Chapter 16

1383 Words

Sarina Kinabukasan ay maaga akong nagising kagaya ng dati. Nang dito pa ako nakatira ay sanay na sanay ang aking katawan na natutulog ng maaga at gumigising ng maaga. Kaya hindi na katakataka sa pamilya ko kung lumabas na ako ng aking silid hindi pa man tumitilaok ang manok. Nasa hapag na sila at nag-aalmusal habang ang mga pamangkin ko naman ay siguradong mga tulog pa. Okay lang iyon dahil mga bata pa ito at kailangan pa nila iyon. “Good morning po,” ang bati ko sa kanila. Mabilis namang tumayo ang kuya ko at ipinaglagay ako ng pinggan. “Huwag mo na yang gawin para sa akin, Kuya. Si ate ang dapat mong inaasikaso ng mabuti at baka maumpog yan, mahirap na.” “Ikaw naman, ang aga aga eh,” sabi niya na mukha namang hindi napikon. “Inuna ko na siya syempre. Tsaka huwag mo na akong pagbawalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD