Sarina 3 days later ay nagpunta na ako sa aming Bayan sa isla ng Catanduanes. Kung may maganda mang nabago sa buhay ko ang pagpapakasal kay Maximus, iyon ay and nag eroplano na ako pauwi kaya naman isang oras lang ay nandoon na ako. Hindi kagaya kapag by land ay aabutin ako ng mga 18 hours lalo na kung kakaragkarag pa ang bus na masasakyan ko. Sinalubong ako nila nanay sa tapat ng aming munting bahay kasama ang aking kuya at hipag pati na rin ang 2 makukulit kong mga pamangkin. “Anak!” Mukhang masaya ang mudrakels ko ah. Ngumiti ako dito at sinalubong ko ang yakap niya. “Miss na miss na kita anak ko. Naku eh nakita mo naman na pati ang mga kapitbahay natin ay nakaabang sayo.” “Ano naman ho ang pinamalita nyo?” tugon ko sa sinabi niya. Ibang klase kasi ang pagiging proud nang nanay ko s