Inayos kong maigi ang mga gamit ko. Iyong walang mababakas na anumang kalat sa kwarto niya. Iyong mga bag ay inilagay ko na lang sa ilalim ng kama niya para hindi makaistorbo. Doon sa malaki niyang closet ay binigyan niya ko ng space para sa mga damit ko. Nahihiya nga ako dahil siniksik niya iyong ilang damit niya sa isang parte para sa akin. Kinapalan ko na ang mukha ko at lagi kong iniisip na hindi man ito magtatagal. Limang buwan lang. Buhat nang dumating kami rito ay nag-iba ang awra ni Sir Matt. Mabigat tuloy ang pakiramdam ko sa kanya. Para siyang may ayaw o naiinis. Hindi kaya sa akin? Napaupo ako sa gilid ng kama hawak ang damit na pantulog ko. Hinihinintay ko kasi siyang lumabas ng banyo nang makapagpalit na rin ako at makaligo. Pinaglalaruan ko ang daliri ko nang bumukas ang pin