13 years ago.
“Matteo simulan ngayon ay dito ka na titira sa mansyon.”
Nakaakbay sa balikat ko si Don Rafael De Silva. Ang sabi niya siya ay raw ang tunay kong Tatay. KaMamatay lang ni Mama at ni minsan ay hindi niya pinakilala sa akin kung sino ang ama ko. Wala rin naman akong pakielam dahil hindi ko siya hinahanap. Bakit pa? Sa loob ng labing-anim na taon ay hindi siya nagpakita sa amin ni Mama. Nakilala ko lang siya noong pumunta siya sa burol niya. At ang sabi niya ay kukupkupin niya ako at titira kasama ang asawa at dalawang anak paniya. Ang sabi ng Don ay may Ate ako at mas bata sa aking kapatid na lalake.
Pumasok kami sa loob ng sinasabi niyang mansyon. Maganda nga rito! Ang lalaki ng mga paso nila. Siguro mahal iyon? Kung ibebenta ko ‘yon sa palengke malaki ang kikitain ko do’n.
“Darling..”
Napatingin ako sa itaas nang makita ang isang may edad na babae na bumababa sa malapad na hagdanan. Akala mo reyna kung bumaba. Pero mukha ngang reyna! Ang daming perlas sa leeg niya at magara ang kasuotan niya. At iyong mukha niya puro may kulay. Akala mo may sagalang dadaluhan. Iyon ba ang pang araw-araw niyang itsura? Ang Mama ko kasi tuwing aalis kami o tuwing magsisimba lang kami siya naglalagay ng makeup sa mga mata at labi niya. Tinitipid niya pa iyon para hindi agad maubos dahil mahal daw iyon. Pero itong Donyang ito siguro maraming pambili, halos ubusin niya na sa mukha niya e.
Lumapit si Don Rafael sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Tiningnan nila ako.
“Siya na ba si Matteo, Darling?”
“Siya na nga, Olivia. Siya ang anak kong tinago sa akin ni Amelia.”
Tipid na nginitian ako ng Donya. Si Donya Olivia Alfonso - De Silva. Pero tumaas ang isang kilay habang tinitingnan ako.
“Kamusta ka Matteo? Kinalulungkot ko ang nangyari sa’yong ina. Pero huwag kang mag-alala welcome ka sa aming pamilya. Lalo pa’t ikaw ay may dugong De Silva.”
Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Mataray pero malamyos ang tinig niya. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot sa kanya dahil kung tutuusin mas nakakyatakot pa iyong mga tambay sa lugar namin.
NAGING maayos ang trato sa akin ng pamilya ng ama ko. Hindi naman nila ako pinapansin. Binibigyan lang nila ako ng pera at kahit na anong pangangailangan ko sa eskwela. Madalas hindi ko sila nakakasalamuha. Sa gabi lang kami nagkakasabay sa pagkain pero madalang naman.
Si Ate Rachel matanda sa akin ng tatlong taon. Graduating na siya sa college. Hindi naman niya rin ako pinapansin. Kapag may gusto akong tanungin tungkol sa assignment ko dahil parehas kami ng kurso ay nilalayasan lang ako. Para siyang nandidiri sa akin.
Si Rixor naman ay mas bata sa akin ng isang taon. Halos magkaedad lang kami. Kinakausap niya ko minsan. Lalo na tuwing may iuutos siya. Uutusan niya kong ikuha siya ng juice, tubig, meryenda o gamit niya. Mas matanda ako sa kanya pero ang tawag niya sa akin ay ‘boy’. Hinayaan ko na lang dahil baka kapag pinatulan ko ay umabot pa kay Donya Olivia. Mukha pa namang mabagsik iyon. Huwag lang nila akong kanain dahil laking tondo ako ay patulan ko sila.
Tiniis ko ang malamig na trato nila sa akin. Kahit ramdam ko na hindi nila ako gusto maliban sa Tatay ko ay binalewala ko na lang. Makyatapos lang ako ng pag-aaral ay lalayas na ko sa lintik na bahay nila. Isaksak nila sa ngala-ngala nila ang mansyon nila.
Sa isang family event ng mga De Silva ay nakilala ko ang magkapatid na pinsan ko na sina Johann at Reynald De Silva. Sa buong angkan ng pamilyang ito ay tanging silang dalawa lang ang pumansin sa akin. Pati ang maganda nilang Mama ay mabait din sa akin. Si Tita Angeles. Buti pa siya ay parang Mama ko na matipid lang mag-makeup pero lutang pa rin ang ganda niya, mabait pa.
Hindi na ko nakaramdam ng pangungulitla dahil kina Johann at Reynald. Ang turing nila sa akin ay kabarkada, kaibigan at kapatid. Sana sila na lang nga ang naging kapatid ko imbes na iyong dalawang damuho na iyon.
“JAHCIA pagkatapos mong maghugas ng mga plato, pakidiligan mo na iyong mga halaman sa labas.” Nilingon ko si Lola na nag-aayos ng mga dadalhin sa bahay ni Sir Reynald. Hihiramin kasi nila si Lola pansamantala. Lumipat na kasi si Sir Reynald sa bahay na pinagawa niya. Mag-aasawa na siguro. Iyon din kasi ang hula nina Lola. Hindi naman pala-kausap si Sir Reynald dahil tahimik lang ito at walang kibo kapag nakikita ko. Pero alam kong mabait siya. Siya kasi ang sumagot sa pag-aaral ko. Ini-enroll pa ko sa isang private school. Kahit sabi ni Lola na sa simpleng kolehiyo lang ay okay na pero si Sir Reynald pa rin ang nasunod. Nagpapasalamat na rin ako at ganoon kalaki ang puso nila sa aming mga kasambahay nila. Hindi pala lahat ng mayayaman ay matapobre at madamot.
Pagkyatapos kong maghugas ng plato ay lumabas na ko para diligan ang mga halaman sa garden. Unang kita ko pa lang sa hardin nila ay nagandahan na ko. May mga makukulay na bulaklak, luntian na damuhan at meron pang duyan na gawa lamang sa kahoy. Sa paningin ko pa lang ay nakakaginhawa na. Lalo pa siguro kung magpapahinga ka rito. Ang Mama raw nina Sir Reynald ang nagdisenyo ng kanilang hardin kaya alagang-alaga raw ito ng magkapatid. Ito daw kasi ang nagsisilbing naiwang alaala ng kanilang yumaong ina
Nag-focus akong maigi para diligan ang mga halaman. Kung minsan ay nangingiti ako kapag natitigan ko ang mga bulaklak dito. Ang gaganda kasi at dito naaalala ko iyong mga inaalagaan kong halaman sa Laguna. Pero hindi bulaklak kundi mga gulay.
Napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ako ng mga boses. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng black suit at puro bigote ang balbas ang mukha. Kahawig siya ni Sir Reynald, marahil ay ito si Sir Johann. Hindi ko pa kasi siya nakikita mula nang dumating ako dito no’ng isang bwan. Ang sabi nila ay masungit daw ito at parang pasan ang mundo. Pero kahit ganoon ay hindi maikakailang may taglay pa rin itong kagwapuhan kahit may balbas siya. Mukha siyang disiplinadong tao. Naglakad siya patungo sa gazebo habang may kausap sa cellphone niya. Hindi niya ako napapansin. Pero nanatili akong nakatingin dahil nakita kong kasunod pala niya si Sir Matteo.
Nakatingin siya sa akin habang nakasunod kay Sir Johann patungong gazebo. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Crush ko kasi siya. Nakapamulsa siya habang naglalakad. Nakasuot siya ng itim na longsleeve polo na nakatupi hanggang siko niya. Nginitian niya ko. Tapos ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. Ewan ko pero, tuwing ngingitian niya ko ay may bumubundol sa dibdib ko. Siya yata ang pinakamatindi kong naging crush. Noong high school kasi ako ay kinikilig lang ako kapag nakikita ko ang crush ko. Pero kay Sir Matteo, may dagundong sa dibdib ko tuwing ngingitian niya ko. Tapos parang mamumutok ang magkabila kong pisngi sa init. Kapag kakausapin pa niya ko ay parang may lumilipad sa tiyan ko na kung ano. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko kapag nasa paligid lang siya. Kapag naman wala siya ay pinagdarasal ko pa na sana ay dumalaw siya sa mansyon.
Malaki ang agwat ng edad namin. Nalaman kong twenty-nine na pala siya. Ako magdidiseotso pa lang at ilang araw na lang iyon mula ngayon. Malabo yatang mapansin niya rin ako. Nalulungkot ako at naiiyak kapag naiisip ko ang kaibahan ng edad at estado namin sa buhay. Ang unfair ng love life kapag masyado kayong magkalayo ng kinyatatayuan. Siya kasi ay nasa patag, ako naman ay nasa putikan. Sino ba ang gustong bumaba at maputikan ‘di ba? Maghahanap ka rin ng mga kauri mo. Kaya ang sekretong nararamdaman kay Sir Matteo ay mananatiling nasa putikan na lang habangbuhay.
Tipid ko na lang siyang nginitian at pinagpatuloy ang pagdidilig ko. Naririnig ko ang pag-uusap nila pero hindi malinaw ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na lang pinansin at nagtrabaho na lang. Pagkatapos ko rito ay pwede ko munang asikasuhin ang mga kakailanganin ko sa pagpasok ko sa university. Ini-enroll kasi ako ni Sir Reynald ng summer subjects para raw makahabol ako. Magbabakasyon na kasi kaya summer classes ako muna. Pag-iigihan ko talaga ang pag-aaral ko para hindi masayang ang binabayad nila para sa akin.
Pagkatapos kong magdilig ay nagwalis ako at pinupulot ang mga natuyong dahon at damo. Sobrang na-attach na nga yata ako sa hardin nila kaya talagang inaalagaan ko rin ito nang maigi kahit na may sarili silang hardinero. Hindi ko alam kung gaano ako katagal ako naglinis sa hardin pero pawis na pawis na ako. Pagkatabi ko ng walis at dustpan ay nagpagpag ako ng mga kamay at damit ko. Pinunasan ko ng braso ang tumulong pawis sa noo ko nang napagawi ako sa gazebo. Pero naestatwa ako. Wala na roon si Sir Johann at naiwan na lang si Sir Matteo. Medyo malayo na ko sa gazebo pero nakita kong nakatayo roon si Sir Matteo. Nakapamulsa siya at nakatitig sa akin. Hindi kumukurap ang mga mata at seryoso ang mukha.
Anong pang ginagawa niya roon mag-isa? May kailangan ba siya sa akin? Kasabay ng samu’t-saring katanungan sa isipan ko ay ang bilis ng t***k ng puso ko! Nahahatak ako sa uri ng paninitig niya. Para bang hinihila ang mga mata ko at hindi magawang bumitaw. Nakakalusaw at nakakakilig. At parang mas may-higit pa roon. Pero bakit gano’n. Bakit parang may kalungkutan akong nakikita sa kanyang mga mata? Kahit sa malayo ay nararamdaman ko. Para bang ang lungkot niya..