Sapu-sapo ni Cloe ang kaniyang bibig at umiiyak ito habang nakatingin sa kaniyang asawa. Kahit kahit medyo nahihilo si Angelo at pilit itong bumangon at nilapitan si Zoey. At inalalayan niya ito sa pagtayo. "It's okay, Zoey. Atleast sinubukan mo akong tulungan." Bahagyang ngumiti si Angelo habang ang kaniyang kamay ay nakapatong sa balikat nito. Hindi napigilan ni Zoey ang saliri at mahigpit nitong niyakap ang asawa. Si Cloe naman ay nanatiling nakayuko at nakaupo habang patuloy sa pag-iyak. "Mhey ..." sambit ni Angelo at at niyakap niya ang asawa. "Ayaw kong mawala ka sa akin dhey ..." At yumakap siya sa baywang ng kaniyang asawa na walang tigil ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. "Wala na tayong magagawa mhey, kung ito talaga ang gusto ng Dios. Ang gusto ko bago man lang ako ma