HEARTACHES
EUNICE HAZE VALERIANO
"Ma'am?" pukaw ng waiter ng restaurant sa kanya marahil napansin nitong kanina pa siya doong umaga at puro pag-iyak lang ang ginagawa niya. Dahan-dahang nag-angat ng ulo si Eunice mula sa pagkakayuko at binalingan ang waiter na alanganing nakangiti sa kanya.
"Hindi pa ho ba kayo tapos?" tanong nito saka nagkamot ng batok.
"Ano bang problema? Babayaran ko naman lahat ng nakain at nainom ko a?" inis na sagot niya sa lalaki na nakapaskil pa rin ang alanganing ngiti bago tumingin sa paligid. Sinundan niya ang tingin nito at nakita ang mga taong nakatingin sa kanya, ilan sa mga iyon ang kuryoso samantalang ang iba ay inis.
"Anong tinitingin-tingin niyo?" inis na sabi niya sa mga taong nandoon na agad nagsipagbawi ng tingin at tumingin sa ibang direksyon na parang walang nangyari. Bumaling siyang muli sa waiter at hinintay itong magsalita.
"Kasi ho ma'am nakakaistorbo na ho kayo sa ibang mga kumakain," paliwanag nito sa natatakot na tinig habang hindi mapakali ang mga mata kung saan titingin.
"Fine," inis na sambit niya bago mabilis na tumayo, hindi naman siya ganoon kalasing dahil inubos niya lang ang tira sa bote ng alak na iniwan ni Zeus at kaya niya pa namang magmaneho pauwi. Mabilis siyang lumabas sa restaurant habang gegewang-gewang, hindi na siya nag-abala pang ayusin ang sarili o pahirin man lang ang mga tuyong luha sa pisngi bago sumakay sa sariling sasakyan at yumuko sa manibela upang ipagpatuloy ang pag-iyak. Malakas na tunog mula sa kanyang cellphone ang nagpaangat sa kanyang ulo mula sa pagkakasubsob. Padaskol niya iyong kinuha bago pinatay, ayaw niyang kumausap ng kahit na sino kahit pa mga magulang niya ang tumatawag. Gusto niyang mapag-isa kaya agad niyang ini-start ang kotse at iminaneobra iyon papunta sa paborito niyang lugar kung saan nailalabas niya ang tunay na emosyon at saloobin.
"BAKIT ANG SAMA-SAMA MO SAKIN?!" sigaw niya sa kawalan habang tumuturo sa itaas. Nasa pinatutok siyang bahagi ng isang pasyalan kung saan nakikita niya ang mga gusali at bahay sa ibaba.
"MABAIT NAMAN AKONG TAO PERO BAKIT GANITO MO KO SAKTAN?"
"HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO?! BAKIT GANITO KA SAKIN? NAPAKASAMA MO!" pagpapatuloy niya na parang sasagutin siya ng nasa itaas.
"AKALA KO SI ZEUS NA ANG IBINIGAY MO SAKIN DAHIL HINILING KO 'YUN SAYO NOON! BAKIT GANITO? ANG SAKIT-SAKIT NG NARARAMDAMAN KO!" pagpapatuloy niya kahit namamaos na siya sa kasisigaw.
"NAPAKASAMA MO!" sambit niya bago nanghihinang napaupo sa batuhang lupa at malakas na humagulgol.
"Don't blame Him for what you are going through right now," nagitla siya nang marinig ang malamig na boses ng babae sa kanyang tabi, mabilis niyang tiningala kung sino iyon at nanlaki ang mata niya nang makita ang kaibigang si Ann. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa malawak na tanawin.
"He has plans for you, for all of us, just trust it and His timing. He will give it to you if you'll just wait," patuloy na litanya nito na hindi pa rin siya tinitignan. She's not the Ann she knows, she's different from usual, way too different.
"Come on tumayo ka na riyan hinihintay na tayo nila Jucia," sambit nito na parang wala lang ang mga sinabi nito sa kanya kani-kanina lang. Inilahad nito ang isang kamay upang tulungan siyang tumayo ngunit hindi niya iyon inabot at nanatiling nakasalampak lang sa lupa.
"Okay, if you don't want to go then I'll stay here beside you. Maaga pa naman," sabi nito nang hindi siya kumibo at umupo rin sa tabi niya, binalot ng katahimikan ang paligid. Panandaliang nawala ang sakit sa dibdib ni Eunice, tumigil siya sa pag-iyak. Naaappreciate niya ang tanawin at ang pakiramdam na merong isang taong nasa tabi niya. Wala mang usapan na nangyayari ay ramdam niyang nandoon lang ito sa tabi niya, na may masasandalan siya kung kailangan. The person she least expect to be here and comfort her is now sitting beside her, Ann, the coldest and emotionless person she knew. Tahimik na pinanood nila ang paglubog ng araw at pagdilim ng kalangitan, napakaganda niyon mula sa kinauupuan nila ngayon. Sobrang ganda ng mga kulay na gawa ng pagsasalo ng dilim at liwanag.
"Sunset is like one's life, when the sun goes down expect that it will rise again tommorow to bring life and light," muli ay sambit ng dalagang nasa tabi niya habang nakatingala sa mga bituing unti-unti nang lumilitaw sa madilim na kalangitan. Tumayo siya saka pinagpag ang pantalong suot bago tahimik na ilahad ang kamay sa kaibigan, inabot nito iyon saka tumayo.
"Thank you," alanganing sambit niya sa kaibigan dahil hindi niya naman alam kung ano ang sasabihin dito bago ito tingalain upang tignan ang ekspresyon nito. Nakatikom ang bibig nito at blankong nakatingin sa kanya bago ginulo ang buhok niya at dire-diretsong sumakay sa motor na dala nito. Mabilis na pinaharurot iyon ng kaibigan palayo, nang mawala ito sa paningin ay naglakad siya patungo sa sariling sasakyan at sumakay doon. Muli niyang nadatnan ang cellphone niyang nag-iingay kaya napagpasyahan niya nang sagutin iyon. Huminga siya ng malalim bago pindutin ang answer button.
"Eunice I've been calling you for years," eksaheradang sambit ni Haven na halatang kanina pa nga tumatawag.
"I'm sorry I was watching KDrama," pagsisinungaling niya na obvious namang lulusot dahil adik talaga siya sa Korean novellas.
"Uh-huh kaya pala hindi mo sinasagot tawag ko dahil busy ka na naman sa panonood mo," tugon nito sa natatawang boses.
"Kita-kita na lang tayo sa unit ni Jucia. See you later," dagdag pa nito bago patayin ang tawag. Inistart niya ang kotse at tinahak ang daan patungo sa bahay niya, she will just grab some clothes the she will be on the way to Jucia's unit.
NAGMAMADALING pinapasok ni Ann ang lahat sa unit ni Jucia bago nito mabilis na ilock ang pinto. Bumaling ito sa kanila na kalmado pa rin ang mukha kahit na hindi iyon halata sa mga kilos nito. Hawak nito ang papel na inagaw sa kamay ni Jucia nang dumating sila, hanggang ngayon ay tulala pa rin ang dalaga.
"Haven can you please shut all the windows here," utos nito kay Haven na agad naman sinunod ng huli samantalang sila ni Rem ay umupo sa tabi ng kaibigan. Nag-aalalang tinignan niya ang kaibigan, natataranta rin siya dahil hindi niya alam ang nangyayari pero may kutob siyang nasa kapahamakan ito.
"Can I borrow your phone Eunice?" tanong ni Ann sa kanya na ikinatango niya bago iabot ang cellphone na nasa bulsa.
"Hey! What is happening?" hindi mapigilang tanong ni Rem na wala rin kaide-ideya sa nangyayari gaya niya.
"Nothing just calm down and let me call someone," kalmadong tugon nito habang nagdadial sa cellphone niya.
"What?! Come on! I can't just calm down and sit here. Jucia was not herself when we came at dali-dali mo kaming pinapasok dito!" sigaw ni Rem na gustong-gusto nang malaman kung anong nangyayari.
"JUST CALM THE f**k DOWN WILL YOU? AND LET ME DO MY f*****g JOB!" balik na sigaw ni Ann na ikinagulat at ikinatahimik nilang lahat ng nasa kwartong iyon bago ito lumayo sa kanila at kinausap ang taong nasa kabilang linya. Patuloy nilang inaalo at kinakausap si Jucia ngunit nanatili lang itong tulala kaya wala silang nagawa kundi yakapin lang ito kada minuto at hawakan lang ang kamay ng kaibigan para malaman nitong nandoon sila gaya ng ginawa kanina ni Ann para sa kanya. Lumabas ang naturang kaibigan sa unit at ikinuwento na ni Jucia kung ano ang laman ng kapirasong papel na hawak niya kanina. Lahat ng naroon ay nakaramdam ng takot at pag-aalala para sa kaibigan, may nagbabanta sa buhay nito. How bad is that? Her case is bad but Jucia's case is worse than hers. Yakap lang nila ang kaibigan hanggan sa muling pumasok sa silid si Ann at inimporma sila na coincidence lang ang lahat at walang ibig sabihin kaya walang dapat ipag-alala. Nakahinga nang maluwag ang lahat at ang tensiyon kanina ay bigla na lang nawala.
"Thank God," Rem murmured. "So tuloy tayo ngayon a? Sabay-sabay na tayong gumora sa bar," dagdag pa nito na sinang-ayunan nilang dalawa ni Haven bago sila nagtungong kwarto at isa-isang nag-ayos habang si Jucia ay kausap pa ang nobyo nito. Bigla siyang nalungkot habang pinagmamasdan ang dalawa, hinihiling niya na sana'y ganoon din sila ni Zeus. She will surely drink a lot later, she heaved a deep sigh bago nag-apply ng light make-up.
"Gosh 'yun ba 'yung hindi okay? Yiiieeeeeee! Kainggit maghahanap na nga ko ng boyfriend!" tili ni Rem na halatang kilig na kilig pero naiingit, ganoon din naman siya inggit na inggit siya kay Jucia ngayon. Kung pwede lang na mawala ang nararamdaman niya para kay Zeus at humanap siya ng lalaking gaya ni Renz ay ginawa niya na, kung ganoon lang sana kadali. Muli siyang napabuntong-hininga bago tumingin sa mga kaibigan.
"b***h 'wag ka na mangarap wala kang sineseryoso kaya wala ring seseryoso sayo," sambit ni Haven na nang-aalaska.
"Wow talaga ba? Sayo pa nanggaling 'yan ah? Sayo pang hindi maka-move on," kontra ni Rem sa kaibigan na agad niyang ikinalingon. Haven is also pretending to be okay but she's suffering for two years now because of the death of her boyfriend. Ngumiti lang si Haven ngunit alam niyang nasaktan ito sa sinabi ni Rem, dalawa lang silang nakakaalam ng totoo at hindi iyon alam ng tatlo pa nilang kaibigan.
"Ibang kaso naman kasi 'yun Reminisce," pagtatangol niya sa kaibigan dahil baka may iba pang masabi si Rem.
"Yay! Thank you Haze you're my hero," masayang wika ni Haven bago yumakap ng mahigpit sa kanya at bumulong ng pasasalamat.
"Hoy nagsalita ka naman dyan Eunice palibhasa engage ka na! Kampihan mo nga ko Ann," tugon ni Rem sa kanya na ikinakirot ng puso niya ngunit nanatiling nakangiti lang siya rito at itinaas pa ang hinliliit upang ipakita ang engagement ring niya.
'Kung alam niyo lang,' wika niya sa sarili saka bumaling sa ibang direksyon upang pigilan ang mga luhang gustong pumatak.
"Why would I?" narinig niyang tanong ni Ann sa malamig na tinig.
"Ah ganon ayaw mo kumampi sakin? Tigilan mo na kakasyota ng babae ano! Hindi nakakabuntis ang daliri." pag-aasar ni Rem sa kaibigan.
"Hindi rin naman nakakabuntis ang d***o Rem," tugon ni Ann dito na ikinabaling niya. This is what she's waiting for.
"Apply cold water to the burned area," sabay-sabay na wika nila saka nagtawanan habang si Rem ay hindi maipinta ang mukha.
MARDE NICHOLAS LOPEZ
"Marde what's up?" bati ni Zac sa kanya habang naglalakad ito palapit sa kinauupuan niya kasunod nito ang nakangiting si Jace at ang iba pa niyang mga pinsan.
"What the hell are you all doing here?" tanong niya na nakakunot ang noo. He didn't invite them over or his good friend Jace did, note the sarcasm there. Isinara niya ang librong hawak, he's studying some of the cases he's handling.
"Jace invited us and we are going to party!" sigaw ni Legend habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere. Napailing siya sa tinuran nito, he has something to do. Kailangan niyang masigurong ayos na si Eunice dahil base sa nasaksihan niya kaninang umaga ay sobrang lungkot nito. Kailangan niya itong puntahan sa bahay nito o kaya sundan ulit, basta kailangan niya masigurong okay na ito.
"Hindi ako sasama," imporma niya sa mga ito na sabay-sabay napalingon sa kanya at pare-parehas na may nagtatanong na tingin.
"What did you just say?" tanong ni Archer na hindi makapaniwala.
"I'm not coming with you guys so shoo, go away," pagtataboy niya sa mga ito saka muling binuklat ang libor. Lumapit sa kanya si Craig at sinalat ang kanyang noo at leeg.
"What the hell are you doing?" tanong niya sa pinsan saka tinabig ang kamay nito paalis sa leeg niya pero patuloy lang ito sa pagsalat sa kanyang noo at tila nag-iisip.
"Wala ka namang lagnat, so why are you acting so weird all of a sudden?" tanong nito, iyon pala ang kinukumpirma ng pinsan. Napasampal siya sa noo dahil sa sinabi nito bago tumayo at isa-isa itong itulak papunta sa pinto.
"I'm not joining you so shoooo, go away," muli niyang pagtataboy sa mga kaibigan na hindi pa rin lumalabas ng bahay. Nagkatinginan ang mga ito bago bumaling sa kanya na tila may naisip na magandang ideya. Pumunta sa magkabilang gilid niya si Legend at Craig, tinignan qniya ang dalawa ng masama bago mabilis at mahigpit na hawakan ang magkabilang binti niya at inangat siya.
"What the f**k?!" bulyaw niya sa mga ito ngunit may kung sinong nagtaklob sa kanya ng itim na tela kaya hindi niya makita ang paligid. Tinulak niya ng mga kamay ang dalawang pinsan pero hindi nagtagal ay may humawak din sa mga kamay niya at ipinosas iyon.
"What the f**k!?" muli niyang sigaw bago maramdamang gumagalaw sila.
"I f*****g swear makawala lang ako rito papatayin ko kayo gamit ang mga kamay ko!" inis na bulyaw niya sa mga kaibigan ngunit narinig niyang nagsitawa lang ang mga ito bago siya itulak papasok sa sasakyan.
"f**k you all!" nangagalaiti niyang sigaw sa mga ito bago tanggalin ng isa ang tela sa kanyang ulo. Masamang tiningnan niya isa-isa ang mga ito na nakangiti lang sa kanya.
'These dickhead.' wika niya sa sarili bago nagpumiglas sa pagkakahawak nina Archer at Jace sa magkabilang braso niya. Tinanggal naman iyon ng dalawa at agad na nagtaas ng kamay.
"Chill man we can't leave you. You'll miss out some p*ssy to f*ck," wika ni Zac bago inistart ang sasakyan at paandarin iyon. He will not be missed out because the only p*ssy he wants to f*ck is Eunice's.
"Alisin niyo na sakin 'to baka mas lalo pang lumala maisip kong iganti sa inyo," pananakot niya sa mga ito bago ipakita ang kamay niyang nakaposas pa.
"Hindi pwede bud baka makatakas ka," sambit ni Archer habang panay ang swipe sa hawak na cellphone. Binalingan niya si Legend na siguradong nagposas sa kanya pero umiwas lang ito ng tingin at sumipol. Inis na tinignan niya ang lahat ng mga naroon ngunit wala sa mga ito ang nakatingin sa kanya.
"f**k you dickheads," sumusukong wika niya bago sumandal sa kinauupuan at ipikit ang mga mata. He just wish this is over because he wants to see Eunice as soon as possible.
_annmazing_