"Yes, my new wife!" tugon ni Zoey, at inakbayan niya si Cloe. Hindi naman siya nag-react upang hindi maghinala ang dalawa. "Excuse us!" At tinalikuran na ang dalawa. "Zoey, sandali!" Humabol ang babae at humawak sa kaniyang braso. "Zoey, umuwi ka saglit sa bahay para makita mo naman si Mama. "Not now, hindi pa ako handang kausapin siya," aniya at tuluyang umalis. "Zoey ... Zoey?!" paulit-ulit nitong sambit ngunit hindi na siya pinakinggan. "It's okay, hon. Uuwi rin iyon," her husband said. Nagpakawa si Zoey ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Sorry kanina," aniya na hindi man lang tumingin kay Cloe. Na ang kaniyang dalawang kamay ay nakapatong sa manibela. "Okay kang, r-relatives mo ba iyon?" pag-aalinlangan niyang tanong. "Yes. She is my eldest sister. Isa r