Napayuko dahil sa walang humpay na agos ng aking luha. Pakiramdam ko ang landi-landi ko na at nagpadala ako sa kakaibang init ng katawan naming dalawa. Kaya nagkakagulo ngayon sa mansyon ng mga De Silva.
“Ano po-bakit po kailangan magpakasal sila ng apo ko Sir Johann? Anong nangyayari?” Malumanay ngunit puno ng kuryosidad na tanong ni Lola. Kahit ako ay naguguluhan at kinakabahan.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan kong mahigpit ang kamay ko sa aking kandungan. Nahihiya ako kay Lola. Parang ako pa ang sisira sa magandang reputasyon niya sa pamilya De Silva.
“Jahcia..” Narinig kong tawag sa akin ni Ate Manilyn. Ngunit hindi ko maangat ang ulo ko sa hiya.
“Manang, ‘wag kayong mag-alala dahil sisiguruduhin ko po sa inyo na aakuin ng magaling kong pinsan ang responsibilidad kay Jahcia. Ang mabuti pa ay pagpahingahin natin muna si Jahcia.”
Naramdaman kong tiningnan nila akong lahat ngunit hindi pa rin ako tumitinag. Hinaplos ni Ma’am Aaliyah ang aking balikat.
“Magpahinga ka muna, Jahcia. Kami nang bahala.” Mahinhin niyang sabi.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa kanyang banayad na boses. Iyon bang kahit ang bigat ng dalahin ko ay napapagaan niya. Tumango ako bilang sagot. Hindi na ko nalapitan pa ni Lola dahil inakbayan na siya ni Sir Johann. Nakayuko ako ng isa-isa silang lumabas ng silid. Tumahimik ang loob ng kwarto. Hindi ako sigurado kung makakatulog ako sa kahihiyan na nagawa ngayong gabi. Sa akin pang kaarawan.
“Jahcia..” Napaangat ako sa baritonong boses na tumawag sa akin. Si Sir Matteo! Akala ko ay lumabas na silang lahat. Hindi ko napansin na naiwan pala siya sa loob. Sarado din ang pinto. Pinagmamasdan niya ako. Kumalabog na naman ang dibdib ko. Para kasing kanina pa niya ko pinagmamasdan. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Ang kanyang malalim na mga mata ay nakatitig lang sa akin na parang binabasa ako. Ang kanyang mga kamay ay nasasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. Gumalaw siya at humakbang papalapit sa akin. Napalunok ako. Huminto siya sa harap ko at umupo para magpantay ang aming mukha.
Naaamoy ko pa rin ang samyo ng alak. Pero sa tingin ko ay nawala ang espiritu nito sa kanyang katawan. Tinitigan niya ko ulit. Ngunit wala namang lumabas sa aking labi. Nahihiya ako.
“Natatakot ka ba?” Aniya.
Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Parang mas gusto ang pinakita niya sa akin kanina. Pero sa sitwasyon namin ngayon, nagsisisi ba siya o kakampi ko siya?
Natatakot? Ang lakas ng sipa ang puso ko dahil nasa harapan ko siya at nakatunghay sa akin. Dahan-dahan akong tumango. Ngayon, pakiramdam ko siya ang mas nakakaintindi sa akin. Dahil siya ang kasama ko. Lumunok siya at binasa ang kanyang labi. Bumuntong hininga din siya.
“Huwag kang mag-alala. Akong bahala sa’yo. Kasalanan ko naman itong lahat. I shouldn’t, I shouldn’t done that. You’re so innocent, damn it!” Para siyang nagpipigil ng inis.
“Pero Sir Matteo may kasalanan din naman po ako. Hindi lang kayo. Dapat ay magpaliwanag din ako kay kay Sir Johann at kay Lola.”
“Nagsisisi ka?”
Natigilan ako at napaisip. Nagsisisi nga ba ako? Oo. Pero saang parte? Doon ba sa pinunasan ko siya o doon sa halik niyang nagpabaliw sa akin? Hindi ako sigurado. Ilang sandali akong hindi makasagot at tinitigan niya lang ako.
“Okay, I get it. About the wedding..”
Natahimik na ko nang tuluyan kahit na gusto kong magsalita pero naligaw ako dahil sa binanggit niyang kasal.
“Sasabihin ko po kina Lola na hindi na kailangan pang magpakasal at aksidente lang po ang nangyari kanina.”
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. “Hindi aksidente ‘yon.”
Tumahip ang kaba sa aking dibdib. Ramdam ko na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Inaalala ko na mapipilitan siyang magpakasal kami dahil lang doon. Ayokong masira ang nagsisimula palang naming pagkakaibigan. Kumirot ang dibdib ko.
“Walang aksidente roon, Jahcia. Lasing ako, oo. Pero alam ko ang ginagawa ko. Ikaw, hindi ka naman lasing. Sa tingin mo aksidente iyon? Walang babaeng nabubuntis dahil sa aksidente lang.” Inis niyang litanya.
Napahiya ako. Nag-init ang mukha ko. Buntis? Kung hindi ba kami nahulit kanina at iniisip niyang maaari niya akong mabuntis?
Tumayo siya at umupo sa tabi ko. “Magpapakasal tayo bukas. Alas-tres ng hapon. Huwag mo nang alalahanin ang isusuot mo, ako ng bahala. Sa lahat. Ako na rin ang magpapaliwanag sa Lola mo. Everything will be alright.”
“Pero--”
“It will only last for five months.”
Napatingin ako sa kanya. “Po?”
“Our marriage will only last for five months. After that, we will file for a annulment.”
Napaawang ang aking labi. Bakit ganyan siya?
“I know your too young for this. I’m sorry if I drag you here. I’ll make sure everything will fall on their right places. I know your worried about your freedom. You will have it. Pero sa ngayon, para maibsan ang sitwasyon at para hindi mag-alala ang lahat. We will give them an assurance. That’s for you.”
Tumayo na siya.
“Take a rest now. See you on our wedding.” Pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng kwarto nang hindi ako nililingon.
Natulala ako. Five months marriage with Matteo De Silva. Parang gusto kong tumawa pero nadadaig ang kirot sa aking dibdib. Masyado akong umasa? Hinidi ba naman ako para seryosohin ‘di ba? Apo ng katulong at bata pa. Ni minsan ay hindi ko sila mapapantayan.
“JAHCIA, handa ka na ba?”
Inaayos ni Ate Manilyn ang aking buhok habang nasa loob ng magarang sasakyan ng mga De Silva. May hawak akong puting mga rosas at nakasuot ng puting bestida. Tulala ako at walang sigla mula pa noong gumising ako. Hindi ko na nga alam kung anong oras ako natulog. Nasasaktan ako at naiinis. Pero gagawin ko na lang ito para hindi masaktan sina Lola. Ipapaliwanag ko pa ito kina Tatay sa Laguna.
“Uy, Jahcia! Bakit ‘di ka nagsasalita? Sa sobrang excitement ba ‘yan? Sabagay, hindi kita masisisi. Ikaw ba naman ang magiging De Silva sinong hindi matutulala! Gurl, magiging reyna ka na!”
Nilingon ko siya. “Ate Manilyn, huwag ko na kaya ituloy ‘to? Pwede pa kong umatras ‘di ba?”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Napawi rin ang kanyang ngiti. Mabuti na lang at bumaba na si Kuya Jojo. “Hoy! Ano ka ba? Oportunidad ‘to tapos tatakbuhan mo? Magiging Mrs. Matteo De Silva ka na ineng! ‘Wag kang ganyan. Maraming gustong pumalit sa pwesto mo, ikaw rin.”
Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit. “Wala namang nangyari sa amin, ate Manilyn. Nakita lang kami ni Sir Johann na..naghahalikan. Gano’n..” Medyo nahiya ako sa hulitng sinabi ko.
“Jahcia, ang mahalaga rito ay ginalang ni Sir Matteo si Manang at ikaw. Hindi porke’t walang nagyari sa inyo ay wala lang ‘yon. Sa tingin ko gentleman lang si Sir!”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Baka hindi pa hulit ang lahat. Pwede pang itama. Bakit ba ngayon ko lang naisip ito? Hindi naman niya nakuha ang pagkabirhen ko bakit kami magpapakasal? At saka baka naiinis siya sa akin dahil mawawala ang pagiging malaya niya kapag nagpakasal siya. Binaba ko ang bulaklak at bumaba ng sasakyan. Nasa tapat na kami ng munisipyo.
“Jahcia! Bumalik ka rito!” Sigaw ni Ate Manilyn.
Tiningnan ko ang paligid. May mga ilang ding sasakyan ang nakaparada. Saan nga ba ako pupunta? Hindi ko alam. Pero malalaking hakbang ang ginawa ko para makalabas sa bakuran ng munisipyo. Sa kabilang kalsada ay may sakayan ng jeep. Babalik ako sa mansyon tapos ay mag-eempake ng damit ko at uuwi ako ng Laguna—pero lahat ng pinaplano ko ay nawala nang may humaklit sa aking baywang. Halos mawalan ako ng balanse sa estrangherong humatak sa akin. Napasubsob ako sa matigas at malapad na dibdib. Ganoon na lang ang gulat ko ng mapagsino ang humaklit sa akin. “S-Sir Matteo..” Kumalabog ang dibdib ko.
“Where are you going?” Mariin niyang tanong sa akin.
Lalo akong kinakabahan sa itsura niya at sa tono ng boses niya. Salubong ang mga kilay niya at mariin na magkalapat ang labi. Humigpit pa ang hawak niya sa aking baywang. Napaawang ang aking labi.
“Jahcia--” Napalingon ako kay Ate Manilyn na ngayon parang tinakasan ng kulay sa mukha nang makita si Sir Matteo.
Ilang saglit pa ay lumuwag ang hawak niya sa akin at kinuha ang aking kamay. Hinyatak niya ko papasok sa munisipyo. Sumunod sa amin si Ate Manilyn. Nanghina ako sa titig niya at nagpaubaya sa hatak niya. Kanina ay determinado akong umalis. Pero nang nakita ko siya, nalusaw ako at natakot.
KINASAL kami sa huwes. Saksi sina Sir Johann, Ma’am Aaliyah, Ate Manilyn at Lola. Pagkatapos magkapirmahan ay hinawakan mulit ni Sir Matteo ang aking kamay at hindi na binitawan pa. Pero hindi na ko iniimik. Magkakasabay kaming lumabas ng munisipyo. Nang malapit na sa sasakyan ay lumapit sa akin si Ma’am Aaliyah na nakangiti.
“Congratulations, Jahcia!” Niyakap niya ko pero hindi pa rin bumibitiw sa akin si Sir Matteo.
“S-salamat po, Ma’am Aaliyah.”
“Ate na lang! Asawa ka na ni Matteo kaya parte ka na ng pamilya.” Nakangiti niyang sabi sa akin.
Medyo nahiya naman ako sa kanya. Ang ganda niya kasi at mukhang mahal na mahal siya ni Sir Johann. Sa paninitig, pagtingin at paghawak kay Ma’am Aaliyah halatang ayaw siyang mawala sa paningin niya.
“Sige po, Ate..” Nakangiti kong sabi.
Lumapit si Sir Johann kay Ate Aaliyah at hinawakan sa baywang nito. “Let’s go, love.” Sabi niya rito. Nilingon niya ako at nginitian. Nilingon din niya si Sir Matteo. “Sa amin sasakay sina Manang?” Tanong niya.
Kumunot ang noo ko. E bakit?
“Yup. Thanks. Alis na kami.”
Tumango si Sir Johann at hinatak na si Ate Aaliyah. Sina Lola at ate Manilyn ay nakita kong sumakay sa sasakyan ni Sir Johann. Pati si Kuya Jojo ay nandoon din.
“Let’s go.” Hinatak niya ko at pinagbuksan ng pinto sa harapan. Pagkaupo ko at inayos din niya ang aking seatbelt. Hindi ako nakagalaw at hindi huminga nang lumapit siya sa akin. Tumama pa ng bahagya ang ilang hibla ng buhok niya sa mukha ko. Napalunok. Nang matapos ay tiningnan niya ko.
“You’re locked in here.” Bulong niya halos.
Ilang segundo niya kong tinitigan at pagkatapos ay sinarado ang pinto. Parang may karera na sa dibdib ko at nagkakagulo sila!
Umikot siya at sumakay sa driver’s seat. Napalingon ako sa paligid. Wala na bang ibang sasakay? “Wala bang sasabay sa’tin, Sir Matteo?”
Inayos niya ang seatbelt niya at tiningnan ako. “Wala.”
Napaawang ang labi ko. Bakit hindi sumabay sa amin sina Lola?
“Hindi natin sila kailangan sa pupuntahan natin, Jahcia”
“Po?”
Tiningnan niya akong maigi. “Can you stop calling me like that?”
“Po?”
Bahagya siyang tumawa. Nagtaka ako. “Huwag mo na kong i-po dahil mag-asawa na tayo.”
Ah. Okay. “Sige p- sige ho, Sir Matteo--”
“What?!”
Kumunot ang noo ko. Bakit?
“Jahcia, from now on, ‘Wag mo kong i-po, i-ho at i-Sir. Just Matteo. Or much better Matt.” Aniya.
Inintindi kong maigi ang sinabi niya. Siguro sa una ay naninibago ako. Pero kagustuhan naman niya e. Kaya tumango-tango na lang ako.
“Say it?” Bahagya siyang yumuko at hinanap ang mata ko.
“Huh?”
“Say it.”
Bumilis pa ng bumilis ang pintig ng puso ko. Kapag ganyang tinitingnan niya ko, bumubuhos ng init sa mukha ko. “M-matt.”
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Don’t worry. Magsasanay ka rin. Katulad kung paano ako sa iyo.” Aniya. Binuksan na niya ang makina at nagsimulang magmaneho. Ilang saglit pa ay bigla siyang nagsalita.
“Jahcia Fia De Silva.”
Nilingon ko siya. Tiningnan niya ko saglit. “Jahcia Fia De Silva. Cute right?” Ngumisi siya.