Nang Mabitawan ako ng lalaki sa pagkakahawak nito sa aking braso,
Tumakbo ako ng matulin palayo sa lalaki.
"Babae !! Bumalik ka dito Humanda ka talaga sa akin!!"
Narinig kong sigaw ng lalaki
Habang Galit itong sumisigaw.
"Animal na lalaking yun!
Siguro Siya ang nagdala sa aking sa hotel na yuN.
Bulong ko habang patuloy ako sa pag takbo.
Ang naaala ko kasi Habang nag iinom ako sa isang Bar. May kausap ako"
At ito Pa nga ang pinagbayad ko nang akin Ininom na Alak. pagkatapus Wala na akong maalala.
"Hindi kaya ang lalaking din Yun?
Ang kausap ko kagabi At siya rin Ang nagdala sa akin hotel?
"Pero bakit? Bulong ko.
Humanda talaga ang lalaking 'yun, sa akin.
Uubusin ko talaga, Ang wallet ng lalaking yun!.
May Araw ka rin Lalaking mahilig sa babaeng malalaki ang mata.
Tagaktak ang pawis ko
Habang patuloy pa rin ako sa aking pag takbo, baka Kasi maabutan pa ako ng lalaking 'yun!
Hanggang sa makarating ako ng sakayan ng Jeep Byaheng Sta Garcia
Wala akong paki alam kong amoy Maasim Na ako dahil sa aking pawis.
"Huwag nila akong sasabihin Na amoy pawis ako hay! Nako.
Nakiki amoy lang sila sa amoy ko.
Bulong ko.
"Manong Bayad ko po.
Sabay abot ko dito ng aking bayad.
Hanggang sa mapuno ang jeep na aking sinasakyan.
At paalis na ito upang umarangkada.
Lumaki ang mata ko ng makita ko ang lalaki bumaba sa sasakyan nito.
Kaya bigla kong tinabing ang buhok ko sa aking mukha.
At nakita kong palingon- lingon Ang lalaking humahabol sa akin.
At alam kong, ako Ang hinahanap ng lalaking 'yun.
"Boy Pwede ko bang mahiram ang Suot mong sumbrero?"
Kahit hindi pa sumasagot ang lalaki ay agad kong kinuha sa ulo nito ang suot nitong sumbrero at agad kong sinuot ang sumbrero sa aking ulo.
"Shiitt Naman ang lalaking ito bakit ba sinusundan niya pa ako"
Bulong ko Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ng nakaalis ang Jeep.
"Salamat Boy"
Sabay abot ko sa rito ang Sumbrero nito.
Ngunit tinignan lamang nito ang kanyang sumbrero Sa kamay ko.
Habang kunot ang noo nito.
"Boy may problema ba?"
"Sayo na yang Sumbrero ko baka mahawaan pa ako ng kuto"
Biglang naningkit ang mata ko sa sinabi ng batang lalaki.
At napansin kong Nagsitawanan ang mga pasahero.
"Boy Wala akong kuto Grapata ang merun ako"
Pang iinis ko sa teen ager na lalaki.
Nakita ko naman nagsalubong ang kilay nito.
"Yuck Kadiri ka lumayo ka nga sa akin baka mahawaan mo pa ako"
"Nako batukan ko kaya ang batang ito.
Kung hindi lang masamang pumatol sa bata nabatukan ko na ito.
"Ang Arte mo naman"
Saad ko sa lalaki sabay suot ko sa ulo nito ng kanyang sumbrero.
"Subukan mong Tanggalin yan bata.
At malalaman mo ang hinahanap mo Pananakot ko rito.
Napansin kong biglang natatamimi ito.
Gusto kong Humagalpak ng tawa habang Hindi maipinta ang mukha ng batang lalaki.
"Miss Bakit ganyan ang labi mo?"
Para kang hinalikan ng sampong lalaki.
Tanong ng isang Ginang.
Bigla akong napatapatapik sa aking noo ng maalala kong namamaga pala ang aking labi.
Kaya pala panay bungisngis ng mga Katabi kong pasahero.
"Ah ito ho ba?"
Turo ko sa aking labi.
"Nako Manang Hindi po Mga lalaki ang
kahalikan ko kundi sa Puwet ng Kalabaw"
pabiro kong sagot.
"Jusko kang bata ka Bakit mo ginawa yun?"
Nagtatakang tanong ni Manang.
Hindi ko na sinagot ang Matanda dahil pinahinto ko na ang jeep na aking sinasakyan dahil nasa Sta Gacia na ako.
"Manong Sa tabi lang po"
Mabilis akong bumaba ng huminto ang jeep
At mabilis akong pumasok sa looban at nag lakad ako ng matulin upang makarating agad ako sa aking bahay.
Baka makita nanaman ako ng makulit kong manliligaw.
agad kong pumasok sa loob ng aking bahay
Ng makarating ako.
At agad na akong nahiga sa aking higaan
gusto ko munang mag pahinga sa araw na ito.
Sa isang araw na lamang ako pupunta kay, Lola Tasha, upang kumustahin sila.
Pabaling- baling ako sa aking higaan dahil iniisip ko kong sino ang nag lagay ng Mga kiss mark sa aking leeg at sinong humalik sa akin at bakit nangapal ng ganito ang aking labi.
Buti na lang kanina walang nakapansin sa mga kiss mark, ko habang sakay ako ng jeep.
Bwesit kasing nilalang ang nag lagay sa akin ng ganito.
Malaman ko lang kong sino siya nako makakatikim ito sa akin ng mag-asawang sampal.
"Matawagan nga ang aking kaibigan si Pamela. Matagal ko na rin hindi ito nakakausap simula ng nakapag-Asawa ito ng isang Mafia.
kunuha ko ang aking cellphone sa aking bag at agad kong tinawagan, si Pamela, nakailang ring ito bago may sumagot sa kabilang linya.
"Hello My friend kumusta kana?"
wika ko ng sagotin, ni Pamela, ang tawag ko.
"Ayos lang naman ako Friend.
Bakit hindi ka na lang pumunta dito sa bahay para Makapag kwentuhan tayo ng maayos.
"Pasensya kana friend kong hindi kita madalas matawagan"
Wika ni Pamela. Sa kabilang linya.
"Sige po,ma'am Pamela. para makita ko naman ang aking inaanak.
Pagbibiro ko sa aking Kaibigan.
"Kailan ka pupunta dito sa bahay?"
Tanong ng kaibigan ko habang nasa tuno nito ang saya.
"Sa isang araw Friend dahil pagagalingin ko pa ang aking labing nangangapal.
"Huh! Bakit Anong nangyari Sa iyo?"
Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong ng aking kaibigan.
"Alam mo friend Kagabi nag punta ako ng Bar para mag saya sana,ng malasing na ako balak ko na sanang umuwi
Ngunit bigla na lamang akong nawalan ng malay, ayon pag gising ko nasa isang hotel na ako at isa pa friend ang nakakainis abay pinaglalagyan ako ng kiss mark ,sa aking leeg at aking labi naman Nangapal,
siguro sa kakahalik ng hayop ng nilalang na 'yun! Sa aking labi kaya nangapal ng ganito ang aking labi na para tuloy puwet ng manok
Buti na lang walang nangyari sa flower ko.
Mahabang litanya ko kay Pamela.
At narinig kong tawa ng tawa ang aking kaibigan ko sa kabilang linya.
"Sige pagtawanan mo ako mahal kong kaibigan.
"Natatawa lang kasi ako sa kwento mo
Sa susnod kasi Wag kang nag pupunta sa ganoon lugar tignan mo tuloy ang nanyari sa sayo"
"Honey, Sino ang kausap mo?"
narinig kong tanong ng asawa ni Pamela sa kabilang linya.
"Boyfriend ko Mr.
Sagot ng kaibigan kong pasaway sa asawa nito.
"Sabihin mo dyan sa boyfriend mo Maghanda na siya ng kabaong niya at ililibing ko siya ng buhay"
Natawa naman ako sa sinabi ng asawa ng aking kaibigan na si Carl Acosta.
Napaka swerti ng aking kaibigan dahil nakatagpo siya ng Isang lalaking mag mamahal sa kanya.
"Mr. si Jackie ang kausap ko
Kaya huwag kang masiyadong highblood Mr. pumapangit ka"
"Oh sige na Friend lambingin mo muna ang asawa mo sa isang araw na lang tayo magkita"
Paalam ko sa aking kaibigan bago ko pinatay ang aking cellphone.