09

2144 Words
Chapter 09 Sebastian Apostol's POV Napaupo ako sa sofa matapos kami makauwi nina Lucas galing sa university. Nag-take ako ng exam doon— kahit naman papaano kampante akong makapasa dahil ang mga pinag-aaralan doon ay hindi malayo sa pinag-aaran sa pinanggalingan ko. Kahit din naman walang pinipili ang oras ng pagbabasa ko dati lagi pa din naman ako nangunguna sa klase— kaya kampante ako. Hintayin ko na lang ang result. Tumingin ako sa labas. Sobrang lakas ng ulan ngayon. Ganito din iyong klima 'nong nabili ko iyong libro. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit ako dinala ng panginoon dito. Kung nasaan na ang tunay na Sebastian. "Hindi ka naman siguro galit ngayon Sebastian diba? Ginagawa ko ang mga gusto ko?" bulong ko habang nakatingin sa madilim na langit. "Huwag kang mag-alala makakamit mo pa din ang hustisya. Sisiguraduhin kong magbabayad pa din ang mga taong pumatay sa pamilya mo," dagdag ko. Kung nasaan 'man si Sebastian ngayon siguradong nagpapahinga na siya ngayon. Katulad ng sinabi niya sa huling linya. Ngayon ako na ang nasa katawan na ito— gagawin ko ang tama at magbabayad lahat ng taong sumira sa buhay mo. "Pinuno, gusto mo ng kape?" Napalingon ako at nakita ko sina Lucas na kasalukuyang suot pa din nag uniform nila. Ang unang hakbang na gagawin ko ay protektahan ang mga taong nabigo mong protektahan sa novel. — Lumipas ang tatlong araw— nagulat ako matapos may mag-doorbell sa pintuan. Kung sina Nathan ito ay siguradong papasok na lang ang mga ito. Kinuha ko ang bakal na baseball bat na binili ni Nathan para sa akin. In case of emergency since ayoko humawak ng baril. Mukhang hindi na nagtanong sina Nathan about doon o nagduda since nawalan nga ako ng ala-ala. Lumapit ako sa pintuan at pinihit ang door knob. Tinaas ko ang baseball bata at paunti-unting binuksan iyon. Napatigil ako matapos makita ko si Hector at si— "Hestia!" lumiwanag ang mukha ko at binitawan ang baseball bat. Nangilid ang luha ni Hestia habang buhat ni Hector. Agad ko siya kinuha matapos ako nito tawagin at abutin. Natutuwa kong ito niyakap dahil naalala ko ang half sister ko sa totoong mundo. "Kung dinala ka ni kuya Hector mo dito naging good girl ka. Lagi ka ng kumakain?" tanong ko. Agad na tumango-tango si Hestia. Napangiti ako doon at pinisil ang pisngi niya. Nilingon ko si Hector na napabuga nga hangin. Mukhang pagod na pagod ito kaya sinabi ko na pumasok muna sila. Kumunot ang noo ni Hector at tiningnan ako ng masama. "Idiot, natural ba sa iyo mag-entertain ng kahit na sino kahit ang kalaban mo?" asik ni Hector. Sumama ang timpla ng mukha ko doon. Kung ayaw niya naman pumasok pwede naman niya sabihin diba? Hindi iyong tatawagin akong idiot. "Kung ayaw mo pumasok ayos lang naman. Wala din naman sa habit ko ang mag-entertain ng taong pinatulog lahat ng tauhan ko sa labas para lang pagbantayin ako ng bata," nanggigil na sambit ko bago tumalikod. Wala sina Lucas ngayon. Kung may gagawin 'man masama si Hector siguradong wala akong magiging palag. Ngunit in some reason kampante naman ako. Nilingon ko si Hector na ginagala ang paningin sa paligid. Napatingin siya sa akin kaya agad ako umiwas ng tingin. Hindi ganoon si Hector Ferrer na nabasa ko sa novel. "Nasaan ang mga apat na tauhang lagi mong kabuntot?" tanong ni Hector. Sumama ang mukha ko kailangan ba sagutin ko pa ang tanong na iyon sa kaniya. Kung hindi siguradong mapaghihinalaan na naman ako. Napatingin ako kay Hestia na ngayon ay nakatingin sa akin. Lumambot ang expression ko at pinisil ang ilong niya. "May inaasikaso sila ngayon sa organization. May mga pinakukuha akong report at mga documents since na nag-decide na akong asikasuhin ang mga iniwan sa akin na responsibilidad ng mag-asawang Apostol," sagot ko bago tumungo sa kusina. Iniwan ko doon si Hector at dinala ko si Hestia. "Sebastian, sabi mo kind si kuya at dapat ko siyang pagkatiwalaan. Bakit ikaw mukhang wala kang tiwala sa kaniya at ayaw mo din sa kaniya," ani ni Hestia. Tumawa ako at tinanong kung sino nagsabi na ayaw ko sa kapatid niya. Gusto ko din ang character ni Hector. Siyempre sino ba ang ayaw sa perfect male lead diba? Ngunit naiinis pa din ako dito— pinatay ni Hector si Sebastian sa novel. "Gusto mo si kuya! Aha!" Natakpan ko ang bibig ni Hestia out of instinct. Wait bakit ko tinakpan? Sinampa ko si Hestia sa lamesa at sinabing huwag sisigaw. Lumingon ako. Nakita ko si Hector na nakaupo sa sofa. Naka-cross arm at nakapikit— naniningkit ang matang tiningnan ko si Hestia. "Hindi sa ayaw ko sa kuya mo ngunit hindi naman dumadating sa point na gusto ko siya okay?" explain ko. Binigyan ako ng batang ito ng confused look na kinasapo ko sa noo. "Ano na lang gusto mo kainin?" tanong ko. 3rd Person's POV "Kasama ko si Hestia— may pinuntahan lang kami sandali," sagot ni Hector habang hawak ang phone. Wala pa siyang 30minutes na nawawala sa paningin ni Portia ay hinahanap na siya ng babae. "Saan ka pumunta? Nandito sina Nero at bakit hindi nila alam kung saan ka pupunta?" tanong ni Portia mula sa kabilang. Hinilot ni Hector ang bridge ng ilong. "Portia dapat ba lahat na lang ng gagawin ko sasabihin ko sa iyo? Kasama ko ang kapatid ko at anong problema doon?" ani ni Hector habang nakaupo sa sofa. Sinabi ni Portia na natatakot siya doon mag-isa kailangan niya si Hector. Naitikom ni Hector ang labi at tumingin sa kusina. "Pupunta na ako diyan. Tawagin ko lang si Hestia," ani ni Hector. Pinatay na nito ang phone— ilang days na siya walang tulog dahil kailangan niya pa bantayan si Portia at samahan ito sa hospital. Tumayo si Hector at tumungo sa kusina. Kasalukuyang nag-uusap si Hestia at Sebastian na mukhang hindi siya napansin. "Mahilig ka mag-bake Sebastian?" tanong ni Hestia. May pinasok ito sa oven. Tumawa si Sebastian. "Naging habit ko lang since mahilig si Selene sa cookies," ani ni Sebastian na totoo naman ngunit ang pino-portray nito ay ang dating Sebastian. Sobrang lapit ng dating Sebastian sa anak ng mag-asawa na Apostol. Nag-aral pa ito gumawa ng cookies para sa kapatid dahil paborito nga nito ang cookies. "Selene? Who is she?" tanong ni Hestia na may pagtatakha sa mukha. "Biological daughter siya ng mga nag-adopt sa akin. Kung hindi siya siguro nawala kasing edaran mo na siya," may ngiti na sambit ni Sebastian. Napatigil ang batang si Hestia doon at kahit si Hector na nasa pinto lang ng kusina. Hindi sila nagulat sa edad kung hindi doon sa adopted lang si Sebastian. Napatingin si Sebastian sa pinto. Nakita niya si Hector. Tumikhim si Hector at sinabing uuwi na sila ni Hestia. Nagtaka si Sebastian dahil wala pa itong limang minuto 'nong dumating ito. "No! Kararating lang natin kuya," apila ni Hestia. Yumakap ang bata na nakaupo sa harap ng lamesa kay Sebastian. "Hinahanap na ako ni Portia. Kailangan na natin bumalik," ani ni Hector. Gumusot ang mukha ni Hestia. "You are a dog kuya but not me. Ikaw ang hinahanap ng chameleon hindi ako," ani ni Hestia. Napahilamos sa mukha si Hector dahil doon. Wala pa siyang tulog— sumasakit na ulo niya kay Portia dinagdagan pa iyon ng kapatid. "Hestia, bumalik ka na. Baka importante ang trabaho ng kuya—" "Noo! I don't want to go! Nag-promise siya— dito lang ako," ani ni Hestia na halos ayaw na siya bitawan. "Pwede mo iwan si Hestia dito at puntahan si Portia," ani ni Sebastian. Sinamaan siya ng tingin ni Hector. "Hinding-hindi ko iiwan kapatid ko dito. Hestia tara na uuwi na tayo!" ani ni Hector. Mainit ang ulo ni Hector— nagsimula umiyak si Hestia at sinabing ayaw nito sumama. Napamura na lang si Sebastian at hinawakan si Hestia— paghila ni Sebastian kay Hestia. Na-out balance si Hector at mahahampas ang ulo sa poste nang kusina nang mabilis na gumalaw ang katawan ni Sebastian. Nahawakan niya sa braso si Hector kaya nagawa ni Hector mabalanse ang sarili. Napasandal siya sa poste— naglapit ang mukha nila ni Sebastian at nasa pagitan nila si Hestia. Parehong nagulat si Sebastian at Hector. Kung hindi humagikhik si Hestia na kanina lang ay umiiyak— ay ilang minuto pa sila tatagal sa ganoon na posisyon since pareho silang nablanko ang isip. Napatayo ng ayos si Sebastian at umatras. Humingi ito ng sorry— sinabing nasasaktan si Hestia sa ginagawa ni Hector. "Hestia, huwag mo na pahirapan si kuya Hector. Next weekend kung may time ka at wala kang klase call mo ako anytime. Ako na pupunta para hindi maistorbo kuya. Magpa-play tayo," ani ni Sebastian. Lumiwanag ang mukha ni Hestia at tinanong kung totoong pupunta ito. "Yes, kung ayos lang sa kuya mo," ani ni Sebastian. Umismid si Hestia at sinabing kung hindi papayag kuya niya lalayas siya ulit. Ngumiwi si Sebastian. Hindi na siya nagugulat sa attitude meron ito since katulad ng sinabi niya kapatid si Hestia ng male lead. "Tatawagan na lang kita kung kailan ka pwede pumunta," ani ni Hector na halatang napipilitan. Napaismid na lang si Sebastian sa idea na kung hindi dahil sa batang si Hestia at hindi siya naawa sa bata hindi niya hahayaan na magtagpo pa ulit landas nila. Naputol lahat ng pag-iisip ni Sebastian at naibaba si Hestia matapos biglang kumirot na naman ang ulo niya. "Sebastian?" ani ni Hestia na tila natatakot matapos makitang nasasaktan si Sebastian habang hawak ang ulo. Napahawak si Sebastian sa upuan at natumba iyon. Muntikan na matumba si Sebastian kung hindi ito nahawakan ni Hector at tinawag ang pangalan niya. Nagdadalawa ang paningin ni Sebastian kaya napaupo si Sebastian sa sahig at napasabunot sa buhok. "Sebastian," ani ni Hestia at nagsimula umiyak. Pinipigilan ni Sebastian na maiyak sa sakit. "Nasaan ang gamot mo? May gamot ka ba?" tanong ni Hector na may pag-aalala na din sa mukha. Hindi niya iyon maiwasan in some reason. Sinabi ni Sebastian na nasa itaas ng fridge. Agad iyon kinuha ni Hector. Apat na lalagyan iyon. Lumapit siya kay Sebastian na nakaupo sa sahig at lumuhod sa harap nito. Inabot nito ang mga gamot na agad naman kinuha ni Sebastian. Hindi ni Hector alam kung gaano kasakit nararamdaman ni Sebastian. Namumula ang mata nito at mukha— nanginginig din ang kamay. Natapon ang mga gamot. Agad iyon pinulot nina Hestia at Hector. Sinabing tatawag na sila ng doctor. "Kuya! Do something!" umiiyak na sambit ni Hestia at hinila ang sleeve ng kapatid. "A-Ayos lang ako. Sanda-sandali lang ang sakit na ito. Umalis na kayo," ani ni Sebastian na ngayon ay nakasubsob sa mga braso. Hinahabol ni Sebastian ang hininga. Madalas talaga hindi niya nakakaya ang sakit. Napatigil si Sebastian matapos maipangko siya ni Hector. As in binuhat siya— bridal style. "Ferrer! Ano sa tingin mo ang— ackk!" Napahawak sa ulo di Sebastian. Minura ito ni Hector at sinabing dadalhin siya sa kwarto. Hindi nila pwede doon iwan si Sebastian. Hindi akalain ni Sebastian na tutulungan siya ng male lead. Sa isip ni Sebastian bakit hindi siya tutulungan? Kailangan niya ng tulong at isa iyon sa character discription ng male lead. May sense of justice. Soft hearted kahit may pagka-cold ito. Mabilis na umepekto ang gamot at biglaan na inantok si Sebastian. Nagawa nitong makatulog habang nakasandal sa mga bisig ni Hector. "Kumakain ka ba? Bakit sobrang gaan mo?" ani ni Hector pagkapasok niya sa isang kwarto na bukas ang pinto. Sarado kasi ang lahat ng pinto except sa room na iyon at mukhang room naman iyon ni Sebastian. Pagkahiga niya kay Sebastian sa kama doon nakita ni Hector na nakatulog na si Sebastian. "Idiot, paano mo nagawang matulog habang buhat ka ng kalaban mo?" ani ni Hector na may hindi makapaniwalang expression. Ngayon tinititigan ni Hector si Sebastian na natutulog. Doon naisip ni Hector na tao pa din si Sebastian— noong nakita niya minsan makipaglaban at pumatay gamit lang ang mga kamay. Hindi tao naging tingin niya dito kung hindi isang killing machine. Hindi nakakaramdam ng sakit o pagod. "Kuya, I don't want to go. Walang kasama si Sebastian dito," ani ni Hestia habang nakaupo sa gilid ng kama ni Sebastian. Napasapo sa noo si Hector. Tiningnan niya ang phone niya na nagbi-vibrate dahil sa mga text ni Portia at Nero. Pinatay iyon ni Hector at humila ng upuan. Hindi aatakihin si Sebastian kanina kung hindi sa kanila ni Hestia. Pumunta sila doon without thinking na hindi pa ganoon ka-fully recover ang binata. Hintayin na lang nila ito magising at aalis na sila. Sa kahihintay ni Hector at Hestia na magising si Sebastian— parehong nakatulog ang dalawa. Nakahiga si Hestia sa hita ni Sebastian. Si Hector naman ay nakasubsob sa kama habang nakaupo sa upuan. Parehong tulog ang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD