Maximus “Hey, asawa ko, please talk to me..” ang sabi ko matapos ko siyang mailapag sa kama pagdating namin sa aming hotel room. Napansin kong parang takot siya na hindi naman normal sa kanya. Kaya binilinan ko ang mga kaibigan ko at alam kong alam na nila ang gagawin nila kung ano’t anoman ang makita nila. “Magpahinga na lang na tayo,” mahina niyang sabi. “Ayaw ko ng ganyan ka asawa ko, gusto ko yung maingay, yung galit, yung laging naasar at nang-aasar. Please, asawa ko, talk to me. May ginawa ba sayo ang lalaking yon?” “Ha? No, hindi. Wala siyang ginawa. He actually saved me.” “Save you? From what?” taka kong tanong. Bago pa makasagot ito ay tumunog na ang aking cellphone na mabilis kong kinuha at sinagot habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya na ngayon ay pahiga na ng kama