Sarina “Jason!” gulat kong sabi. Tapos ay naalala ko si Maximus kaya naman mabilis kong in-end ang call. Hindi ko na tinignan kung nasagot ba o hindi. “Sandali lang,” sabi ko pa tapos ay ibinalik ko sa aking silid ang aking cell phone. Huminga muna ako ng malalim bago ako bumalik sa sala. “Para sayo, Love,” sabay abot ng isang dosena yatang pulang pulang rose at may kasama pang chocolate na kinuha ko rin naman. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nandoon lang ang aking pamilya na pinanlakihan ko ng aking mga mata. “Ah, sa labas lang muna kami anak.” “Sige ho, ‘nay.” At isa isa na silang naglabasan hanggang sa naiwan na kaming dalawa ni Jason. “Maupo ka,” “Salamat.” Nakangiti ito kaya naman lalong gumwapo ang paningin ko sa kanya. Ang dimples niya na nakadagdag sa gandang lalaki niy