sa bahay mo Baka ibatikim ko sayo ang hindi mo pa natitikman!!"
"Ano kaya ang sinasabi nitong ipapatikim niya sa akin na hindi ko pa raw natitikman?"
Bulong ko.
pinatay ko na lamang ang cellphone ko upang walang maging istorbo sa aking pag papahinga.
Alas otso na nang gabi kaya naisipan ko na lang maligo sa poso upang hindi na ako mag -ingib ng tubig sa banyo.
Nag suot na lang ako ng manipis na tshirt at Maaikling short siguro naman walang maninilip sa akin dahil Gabi naman na.
Kaya sinimulan ko magtungga sa poso.
Sarap na sarap ako habang binubuhusan ko ko ang aking katawan na maligamgam na tubig na nangagaling sa poso.
Habang nagsasabon ako ng aking katawan kasama na ang aking flower, bigla akong napahinto sa aking pagsabon sa akin flower. Nang may makita akong aninong umaaligid sa aking bahay.
"Animal na taong to balak pa yatang mambuso sa akin"
Inis kong bulong.
Maya-Maya may nakakita akong isang tao nakaputi na nagtatago sa puno ng mangga.
Alam kong isa itong tao dahil nakita ko pa itong tumakbo at alam ko rin na malaking ang tao ito.
Teka nga akala siguro ng mokong na ito Matatakot ako.
Kaya ang ginawa ko kumuha ako ng isang dos por dor na kahoy sa tabi ng aking bahay upang gawin sandata
at dahan-dahan akong lumapit sa puno ng mangga upang alamamin kong sino ang taong balak mambuso sa akin.
Laking gulat ko ng Wala naman taong nagtatago sa likod ng punong mangga.
At ang nakita ko na lamang ay isang kulay puting damit.
Bigla akong nakaramdam ng takot kaya matulin akong tumakbo halos magkandarapa ako sa aking paktakbo pabalik sa poso at agad kong binuhat isang baldeng tubig at dinala ko loob ng banyo upang makapagbanlaw ako ng aking katawan na puno pa rin ng sabon.
"Buwesit multo yata yung nakita ko kanina.
na nasa likod ng puno ng mangga?"
Akala ko isang lalaki na balak akong silipan habang naliligo ako.
Binilisan ko ang pagligo
Baka Magpakita pa ulit sa akin ang multong manyakis.
Pagkatapus kong maligo mabilis akong nagtapis ng tuwalya. At namamadali akong lumabas ng banyo at agad akong pumasok sa loob ng aking bahay.
Mabilis na rin akong nagbihis ng pamtulog
Pinatuyo ko muna ang aking buhok bago ako nahiga sa aking higaan.
Hanggang sa Nilamon na ako ng karimlan.