Nakaramdam naman ni Zandrie ang sobrang awa sa lalaki. Alam niya na mabuting tao ito at mapagmahal. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit nagawa siyang lukuhin sa tunay niyang asawa. "Oo. Pangako, hindi kita iiwan," tugon niya sabay yakap nito sa lalaki na hilam pa rin sa luha ang mata. "Thank you, Zandrie." At bumalik ito sa noo niya. At maya-maya pa'y umalis na siya sa ibabaw ni Allezandrie. Inabot nito ang damit ng babae at tinulungan rin niya sa pagsuot. Nang matapos ay humiga na ito sa tabi at kinuha niya ang ulo at pinaunan sa kaniyang braso. "Symond," sambit nito sa katabi at humarap siya. "Ummm?" At sabay titig niya sa mukha ni Zandrie. "If you don't mind, puwede ka bang magkuwento tungkol sa iyong tunay na asawa?" Huminga nang malalim si Symond bago nagsimulang mag