Sarina Hindi ko na alam ang nararamdaman ko para kay Maximus, nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya. Hindi ko akalain na dahil sa mga maiinit na sandaling pinagsasaluhan namin ay matutunan ko siyang magustuhan ng ganito. Alam kong walang masama kung mahulog man ang loob ko sa kanya dahil asawa ko naman siya. Natural lang na dapat ay siya lang ang gusto ko at wala ng iba. Pero ang hindi ko maunawaan ay ang katotohanang nagsimula iyon ng magsimula rin kaming magsama bilang mag-asawa. Hindi ba dapat ay noong una pa lang na makilala ko siya? Wait, am I thinking about love at first? Ngi! Ni hindi ko nga naramdaman kay Jason iyon. My love for my ex comes naturally. Nakilala ko siya simula ng bata pa ako at naging kaibigan bago ko minahal intimately. Ngayon ay si Maximus. Alam kong hindi