Sarina “Bakit nandito ka? Akala ko ay lumayas ka na?” Galit na sabi ng lola ni Maximus. Mainit ang ulo ko at hangga’t maaari ay gusto kong pagpasensyahan siya. Pero sa tagpong nadatnan ko ay mukhang malabong mangyari iyon kung hindi siya titigil. “La, asawa ko ho si Sarina.” Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya at hindi ko yon itinago sa kanya. Akalain mong sinaway niya agad agad ang matanda. “Wala akong pakialam!” Galit na galit na sabi ng lola niya at nanlilisik pa ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin. “Eh kung alam ko lang ho na nandito naman pala kayo at ang malanding babaeng yan eh di sana hindi na lang din ho ako umuwi at patuloy na nagpakasaya sa bakasyon ko.” “Aba’t sumasagot ka talaga ha,” tapos ay bigla niya akong sinampal. Hindi ko inaasahan yon kaya hindi ko nap