Pagkagising ko ng alas-singko ng umaga ay agad akong naligo at nagbihis. Inayos ko rin ang kama ko bago lumabas. Mas maagang nagigising sa akin sina Lola at Ate Manilyn araw-araw. Sabi ko naman sa kanila ay pwede rin akong gumising mas maaga pero ayaw nila. Napupuyat daw ako dahil sa may eskwela pa ko. Lumabas ako ng silid namin at dumeretso sa kusina. Agad bumalot ang lamig sa balat ko. Tahimik na tahimik pa ang paligid. Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko agad sina Lola. Malaking ngiti ang sinalubong nila sa akin.
“Happy birthday, Jahcia!!” Masayang bati sa akin ni Ate Manilyn.
“Happy birthday, apo!”
Napangiti ako sa paunang pagbati nila. Medyo nagulat pa ko dahil ko naman inaasahan ito. May hinanda pa silang hotcake na punong-puno ng chocolate syrup. May sprinkles pa iyon sa ibabaw.
“Salamat po. Ang agang sorpresa naman po nito. Pero salamat po!”
“Wow! Debut mo ngayon ‘di ba, Jah? Ang tarush oh! Dalagang-dalaga na siya! ‘di ba, Manang?”
“Oo. Pero masyado pa ring bata ang apo ko.” Lumapit sa akin si Lola at inakbayan ako. “Pag-aaral muna ha, apo. Magtatapos ka muna bago ang nobyo-nobyo na ‘yan.”
Ngumuso naman si Ate Manilyn na kinatawa ko. “Ay! Ang KJ naman ng Lola mo, Jah! May bawal-bawal pa! Pero sigurado ako, maraming umaaligid diyan sa campus! Aba, ang ganda-ganda kaya ng apo mo, Manang! Parang ka-level ng beauty ni Ma’am Aaliyah!” Buningisngis pa siya kaya mas lalo akong natawa. Pero hindi ko pa naman nakikita iyong Ma’am Aaliyah na tinutukoy niya.
“Alam mo Manilyn, may tiwala ako sa apo kong ito. Mas prayoridad niya ang pag-aaral bago ang pag-ibig. Dahil darating din ang tamang oras para riyan.”
Ngumuso na naman si Ate Manilyn. “Kailan naman ang tamang oras na ‘yan Manang? ‘Pag napag-iwanan na si Jahcia ng biyahe? Susme, lugmok na bataan niyan!”
Pabirong kinurot naman ni Lola sa tagiliran si Ate Manilyn. “Ikaw Manilyn! Naparumi ng bibig mo!”
Hinaplos naman niya ang kanyang tagiliran. “Ito naman Manang hindi na mabiro! Peace tayo!” Sabay tawa. “Kailan nga darating ‘yang tamang oras na iyan Manang?”
Tumawa muna si Lola bago ako tingnan. “Darating ang oras na ‘yon sa araw na hindi mo inaasahan. Kaya ‘wag kayong maiinip.”
ALAS-KUATRO ng hapon ang labas ko sa university. Kinokopya ko lang ang ilang lessons mula sa white board dahil kakaalis lang ng Professor namin. Ang ilang classmate ko ay nagsialisan na at ang ilan ay nagdadaldalan na lang. Minamadali ko na ang pagsusulat para makauwi agad. Maglilinis pa ko ng hardin.
“Happy 18th birthday.”
Napahinto ako sa pagsusulat nang may tumabi sa akin at..binati ako? Naabutan ko ang classmate ko na si Mike. Nakatingin at nakangiti sa akin. Na-awkward naman ako. Hindi kami close e. Pero sa akin talaga siya nakatingin. “H-ha?” Mas ngumiti pa siya lalo kaya lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.
“Happy birthday sa’yo! Debut mo ngayon ‘di ba? Pwede bang umattend sa party mo?” Magiliw niyang sabi.
“S-salamat. Pero..paano mo nalaman ang birthday ko? ‘Di naman kita kilala.”
Hinawakan niya ang dibdib niya. “Ouch! Ang sakit naman no’n, Jahcia Fia Llanes.” Ngumiwi pa ang mukha niya na akala mo’y may masakit talaga.
At alam niya pa ang buong pangalan ko! Ano siya?
“O bago ka mag-react ng nakakatakot, magpapakilala muna ako sa’yo nang maayos. Ehem! I’m Mike Angelo Alano. Upcoming 2nd year na ko this June. Pwera na lang kung makakapasa ako ngayong summer classes ko. Back subjects ko kasi ‘to e. Pero malamang makapasa na ko kasi may dahilan na kong pumasok araw-araw..” Nanatili ang tingin niya sa akin.
Medyo naasiwa ako sa titig niya. Hindi ako kumportable sa atensyon niya. Lalo pa’t may ilang classmates ko na parang pinapanood kami. Tumango na lang ako at tinapos na ang ginagawa ko. Wala sana ako balak na pansinin pa siya pero inakbayan pa niya ang likuran ng upuan ako at dinungaw ang notes ko. Kinabahan ako at nainis dahil sa sobrang closeness na ginawa niya. Napreskuhan ako.
“Pwede ba ko pumunta sa party mo Fia?” Mahinang tanong niya.
Bumuntong hininga ako at iniligpit na ang gamit ko. Buti na lang at kaunti na lang ang natira sa board. Hanapin ko na lang iyon sa library o internet kaysa naman makadikit ang isang ito. Mukha mayaman at mayabang. Kung makadikit sa babae knowing na hindi pa kami masyadong magkilala e, ang creepy na. What if kung friends pa kami. Pero wala akong balak makipagkaibigan sa kanya.
“O aalis ka na?” Nakatingala siya sa akin.
Sinukbit ko na ang bag ko at niyakap ang libro ko. “Kailangan ko ng umuwi.”
“Teka--”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at naglakad na palabas ng room. Pero bahagya akong nagulat nang hawakan niya ang braso ko.
“Sandali lang Fia!”
“Ano ba?” Hindi ko na naiwasang mainis. Tinaas naman niya ang dalawang kamay bilang pang-surrender.
“Woah! O..kay. Sorry kong medyo na-offend ka sa kinilos ko. I just wanna make friends with you that’s all! Look, alam kong nainibago ka dahil sa freshman ka. Pero gusto lang talaga kitang makilala, Fia.” Naging mahinahon ang boses niya.
Tinawag niya ako sa second name ko. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganoon. Ayoko namang maging rude sa kanya. Kahit na presko siya. Kung kaibigan lang ang habol niya, okay lang naman.
Bumuntong hininga ako. “Lilinawin ko lang Mr. Alano, hindi ako tulad ng babae na iniisip mo. Hindi ako mayaman at hindi taga-maynila. Sinagot ng amo ng Lola ko ang tuition fee ko rito at tumutulong ako sa kanya. In short, katulong ako. Hindi dapat ako ang kinakaibigan mo dahil hindi tayo magka-level sa buhay. Kaya please lang, ‘wag ako.” Tinalikuran ko na siya ulit. Dahil nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha niya nang sinabi ko iyon. Expected ko na rin kaya tinalikuran ko na lang siya.
“Ang bitter mo naman sa buhay, Fia. Ano ngayon kung hindi ka mayaman at hindi taga-maynila? Ano ngayon kung ang amo ng Lola mo ang nagbabayad ng pangtuition mo? At ano ngayon kung katulong ka? I don’t care, Fia. I just want to be your friend.”
Napahinto ako at nilingon siya. Nginitian niya ako pero hindi na nakalitaw ang ngipin niya. Nakaramdam naman ako ng kaunting pagsisisi sa sinabi ko. Ako pa yata ang lumabas na mapangmata. Ako pa na walang maipagmamalaki.
Nilapitan niya ako at inilapit sa akin ang kamay niya. “So, friends?”
Tiningnan ko ang kamay niya. Kung tutuusin siya ang unang nakipag-usap sa akin nang ganito. Unang kaibigan kung sakali. At alam kong gusto ko rin ng kaibigan dito dahil palagi akong mag-isa. Kaya lang palagi kong naiisip ang estado nila sa akin. Pero, kinuha ko ang kamay niya.
“Ayos! Hatid na kita.” Hindi iyon patanong kundi pahayag.
Umiling agad ako at naglakad na palabas ng university. Sinabayan naman niya ko. “H-huwag na. Okay lang ako. Wala ka na bang klase?” Bahagya ko siyang nginitian.
“Wala na. Pauwi na rin naman ako kaya hatid na kita. Saan ka ba?”
Ngumuso ako. Nagji-jeep lang naman talaga ako pauwi. Pero kung sasabay ako sa kanya ngayon, makakatipid ako ng pamasahe. Dalawang sakay kasi ako. E kaya lang, kakakilala ko pa lang sa kanya baka maging abusado naman ako. Malapit na kami sa front gate nang huminto ako at hinarap siya. “H’wag ka nang mag-abala. Kaya kong umuwi mag-isa.”
Napakamot naman siya sa batok niya. “Bakit? May susundo ba sa’yo?”
“Naku wala--”
“Jahcia.”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses na tumawag sa akin. At agad sumipa ang puso ko nang matanawan ko sa labas ng gate si Sir Matteo. Nakatayo siya sa gilid ng itim niyang sasakyan. Ang mga estudyante na nasa labas ng gate ay nakatingin sa kanya. Ang iba naman ay sinisipat ang magara niyang sasakyan. Pero anong ginagawa niya dito?
Napaawang ang labi ko. “S-Sir Matt..”
“Sino ‘yan? ‘Yan ba ang amo niyo?” Dinig kong tanong ni Mike.
Kahit kinakabahan ako ramdam ko pa ring iyong saya dahil nandito ngayon si Sir Matteo. “Pinsan niya ‘yong amo namin ni Lola--”
“Jahcia come here.” Utos niya.
Nilingon ko siya saglit at saka tiningnan ulit si Mike para magpaalam. Ayokong paghintayin si Sir Matteo nakakahiya. “Sige Mike, Alis na kami.”
Pahakbang na ko nang hawakan niya ko sa brako ko para pigilan. “Pwede ko bang kunin ang number mo, Fia?”
“Ha? Wala akong cellphone e. Pasensya--” Hinila na ako palabas ng gate ni Sir Matteo. Kaya naiwang nakatanaw na lang si Mike. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero namumuti na ang wrist ko sa higpit ng hawak niya. Malalaki pa ang hakbang niya kaya para na kong tumatakbo sa hakbang niya. Dinala niya ako sa tapat ng passenger seat at pinagbukas ng pinto.
“Sakay.” Mariin niyang utos.
Hindi na ko sumagot pa at sumakay na. Naninibago ako sa pinapakita ngayong ugali ni Sir Matteo. Pinanood ko siyang umikot sa kabilang side. At doon ko nakita kung gaano kadilim ang mukha niya. Salubong ang kilay at mariin ang pagkakalapat ng labi. Bago sumakay ay tumingin pa siya ng isang beses sa gate.
“Fasten your seatbelt.” Utos niya.
Nanginginig akong sinunod siya. Pinaandar niya ang sasakyan, walang nagsasalita sa amin. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Hindi ko siya nililingon. Kinakabahan ako. Nalulunod pa ko sa mabangong amoy ng sasakyan niya.
“Sino ‘yon?”
Doon ko lang siya nilingon. “S-sino po?” Deretso naman ang tingin niya sa kalsada.
“Yung kasama mo kanina. ‘Yung..’yung humawak sa’yo.” Parang hirap siyang magsalita. Dahil siguro sa mainit ang ulo niya.
“Classmate ko po.”
Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Batid kong mariin iyon dahil sa pamumuti ng kamay niya. Tiningnan ko ang mukha niya. Salubong ang mga kilay. Nakakatakot ang awra niya. Para siyang galit o inis. May nagawa ba akong mali? Ngayon ko pa lang nasilayan ng ganito si Sir Matteo. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang tinitingnan ko siya. Nalulungkot ako kasi galit siya.