BREAKING OFF
MARDE NICHOLAS LOPEZ
Marde's staring at his laptop for a while now. Wala naman siyang ginagawa, ang totoo'y tapos niya nang kausapin sa telepono si Cane at nai-send niya na rito ang mga impormasyong hinihingi at kailangan nito tungkol sa kaibigan ni Eunice na si Jucia Bartolome. He heaved a deep sigh, he is just torn between creating a social media account or staying a private person. Nangalumbaba siya at tumitig lang sa screen, he stalked Eunice multiple times already using someone's sss account that he actually hack but it doesn't seem to satisfy him. Are you saying his creepy? Yes he is creepy, maging siya ay nangingilabot sa ginagawa niyang pag-stalk sa dalagang hindi na maalis sa isip niya.
"Kuya," tawag ni Hexelian na kakalabas lang mula sa kwarto ng kanilang lola, nakauwi na sila dahil ayon sa doktor nito ay bumuti na ang pakiramdam ng matanda. Walang ie-explore na isla o pupuntahang bansa ang kanyang kapatid kaya nagpaiwan din ito kasama niya at nagpresintang aalagaan ang kanilang lola kapag wala siya at may inaasikasong mga importanteng bagay.
"Tulog na siya," imporma nito nang makalapit kaya naman agad niyang isinara ang laptop bago ito tumabi sa kanya.
"Ininom naman ba niya ang gamot niya?" tanong niya upang kunin ang atensyon nito mula sa laptop na kasasara niya lamang. Hexelian is looking at it suspiciously and he knows he's thinking of something else.
"Yes she did," tugon nito na nag-angat ng tingin sa kanya, nakahinga siya nang maluwag dahil bukod sa nawala na ang atensyon nito sa gadget sa harap niya ay napainom na rin nito ng gamot ang kanilang lola. Their lola is so hard-headed especially in taking medicines at tanging si Hexelian lang ang nakakapilit ditong uminom ng gamot, kaya kailangan pa nilang tumawag sa kapatid kapag wala ito para lang kausapin ang kanilang lola at pilitin itong uminom ng gamot.
"I know she did. Ikaw lang naman ang nakakapilit doon," natatawang pahayag niya na ikinatawa rin ng kapatid.
"Kuya, sa tingin mo, kailan kaya ulit tayo mabubuo?" tanong nito nang humupa ang tawanan, bakas sa boses nito ang pag-asam. Sa totoo lang, hindi niya kayang sagutin ang tanong nito. Hindi rin kasi siya sigurado kung anong isasagot. Ayaw niya itong umasa at sa kabilang banda ay ayaw niya rin itong magalit sa mga magulang nila gaya niya. Hexelian didn't get the chance to see their mom's face dahil sanggol pa lang ito nang iwan sila ng ina.
"You mean the four of us? Together with Maddux and Hera? Hera's going home next month and Maddux I--" hindi pa man niya tapos ang sasabihin ay pinutol na iyon ng kapatid.
"That's not what I meant. I mean with mom and dad, and not only the four of us together," sambit nito na ramdam niya ang lungkot sa tinig. Natahimik siya, hindi sigurado kung anong isasagot o sasabihin kaya pinili niya na lang ibahin ang usapan.
"Hexelian, if you text a girl a pick-up line and she didn't respond, what does it mean? Does it mean she don't like it or does it mean she likes it but can't reply because she's kinikilig?" he asked. Hexelian had a girlfriend before whom he courted unlike him he doesn't court anybody or did cheesy things for anybody except right now for Eunice. Ito ang unang beses na nag-open siya sa isa sa mga kapatid at mukhang effective naman dahil agad itong lumingon sa kanya na mukhang interesado sa narinig.
"Who's the lucky girl?" Hexelian asked while smiling from ear to ear, nawala na ang malungkot na expresyon nito kanina.
"Her name's Eunice Haze Valeriano and I sent her a text message last night containing a pick-up line, but she didn't respond," paliwanag niya na sa hindi malamang dahilan ay ikinalungkot ng boses niya. He's becoming more and more vulnerable each time passing by kaya kailangan niya na agad malaman kung ano ang totoong nararamdaman niya para rito dahil baka hindi niya na makilala ang sarili kapag tumagal pa.
"Did you seriously send her a pick-up line?" hindi makapaniwalang tanong ng kapatid bago niya abutin ang cellphone na nakapatong sa mesa saka buksan iyon gamit ang password na sa pangalan ni Eunice niya ibinase at ipakita rito ang tinext niya sa dalaga. Malakas na humalakhak ang kapatid, halos gumulong na ito sa sahig sa katatawa nang mabasa ang tinext niya sa dalaga at tumigil lang ito nang batukan niya.
"That hurts," sambit nito saka hinimas ang batok.
"That's what you get for laughing your ass off," inis na sabi niya saka muling inambahan ito.
"Kuya are you seriously, genuinely making a move on someone?" tanong nito na nagtataas-baba pa ang kilay. Malakas siyang bumuntong-hininga saka tinitigan ang picture nitong wallpaper niya. His Ms. Piece of Nice Ass, he sighed dreamily like a teenager that has been noticed by his crush.
"She make me feel things I never knew existed, but for the record I am not making a move I just want to get her out of my system," true to his words, gusto niyang malaman kung anong ginagawa sa emosyon niya ng dalaga at kapag nalaman niya iyon pwede na siyang umabante.
"Then do what you always do. f**k and dump," wika nito na agad sinang-ayunan ng kanyang isip. Baka kaya niya nararamdaman kung anong nararamdaman niya para kay Eunice ay dahil gusto niya lang itong maikama. And when he's done with her, he can finally live at peace and bring his old life back, f*****g whoever woman he wants, whenever and wherever.
"Nice, you are learning," puri niya sa kapatid bago tumayo at puntahan kung nasaan man si Eunice.
MARDE arrived at a local restaurant, he tracked her phone as usual. Bumaba siya ng kotse at sumilip sa loob ng resto, mabilis niyang namataan ang magandang pigura ng babae kasama ang nobyo nitong si Zeus.
'That motherfucker.' kumuyom bigla ang kanyang kamao at inis na pumasok sa restaurant upang kumuha ng table malapit sa dalawa. Of course he have done some research about that douche, kailangan niyang makilala ang karibal niya kay Eunice. He can't f**k her if she's in love with him and that's the end of him, he can't get her off of his system. Zeus Guillermo is an engineer and his family has a business on their own but it is near to bankruptcy, so if Eunice will marry him, it can save their company and name from huge disgrace. Also, Zeus has a relationship with another woman so he's cheating on his mi belleza in the broad daylight and that leaves him with a wide smile on his face. He can use that to make Eunice his, to have her beneath him writhing with so much pleasure and to make her warm his bed. Nakatitig lang siya sa magkasinta nang may lumapit sa kanyang waiter at kinukuha ang order niya.
"Can I get your order sir?" tanong nito saka ibinigay sa kanya ang menu.
"I want this, this and this," he said still looking at Eunice and her fiance.
"Thank you sir," wika ng waiter bago umalis. Nakita niya kung paano abutin ng dalaga ang kamay ng lalaking kaharap at makipagtawanan rito.
"God, she laughed so beautifully," he gasped while staring at her beauty.
"Paano pa kaya kapag umungol na siya?" mahinang bulong niya bago marahas na umiling nang mapagtanto ang sinabi.
'She's really getting into me deep but no! No! I'm just going to f**k her then all my feelings will go away.' wika ng kanyang isip saka muling bumaling sa magkasintahan pero ang kaninang masayang mukha ni Eunice ay puno na ng luha ngayon at naglalakad na paalis si Zeus kaya naman mabilis siyang dumukot ng ilang libo saka inilapag iyon sa mesa at nagmamadaling sinundan ang lalaki.
Mabilis na hinablot niya sa balikat ng binata upang maiharap ito sa kanya bago malakas na suntukin ito sa mukha, napaatras ito ng ilang hakbang bago damahin ang dugong tumutulo sa ilong.
"What the f**k? What's your problem?" maangas na tanong nito sa kanya saka siya tinulak ngunit hindi man lang siya nagalaw sa pwesto niya at nanatili lang siyang nakatingin ng masama rito. Mas matangkad siya sa lalaki, mas malaki rin ang katawan niya at di hamak na mas gwapo siya rito.
"What did you do to her?" tanong niya sa mapanganib na tinig.
"To whom? You're crazy," wika nito bago siya talikuran at akmang papasok na ng sasakyan ngunit hinablot niyang muli ito.
"We are not done yet," inis na sambit niya, ayaw niya sa lahat iyong tinatalikuran siya.
"Yeah?" sambit nito habang nakangisi bago siya sinuntok ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso nito at pinilipit iyon saka ipinunta sa likod. Malakas na umaray ang lalaki ngunit nanatili siyang hawak lang ang braso nito sa likod.
"Ano bang problema mo?!" sigaw nito na nahihirapan na, nakakakuha na rin sila ng atensyon dahil sa ginawa nito.
"Get away from Eunice if you're just going to hurt her. I am warning you I am going to wring every bones in your thin body if you made her cry again," babala niya saka ito binitiwan.
"What are you, her superhero? I'm surprised really may tagapagtanggol na pala ngayon ang mga baboy," wika nito saka malakas na tumawa at mabilis na pumasok sa kotse nito saka mabilis na pinaandar iyon.
"Coward," he muttered bago naalalang nasa loob pa si Eunice kaya agad siyang pumasok at tinignan ang dalaga.
EUNICE HAZE VALERIANO
"HI," malambing bati niya sa fiance saka umupo sa tapat nito. Inimbita siya nitong mag-agahan sa paborito nilang restaurant kaya dito na siya dumiretso pagkagaling niya sa unit ni Jucia. Tipid siya nitong nginitian bago tumawag ng waiter at umorder ng mga madalas nilang kinakain. Nang matapos ay agad itong bumaling sa kanya habang siya naman ay binibigyan ito ng umaasam na ngiti. Umaasa siyang baka mapag-usapan na nila ang tungkol sa kasal, kung saan ito gaganapin, kung kailan ito gaganapin at iba pang mga detalye tungkol doon. Mukhang may gustong sabihin sa kanya ang binata ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita kaya siya na ang nag-initiate ng usapan, tumikhim siya bago magsalita.
"So... ano bang gusto mong pag-usapan?" malawak ang ngiting tanong niya sa fiance ngunit nag-iwas lang ito ng tingin sa kanya bago sumagot.
"Mamaya na lang natin pag-usapan pagkatapos nating kumain," wika ng binata saka sinundan nang nakakabinging katahimikan. Dumating ang mga pagkaing inorder nila at nagsimula na silang kumain, tanging ingay lang ng mga kubyetos ang maririnig sa kanilang mesa. Nakakapanibago iyon para kay Eunice dahil hindi naman ganoon ang nakasanayan niya, dati-rati ay masaya silang nagkwekwentuhan ni Zeus na parang magkaibigan hindi tulad ngayon na parang hindi sila magkakilala. Natapos na silang kumain at naubos na nila ang lahat ng inorder nang buksan ni Zeus ang inorder na isang bote ng alak at mabilis na naglagay sa baso nito bago tunggain sa isahang lagok ang laman niyon. Nag-aalalang tumingin siya sa binata, mukhang malaki nga ang problema nito sa kompanya ng kanyang pamilya dahil umagang-umaga ay nagawa nitong uminom ng alak.
"O-okay ka lang ba?" nag-aalangang tanong niya bago abutin ang kamay nitong nasa mesa at hawakan iyon, napakislot ang binata ngunit hindi naman nito inalis ang kamay sa pagkakahawak niya. Huminga ito nang malalim bago ibaba ang hawak na baso at tignan siya sa mata.
"Eunice I have to tell you something," panimula nito bago muling bumuntong-hininga.
"About the wedding, our wedding," pagpapatuloy nito na ikinaliwanag ng mukha niya at ikinakislap ng kanyang mga mata.
'Sasabihin niya na ba na maghanda na kami para sa kasal?' kinikilig na tanong ng kanyang isip.
"I am breaking off the engagement." tila may bombang sumabog sa kanyang harapan dahil sa mga salitang binitawan ng binata, ilang beses siyang napakurap at ilang minuto rin siyang tumahimik bago malakas na tumawa. Hindi maproseso ng kanyang isip ang narinig mula sa binata, hindi niya matanggap ang lahat kahit na anong pilit niya. Kung nasa isang panaginip lang siya ay gusto niya nang magising ngayon na o kung pwede maglaho na lang siya bigla o mamatay, kahit na alin sa mga iyon dahil hindi niya kinakaya ang sakit na dinadaan na lamang niya sa tawa.
"Ano ka ba? Binibiro mo na naman ako Zeus," sambit niya habang pinapahid ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa pagtawa, gusto niyang makumpirma ang sinabi nito at umaasang hindi iyon totoo. Ayaw niyang maniwala sa narinig ng kanyang sariling mga tenga dahil baka guni-guni niya lang iyon ngunit seryosong nakatingin lang sa kanya ang binata. Nagsalita ito nang humupa ang kanyang pagtawa, inalis nito ang kamay sa pagkakahawak niya.
"Hindi kita binibiro Eunice, ayaw ko nang magpakasal sayo. I'm breaking off the engagement and that's final," sambit nito bago tumayo at iwan siyang tulala at mag-isa. Tila nabasag na salamin ang kanyang puso at pagkatao, nagkawatak-watak iyon sa milyon-milyong piraso. Hindi niya kaya, hindi niya kaya kung wala ito dahil ito lang ang tanging taong nagpapatunay na kamahal-mahal siya. Ito lang ang taong tumanggap sa kanya kahit na napakataba niya, ito lang ang taong nagparamdam na mahal siya nito, ito lang.
"Here," wika ng isang tinig na pamilyar sa kanya ngunit hindi niya magawang mag-angat ng tingin, nakita niya na lamang na may ipinatong itong panyo.
"Cry until the pain is gone," dagdag pa nito bago niya maramdamang umalis na ito sa tabi niya ngunit nanatili lamang siyang tulala at umiiyak, hindi niya ito nilingon. Wala siyang pake kung sino man ito o kahit na ba pamilyar ang boses nito, gusto niya lang umiyak. Mabilis na umalpas at nag-unahan sa pagbagsak ang mga butil ng tubig mula sa kanyang mga mata bago niya hablutin ang bote ng alak na inorder ni Zeus at diretsong tumungga doon. She needs that to numb her heart from the pain she's feeling right now. She needs alcohol to treat her wound created by the man she loves so much. Umiiyak siya habang patuloy na tumutungga ng alak, she doesn't want to pretend right now, she wants to be the real her, she wants to be Eunice who's vulnerable and needs to be taken care off. She doesn't care who sees her because all she want right now is to cry her heart out.
_annmazing_