Hindi ko tuloy malaman ang mararamdaman dahil tanging tunog ng aircon ang maririnig sa loob ng sasakyan ni Sir Matteo. Humigpit ang hawak ko sa mga libro ko sa aking kandungan. Ang bilis pa ng t***k ng puso ko. Minsan ko ring kinurot-kurot ang daliri ko dahil sa hindi kong maipaliwanag na kaba. Nangangawit na nga ang leeg kong nakapirming nakadungaw sa bintana. Hanggang sa narinig kong tumikhim si Sir Matteo.
“Jahcia..” Mababa at baritono niyang tawag sa akin.
“P-po?” Talagang nanginig pa ang boses ko. Gusto ko tuloy ipikit ang mata ko dahil doon. Nangunot ang noo niya. Nawala na rin ang kanina ay salubong niyang kilay.
“Pakikuha ‘yong paper bag sa likod.”
Nilingon ang backseat. Andoon nga ang sinasabi niyang paper bag at inabot ko. “Ito po..”
Sinulyapan niya ko saglit. “That’s yours. Happy birthday, Jahcia.”
Napatitig ako sa kanya at napaawang ang labi. Totoo?
“Po?”
Bahagya siyang ngumuso at pinaikot ang manubela.
“Anong po? Sa’yo yan. Regalo ko sa’yo. ‘Di ba at birthday mo ngayon?”
Tumahip ang kaba sa aking dibdib. Alam ni Sir Matteo na birthday ko ngayon? “O-opo. Kaya lang nakakahiya po at nag-abala pa po kayo ng regalo.”
Bahagya siyang tumawa. Kakaiba ang dating ng tawa niyang iyon. At ngayon lang ako nakarinig ng ganoong tawa na parang nakakaakit.
“I don’t accept a ‘No’ for an answer. At saka, it’s just a gift. You deserve it. Buksan mo na.”
Bigla akong nakaramdam ng saya at pananabik. Wala naman sigurong masama kung tangggapin ko ito. At isa pa, kaarawan ko ngayon. Ang regalong ito ang ituturing kong pinakaespesyal sa lahat na nyatanggap ko. “Salamat po, Sir Matteo.” Magalang na sabi ko. Nakita ko lang ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. Tiningnan ko sa aking kandungan ang paper bag. Binuksan ko iyon at tiningnan ang loob. Hindi ko naman maisip kung ano ang laman nito. Inilabas ko ang kahon at gano’n na lang ang laki ng mga mata ko nang matanto ko ang iniregalo niya sa akin. Isang brand new cellphone! Samsung ang nakasulat na tatak nito. Nilingon ko agad si Sir Matteo na tahimik na nagmamaneho.
“Sir Matteo, parang ang mahal naman po ng regalo ninyo. Baka kasi--”
“Seriously? Hindi mo ba gusto?”
“Naku hindi naman po sa ganoon! Ang ganda-ganda nga po nito at saka hindi pa po ako nakakahawak ng ganito. Kaya lang po kasi masyado po itong mahal.”
Bahagya siyang tumawa. “Akala ko kung ano na. Jahcia don’t mind about the price. I’m working at wala lang talaga ‘yan. Huwag ka lang mao-offend pero..maliit na amount lang ‘yan sa akin. Don’t worry too much. Mas matutuwa ako kung mae-enjoy mo iyan. At isa pa, college girl ka na. Magagamit mo ‘yan.”
Sabagay. Pero may kaunti pa ring hiya akong nararamdaman. Wow sa kung wow naman kasi ang regalo ni Sir Matteo. Cellphone agad! Binalik ko na ulit ang kahon sa paper bag. “Salamat po, Sir Matteo.”
“Naka-save na nga pala ang number ko diyan. Meron na rin akong number mo. Just in case na may kailanganin ka o nina Manang. I’m just one text away.” Aniya.
“O-okay po.” Parang tambol na sa pagtalon ng puso ko. Talagang may naka-save ng numero niya sa cellphone na iyon! Para tuloy nangati ang kamay ko at gusto ko nang kalikutin ang iniregalo niya.
Dumaan pa kami sa isang supermarket bago umuwi sa mansyon. Bumili si Sir Matteo ng alak. Pagkatapos at bumili rin kami ng cake na ako pa ang pinapili niya kung anong flavor ang gusto ko. Balak pa nga niyang bumili at mag-order sa isang restaurant pero pinigilan ko na. Nakakahiya na at saka sinabi kong nagluto ng pansit si Lola.
Pagdating sa mansyon at pinatawag lahat ni Sir Matteo ang mga tauhan at kami nina Lola, Ate Manilyn at Ate Fatima. Kasabay ni Sir Matteo ay nagsalo-salo kami sa hapunan. Medyo may handa dahil higit pa pala sa pansit ang niluto nina Lola. Dahil birthday ko ay tampulan ako ng usapan sa hapagkainan. Nahihiya na nga ako dahil palaging nakatingin sa akin si Sir Matteo. Baka kung ano pa ang lumabas sa bibig nina Lola.
Pagkatapos ng masaganang hapunan at lumipat kami sa gazebo para mag-inuman. Sina Sir Matteo at mga ilang tauhan ang kainuman niya. Bukod sa hindi ako umiinom ay nauna pang pagbawalan ako ni Sir Matteo kaysa Lola.
Nagsandok ako ng sisig at nilagang mani sa plato. Nagluto rin si Lola ng tempura. Inilagay ko iyon sa tray para dalhin sa gazebo. Kasabay ko si Ate Manilyn na may bitbit na mga slice cake.
“Ang taray ang birthday mo, Jah ah! Treat ni Sir Matteo!” Bulong niya sa akin habang palabas kami ng bahay.
“Nakakahiya nga e. Pakiramdam ko sobra-sobra na ang nagastos ni Sir.”
Paglabas pa lang ng bahay ay tanaw na agad ang gazebo. At nang makita akong paparating ni Sir Matteo ay tumuwid ito ng upo at pinanood ako. Napalunok ako at nanginig ang mga kamay ko. Kapag tinitingnan niya kasi ako, tumatahip ang kaba sa dibdib ko.
“Ano ka! Barya lang ‘yan kay Sir no! Hindi pa nga ‘yan bonggang-bongga! Si Sir Johann nga e, sinagot pa ang pampa-ospital ko no’ng nanganak ako. Ito pa kayang simpleng party mo.” Bulong niya ulit.
Pero dahil nananatili pa ang mga mata sa akin ni Sir Matteo ay hindi na ko nakasagot pa. Pagdating namin sa gazebo na bahagya silang tumahimik at tumunghay sa aming dala.
“O Jahcia, debut mo pala. Sayang wala kang eighteen roses?” Tanong ng family driver na si Kuya Jojo. Ngumiti ako sa kanya habang nilalapag ang mga pulutan nila. Sa gilid ko ay nakita kong sumandal sa likuran si Sir Matteo at pirmes na pinapanood ako.
“Okay lang po ‘yon. Hindi naman kailangan ng magarbong handa.”
Iniusod ko ang ilang bote na wala ng laman para magkaespasyo ang dala naming pagkain.
“Nako! Edi pwede ka na palang magka-boyfriend? Nasa legal age ka na e.” Sabi naman ni Kuya Lemuel.
Napatingin ako sa kanya at bahagyang uminit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Ngumiti na lang ako sa sobrang kaba at napatingin kay Sir Matteo na ngayon ay nakatitig na pala sa kanyang baso. Mukhang biglang naging seryoso ang itsura niya.
Nagpatuloy sila sa pag-inom habang tagahatid lang kami ng pagkain nila. Nanatili kami sa kusina nina Ate Manilyn at Ate Fatima at pinapapak ang nilagang mani habang nagkukwentuhan. Hindi namin namalayan ang oras at lumalim na ang gabi. Ilang saglit pa ay pumasok sa loob ng bahay sina Kuya Jojo at Kuya Lemuel, akay-akay si Sir Matteo. Napatayo at nagmamadali akong nilapitan sila. Tiningnan ko si Sir Matteo na lumapaypay ang ulo.
“Nalasing si Sir. Ang daming nainom, nagkasarapan sa kwentuhan e.” Sabi ni Kuya JoJo.
“Hatid na namin sa kwarto niya. Baka bukas na makauwi ito sa bahay niya.” Dugtong ni Kuya Lemuel. Tumango ako at sinamahan sila paakyat sa silid ni Sir Matteo. Inayos ko ang kama niya para makahiga siya ng maayos. Inilapag siya nina Kuya Jojo sa kama.
“Hindi ko alam na malakas pala sa inuman si Sir. Ginawang tubig e. O sige Jahcia, ikaw na bahala.” Sabi ni Kuya Lemuel.
Napatingin ako sa kanya. Nangunot ang noo ko. Pero ni hindi nila ako hinayaang sumagot dahil lumabas na sila ng silid. Siguro ay may mga tama na rin sila. Nilingon ko ulit si Sir Matteo na tulog na tulog. Ang kanyang isang braso ay malayang nakahilata sa kama. Napanguso ako, bakit naman siya uminom ng marami?
Tinungo ko ang kanyang drawer at kumuha ng puting bimpo. Pumunta ako sa banyo niya para banlawan ito. Naalala ko na tuwing nalalasing si Tatay ay pinupunasan siya ng basang bimpo ni Nanay habang panay ang dakdak nito sa kanya. Hindi naman siya pinapakinggan ni Tatay. Binuksan ko na rin ang aircon ng kwarto bago dahan-dahan na umupo sa gilid ng kama. Amoy na amoy ko ang samyo ng alak kay Sir Matteo. Napangiwi ako. Pero nang ididikit ko na ang bimpo sa kanyang gwapong mukha ay nag-alangan ako. Nagdadalawang-isip na nga ko e. Kung si Lola na lang kaya ang gumawa nito? Lumunok muna ako bago ko tuluyang idampi sa kanyang mukha ang bimpo. Nandito na rin lang ako kaya ginawa ko na.
Marahan ko lang pinunas ito sa kanyang mukha. Gusto ko lang makasigurong maginhawaan siya. Mayamaya pa ay gumalaw si Sir Matteo. Napatigil ako. Nag-aalala ako at baka magising ko siya. Bahagyang dumilat ang mga mata niya. Kumalabog ang dibdib ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hala! Nagising ko pa yata.
“Ahh..” Tanging nasambit ko nang tuluyan na siyang dumilat at deretsong tiningnan ako. Mapupungay ang mga mata niya at parang antok na antok pa.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. Naiwan naman sa ere ang kamay kong may hawak na bimpo. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Para akong nahulitng may ginagawang kalokohan. Ibaba ko na lang kamay ko at kumilos na lumabas na lang. Halos mapatalon ako nang hawakan ni Sir Matteo ang palapulsuhan ko ng mahigpit. Hindi ko pa siya halos natitingnan nang maayos at hinatak niya ko ulit. Sa gulat ko ay nawalan ako ng balanse at napadagan sa kanya. Sa kanyang ibabaw! Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa dibdib ko. Ang mga mukha namin ay ilang pulgada na lang ang layo at ang matinding amoy ng alak mula sa kanya ay mas lalo kong nasamyo.
“S-Sir Matteo!”
Ang isang kamay ko ay hawak niya samantalang ang isa ay nalagay ko sa gilid lamang ng mukha niya. Tinitigan niya ko. Tumindi pa lalo ang kalabog sa dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin. Basta ang maliwanag sa akin ay masyado kaming malapit sa isa’t-isa.
Tumaas ang isang kamay niya at malayang hinaplos ang aking pisngi. Marahan at parang ingat na ingat. Hindi pa rin siya nagsasalita. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Napalunok ako. May kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag at nawawalan ako ng lakas. Hanggang sa bumangon siya at ako naman ang kinakubawan niya. Ramdam ko ang bigat niya sa aking ibabaw. Batid ko rin ang bahagyang paghilis ng bestida dahil sa paggalaw ng hita niya.
“S-Sir Matt--” Hinalikan niya ko! Nanlaki ang mga mata ko sa paglapat ng kanyang labi. Nabitawan ko ang bimpo sa aking kamay. Mainit at nalasahan ko ang mapait na alak sa kanyang labi. Ang kanyang ilong ay tumatama sa aking pisngi. Sa gulat ko ay halos hindi na ko nakagalaw pa.
No’ng una ay nakalapat lamang ang labi niya sa akin. Hanggang sa dahan-dahan niya itong ginalaw at hinagod ang aking labi. Bahagya pa niyang sinipsip ang ibang labi ko. Para akong nanigas sa kinaroroonan ko at pinirmes lang ang sariling labi. Tumigil siya at tiningnan ako. Mapupungay pa rin ang kanyang mga mata at parang nakikiusap.
“Open your lips, please?” Bulong niya.
Para akong lasing at napatango sa kanya. Damang-dama ko ang kakaibang karanasan na binigay niya sa akin. At aaminin kong nagustuhan ko iyon. Bahagya kong binuka ang aking labi. Ginilid niya ang kanyang mukha at mulitng bumaba para halikan akong mulit. Mas iba kaysa kanina. Pinapasok niya ang aking bibig. Nangungunot ang noo ko dahil iniisip ko pa kung ano ang gumagalaw sa loob ng bibig ko. Pero unti-unti lang akong nalalasing at pinikit ang aking mga mata. Sinundan ko ang ginagawa niya. Hinagod ko rin ang labi ko sa labi niya. Napamura siya. Huminto ako.
“Ituloy mo lang.” Bulong niya ulit. Mulit kaming naghalikan. Bahagya siyang bumilis sa paghalik. Para bang nawalan ng timpi at lumalim ang halik niya sa akin. Inayos niya ang pagkadagan niya sa akin. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking dibdib. Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at pumuwesto roon.
Napapagod na ang labi ko. Pakiramdam ko ay namamaga na sa kakahalik niya.
Bumaba ang labi niya sa aking pisngi at panga. Lumipat pa sa aking leeg habang dinadama ang aking dalawang dibdib. Kakaibang init na talaga ang nararamdaman ko. Ganoon din ang nadadama ko sa kanyang balat.
Ngunit bumaba pa ang halik niya sa ibabaw ng aking dibdib. Napatingin ako dito. At napaawang ang labi ko sa tanawin na naabutan ko. Masyado na talaga akong naiinitan. Pero napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas.
“f**k!” Bulalas ni Sir Matteo. Itinago niya ko ng kanyang katawan at nilingon ang pumasok. “Don’t you know how to knock first, Johann!” Sigaw niya.
Nag-init bigla ang mukha ko sa naabutan nilang eksena sa amin. At si Sir Johann pa ang nakakita!
Hindi ko siya nakikita dahil sa nakaharang at nakadagan pa sa akin si Sir Matteo. Tumikhim si Sir Johann.
“Or maybe you should learn how to lock your door first, Matt--Jahcia?”
Humarap sa akin si Sir Matteo at mariing pumikit. “Bwisit!”
Gumalaw siya para tumayo at tinakpan ako ng kumot. Ngunit halos mapasigaw ako ng bigla siyang hatakin ni Sir Johann at inundayan ng suntok sa mukha.
“Johann!” Sigaw ng magandang babae na kasama pala ni Sir Johann. Lumapit siya dito at niyakap sa baywang.
Napaupo ako at takot na tiningnan si Sir Matteo na nakahandusay sa sahig, hawak ang kanyang labi.
“What did you do? Pati ba naman ang apo ni Manang, Matt? Halos kapamilya na natin sila! Gago!” Dinuro at sinigawan niya si Sir Matteo.
Dahan-dahang umupo si Sir Matteo na parang hindi nasaktan. Ngumisi pa siya. “What’s your point? She’s in legal age now! At hindi ko siya pinilit!” Galit niyang sagot.
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Walang bakas ng pagsisisi sa kanyang sagot. Batid kong may katotohanan iyon. Kasalanan ko rin at nagpaubaya ako sa init ng katawan. Pero masakit pala kapag wala na ang init.
Napatda ako nang sugurin siya ni Sir Johann at kinuwelyohan pyatayo si Sir Matteo. Galit na galit si Sir Johann. Nakaramdam ako ng takot sa kanya.
“Damn you! She’s too young! Don’t you get it? How could a man like you feel lust over a teenager girl huh? Iba siya sa mga tipo mong babae!”
Natulala na ko. Natatakot at nahihiya. Ano bang pumasok sa isip ko at bakit ko ito hinayaan? Nilapitan ako ng babaeng kasama niya at hinawakan ang braso ko. Nginitian niya ko. “Halika na. Lumabas muna tayo.” Mahinahon niyang sabi sa akin.
Dala ng kabiglaan ay nagpaubaya ako. Sumama ako sa kanya palabas. Nasa labas na ko nang lumingon ako pabalik sa loob. Hawak pa rin ni Sir Johann si Sir Matteo. Ngunit si Sir Matteo at matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Pero walang bakas ang takot doon. Nawala lang siya sa paningin ko nang tuluyan ng nagsara ang pinto. Dinala ako ng magandang babae sa ibang silid. Pinaupo niya ko sa kama.
“Are you okay?” Mahinhin niyang tanong.
Tiningnan ko siya at tumango na lang.
“Are you nervous?”
Kumakabog ang dibdib ko. Marahil ay sa takot. Tumango ako.
Nginitian niya ko na parang pinapagaan ang damdamin ko. Hinawakan niya ang mga pisngi ko.
“Don’t worry. Maaayos din ang lahat. Napakabata mo pa para maranasan ang mga ito.”
Umiling ako. “Hindi po. May kasalanan din po ako. Hindi lang po si Sir Matteo ang dapat sisihin. Ako rin po, n-nagpaubaya rin po ako.” Nanginig ang boses ko at nanlabo ang mga mata ko. Alam kong dapat din akong sisihin. Hindi lang si Sir Matteo. Pareho kaming nagpadala sa init ng katawan at isa pa, nakainom siya.
Umupo siya sa tabi ko at pinatitigan ako. “Mas matanda si Matteo sa iyo kaya mas may responsibilidad siya rito. Mas alam niya ang ginagawa niya. Napakainosente mo pa.” Mahinahon niyang sabi.
Tumulo ang luha ko. Wala rin ang maisip na paliwanag. Iyon lang naman ang alam ko. Kasalanan ko rin. Bumukas ang pinto ay inulawa no’n sina Lola at ate Manilyn. Nag-aalalang lumapit sa akin si Lola.
“Jahcia anong nagyari? Bakit may sigawan kaming narinig?” Nilingon niya ang magandang babae. “Ma’am Aaliyah, ano pong nangyari sa apo ko?”
Hindi na nakasagot pa si Ma’am Aaliyah dahil mulitng bumukas ang pinto. Pumasok si Sir Johann at kasunod niya sa kanyang likuran si Sir Matteo na bakas pang dugo sa gilid ng kanyang labi. Tiningnan kaming lahat ni Sir Johann. Madilim ang kanyang mukha at gumagalaw ang kanyang panga. Pumuwesto sa tabi ng pader si Sir Matteo at sumandal. Pinupunasan niya ang gilid ng kanyang labi.
“Manang, pasensya na ho kayo. But everything will be alright now. Matteo will marry Jahcia, tomorrow.”
Narinig ko ang pagsinghap ni Ate Manilyn. Si Lola naman ay napatingin sa akin na nagtyatanong ang mga mata. Tuluyang umagos ang luha ko. Tiningnan ako ni Sir Matteo at natigil sa kanyang ginagawa.