Chapter 3

1356 Words
Hinatid ako ni Manong Hernan sa Condominium na tinutuluyan daw ni Sir Matteo De Silva. Sabi kasi ni Lola kailangan ng tagalinis ngayon doon e, sakto namang day-off nung mga regular na naglilinis dito. Maganda nga ito parang sideline kasi dagdag kita rin. Ni-park ni Manong Hernan ang sasakyan. “O Jasa dito na tayo sa Condo ni Sir Matt.” Sabi niya. Napahaba naman ang nguso ko sa narinig ko. “Manong Jahcia po. Jah-cia, Jahcia.” Napakamot naman siya sa ulo niya at nangingiti. “Oo na sige na. Ang hirap kasi bago sa pandinig ko ang pangalan mo. Jahjah na lang nabubuhol ang dila ko.” “Ay ewan ko po sa inyo, manong! Sige po bababa na po ako!” Masayang sabi ko sa kanya. “O alam mo na ba kung floor at unit number ni Sir?” “Syempre naman po! Ako pa ba?! 25th, floor Unit 2514 si Sir Matteo De Silva! Okay na po ba?” Nginitian niya ako. “Tumpak! Saka si Sir na nga pala ang maghahatid sa’yo sa pabalik sa Mansyon ha. O sige na, larga na!” “Sige po. Ingat!” Bumaba na ko at saka tumuloy sa entrance ng building. Nang nilingon ko ulit si Manong Hernan ay nakaalis na ito. Madali akong pinapasok sa building dahil siguro nasabihan na sila ni Sir Matteo. Namangha ako sa condo na ‘to. grabe ang ganda ang sosyal ng lapag nagkikislapan pati iyong nakasabit na chandelier sa itaas mukhang mga kumikinang na dyamante! Paglapit ko sa elevator nalito pa ako kung saan ako sasakay. Apat kasi e, pinindot ko ang arrow-up sa magkabilangang mga elevator. May kasabay din naman akong sasakay. Nang may bumukas na ay nagmadali akong pumasok sa loob. Agad kong pinindot ang number 25th. Iyong kasabay ko pumindot din. Medyo nahilo pa ako dahil sa pagkandar ng elevator. Ito kasi ang unang tapak ko rito tapos ang taas pa ng aakyyatan ko. Pabukas bukas dahil may sumasakay. 25th Floor. “Thank you po at nakarating din.” Usal ko sa sarili ko. Nagpalinga linga ako at hinanap ang Unit 2514--at bongga! Nahanap ko kaagad! Tumikhim muna ako bago tuluyang kumatok. Medyo nilapit ko ang tainga ko sa pinto kung may papalapit ng yabag ng tao. Kaya lang wala. Uulitin ko sana nang biglang bumukas ang pinto at saktong nakyataas ang kamao ko. Sa gulat ko at nang makita ko ang gwapong mukha ni Sir Matteo ay binaba ko agad ito at alangin na ngumiti. “Ma-magandang umaga po Sir Matteo! Ako po si Jahcia, iyong pinadala po ni Lola mula sa Mansyon na maglilinis po rito.” magalang kong sabi. Tinitigan niya ko at ngumisi. “I know. Pasok ka na.” Niluwagan niya ang pinto para makapasok ako. Pumasok ako sa loob. Maganda at malaki pala ang condo niya. White at brown lang nakikita kong kulay sa pader niya. Magaganda ang mga muwebles pero, makalat nga. May mga lyata ng beer o soft drinks at ilang damit. Gamit na ba iyon? “Simulan mo muna sa kwarto ko. Mas makalat doon e.” Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Kaya nilingon ko siya. “Sige po, Sir Matteo.” Nagpaalam na lang ako at hinanap ang kwarto niya. Hindi naman ako nahirapan dahil nakabukas ang pinto kaya nakita ko ang napakalaki niyang kama na may magugulong kumot at unan. Lukot-lukot at may mga damit pa sa ibabaw. Bumuntong hininga na lang ako at saka sinimulan ang paglilinis. Grabe sa kalat. Iyon bang parang ang tamad-tamad ilagay sa laundry basket itong mga pinaghubarang damit. Pero kung wala naman ito malamang wala akong tatrabahuhin. Nagpalit ako ng kobre kama at punda ng unan. Tulad sa labas ay maganda rin dito sa kwarto. Pangmayaman talaga. Paiwasan akong nyatapos sa paglilinis. Lumabas ako sa sala para linisin na rin. “Ang bilis mo ah.” Halos mapaigtad ako nang bigla siyang magsalita sa kung saan. Nang nilingon ko si Sir Matteo ay nakita kong nakasandal ang gilid ng braso niya sa pader at ang mga kamay nasa magkabilang bulsa ng itim niyang pantalon. Halos mapanganga ako sa pagkakyatayo niya. Grabe sobrang gwapo niya! Kahit simpleng V-neck shirt lang ang suot niya nadadala ng itsura niya. “Ah..h-hindi naman po. Sanay lang.” Nahihiya kong sabi. Kinakabahan na tumatalon ang puso ko pagtinitingnan niya ko. Umangat ang gilid ng labi niya at saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Para makaiwas sa pagkailang ay pinagpatuloy ko ang paglilinis at pagliligpit sa mga gamit niya. “Ilang taon ka na?” Nilingon ko siya saglit. “Seventeen po.” Magalang kong sagot. “Kailan birthday mo?” “March pa po.” “Two months from now. What date?” “Nineteenth po.” Hindi na siya sumagot. Sa tingin ko naman ay mabait siyang tao. Kahit na sabi ni Lola ay marami raw siyang naging nobya. Sa itsura niyang iyan? Talagang maraming magkakagusto sa kanya. “Not bad..” Mahina niyang sabi. Paglingon ko sa kanya ay tinalikuran niya na ako. Hindi ko tuloy maisip kung para saan iyong ‘not bad’ niya. Sa paglilinis ko ba? Palagi ko itong ginagawa kahit sa Laguna kaya alam kong walang kalat o alikabok ang magmimintis. MATAPOS ang paglilinis ko ay si Sir Matteo nga ang naghatid sa akin pabalik sa mansyon. Ang bango-bango sa loob ng sasakyan niya at ang lamig. Though malamig din naman at mabango iyong unang sasakyan kanina pero iyong kanya nakakahalimuyak at ang sarap sa ilong. Dumaan muna kami sa mall at bumili si Sir Matteo ng Pizza at Ice cream. Pasalubong daw kina Manang. Wow! Ang galante ang sweet ni Sir Matteo. Pang-boyfriend material. Kung magkaka-boyfriend na ko sana iyong katulad niya. Pagdating sa bahay ay naki-bonding pa siya sa amin. Wala si Sir Reynald kaya kami-kami ang nagsalo sa dala. Minsan ay pinagMamasdan ko siya tuwing susubo ng pizza, tuwing magsasalita at tuwing tyatawa o ngingiti. Tumatalon ang puso ko kapag ako naman ang kinakausap niya. Mas matindi pa sa naramdaman ko no’ng nakita ako ng crush kong si Nathaniel sa school. Iyong inaabangan ko siyang dadaan sa classroom namin. Crush ko na ba si Sir Matteo? Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang pumailanlan ang mga kyatagang iyon. Crush ko na siya! Tumayo ako mula sa lamensa at dali-daling pumunta sa kusina para makahinga. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Para akong tumakbo sa bilis ng tambol ng puso ko. Binaba ko ang baso at pilit na pinapakalma ang aking sarili. “Ayos ka lang ba?” “Sir!” Sa gulat ko ay iyon agad ang nasambit ko. Naglakad siya papalapit sa akin at pinatitigan ako sa mukha. “Are you okay, Jahcia?” Gusto ko iyon! Iyong binanggit niya ang pangalan ko. Pak na pak sa pandinig ko at sa pakiramdam. Tumango ako. “Opo Sir. Okay lang po. Nagulat lang..” Tumaas ang kilay niya at parang hindi naniniwala. “You look tensed? Are you sure you’re okay?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. At sunod-sunod na tumango. Nakakakaba lalo. “Okay lang po. Okay na okay. Ganito lang po talaga ako minsan!” Ngumisi siya. “Okay. By the way ano’ng oras ang balik ng pinsan ko?” Napanguso ako at napaisip. “Hmm..hindi po ako sigurado e. Minsan po kasi ‘pag umaalis siya kinabukasan na siya nakakauwi. Sabi ni Lola baka raw sa glass house iyon nagpapagabi.” Hindi siya agad nakasagot. Tiningnan niya lang ako. Nakita ko pang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kaya naman hindi sinasadyang binasa ko ito. Pero parang wrong move. Nagsalubong kasi ang kilay niya at dumilim ang mukha niya. “Thanks.” Iyon lang at tumalikod niya. Naglakad na siya papaalis at sabay kuha ng phone niya sa kanyang bulsa. “Hello. Patricia are you free tonight?” Iyon lang ang narinig kong sagot niya sa kausap. Ewan ko pero nalungkot ako. Ano bang malay ko kung anong gagawin nila. Matatanda na sila. Kaya lang talagang nalulungkot ako e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD