10

2147 Words
Chapter 10 3rd Person's POV Hindi alam ni Sebastian kung nasaan na naman siya. Basta nakita niya na lang ang sarili sa isang madilim na lugar lugar. Walang gaanong liwanag. Mukha iyon isang basement. Tila napako si Sebastian sa kinatatayuan matapos makita ang batang siya na nakatali ang kamay sa kadena. Nakatali ang kadena sa kisame at nakataas ang dalawang kamay ni Sebastian. Puno ito ng sugat sa katawan. Nangingitim ang labi— minulat ng batang Sebastian ang mga mata. Tumulo ang luha ni Sebastian matapos maramdam ang kakaibang emosyon matapos makita ang expression ng batang si Sebastian. Puno iyon ng sakit at paghihirap— ngunit iba ang paraan ng pagtingin nito. Wala itong buhay at puno iyon ng pagod. Hindi maintindihan ni Sebastian kung bakit niya iyon nararamdaman. "Hindi ako ikaw," bulong ni Sebastian. Muli naguguluhan na naman siya. "Pinuno!" Naimulat ni Sebastian ang mga mata matapos marinig ang boses ni Lucas. Narinig niya din ang boses ni Hestia sinabing wala silang ginagawa kay Sebastian. Napabangon si Sebastian habang hawak ang ulo. Napatingin si Hector sa direksyon ni Sebastian habang hawak ni Nathan ang kwelyo niya. Parehong napatigil ang lima matapos makita ang expression ni Sebastian. Wala itong expression at puno ng lamig ang aura nito— katulad ng dati. Hinawakan ni Hestia ang kamay ni Sebastian. Agad na tinabig iyon ni Sebastian at sinamaan ng tingin ang batang si Hestia. Napabitaw si Hestia at nabato sa kinatatayuan. "Hestia!" Tinulak ni Hector si Nathan at lumapit sa kapatid na mukhang nagulat sa biglaang pag-babago ng ugali ni Sebastian. "Iwan niyo na ako. Gusto ko mapag-isa," ani ni Sebastian. Nakayukom ang kamao ni Sebastian at wala siyang tinapunan ng tingin. "Sebastian," ani ni Hestia na tila naiiyak dahil sa ginawa ni Sebastian. Hinawakan ni Hestia ang kaliwang kamay na kasalukuyang namumula. "Anong tinatayo niyo! Sabing alis! Iwan niyo ako!" sigaw ni Sebastian. Napatalon sina Acer sa gulat at agad na lumabas ng silid. Puno ng galit ang mga mata ni Sebastian at the same time lungkot. Hindi umimik si Hector at lumabas habang dala ang kapatid na babae na impit na humihikbi. Nang mag-isa na si Sebastian sa kwarto. Lahat ng nasa silid na iyon binato niya— nabasag ang salamin sa biglaang pagbato nito ng upuan. Kailangan niya mailabas iyon— kasi kung hindi natatakot siya sa maari niyang gawin. Parang nababaliw na si Sebastian matapos paisa-isa na pumasok sa isip niya ang mga ala-ala ni Sebastian at sobrang emosyon na nararamdaman nito. "Tangna!" mura ni Sebastian at napaupo sa sahig. Sinabunutan nito ang buhok dahil sa sobrang frustration. Natahimik ng ilang minuto si Sebastian— binaba ang mga kamay. "Papatayin ko si Hector. Tama siya ang may kasalanan nitong lahat. Ang mga Ferrer at ang mga Floran." Nag-angat ng tingin si Sebastian at walang emosyong pinukol nito ang tingin sa full size mirror na nasa harapan niya. — Naglalakad si Hector habang buhat ang kapatid na kasalukuyang umiiyak. Sinasabing ayaw na siya makita ni Sebastian. Walang masabi si Hector dahil pakiramdam niya iyong kanina at iyong Sebastian na nakilala niya this past few days ay magkaiba ng tao. Hindi nagsalita si Hector at hinayaan lang ang kapatid na umiyak. Napatigil si Hector matapos may maramdaman na tao sa likod niya. Paglingon niya nakita niya si Sebastian. Napaatras si Hector— ang aura nito at presensya. Iniangat ni Sebastian ang mga tingin— titingin si Hestia nang isubsob ni Hector ang mukha ng kapatid sa leeg niya. May hawak si Sebastian pero dahil madilim hindi niya iyon nakikita. Umisang hakbang si Hector paatras at sinamaan ng tingin si Sebastian. Kapag umatake si Sebastian na hawak niya ang kapatid niya katapusan niya na. Niyakap ni Hector ang kapatid at hindi niya hinayaan na tumingin ito. Nagsukatan sila ng tingin na dalawa hanggang sa nilabas ni Sebastian ang dala niya. Napatigil si Hector matapos makita ang dalawang lalagyan. Bumuga ng hangin si Sebastian. "Pasensya na kanina. Gulong-gulo lang ang isip ko. Ganoon ako kapag nagigising," ani ni Sebastian. Nandoon pa din ang aura nito ngunit iyong tingin nito at expression ay bumalik na sa dati. "Sebastian," ani ni Hestia at lumingon. Biglang ngumawa si Hestia at sinabing bad si Sebastian. Ngumiwi si Sebastian at sinubukan kuhanin si Hestia. Hindi naman nagdalawang isip si Hector na ibigay si Hestia kay Sebastian. Pinaghahampas ni Hestia ang balikat ni Sebastian. "Okay I'm sorry. Nagkaroon lang ng bad dream si Sebastian— look nagdala ako ng maraming cookies para sa iyo at cute na lalagyan," ani ni Sebastian at pinakita ang lalagyan ng cookies. Hindi iyon pinansin ni Hestia. Sa halip yumakap ang bata sa leeg ni Sebastian at nag-sorry. "Hindi na magiging bad si Hestia. Huwag ka na magalit sa amin ni kuya," ani ni Hestia. Lumambot ang expression ni Sebastian at sinabing hindi siya galit. "Huwag ka na umiyak okay? Look mukha ka ng panda sa kaiiyak mo," ani ni Sebastian na medyo worried na. Bigla siyang na-guilty. Nasigawan niya ang mga ito kanina at nasaktan niya si Hestia. Kinuha ni Sebastian ang kaliwang kamay ni Hestia at sinuri iyon. Namumula ang likod ng palad ni Hestia. Hinalikan iyon ng binata at nag-sorry. Tiningnan ni Sebastian si Hector na napabuga na lang ng hangin. "Gagamutin ko siya pag-uwi," ani ni Hector na tumalikod na. In some reason natutuwa siya dahil bumalik na muli ito sa dati. Pinako ni Sebastian ang tingin sa likod ni Hector. Umiwas ng tingin— hindi siya makapaniwalang inisip niya na patayin si Hector dahil sa nadala siya ng ilang segundo sa emosyon ng tunay na Sebastian. Sebastian Apostol's POV Malaki talaga ang pagkakaiba ng taong nasa ganoon na posisyon at sa nabasa lang sa libro. Naramdaman ko ang sakit at mga emosyon ni Sebastian first hand— hindi na talaga ako nagtataka kung bakit naging ganoon si Sebastian. Kung bakit napuno ito ng galit at napakalalim na poot sa mga Floran at Ferrer. Niyukom ko ang kamao ko. Kung hindi ko siguro nabasa ang libro hanggang ending baka kaparehong desisyon lang din ng kay Sebastian ang ginawa ko. Ngunit nabasa ko eh. Mula sa unang kwento hanggang sa ending— maling tao ang mga pinaghigantihan niya. Iyong hustisya na hinahanap niya sa huli hindi niya din nakuha. "Ang sarap ng cookies," natutuwa na sambit ni Hestia. Tiningnan ko si Hestia— napangiti ako matapos makitang tuwang-tuwa ito sa cookies. May nakita kaming sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan. Mukhang iyon na ang sasakyan ni Hector. Nag-alarm ang sasakyan at binuksan ni Hector ang passenger seat. Binaba ko na si Hestia at iniabot ang isa pang lalagyan na hawak ko. Binilinan ko ito na kumain ng kumain. "Sebastian, nag-promise ka. Pupunta ka sa weekend," ani ni Hestia at nakatingala. Ngumiti ako dahil napaka-cute nito. Kapag lumaki ito siguradong hindi pwedeng hindi ko mapagkamalang girl version ito ni Hector. "Oo naman kung kokontakin ako ng kapatid mo. Hindi ako pwedeng sumulpot na lang bigla doon," ani ko na natatawa. Baka hindi ako makauwi sa mansion ko ng walang butas ang katawan. Hindi lingid sa kaalaman ko na kaaway pa din ang tingin sa akin ng mga Ferrer. "Pupunta siya Hestia. Sakay na," ani ni Hector at inalalayan ang kapatid pagpasok ng sasakyan. Kumaway si Hestia— ngumiti lang ako. Wala na talagang bagay sa mundong ito ang may pinakamagandang tanawin bukod sa ngiti ng isang bata. Pagkasara ng pinto tiningnan ko si Hector at humingi ng pasensya. "Mukhang hindi ka nakapunta sa pupuntahan mo dahil sa akin," ani ko. Napasuklay si Hector ng buhok at tiningnan ako. "Wala kang kasalanan. Ako dapat humingi ng tawad dahil bigla na lang kami pumunta sa mansion niyo. Nagwala pa si Hestia," ani ni Hector. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket at hindi na lang nagsalita. "Umalis na kayo. Malalim na ang gabi— balik na din ako," ani ko. Tatalikod na ako nang mag makapa ako sa bulsa ng suot ko na jacket. Tatlo pala dala kong lalagyan. Lumingon ako at nakita ko si Hector na nakatayo pa din doon. Nakasandal sa sasakyan. Ngumiwi ako— hihintayin niya ba ako mawala sa paningin niya. "What?" masungit na tanong ni Hector. Napakamot ako sa ulo at nilabas iyong isa pang lalagyan na nasa bulsa ko. "Hindi ko alam kung suit iyan sa panlasa mo." Iniabot ko ang lalagyan. Black ang lalagyan na iyon at may mga drawing na maliliit na star. Kinuha iyon ni Hector at ngumisi. "Hindi ko ini-expect na mahilig sa mga cute na bagay ang isang Sebastian Apostol," ani ni Hector. Sumama ang mukha ko— aagawin ko iyon nang itaas iyon ni Hector. Tinapakan ko ang paa ni Hector na kinamura nito. Sinamaan ko ito ng tingin. "Ibigay mo na lang sa akin kung ayaw mo okay. Hindi iyong mang-aasar ka pa," asik ko kay Hector. Tinago iyon ni Hector sa bulsa at sinabing wala na. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa marinig ko boses ni Acer. Nagulat ako matapos ako nito maitulak at nilapitan si Hector na nakaupo sa sahig. Napa-pokerface ako. Tumalikod ako naglakad palayo. Narinig ko pang tinawag ako ni Acer. Malinaw na aso ng mga Ferrer si Acer. Atleast, alam kong hindi ito nasa panig ng kalaban. For now, ayos lang iyon. Nakita ko sina Lucas na tumatakbo palapit sa akin. Tinatanong kung ayos lang ako. "Ha? Bakit hindi ako magiging ayos?" tanong ko. Sumama ang mukha ni Lucas. "Gusto mo na ba talaga mamatay pinuno? Nagpapasok ka isang Ferrer sa mansion, pinapasok sa kwarto mo at hinatid pa sila palabas ng walang kasama na gwardya!" Ako lang ba o nakalimutan nina Lucas na pinuno pa din nila ang sinisermonan nila. Napabuga ako ng hangin— nevermind. Worried lang sila sa akin. Hindi naman na ako nagulat doon. Wala pa din silang tiwala sa mga Ferrer at hindi nila alam kung bakit ganoon na lang ang ginagawa kong tiwala kay Hector. 3rd Person's POV "Hector!' Niyakap ni Portia si Hector matapos dumating ito sa mansion. Napatayo sina Nero matapos makita ang binata. "Umakyat ka na sa room mo Hestia," ani ni Hector. Tumakbo ang batang babae pataas ng hagdan at iniwan ang mga gwardya sa baba. "Alam mo ba na nag-alala ako sa iyo ng sobra? Bakit nakapatay ang phone mo? Akala ko ba uuwi ka na. Ilang oras ako naghintay sa iyo!" ani ni Portia. Lumambot ang expression ni Hector at humingi ng sorry. "Nakatulog kasi si Hestia. Ayaw pa din umuwi kaya hindi talaga ako nakaalis," ani ni Hector. Half doon totoo naman. Sumama ang loob doon ni Portia— dati kasi isang tawag lang ni Portia kay Hector ay pumupunta na ito agad. "Ayos lang atleast nag-enjoy kayo ng kapatid mo," ani ni Portia na hawak ang isang braso. Paano nagawa ni Hector na mag-enjoy kasama ang kapatid nito habang siya ay nag-aalala dahil sa nangyari sa kapatid niya. "Dumalaw ka na ba sa kapatid mo? How is he?" tanong ni Hector. Bumagsak ang balikat ni Portia at sinabing in comma pa din ang kapatid. "Kasalanan ito lahat ng Sebastian na iyon. Hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyari sa kapatid ko. Hinding-hindi," ani ni Portia na naiiyak. Agad siya niyakap ni Hector at pinakalma. Matapos ihatid ni Hector sa Portia sa mansion nito. Bumayahe na si Hector pabalik ng mansion ngunit naapakan ni Hector ang break matapos makita sina Nero na nakahara ang nga sasakyan sa daan niya. Nakasandal ang mga ito sasakyan nila. Tinanggal ni Hector ang seatbelt niya at bumaba. Tinanong kung anong problema ng mga ito. "Galing ka sa mansion ng mga Apostol diba?" tanong ni Nero. Alam nila ni Draven kung nasaan ito na area at location nito dahil sa tracker. "Anong ginagawa mo doon? Kasama mo pa si Lady Hestia," ani ni Nero. Napahawak sa batok si Hector— sinabing pinuntahan nila si Sebastian dahil nangako siya sa bata. "What the f**k Ferrer! Alam mo ba kung anong ginagawa mo! Paano kung ginagamit lang ng Apostol na iyon ang kapatid mo. Mahulog kayo sa trap!" sigaw ni Draven. Halang ang kaluluwa ni Sebastian Apostol. Pumapatay ito matanda, babae man o bata. Ganoon na lang ang pag-aalala nina Nero dahil alam nila ang mga karakas ni Sebastian. Maitim pa sa uling ang budhi ng kilala nilang Sebastian Apostol. "Nakita niyo naman na nakabalik kami ng buo," sagot ni Hector. Napasapo sa noo si Nero. "Hindi mo ba naisip na mapapatay ka ni tito kapag nalaman ito. Dinala mo pa si lady Hestia sa demonyo na iyon," ani ni Nero. Pumunta pa doon ang pinuno nila ng walang kahit na anong gwardya. Nagawa pa nitong magsinungaling kay Portia— doon talaga sila pinakanagulat. Nagsinungaling ito kay Portia Floran. Tumingin sina Nero at Draven kay Hector na ngayon ay binubuksan ang phone niya. "Hector, sabihin mo. Wala ka naman sa side ng mga Apostol diba? Nandoon ka lang talaga dahil kay lady Hestia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD