Chapter 9 Pulubi.

1170 Words
Pag gising ko kinabukasan pupungas pungas akong bumangong sa aking higaan. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko yung multong manyakis kagabi totoo kaya yung nakita ko kagabi o isa lamang guni-guni? Ngayon araw ay sasabak nanaman ako sa pandurukot. At kong mamalasin pa andyan pa ang mga pulis na hahabol sayo" Sana mamaya andun yung lalaking lagi kong dinudukutan dahil tiba-tiba ako pag siya ang aking dinudukutan at hindi ko na kalangan pang maghanap ng iba pang bibiktimahin ko. Mabilis akong naligo upang maaga akong makakarating sa Restaurant kong saan ko lagi nakikita ang lalaki. Kung hindi ko man siya makita mamaya no Choice ako kung hindi maghanap ng ibang bibiktamahin ko. Sa labas na rin ako kakain upang hindi na ako magluto. Pagkatapus kong maligo. Agad akong nagbihis ng aking susuotin isang mahabang palda nasayad na sa lupa at tenernohan ko ng isa long sleeve na kulay itim. nasuot din ako ng isang wig na kulot na buhok na aakalain mong pinamumugaran ng kuto, nilagyan ko din ng kunting pampaitim ang aking mukha hanggang sa aking leeg na medyo labas, Naglagay din ako ng dalawang malalaking pekeng nunal sa magkabilaan kong kilay, nilagyan ko rin ng Kulay itim na lipstick ang aking labi. Hindi ko mapigilan tumawa ng malakas ng makita ko ang aking itsura sa harap ng salamin ang pangit ko naman dito parang pinasabugan ng kong ano ang aking mukha. Lumabas na ako ng aking bahay at tiniyak kong mabuti nakasarado ito ng mabuti bago ako umalis. Habang naglalakad ako palabas ng iskinita. Pinatitiginan agad ako ng mga kapit bahay kong tsismosa habang nagbubulungan pa ang mga ito habang nag susgal. Dahil nakakita sila ng bago nilang pag tsitsismisan bukod sa bagong mukha pangit pa. "Miss bago ka lang ba dito?" Tanong ng isang matabang babae Nang humarang ito sa aking dinaraanan. Ito ang nakakainis kung kailan ka nag nagmamadali tiyaka may mang iistorbo sayo, para lang may makuha silang pag tsitsismisan, Kakamot- kamot tuloy ako sa aking ulo. Lalagpasan ko na sana ito ngunit muling itong humarang sa aking dinaraanan. "Pangit tinatanong pakita kong bago ka lang dito?" "Gusto mong malaman kung bago lang ako dito?" Oo isa akong itim na mankukulam!" Na kapag na inis ginagawa kong Inahin baboy ang nang iistorbo sa akin!! Kaya kong ako sayo Tumabi ka sa aking dinaraanan kong ayaw mong gawin kita inahin baboy ramo!" Pananakot ko sa matabang babae habang pinanlalakihan ko ito ng mata. Nakita kong napalunok ang babae sa papanakot ko. At umalis ito sa akin dinaraanan nilapasan ko ito at pinag patuloy ko ang paglakad ngunit ramdam kong nakatitig ito sa akin likuran ng masama. "Bakit ba kasi maraming mga paki alamerong mga tao? Hindi na lang nila asikasuhin ang kanilang Mga anak na halos wala ng makain dahil inuuna lang nila ang pakikipag tsisamisan At sugal. Papara sana ako ng Jeep na aking masasakyan papuntang restaurant. Ng may papansin akong isang lalaking nasakay sa ducati na motor habang nakahinto sa Tapat ng Canteen nila Garry. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nakasuot ito ng helmet. "Sino kaya siya? At pakiramdam ko sa akin nakatingin ang sakay ng ducati Poseble kayang may pumansin sa akin kong ganito ang itsura ko, parang malabo yata. Makaalis na nga. Ng may paparating ulit na jeep ay agad ko itong pinara. Agad akong sumakay ng jeep nang huminto ito sa aking tapat. Pagkaupo ko pa lamang sa upuan ng jeep ay marami na agad matang nakatingin sa akin. At ngumiti ako sa harap nila at inilabas ko ang ngipin kong itim na itim. May gustong matawa sa aking itsura lalo na nilabas ko ang itim na itim kong ngipin Sabay ngiti ko. Manong bayad ko C.A retaurant po ako. Sabay abot ko ng bayad kay manong driver. "Miss Bawal dito ang pangit na katulad mo at marami ka pa yatang kuto! Kaya bumaba kana!" Sambit ng isang babae habang nakatingin ito sa akin ng masama. ngunit nginitian ko lang ito ng nakakaluko at talagang nilabas ko ang aking ngipin na maiitim. Nakita kong biglang sumimangot ang babae. "Hoy! ikaw Babaeng feeling maganda, mas lamang ka lang sa akin ng isang paligo kaya puwede ba wag kang masiyadong feeling eh mukha ka rin naman ulikba! Saad ko sa babae na lalo niyang kinasimangot. Nagsi tawanaman ang mga pasahero sa akin sinabi sa babae. "Manong baba na po ako pakitabi lang po saad ko kay manong. Pagkahinto ng jeep ay agad akong bumaba at nilakad ko na lamang kung saan ang restaurant dahil malapit lang naman ito sa akin pinagbabaan. Habang naglalakad ako nag iikot na ang aking paningin upang maghanap ng mabibiktima kong dukutan. Napangiti ako nang makita ko agad ang lalaki habang pababa ito ng kanyang sasakyan. Kinuha ko ang isang lata na aking nakita at mabilis akong lumapit sa lalaki. "Hi Mr. Handsome pwede bang, mamalimos sayo?" Wika ko habang inilapit ko sa mukha niya ang latang hawak ko. At sabay ngiti ko habang labas ang ngipin ko. Gusto kong humagalpak ng tawa ng Makita kong biglang nagsalubong ang kilay nito habang nakatitig ito sa aking ngipin na ma itim. "Sige na boss, kahit barya lang,maawa kana sa akin. Saad ko sa lalaki napansin kong napangisi ang lalaki. At binuksan niya ang sasakyan nito at may kinuha sa loob. At nakita kong kalahating sakong barya. "Oh Miss Pasensya kana yan lang ang barya ko" Wika ng lalaki sabay lagay nito sa aking kamay ang kalahating sakong barya. Halos mapaluhod ako sa bigat kaya binitawan ko ito sa ibaba. Nang buksan ko ang sako lumaki ang mata ko ng makita kong tig twenty five cents. Kaya napasimangot akong tumingin sa lalaki at nakita ko itong naka ngisi sa akin. "Hindi ko na tatanggapin 'yan barya mo baka pag binuhat ko pa yan lalo lang akong pumangit. Reklamo ko sa lalaki habang nakatulis ang aking nguso. Animal itong lalaking ito papagurin pa akong buhatin itong barya niya nako naman talaga sayang lang ang taglay nitong ka gwapuhan. "Pwede bang bigyan mo na lang ako ng Papel na pera?" Hirit ko pa sa lalaki. "Pasensya kana Ugly lady 'yan lang ang pera ko" Lumapit ako sa lalaki sabay hinawakan ko ito sa balikat at sabay Kindat ko sa kanya. Napansin kong nagsalubong ang kilay nito at bigla itong napalunok. Wag niyang sabihin na naaakit siya sa akin. kahit ganitong itsura ko, ibang klase talaga ang lalaking ito. Talaga yatang mahilig sa pangit na babae. Ang lalaking ito. bulong ko. Para akong nakaramdam ng kuryente nang magdikit ang aming katawan. Hindi ko na lamang pinansin ang naramdaman kong kuryenteng dumadaloy sa akin katawan basta.pinag patuloy ko na lamang ang pang aakit sa lalaki. "Sige na Mr. Handsome Palimos na kahit Twenty five thousand lang gusto ko lang kasing mag paganda pumapangit na kasi ako" "Miss alam mo wala ka nang pag asang gumanda pa. Sa itsura mong yan!" Saad nito sabay tawa nito ng malakas Kaya bigla akong napasimangot. "Sampigahin ko ya ang lalaking ito" Inis kong bulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD