"Ma, kakalabas lang ng aking asawa. Baka mabinat pa siya. Baby, pagpasensiyahan mo na lang si Mama." "O-okay lang." Nakatitig si Allezandrie sa Ginang, at palaisipan sa kaniya kung bakit galit ito sa asawa ni Symond. "Mama, papasok muna kami sa kuwarto, para makapagpahinga ang aking asawa." Nang makapagpaalam si Symond ay itinulak na niya ang wheelchair patungo sa kaniyang kuwarto. "Sige po, maiwan muna namin kayo," paalam rin niya sa Ginang. Ngunit nakakunot pa rin ang noo nito. "Huwag kang magbait-baitan sa akin, Allezandra. Dahil hindi mo mabibilog ang aking ulo!" bulong nito sa sarili. "Good afternoon, sir, ma'am!" bati sa kanila ng yaya ni Camille. "Good afternoon! Kumusta si Camille?" tanong ni Symond. "Okay naman po siya, sir. Kakatulog lang niya. Sige po, sir. Lalabas