11

2101 Words
Chapter 11 3rd Person's POV Sobrang kaba ang nararamdaman ni Sebastian matapos makababa ng sasakyan kasunod sina Lucas. Iyon ang unang araw na papasok siya sa school. Hinawakan ni Sebastian ang strap ng bag niya matapos makita ang tingin ng mga babae sa direksyon nila. Hindi pa din talaga siya sanay sa atensyon. Pagpasok nila ng gate. Napatigil si Sebastian matapos makita ang apat na main character. Masama ang tingin sa kaniya ni Portia— katulad ng nasa character discription nito— hindi talaga mapapantayan ang ganda ng female lead. Hindi niya maiwasan matulala sa female lead kasi talaga naman kahit sinong lalaki hahanga dito. Napatigil si Sebastian matapos may maramdaman na nakatingin sa kaniya. As in the wierd one at nakaka-intimidate. Nagtama ang mata nila ni Hector. Napatakip ng bibig si Sebastian matapos makita si Hector sa school uniform nito. Napakainosente kasi tingnan nito sa school unifotm at mukhang hindi gagawa ng masama. Posible ba na matawag na sexy ang mga tipo ni Hector Ferrer. Naunang maglakad si Sebastian matapos maipakita ang I.D niya. "Anong ginagawa ng mga Apostol dito?" ani ni Portia at napahawak sa braso ni Hector. Natatakot siya na may gagawin na masama si Sebastian. "Hindi mo kailangan mag-alala lady Portia. Po-protektahan ka namin," ani ni Nero na may ngiti sa labi. Tila lutang naman si Hector kaya hindi nito narinig si Portia na tinatawag siya. "Ano iyon?" Mukhang pinaglalaruan talaga ng tadhana sina Hector, Portia at Sebastian. Naging magkaklase pa ang mga ito. Maraming babae ang nagtilian matapos makita si Sebastian. Nagpakilala si Sebastian. Alanganin pa itong tumingin sa direksyon nina Portia— sa isip ni Sebastian bigla niyang gusto mag-transfer sa ibang school. Nandoon lahat ng main characters and worst wala doon sina Lucas. Wala siyang kakilala. "Mr. Apostol. Doon ka umupo sa likuran ng upuan ni Ms. Floran," ani ng teacher. Nawalan ng kulay ang mukha ni Portia matapos marinig iyon. Napatayo ang babae at sinigaw na ayaw niya makatabi ang isang murderer. Agad siya pinigilan ni Hector matapos marinig iyon. Napatigil si Sebastian. Maraming nagbulungan kaya napatigil si Portia na agad na nagulat. Sinong hindi magugulat kung sabihan niya ng isang murderer ang isang 19 years old. "Palit na lang tayo ng upuan," bulong ni Hector matapos ilapit ang bibig sa tenga ni Portia. Kinagat ni Portia ang labi at umupo muli sa upuan. Hindi na lang ito pinansin ni Sebastian at naglakad patungo sa likod ng upuan ni Portia. Umupo doon ang binata— tiningnan siya ni Hector. Umiwas ng tingin si Sebastian. Bumalik na din si Hector sa sariling upuan at hinawakan ang kamay ni Portia. Napatingin doon si Sebastian. Noong binabasa niya ang mga scene kung saan masyadong cligy si Portia at Hector kinikilig siya pero noong nakikita niya na ito— bigla siyang naasar. Masyado siyang bitter palibhasan no girlfriend since birth. Napahalumbaba si Sebastian at nakinig sa professor nila sa unahan. Katulad ng ini-expect niya palagi kay Hector ang spotlight. Pagkatawag pa lang ng professor kay Hector ay ni-normalize na ng mga extra character ang kiligin. Lahat kasi ng tanong ng professor nasasagot ni Hector. Pero halatang hindi na ni Hector nagugustuhan ang pagtawag-tawag ng professor para magsagot sa board kapag walang nagtataas ng kamay. "Mr.Ferrer, alam—" "Sir pwede mag-try?" ani ni Sebastian na nagtaas ng kamay. Lahat napatingin sa kaniya either si Hector na kasalukuyan ng gusot ang mukha. — Nanggigil si Portia. Masyadong pabida sa paningin niya si Sebastian— inagawan nito ng spotlight si Hector at nahati ang mga babaeng humahabol kay Hector. Maraming naiinggit sa kaniya dahil kay Hector at dahil dumating si Sebastian. Nagbago iyon— target na ng mga ito si Sebastian. Bukod kasi sa gwapo, matalino din ito at may pagka-bad boy type. Napahawak ng mahigpit si Portia sa ballpen niya. Hanggang sa may makita siyang babae na may hawak na tubig na nasa plastic cup. Patungo ito sa side nila at tamang-tama ba palapit kay Sebastian na tumayo. Ngumisi si Portia. Iniisip niya na nagpe-pretend lang si Sebastian at balak niya tanggalin ang maskara nito. Hinarang niya ang isa niyang paa at natalisod ang babae na may hawak na tubig. Napamura si Sebastian dahil sa lamig 'non at nabuhusan siya. Natahimik ang lahat doon hindi sa takot kung hindi dahil sa wet look nito. Napatayo si Hector matapos bumahing bigla si Sebastian. "Portia anong ginawa mo?" tanong ni Hector na biglang nainis. Napatigil si Portia at napatingin kay Hector. "A-Anong sinasabi mo? Wala— wala akong ginagawa," ani ni Portia. Gumusot ang mukha ni Hector at dinampot ang coat niya. "Nakita kong tinalisod mo si Trinidad at natapon ang tubig kay Sebastian," ani ni Hector na gusot ang mukha. Nagulat sina Nero dahil doon. "Excuse me," ani ni Sebastian at kinuha ang bag niya. Hindi akalain ni Sebastian na mahina ang katawan na iyon sa lamig. Nabuhusan lang siya ng malamig na tubig ay sinisipon na siya. Umalis si Hector sa upuan at iniabot kay Sebastian ang coat niya. "May restroom dito. Magpalit ka muna— suuting mo muna ito temporary. Malayo sa building na ito ang locker room." Hindi alam ni Draven kung saan siya magugulat. Sa ini-offer ni Hector ang coat nito sa kabila ng pagigng clean freak nito o doon sa kinuha iyon ni Sebastian at sumunod kay Hector na pumunta sa restroom para magpalit. "Bakit mo ginawa iyon?" tanong ni Portia at gusot ang mukha na tumayo. Tiningnan ni Portia si Hector habang nangingilid ang luha. "Bakit mo siya tinutulungan! Parang kinakampihan mo siya!" bulyaw ni Portia. Napasuklay si Hector sa buhok. "Tinulungan? Bakit sa tingin mo ginawa ko iyon? Walang ginagawa sa iyo si Sebastian ngunit binuhusan mo siya ng tubig. Akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo?" ani ni Hector. Naitikom ni Portia ang bibig. Niyukom nito ang kamao at nagpapadyak na lumabas ng classroom. Hinabol ni Nero so Portia. Nanatiling naka-pokerface si Hector. Tinanong ni Draven si Hector kung hindi ba kakausapin ni Hector si Portia. "Anong sasabihin ko? Mali siya," ani ni Hector. Ngumiwi si Draven doon. Wala talagang makakalusot kay Hector basta nakita nitong nagkamali ka. Or not— tiningnan ni Draven si Sebastian na suot ang coat ni Hector. Nagmukha itong giggolo dahil kitang-kita ang malapad nitong dibdib. Napako ang tingin ni Draven at Hector dito lalo na ng makita ang napakaraming hiwa sa katawan ni Sebastian. Agad na tinakluban iyon ni Sebastian. "Babalik ko na lang bukas itong coat mo," ani ni Sebastian. Nilampasan nito ang mga kaklase at tinungo ang pintuan palabas ng kwarto. — Buti na lang ay naituro na nina Lucas ang locker room ng boys. May mga nilagay din siya na ilang pares ng uniform doon. Binuksan niya ang pinto ng locker niya. Napatigil si Sebastian matapos manuot sa ilong niya ang gamit na perfume ni Hector sa coat na suot niya. "Ano kayang gamit na brand ng perfume ni Hector?" ani ni Sebastian at inamoy pa iyon. Mabango para kay Sebastian. Umiling-iling si Sebastian at kinuha ang sleeve at coat niya sa loob ng locker. Hinubad niya ang coat ni Hector at sinuot ang nakareserba na uniform. Bumahing muli si Sebastian at kinusot ang ilong. Sinara pintuan ng locker niya at naglakad palabas ng locker room dala ang bag niya. Tiniklop niya ng maayos ang coat ni Hector at nilagay iyon sa bag niya. Napatigil si Sebastian at napaligon sa kabilang bahagi ng hallway. Pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya. Nagkibit-balikat si Sebastian at nagpatuloy sa paglalakad. Inayos ni Sebastian ang sariling buhok at tinahak ang daan palabas ng building. Lunch na ng mga time na iyon— imbis bumalik sa sariling building tinahak niya ang daan kung nasaan ang building nina Lucas. Ayaw niya kumain mag-isa. Nakapamulsahan na tumungo si Sebastian sa hagdan at tinahak ang daan patungo sa pangalawang palapag ng building. Sakto naman na lumabas ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. May bumangga sa kaniya at napaupo ito sa sahig. Napatingin ang mga estudyante at napatigil sa paglalakad si Sebastian. "Nanadya ka ba!" Hinablot nito ang kwelyo ng suot na uniform ni Sebastian. Kumunot ang noo ni Sebastian. "Excuse me, ikaw bumangga sa akin. Kasalanan ko pa na sumalampak ka sa sahig?" malamig na sambit ni Sebastian. Mukhang napikon ang lalaki at susuntukin nito si Sebastian nang kusang gumalaw ang katawan ni Sebastian. Nasipa nito ang lalaki sa sikmura na kinagulat din ni Sebastian. Napasigaw ang lalaki at napasubsob sa sahig. "Sebastian?" ani ni Acer na halatang nagulat matapos makita si Sebastian na nasa palapag na iyon. Nagulat pa ito matapos may makitang lalaki sa harapan ni Sebastian na nakaluhod at hawak ang sikmura. "Anonv ginagawa mo! School ito Sebastian," asik ni Acer at tinulungan ang lalaki na tumayo. Dumating sina Lucas— napatigil sina Lucas matapos makitang namumula ang leeg ni Sebastian at gusot ang necktie nito. "Anong nangyari sa leeg mo?" tanong ni Lucas na napalitan ng pag-aalala ang mukha. Napatingin si Acer— pag-angat niya ng tingin nagkasalubong ang mata nila ni Sebastian. Parang nabato sa kinatatayuan si Acer na nakaluhod sa sahig matapos makita ang tingin na pinukol sa kaniya ni Sebastian. "May gago lang na bumangga sa akin at bigla na lang ako sinakal," ani ni Sebastian at tumalikod. Sinamaan ng tingin nina Lucas si Acer na tumayo at sinipa sa ulo iyong humablot sa kwelyo ni Sebastian. Hindi makapaniwala si Acer na na-misunderstand niya na naman si Sebastian. Tinahak nila ang daan pababa ng palapag. Inayos ni Sebastian ang suot na necktie at niluwagan. Kita sa mukha ni Sebastian ang pagkadisgusto. Lahat mapababae o lalaki tumatabi dahil sa expression ni Sebastian ng mga oras na iyon. Napansin ni Sebastian na habang tumatagal nakukuha din niya ang temperament ng tunay na Sebastian. Uminit agad ang ulo niya sa ginawa ni Acer at kusang gumalaw katawan niya at nanakit. "Gusto ko ng ice cream," bulong ni Sebastian. Tinungo nila ang cafeteria at nag-order ng makakain nila for lunch. Naghanap din doon si Sebastian ng ice cream pero mukhang walang tinda ang cafeteria. Gusot pa din ang mukha ni Sebastian hanggang sa makahanap sila ng table at nag-start kumain. "Gusto mo ba na dumaan muna tayo sa cafeteria para i-check ang leeg mo?" tanong ni Nathan. Malamig an sumagot si Sebastian at sinabing no need. Nagsikuhan si Jared at Nathan. Nagtutuklingan ito kung sino ang kakausap sa pinuno nila. "Lucas, ayos lang ba pabalikin natin si pinuno sa classroom na ganiyan ang mood niya?" tanong ni Jared. Patay silang tatlo once na biglang sumabog ang pinuno nila at nasa loob ang mga Ferrer. Binagsak ni Sebastian ang bag sa upuan at umupo doon. Hindi nito pinansin ang masamang tingin sa kaniya ni Portia. Walang nakakapagsalita sa loob ng classroom o nagtangka kausapin si Sebastian. Masama kasi ang timpla ng mukha ni Sebastian at kita naman wala sa mood ang binata. Sumubsob si Sebastian sa lamesa. Umisod ang upuan ni Hector at nahulog ang pen nito. Tumama iyon sa sapatos ni Sebastian. Napatigil si Nero at Draven. Tumingin si Hector na mukhang hindi naman affected sa mood meron si Sebastian. Napatigil sina Lucas na nasa labas pa din ng classroom matapos makita iyon. "Pwede paabot ng ballpen?" tanong ni Hector. May hawak itong popsicle. Nagtaas ng ulo si Sebastian at tiningnan ng masama si Hector. Nagsukatan ng tingin ang dalawa hanggang sa yumuko si Sebastian at kinuha nga ang ballpen sa paanan niya. Napako ang tingin ni Sebastian sa popsicle na hawak ni Hector. Hindi alam ni Sebastian kung anong naisipan nito ngunit hiningi niya ang hawak ni Hector. Ngumisi si Sebastian at inilayo ang pen na aabutin sana ni Hector. "Pahingi ako ng hawak mo. Ibibigay ko itong pen," ani ni Sebastian. Nawala ang black aura ni Sebastian. "Alam mo bang bullying ginagawa mo?" tanong ni Hector na naka-pokerface. Inilahad iyon ni Hector. "Ang dami mong sinasabi bibigyan mo din pala ako." Iniabot niya ang pen kay Hector at kinagat iyong popsicle na nilalahad sa kaniya ni Hector. Napatanga doon si Portia, sina Draven then sina Acer na nasa labas ng classroom. Pagkakuha ni Hector ng pen— muli nitong kinain ang popsicle at umayos ng upo. Dumating na din ang professor na talagang nagtaka. Akala niya walang tao sa loob ng classroom dahil sa sobrang tahimik ng mga estudyante sa loob ng silid. "Namalikmata ba ako kanina?" tanong ni Acer at kinusot ang mata niya. "Kung nakita mo na nanghingi si pinuno ng popsicle, binigyan siya ni Ferrer kapalit ng pen. Hindi ka namalikmata. Pareho tayo ng nakita," ani ni Lucas na naglalakad pababa ng hagdan. Naitikom nina Jared at Nathan ang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD