12

2112 Words
Chapter 12 3rd Person's POV Walang naging kakaibang kilos ang mga Apostol kahit ang mga tauhan nito. Ang kakaiba lang ng nangyayari sa mga iyon ay lagi ng pumapasok sina Lucas— na-attend ng klase si Sebastian katulad ng mga normal na estudyante. Sa tatlong araw na din iyon hindi alam ng mga barkada ni Sebastian at Hector ang nangyari dahil biglaang nagkaroon ng fans club si Hector at Sebastian and worst pinagshi-ship silang dalawa. Hinablot ni Hector ang isa sa mga flyer na may litrato nila ni Hector. Ngumiti ito at niyukom ang kamao na parang pinipigilan lang ang inis. "Iba din talaga taste ng mga babae ngayon diba?" ani ni Hector. Tiningnan niya sina Draven at Nero na pinipigilan lang na matawa. "Look ang gwapo ni pinuno dito." Napatingin sina Hector matapos makita sina Lucas na nakatingin din sa bulletin board. "What the f**k! Anong mga katangan ginagawa ng mga estudyante dito! Anong ship! Ship! Paano nagkaroon ng fan club sina pinuno dito!" bulyaw ni Jared at hinablot ang flyer na nakita niya. Doon bumulahandrit ng tawa sina Nero. Napatingin sina Lucas at nakita nga nila ang tatlo doon. Napa-pokerface so Hector. "Anong tinatayo niyo diyan. Nakahara kayo sa daan," ani ni Sebastian at mahinang sinipa sa likod ng tuhod si Jared na napahawak sa likod ni Nathan matapos siya muntikan na matumba. Napatingin sina Lucas. Napataas ng kilay si Sebastian— hinawakan ang stick lollipop na nasa bibig niya at nagtataka na tiningnan ang mga barkada. "What?" tanong ni Sebastian katapos alisin ang lollipop sa bibig. Napatingin si Sebastian sa hawak ni Jared. "Anong ginagawa ng litrato ko diyan?" tanong ni Sebastian. Lumingon ito sa bulletin board. Napatigil si Sebastian matapos makita ang mga litrato nila ni Hector. Inabot ni Sebastian ang isa sa mga litrato. Bigla itong tumawa at tumingin kay Hector na naka-pokerface hindi kalayuan sa direksyon nila. "Hector biruin mo iyon kahit saan anggulo mas gwapo pa din ako sa iyo," ani ni Sebastian. Muntikan na matumba sina Lucas at sina Nero sa kinatatayuan matapos marinig iyon. "Stupid," ani ni Hector na naka-pokerface. Wala na ang mga flyer sa bulletin board at hindi iyon nakita ni Sebastian. Mukha din naman wala itong pakialam. — Sa P.E class nila. Maglalaro sila ng basketball at dinalang lahat sila sa gymn. Mahahati ang boys at sa hindi inaasahan na pagkakataon na sa magkabilang team si Hector at Sebastian. Waa naman balak sumali sina Hector at Sebastian sa larong iyon at pareho na lang nila hinihintay matapos ang klase. Nasa magkabilang bahagi ng mga upuan si Hector at Sebastian parehong busy ang dalawa nang bigla silang tawagin ng P.E teacher nila. "Kayong dalawa kapag hindi kayo bumaba dito at naglaro ibabagsak ko kayo sa P.E!" sigaw ng P.E teacher nila. Nahubad ni Hector ang suot na earphone. Nagkatinginan sila ni Sebastian at sabay na tumayo. Bumaba ang dalawa. Napakamot sa ulo si Hector at sinabing hindi siya marunong maglaro ng basketball. "Anong hindi marunong! Ishu-shoot mo lang ang bola!" Napataas ng kamay si Sebastian at sinabing chill lang. Maglalaro na siya. Mahilig ang tunay na Sebastian sa basketball— napatanong si Sebastian sa sarili kung nagawa na ba ng tunay na Sebastian na maglaro ng basketball. Pinasok ni Sebastian ang cellphone niya sa bag na nasa bench at pumunta sa gitna. Nasa magkaibang team si Sebastian at Hector. 'Kyaah! Si Sebastian at Hector! HeTian! HeTian!' Hawak ni Hector ang bola. Napatingin si Sebastian sa mga sumisigaw na babae na sumigaw ng pangalan nila. Sumipol ang coach at nagulat si Sebastian matapos siya sugurin ni Hector. Napaupo si Sebastian dahil sa presensya ni Hector na sobrang pamilyar sa kaniya. "Kyaah! Hector!" "Apostol! Anong ginagawa mo diyan! Kuhanin mo ang bola!" sigaw ng P.E teacher. Ngumiwi si Sebastian at tumayo. Nilingon niya si Hector na kasalukuyang nagdi-dribble. Ngumisi si Hector. "Ano Sebastian? Gaano ba kahina ang tuhod mo at natumba ka na lang bigla? Natakot ka ba?" ani ni Hector. Pinagpagan ni Sebastian ang P.E uniform niya at sinuklay ang buhok. "Huwag kang masyadong maangas. Nagsisimula pa lang tayo," ani ni Sebastian. Masyadong competitive ang tunay na Sebastian at mukhang na-adopt niya iyon. Lakas ng loon niya eh hindi nga siya marunong mag-basketball. Tumakbo si Sebastian at sinimulan nito ang agawin ang bola kay Hector. Ngunit sa kasamaan na palad nakalampas na naman ito sa kaniya at naka-shoot. Agad na nakuha ni Sebastian ang bola at umatake. Hinarangan siya ni Hector— napaupo si Hector matapos siya mabangga ni Sebastian. Nag-shoot si Sebastian ng 3point. Tiningnan siya ng masama ni Hector. Nginisian ni Sebastian si Hector. Hindi na gumalaw ang parehong team ni Hector at Sebastian dahil kumikilos ang mga ito na para bang sila lang tao sa court. "Magba-basketball ba sila o nagre-wrestling?" tanong ni Nero kay Draven. Sinasadya na kasi ng dalawa na magbanggaan at sigurado silang nagkakasakitan na ang mga ito. Napalingon si Draven at nagulat sila matapos makitang ang dami ng estudyante sa loob ng gymn. May mga sumisigaw ng HeTian. Naiyukom ni Portia ang kamao matapos makita ang kakaibang expression ni Hector habang nakikipaglaro kay Sebastian. Wala sa mukha nito ang galit kahit pa napapabagsak siya ni Sebastian. May napapansin siya sa dalawa na hindi niya ma-explain. Tumawa is Sebastian matapos mai-shoot ang bola. Napalingon ito at handa niya na asarin si Hector nang makita na nakaupo lang si Hector at hawak nito ang paa. Nawala ang ngiti ni Sebastian matapos tumakbo palapit sina Nero at Draven. Naitulak siya ni Portia at tinanong kung anong ginawa ni Sebastian kay Hector. "Stop it Portia. Nagkamali lang ako ng tapak kanina at nag-twist ang ankle ko," ani ni Hector na namumuo ang pawis sa noo dahil sa sakit. Dinala sa clinic si Hector. Noong breaktime katulad noong nakaraang araw kasabay ni Sebastian sina Lucas kumain sa cafeteria. "Kailan ka pa natuto maglaro ng basketball pinuno?" tanong ni Nathan. Alanganin na tumawa si Sebastian at sinabing napanood niya lang iyon sa t.v. Todo puri sina Acer dahil natalo ni Sebastian si Hector sa basketball. Matapos maalala iyon nag-worried muli si Sebastian. Masyado siya natuwa sa laro nila ni Hector at hindi niya napansin si Hector. Pagkatapos ng breaktime. Bumalik muli sa cafeteria si Sebastian— bumili ng burger at bottled water. Dumiretso siya sa clinic. Nakita niya ang nurse then narinig niya ang boses ni Portia. "Ayos ka lang ba? Masakit pa din ba?" tanong ni Portia. May mga nakaharang na kurtina ngunit nakikita niya ang anino ni Portia at ni Hector na magkalapit. Mukhang nakaupo si Hector sa kama at kaharap nito si Portia. "Sinabi ko na ayos na ako," sagot ni Hector. Tinanong ng nurse kung papasok ba siya. Umiling si Sebastian at binigay sa nurse iyong tubig at paper bag. "Pakibigay na lang ito sa guy na nasa pang-apat na bed pagkaalis 'nong girl," ani ni Sebastian. Napangiti ang nurse at kinuha iyon. Tumalikod si Sebastian at naglakad palabas ng clinic. Sinilip muna ito ng nurse mula sa table niya then kinuhanan niya ng picture iyong pinadadala ni Sebastian kay Hector. 'Oh my! Hindi kayo maniniwala. Nag-iwan ng food si Sebastian para kay Hector. #HeTianshippers' Sumuntok sa hangin ang nurse. Tiningnan si Portia na mukhang walang balak umalis. Napa-cross arm ang nurse at maya-maya tinawag nito ang babaeng estudyante. "Iyong hindi pasyente lumabas na ng clinic. Oras na ng klase," ani ng nurse. Napatigil si Portia at lumingon. Tumayo si Portia at tinanong kung pwede siya manatili doon para bantayan si Hector. "Portia, ayos na ako okay? Bumalik ka na sa classroom," ani ni Hector. Kinuha ni Portia ang bag niya ay sinabing pupunta ulit doon pagkatapos ng klase. Naglakad palabas si Portia at inismiran nito ang nurse na napairap na lang. Matapos magsara ang pinto ng clinic kinuha ng nurse ang burger at bottled water na pinabibigay ni Sebastian. Lumapit ito kay Hector at iniabot iyon. "May gwapo na guy na nagpapabigay nito. Iyong nay pagka-bad boy," ani ng nurse. Unang naisip niya sina Nero pero kung sina Nero iyon papasok na lang iyon at ibibigay sa kaniya. Napatigil si Hector at kinuha iyon matapos pumasok sa isip niya Sebastian. Pinakita ng nurse ang picture sa official page ng fan club nina Sebastian. "Iyang guy na iyan ang nagbigay," tila kinikilig na sambit ng nurse. Napaubo si Hector. Umiwas ng tingin si Hector para hindi niya makita ang pagkinang ng mata ng nurse habang nakatingin sa kaniya. Kinabukasan, Nagawa na naman pumasok ni Hector. Agad siya pinalibutan ng mga kaklase at tinanong kung ayos lang ba ito. Naasar na tinaboy ni Portia ang mga babae. Napabuga ng hangin si Hector matapos magkaroon na siya ng space. Bahagya siya tumingin sa likod kung saan nakaupo si Sebastian. Wala pa doon si Sebastian. Nahuli iyon ni Portia. Sumama ang timpla ng mukha ni Portia dahil doon. Naghihikab na pumasok si Sebastian habang bitbit ang bag niya. Napatingin ito sa direksyon ni Hector then kay Portia na masama ang tingin sa kaniya sa mga oras na iyon. Ngumiwi si Sebastian at agad na tinungo ang upuan niya. Binaba ang bag niya. Niyakap ni Portia ang braso ni Hector at sumandal doon. Hindi ito pinansin ni Hector dahil sanay na siya sa pagigimg cligy ng babae. Nag-unat si Hector at aksidente nito nasipa ang upuan ni Portia. Napatingin si Hector at Portia. "Nanadya ka ba? Bakit mo sinipa upuan ko?" pikon na sambit ni Portia. Inosente siyang tiningnan ni Sebastian. Binaba ang dalawang kamay "Aksidente lang iyon. Sorry," ani ni Sebastian. Hindi alam nina Nero kung sincere ba iyon o sarcastic. Sinamaan siya ng tingin ni Portia. Ngumisi si Sebastian— napa-pokerface si Hector. Hindi niya talaga alam minsan kung anong trip ni Sebastian. Maya-maya dumating na din ang professor nila. Nag-start na muli ang klase. "May ibibigay akong mga module— Share-share na lang dahil kulang ang nai-print ko," ani ng professor. Napataas ng kamay si Sebastian. "Sir, kulang po ang module. Wala akong module," ani ni Sebastian. Sinabi nitong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Hector at maki-share. Wala si Draven dahil lumipat ito sa tabi ni Nero. Mag-isa lang kasi si Nero sa unahan nina Hector at wala ang seatmate ni Nero. May mga babaeng impit na nagtilian matapos lumipat nga si Sebastian at sumampa sa upuan. Sumama ang mukha ni Portia doon. Palaging masama ang tingin sa kaniya ni Portia dahil mukhang nag-iipon ito ng sama ng loob sa kaniya. Willing siya tulungan ito at dagdagan iyon. Na kay Hector ang module. Ang ginawa niya umuklo siya at nilapit ang mukha sa pisngi ni Hector na napasandal sa upuan. "What are you doing?" madilim ang anyo na tanong ni Portia. Tumingin si Sebastian kay Portia at nagtataka itong tiningnan. "Nakatingin sa module?" patanong na sagot ni Sebastian. Napa-pokerface si Hector at naitulak ang mukha ni Sebastian palayo sa mukha niya. "Malabo mata ko," ani ni Sebastian. Napatigil si Hector at binawi ang kamay. Napabuga ng hangin si Hector at dahil doon tumama sa mukha ni Sebastian ang hininga ni Hector. "Pasalamat ka hindi ka bad breath. Sa mukha ko pa talaga ikaw huminga ah," sita ni Sebastian at lumayo. Napahilamos ito sa mukha. Lahat ng estudyante at ang professor nakatingin sa dalawa. Si Nero at Draven ay napatakip na lang ng bibig at nahihirapan na pumigil ng tawa. "Mr.Ferrer and Mr. Apostol! Kissing in public and inside of school is probihated! Get out! Tumayo kayo sa hallway na dalawa!" Naglaglag ang panga ni Sebastian matapos marinig iyon. Tumayo si Sebastian at aapila ito nang sumigaw muli ang professor na labas. Tumayo na lang si Hector matapos isara ang module at naglakad palabas. Napakamot sa ulo si Sebastian at sumunod kay Hector palabas. "I can't believe this! Gaano ba kadumi ang utak ng professor na iyon. Dalawang lalaki nagki-kiss? Grrr." Pareho silang tumayo ni Hector sa hallway. Maraming estudyante at teacher ang napapatingin sa kanilang dalawa. "Ikaw bakit hindi mo sinabi kay Sir na hindi tayo nagki-kiss napaka judgemental niya naman," ani ni Sebastian. Akala niya ba malakas nag sense of justice ni Hector bakit hindi ito nagsalita kanina. "Hindi bigdeal at isa pa boring ang klase." Muntikan ng matumba si Sebastian sa kinatatayuan niya matapos marinig iyon sa isang study god at perfectionist na katulad ni Hector. "What the heck! Alam mo bang nakakasira ng image iyon! Nakita mo ba tingin sa atin ng professor kanina," asik ni Sebastian. Hindi siya tiningnan ni Hector at nanatili lang nakapamulsahan habang diretso ang tingin. "Thanks to you dahil napagkakamalan akong bakla. Bakit kasalanan ko pa ikaw iyong naglapit ng mukha mo sa akin?" ani ni Hector. Ngumiwi si Sebastian at sinabing iyong module ang tinitingnan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD