SLEEPOVER
EUNICE HAZE VAELERIANO
"Yes?" sagot niya sa taong nasa kabilang linya, she's busy packing her pajamas and sleeping bag- na dadalhin niya sa sleepover nila sa unit ni Jucia- when her phone rings. Rem planned all of this again, siya ang laging taga-organize ng kung ano-anong get together, sleepovers at maging mga out of town.
"Saan ka na?" tanong ni Haven na mukhang kagigising lang, ito ang nasa kabilang linya at nanggagambala sa pag-aayos niya ng mga gamit. Muli niyang sinilip ang laman ng bag na dadalhin, toothbrush-check, skin care products-check, neck pillow- check, and foods, yes, she can't forget foods.
"On my way just one last chip and I'm good to go," sambit niya bago isiksik ang paborito niyang snack sa backpack na dadalhin.
"Eunice, sleepover 'yun hindi field trip o picnic," nang-aasar na wika nito bago sundan ng malakas na pagtawa. Busangot na sinagot niya ang kaibigan habang lumalabas ng bahay.
"I don't care kesa naman sayo militar na naturingan tapos laging late," bawi niya habang hinahagis ang mga gamit sa likurang bahagi ng sasakyan. Madalas niyang kaasaran si Haven dahil ito ang pinakaclose niya sa kanilang grupo samantalang si Rem naman ay si Jucia pero ang madalas na kaasaran ay si Ann. Ang kaibigan niyang iyon kahit na sobrang weird minsan at madalas na tahimik ay hindi sila binibigong patawanin sa mga bwelta nito kay Rem.
"Wow ha?! Maliligo na nga ko para wala kang masabi. See you later, babsy," wika ni Haven bago patayin ang tawag, mahina siyang natawa bago sumakay ng sasakyan at paandarin iyon papunta sa unit ni Jucia. Wala nang gasgas at yupi ang likurang bahagi ng kotse niya, mabilis iyong naayos at naibalik agad sa kanya pagkaraan lang ng isang araw. Malapit na si Eunice sa building ng condo unit ni Jucia nang mapansin niya ang isang kotse na tila sinusundan siya. Kanina niya pa ito napapansin, kada liko niya ay liliko rin ang kotse at kada hinto niya ay hihinto rin ito. Eunice made sure there's no car behind her before stepping on the break, it's better to be safe than sorry. Ayaw niya nang mangyari ulit ang nangyari noong nakaraang araw, ayaw niya nang makadisgrasya o madisgrasya pa. Huminto rin ang sasakyan sa hindi kalayuan kaya nakumpirma niya ang hinala. Walang takot na bumababa si Eunice sa sasakyan saka kinatok ang salamin ng kotse ngunit tila walang naririnig ang nagmamaneho niyon kaya pumunta siya sa harapan at sinenyasan ang nasa loob na bumaba kahit pa hindi niya ito nakikita dahil tinted ang sasakyan.
"Aba't!" naiinis niyang sambit bago katukin muli ang bintana ng kotse ngunit sa ikalawang pagkakataon ay bigo pa rin siyang mapababa ang sakay niyon kaya kahit naiinis ay sumakay na lang siyang muli sa kanyang kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho papunta sa unit ni Jucia. Nakita niya naman sa rear view mirror na nagmaniobra pabalik ang sasakyang sumusunod sa kanya kaya't nakampante siya kalaunan.
"Bakit nauna pa ko sayo?" bungad ni Haven na naabutan niyang nag-aantay bumaba ang elevator.
"Something happened," sagot niya saka naunang pumasok sa bumukas na elevator.
"And what is it?" kuryosong tanong nito habang bitbit din ang sariling mga gamit.
"I got hungry so I stopped by a fast food chain," simpleng sagot niya bago lumabas habang nakasunod pa rin ang kaibigan sa kanya.
"Palagi ka na lang gutom hindi ka ba pinapakain ng asawa mo?" tanong nito sa kanya na ang tinutukoy ay si Zeus.
"Magtigil ka nga, mapapangasawa pa lang hindi pa asawa," sagot niya bago ibaba ang mga dala at kumatok sa pinto ng unit ni Jucia.
"Du'n na rin naman 'yun papunta," nakangiting sagot nito na ibinaba rin ang mga dala.
'Sana nga doon papunta.' wika niya sa sarili niya saka malakas na bumuntong hininga.
"That's so lalim," wika ni Rem na kakarating lang. Maarte nitong ibinaba ang dalang sleeping bag at backpack.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Haven na gusto niya ring itanong sa kaibigan.
"Heavy traffic," she said while knocking. Wala pa rin kasing nagbubukas ng pinto kahit na ilang minuto na silang kumakatok.
"Bakit ang tagal niyang buksan tawagan mo nga Haven," utos nito kay Haven na agad namang dinukot ang cellphone sa bulsa.
"Ann, you're here," nakangiting bati niya sa kadarating lang na kaibigan na as usual ay wala na namang emosyong mababakas sa mukha. Tulad niya ito, ang pinagkaiba lang ay itinatago niya sa mga ngiti ang totoong nararamdaman samantalang ito ay kaya talagang itago ang nararamdaman na walang pinapakitang emosyon.
"Don't 'what' me b***h. Attitude ka?" maingay na sambit ni Rem, sinagot na siguro ni Jucia ang tawag. Nilagay iyon sa loudspeaker ni Rem upang marinig din nila ang sinasabi nito.
"Ju kanina pa kaya kami tawag nang tawag sayo duh?" she said copying Rem's way of talking na ikinatingin nito saka ikinangiti.
"20 missed calls huh?" Jucia scoffed.
"Yes b***h! Ang tagal tagal mo sumagot at FYI naubos na nga ang load ko kakatawag sayo, bayaran mo ito a! Anyways, nandito kami sa tapat ng unit mo pwede bang buksan mo na? Nangangawit na ang mga paa at braso ko dahil sa kanina pa ko nakatayo na bitbit ang mga sleeping bags," pagrereklamo ni Haven na saka lamang binuhat ang kanilang mga sleeping bags at nagkunwaring kanina pa iyon buhat.
"Ang reklamador mo pwede mo naman ilapag 'yan, 'di kita papasukin diyan e," pang-aalaska naman ng kaibigan kay Haven, sasagot pa sana ito ngunit nagsalita si Ann na nasa likuran nilang lahat.
"Just open the door," malamig na sambit nito na agad naman nilang sinang-ayunan.
"Okay, okay ito na nga," tila napipilitang wika nito saka pinatay ang tawag. Ilang saglit lang ay bumungad sa kanila ang bagong gising na mukha nito na walang ganang nakatingin sa kanila.
"Iba na naman kulay ng mata mo?" pagpuna nito sa berdeng contact lenses na suot ni Ann. Halos araw-araw ata ito kung magpalit ng contact lenses which makes her unique and at the same time weird, hindi pa kasi nila nakikita ang tunay na kulay ng mata nito.
"Yeah," tugon ng kaibigan pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon.
"Why si Ann lang ninotice mo? My kagadahan ba hindi mo inonotice?" maarteng tanong ni Rem then flipped her hair.
"Hindi ka beautiful so stop being so papansin duh?" nang-aasar na panggagaya ni Jucia rito na parehas nilang ikinatawa ni Haven.
"Ang sama nito. Maganda kaya ako sabi ng mga lalaki ko," nagtatampong sambit nito habang parang batang nakanguso. Umiling na siya bago pumasok bitbit ang bag niyang puno ng snacks at pagkain. Sinundan siya ni Ann na bitbit ang laptop bago pumasok si Haven na bitbit ang kanilang mga sleeping bags at ang panghuli ay si Rem na gumawa pa ng grand entrance at ginaya pa ang slowmo twirl ni Catriona Gray.
"Ano bang kailangan ninyo at nambulabog na naman kayo?" nakapameywang na tanong nito sa kanila habang sila naman ay kumportableng nakasalampak sa sahig.
"Sleepover!" masiglang sigaw niya habang nakataas pa ang dalawang kamay.
"b***h, we need to celebrate your relationship, ilang araw na lang at 5 years na kayo ni Lorenz," nakangiting pahayag ni Rem dahil iyon naman talaga ang pakay nila. Ang paghandaan ang nalalapit na anniversary ni Jucia at Lorenz.
Tumawag na lang sila ng food delivery upang makakain dahil puro mga junk foods ang dala niya na pampulutan lang. Matapos kumain ay isa-isa silang nagbukas ng beer at uminom, saka nagpatugtog si Ann ng malakas na musika. Agad na tumayo si Rem at sumayaw na tila nasa bar.
"Come on sumayaw na kayo! Yeah!" sigaw nito at saka seduktibong gumiling, sumasabay ang indayog sa ritmo ng musika. Tumayo na rin siya upang sabayan ito at ganun din ang ginawa ni Haven na gumitna pa sa kanilang dalawa habang gumigiling. She just love her friends so much, laging naalis ng mga ito ang kahit na anong isipin niya at mabilis siyang napapasaya ng mga ito. Ngugit kahit na ganoon ay hindi niya pa rin masabi ang tunay na nararamdaman niya, patuloy pa rin siyang nagkukunwari sa mga ito which makes her guilty.
"Jucia, Ann, halina kayo. Tayo-tayo lang naman nandito and let's just pretend nasa bar tayo. Whoooooo! Party!" aya ni Haven na mukhang umepekto naman dahil tumayo na rin ang dalawa ang sumayaw. Nang mapagod ay isa-isa silang nagsiupo at kumuha ng tigitig-isang in can beer. Tumikhim si Jucia upang kunin ang atensyon nilang lahat na naroon, mukhang may sasabihin ito kaya't pare-pareho silang kuryosong nakatingin sa dalaga. Ikwinento nito na hindi maayos ang relasyon nila ni Lorenz at wala na itong balak pang makipag-ayos sa nobyo. Pasimple siyang napabuntong-hininga, hindi rin kasi ayos ang relasyon nila ngayon ni Zeus pero ang pinagkaiba lang gusto niya pang maayos iyon dahil ikakasal sila. Habang nagkwekwento ang kaibigan ay naisip niya ring umamin sa mga ito ngunit nagkaroon ng 'Oplan-Ibalik ang JuRenz' na nagsimula pa ng hindi pagkakaintindihan ni Rem at Jucia.
"Reminisce! Hindi iyon sayang, just let me be okay? I know what I'm doing," tumaas na ang boses ni Jucia samantalang sila ay biglang natahimik. Mabilis itong at naglakad patungong kwarto, napabuntong-hininga na lang siya dahil sa nangyari. Alam niyang magkakaayos din ang dalawa dahil sa kanilang lima ito ang pinakaclose sa isa't isa.
"Attitude ka siz?" sigaw pa ni Rem kahit na halata sa mukha nito ang sakit dahil sa ginawang pagsigaw ni Jucia. Tahimik lang na hinintay nila ang paglabas ng kaibigan, lahat sila ay walanh kibo nang mag-ingay ang kanyang cellphone hudyat na may nagtext doon. Sa pananabik at pag-asang si Zeus iyon ay mabilis niyang dinampot ang cellphone at binasa ang laman ng text.
[I think, I should follow you because they say follow your dreams and you mi belleza is my dream.] nagtatakang binasa niyang muli ang salitang 'mi belleza', alam niya ang meaning niyon at hindi siya kahit kailan tinawag na ganoon ni Zeus. Mabilis na umangat ang kanyang mata at binasa ang sender ng text ngunit hindi iyon ang fiance kundi isang unregistered number. Dahil sa panghihinayang ay ibinaba niya na lang ang cellphone at nakisali na lamang sa usapan ng mga kaibigan.
MARDE NICHOLAS LOPEZ
Nakita niyang muli ang magandang pigura ng dalaga mula sa labas ng kanyang sasakyan, nakakunot ang noo nito at mukhang galit habang siya ay nakangiti at nag-eenjoy na pagmasdan ito. Yes, he is stalking her, sinundan niya ito at sinadyang magpahalata. Hindi niya alam pero gusto niya pang makakita ng ibang emosyon sa magandang mukha ng dalaga. Kumatok itong muli sa bintana ng kanyang sasakyan ngunit pinagmasdan niya lang ulit ito at pagkatapos na makailang ulit na kumatok ang dalaga ay napagpasyahan niya nang bumaba at kausapin ito. Akmang bubuksan niya na ang pinto ng kotse nang mag-ring ang kanyang cellphone na nakalagay sa dashboard, kinuha niya iyon at sinagot.
"Marde, it's me, Craig, lola's in the hospital right now and I'm on my way there," mabilis na wika ng pinsan niyang si Craig bago ibaba ang tawag. Natulala siya ng ilang segundo sa sinabi nito bago makatanggap naman ng text mula rito kung nasaang hospital ang matanda. Tinignan niya ang dalagang sinusundan at naglalakad na ito pabalik sa sariling kotse. He will just track her again later but for now he should go to check if his lola's okay. Agad na iminaniobra ni Marde pabalik ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon papunta sa hospital. Mabilis siyang bumaba ng kotse at pumasok sa hospital, agad niyang tinanong kung nasaang room ang kanyang lola at mabilis na tumakbo papunta roon. He needs to make sure she's okay, hindi niya na dapat iniwan ang matanda at sinundan pa si Eunice. Sa kagustuhan niyang makahanap ng sagot sa nararamdaman niya para rito ay baka hindi niya na maabutan pang buhay ang lola.
"How's Gran?" agad na tanong niya sa mga pinsang nakaupo sa waiting area. Sabay-sabay ang mga itong nag-angat ng ulo at tumingin sa kanya.
"Lola's fine now," wika ni Elixir na unang nagkalakas ng loob na sumagot. Lima lang silang naroon, siya, si Craig, Elixir, Legend, at ang kapatid niyang si Hexelian na himalang naroon.
"Let's just wait for the doctor and we can finally see her," sambit ni Craig habang magkasaliop ang mga kamay.
"Thank God, but where are the others?" tanong niya sa mga ito.
"I already called them kuya they're on their way," sagot ni Hexelian bago may humahangos na lalaking lumapit sa kanila. It was Alixiel, his cousin from their mother's side. Kung tutuusin ay wala itong konekta sa kanilang lola kaya nagtataka siya kung bakit ito narito.
"What are you doing here?" tanong niya sa binatang nakangiti pero halata sa mata ang lungkot.
"I'm worried," sagot nito na nakiupo rin katabi ng kanyang mga pinsan. He totally forgot, malapit din ito sa kanilang lola dahil noong maglayas ito sa kanila ay sa kanila ito pumunta at kinupkop ito ng buong puso ng kaniyang Gran.
"This is Alixiel, our cousin in our mother's side," pagpapakilala ng kapatid niya rito sa mga pinsan nila. Nagkamayan ang mga ito at mabilis na nagkapalagayan ng loob. Ilang saglit pa ay lumabas na ang doktor at sinabihan silang pwede nang makita ang kanilang lola, nauna siyang pumasok at lumapit sa hospital bed nito. Wala pa rin itong malay kaya naupo na lamang siya sa upuan sa tabi nito habang pumapasok ang iba pa sa kwarto.
"Gran, wake up," he whispered before holding her hand. Yumuko siya at ipinatong ang ulo sa kama nang may maramdaman siyang humaplos sa kanyang buhok. Mabilis na nag-angat siya ng ulo at nakitang nakangiti ang kanyang lola, nagsilapit na rin ang iba.
"Damn, Gran! You nearly gave me a heart attack when I received Craig's call a while ago," eksaheradong sambit ni Legend bago magaang yumakap sa matanda.
"Lola 'wag mo na kami pag-alalahanin ng ganon," wika naman ni Elixir na hinalikan ang kamay ng matanda. Kung tutuusin halos lahat ata silang magpipinsan ay lola's boy dahil sobrang lapit nila sa kanilang lola. Lahat sila ay nag-aalala kapag isinusugod ito sa hospital at lahat sila ay sumusunod kapag ito na ang nanghingi ng pabor.
"Mga apo ayos lang ako, malakas at maganda pa rin ang lola niyo," sambit ng matanda na nauwi sa malakas na halakhakan.
"I THINK, I should follow you because they say follow your dreams and you mi belleza is my dream," mahinang sambit niya habang nagtatype ng message na isesend para kay Eunice. Nagsiuwi na ang iba pwera sa kanilang magkapatid na binabantayan pa ang kanilang lola. Tulog na ang kanyang lola at ganun din si Hexelian na nagtatiyang mahimbing sa maliit na sofang naroon. Nagsearch pa siya kanina ng mga pick-up lines na pwede niyang isend sa dalaga, sana naman mapangiti niya ito sa kabila ng ginawa niyang pang-aasar at pagsunod dito kanina. Sinend niya iyon ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siyang natatanggap na reply mula sa dalaga.
Nakaramdam ng kirot si Marde sa kanyang dibdib ngunit binalewala niya lang iyon bago lumabas ng silid at naglakad-lakad sa labas.
"What are you doing to me Ms. Piece of Nice Ass?" bulong niya sa malamig na hangin bago malakas na suntukin ang punong nadaanan. Natatakot siya para sa sarili dahil mukhang iba na ang nararamdaman niya.
_annmazing_