Maximus “Hey man, I didn’t know that you are really married!” sabi ng kaibigan kong si Luke na ngingisi ngisi at nakatingin pa sa asawa ko. Isang bagay na hindi ko nagustuhan dahil alam ko kung gaano siya katinik sa babae. Kumpara sa akin ay mas malala ito dahil handa itong tumalo ng kaibigan. Although hindi naman seryoso ang relasyon ng mga ito sa mga babaeng nakakasama nila ay hindi pa rin magandang taluhin niya ang chick kung alam niyang may nangyayari pa sa isa sa mga kaibigan niya. “Yes, she’s my wife, kaya umayos ka.” Tinignan ko siya ng may pagbabanta and I hope ma gets niya ang point ko. Dahil hinding hindi ko papayagang pagnasaan niya ang nag-iisang babaeng mahal ko. “Hey, hey, enough of that. Alam naman nitong si Luke ang limitation, right par?” Singit ni Allan bago tumingin s