Binaba ko ang sense sa ibabaw ng plato at binalikan ang binabasa kong libro. May long quiz kami sa martes sa dalawang subject ko kaya inagahan ko ang pagr-review. Atleast kapag ganito maaaring mag-refresh na lang ako ilang oras bago ang naturang quiz. Binaba ko ulit ang libro at kinuha ang sense para tingnan ang niluluto kong Empanada. Isa ito sa mga itinuro sa akin ni Nanay. Masarap na at madali pang gawin. Kung minsan ay naaakit din ako sa paggawa ng tinapay. Kaya lang wala naman kaming oven para rito. “That’s smell good.” Napalingon ako nang marinig ang baritonong boses ni Matt. Alangan akong ngumiti sa kanya. Tiningnan niya ang mesang may nakabukas na libro ko at saka lumapit malapit sa kalan. Pinanood niya saglit ang pag-ahon ko sa nalutong empanada. “Anong tawag diyan?” Curious niy