"Hayop ka talaga Allezandra! Sana namatay ka na lang sa aksidente. Alam kong pahihirapan mo na naman ang aking anak. Hmp! Pero hindi na kita hahayaan na muli mo pang saktan si Symond! Humanda ka sa akin sa pagbalik mo dito sa pamamahay ko!" Galit na namang banta ni Mrs. Marites. Hindi ito mapakali habang nag-iisip siya kung ano ang dapat niyang gawin sa oras na makabalik si Allezandra. Pumunta si Symond sa pinangyarihan ng aksidente at halos paliparin na niya ang kaniyang sasakyan. Para lang mapuntahan ang asawang nang-iwan sa kanila nang kaniyang anak. Kahit sinaktan na siya nito ngunit nanaig pa rin ang kaniyang damdamin para sa asawa. "Saan ka ba galing Allezandra? Sana ligtas ka. Oh—God. Please, help my wife." Dasal niya habang puno sa pag-alala ang kaniyang isip. Halos kalahati