Chapter 06
3rd Person's POV
"Bibili ka ng mga damit pinuno at magpapagupit?" ulit ni Lucas. Sumandal ako sa sofa at tumango.
"Gusto ko ng bago mula sa pananamit ko at hairstyle. Gusto ko na din pumasok sa school tapos magsimula na din pag-aralan ang pag-aasikaso sa organization— nahihiya na ako kay Acer," ani ni Sebastian. Agad na umapila si Acer.
"Ngunit pinuno diba sinabi ng mga doctor mo na bawal ka mai-stressed at mapagod?" ulit ni Acer. Tumingin si Sebastian at ngumiti.
"Nandiyan naman kayo diba? Hindi ko ipe-preassure ang sarili ko huwag kayong gaanong mag-alala," ani ni Sebastian at tumingin kina Lucas na napabuga na lang ng hangin.
Gusto ni Sebastian na gawin lahat ng mga bagay na hindi nagawa ni Sebastian sa buhay na iyon. Makisama at makipag-kaibigan katulad ng ibang tao.
Masyadong nilimitahan ni Sebastian ang sarili para sa mga paghihiganti niya at hindi siya nagtitiwala ngunit si Mike na ang nasa katawan na iyon. Hindi niya tatahakin ang parehong daan na ginawa ng tunay na Sebastian.
Kahit sa ganoon na paraan mabago niya ang kapalaran ng tunay na Sebastian Apostol. Hindi nagkasundo agad ang apat doon ngunit sa huli pumayag na sila dahil sinabi ni Sebastian na gusto niya iyon gawin para sa mga Apostol.
Sebastian Apostol's POV
Hindi ako makapaniwalang kinabukasan personal na dinala nina Lucas ang designer at mga taong mag-aayos daw sa buhok ko.
"Te-Teka! Bakit kailangan pang papuntahin niyo sila dito?" hindi makapaniwala na tanong ko at tiningnan sina Lucas.
"Ayaw namin na maulit iyong bumili tayo ng ice cream. Summer ngayon masyadong mainit kaya sila na ang dinala namin dito. Hindi mo kailangan mag-alala pinuno kahit anong klaseng damit gagawin nila para sa iyo," ani ni Jared na siyang nag-hire sa mga ito galing sa mga shop na under ng pamilya nila.
Nasabi ko na bang mayaman din ang apat na ito. I mean nakikipaghabulan sila ng assets sa mga Apostol. Hindi din biro banggain ang pamilya na pinanggalingan ng apat na kaharap ko.
Wala iyon sa novel ngunit nabasa ko iyon sa magazine minsan. Humalumbaba ako habang nakaupo sa dining table.
Hindi sila ganito sa dating Sebastian— i just wondering kung anong nag-trigger sa kanila para tratuhin ng ganito ngayon si Sebastian.
I mean noon pa 'man loyal na sila kina Sebastian. Nag-aalala din ang mga ito ngunit nanatili ang mga itong dumidistansya.
Hmm, whatever— mas gusto ko iyong side nilang ganito. Atleast tinuturing na nila akong parang kapatid.
Todo bilin si Lucas na ingatan ang ulo ko as if naman lalabas ang bala sa ulo ko kapag nahila ng konti ang buhok ko.
So? Ayon lumipas ang araw ko sa pagmimili ng damit at pagkuha ng designer ng measurement ng katawan ko.
Hindi ko akalain na tatagal ng halos kalahating araw ang paghahanda na iyon . Wala akong ginawa kung hindi sumukat ng mga damit at umupo ng halos isang oras para lang magpagupit.
Hinayaan ko na lang sina Jared na kausapin ang mga bisita kanina at nagpahinga ako sa kwarto. Tiningnan ko ang mga kamay ko habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Pinuno, malapit na ang dinner. Magbihis ka na," ani ni Lucas matapos kumatok at buksan ang pinto.
Wala akong gaanong alam sa pagkatao ni Sebastian since side character lang naman si Sebastian at walang masyadong POV sa novel. In some reason nag-aalala ako— iba ang naiisip ko sa dapat nire-react ng katawan ko.
Sa ordinaryong tao 2 or 3 hours na nakaupo at sa mga ginawa namin kanina dapat knock out na ako. Hindi 'man lang ako nakaramdam ng pagod.
"Pinuno?"
Napaangat ako ng tingin. Lumapit si Lucas at Jared.
"Pinuno may problema ba?" tanong ni Jared. Sinalubong ko ang tingin nila.
"Ano nga ulit iyon?" tanong ko. Ngumiwi si Lucas at sinabing dinner na. Mag-ayos na daw ako. Agad ako tumayo at naglakad papasok sa bathroom.
Dinner na pala. Feeling ko ang bilis ng oras. Hinawakan ko ang doorknob. Bubuksan ko iyon ng magsalita si Lucas.
"Pinuno, kung may iniisip ka o nararamdaman na hindi maganda. Pwede mong sabihin sa amin," ani ni Lucas. Nilingon ko siya.
"I didn't feel anything and that's make me worried," sagot ko dahil iyon ang totoo. Ganito ba palagi ang pakiramdam ni Sebastian?
"Hmm, how about— bukas pumunta ulit sa tapat ng cake shop kung nasaan iyong nga bata. Sabi ni Nathan lagi kang hinahanap ng dalawang bata na tinulungan mo," ani ni Lucas. In some reason may bahagi sa sistema ko ang biglang nakaramdam ng init at na-excite.
"Papayagan niyo na ako lumabas?" natutuwa na sambit ko. Bumuga ng hangin si Lucas at natatawang sumagot na oo.
Makikita ko ulit ang dalawang bata at makakabili ng cake.
3rd Person's POV
"Hindi ko akalain na madali kang magi-sway ng ganoon Lucas," ani ni Jared na sapo ang noo. Usapan kasi nila in the mean time pipigilan nila ang pinuno nila na lumabas. Masyado pang mainit ang mga Ferrer kay Sebastian dahil sa unang attempt nito na pagpatay sa mga tagapagmana ng mga Floran.
"Ayokong bumalik si pinuno sa dati, Jared," bulong ni Lucas. Napatigil si Jared at napatingin kay Lucas na ngayon ay seryosong nakatingin sa loob ng bathroom.
Walang naalala si Sebastian kaya ganito ito kumilos. Malayo ang pagkatao ng dating Sebastian sa Sebastian na nasa harap nila ngayon.
"Balak na ni pinuno magsimula ulit— magbago. Kahit panandalian lang ang nais niya na saya— wala akong balak na hadlangan iyon," ani ni Lucas na kinabuga ng hangin ni Jared.
Naiintindihan ni Jared bakit bigla na lang itong pumayag. Iyong ginawang expression ng pinuno nila kanina ay ang normal nitong dating expression. Hindi nila akalain na sasabihin talaga ng pinuno nila ang iniisip nito matapos magsalita ni Lucas.
Ngayon alam na nila kung bakit laging ganoon ang dating Sebastian. Nalulungkot ito.
Kinabukasan,
Katulad ng pinangako ni Lucas dinala nila si Sebastian sa harap ng cake shop. Naghihintay doon ang mga bata.
"Kuya!"
Lumiwanag ang mukha ni Sebastian matapos makita ang mga bata. Agad ang mga ito yumakap kay Sebastian at pinakilala ang iba pang mga bata na na kasama nito.
"Kamusta kayo? Ang galing— nagkalaman na kayo agad. Infairness bagong ligo kayo," ani ni Sebastian na natatawa. Kumurap ang batang babae at ngumiti.
"May mga good guy na tumulong sa amin. Nagpapatayo siya ng bahay at sabi niya— iyon na daw ang magiging bahay namin simula ngayon," ani ng batang babae kaya napatanong si Sebastian kung sino ang good guy.
"Hihi secret daw. Sabi niya kilala mo daw siya," ani ng batang babae. Lumingon si Sebastian kay Lucas.
Habang binibigyan nina Nathan ng cake ang mga bata tinanong ni Sebastian si Lucas about sa lalaking tumutulong sa mga bata.
"Wala akong idea. Tinatanong ko sila about doon araw-araw ngunit wala silang sinasabi. Hindi naman daw sila inuutusan ng kung ano 'nong guy. Sabi pa daw 'nong nag-sponsor sa kanila. Mag-imbita pa sila ng mga bata na nasa area na iyon. Tinuruan din daw sila magtanim ng mga iyon para sa kakainin nila," sagot ni Lucas. Kumunot ang noo ni Sebastian at tiningnan ang mga bata.
Wala naman napansin na kung ano sa mga bata. Actually, may maayos na ang mga ito na damit at mukhang mga hindi na nagugutom."
"Lucas, huwag niyo alisin ang paningin niyo sa mga bata. Hindi ko pa din maiwasan mag-alala," ani ni Sebastian. Lumapit si Sebastian at dinampot ang kutsara na nahulog ng isa sa mga bata.
Napatigil ito matapos may makitang batang babae sa kabilang kalsada. May mga naka-business suit ang pilit na sinasama ang batang babae.
Nagwawala ang batang babae at umiiyak.
Biglang pumasok sa isip ni Sebastian ang nakababata niyang kapatid na babae. Patuloy ang pagsigaw nito kaya mabilis na tumawid si Sebastian.
"Pinuno!" sigaw ni Lucas at hinabol si Sebastian na patungo sa nakaparada na sasakyan.
Malakas na tinulak ni Sebastian ang lalaki. Nabitawan ng lalaki ang batang babae na agad naman nasalo ni Sebastian.
Bumangga ang lalaki sa likod ng sasakyan at nagulat si Sebastian dahil doon. Malaking lalaki ito at naitulak lang niya ito ng ganoon.
Tumigil sa pag-iyak ang batang babae at niyakap siya sa leeg. Napatanga sina Nathan matapos makita ang pamilyar na mga tauhan na agad sila tinutukan ng baril.
"Ibaba niyo ngayon si Lady Ferrer kung ayaw niyo mamatay!" sigaw ng isa sa mga ito. Tama ang hinala ni Lucas. Tauhan ito ng mga Ferrer at ang buhat ni Sebastian ngayon ay ang— nakakabatang kapatid ni Hector Ferrer.
Nilingon ni Lucas si Sebastian na nagulat din. In some reason pakiramdam niya ay nakikipagpatintero siya sa tadhana. Lahat ng gagawin nita ay konektado sa mga Floran at Ferrer.
Nakagat ni Sebastian ang gilid ng labi ngunit hindi niya magawang mabitawan ang bata dahil takot na takot ito.
"Pinuno, tauhan ito ng mga Ferrer at ang batang iyan—"
Hindi na naituloy ni Jared ang sasabihin matapos makita ang expression ni Sebastian. Mukhang hindi ito alam ni Sebastian at hindi niya ito inaasahan.
"Young lady, kailangan na natin bumalik. Papatayin kami ni young master kapag hindi pa tayo bumalik," ani ng mga tauhan ng mga Ferrer.
Sinabi ni Lucas na pwede nila kuhanin ang bata. Ngunit ang bata ang ayaw umalis kay Sebastian.
Nagwawala ito at sinasabi na ayaw nito na sumama. Nang mapabitaw ito sa leeg ni Sebastian nagsisigaw ito at sinabing ayaw na nito bumalik.
Magpapakamatay siya kapag dinala pa ulit siya doon. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ni Sebastian matapos marinig iyon.
Hinawakan ni Sebastian ang bata na kinatingin ng mga tauhan ng mga Ferrer.
"Masama sa bata nag masyadong umiyak. Hayaan niyo muna na pakalmahin ko siya," ani ni Sebastian. Nagalit ang isa sa mga tauhan at tinulak si Sebastian.
"Gago kayo ah!" sigaw ni Acer at tinutukan ng baril ang mga Ferrer. Hinawakan ng batang babae ang dulo ng sleeve ni Sebastian.
"Tigil niyo iyan. Ibigay niyo sa Apostol ang bata. A-Ako na ang bahala kumausap sa young master," ani ng isa sa mga tauhan ng Ferrer na mukhang ito ang head guard ng batang babae.
Nanggaliti ang mga tauhan ng Ferrer ngunit binaba ng mga ito ang baril. Tiningnan ni Sebastian sina Lucas para sabihin na kumalma.
Kinuha ni Sebastian ang batang babae na humikbi-hikbi at yumakap ng mahigpit sa leeg ni Sebastian.
Nanlalamig ito at takot na takot. Tumingin si Sebastian sa harap ng bookstore na nasa gilid lang nila.
"Huwag ka ng umiyak. Gusto mo basahan kita ng mga fairytale? Marami dito," ani ni Sebastian. Tumingin ang batang babae. Doon nakita ni Sebastian ang malaking pagkakahawig nito sa male lead.
Napangiwi si Sebastian sa idea na mukhang matinding gulo talaga ang napasok niya ngayon. Hindi sumagot ang batang babae kaya dinala nila ito sa loob.
Sinundan sila ng mga tauhan niya at ng mga Ferrer. Tumungo sila sa section kung saan maraming story books para sa mga bata.
Kumuha ng isa si Sebastian at pinakita iyon sa batang babae. Sinisinok-sinok ang batang babae kaya nilingon niya ang mgatl tauhan ng Ferrer.
"Pakidalhan ang bata dito ng tubig na nasa feeding bottle. Pakibilisan lang," utos ni Sebastian. Sumama ang mga mukha nito.
"At bakit ka namin susundi—"
"Kuhanin niyo ang inuutos niya. Namumutla ang young lady bilisan niyo," asik ng head body guard. Naggitgit ang mga ito at sumunod.
"Nathan, pakisilip naman ang mga bata. I-check mo kung ayos lang sila," ani ni Sebastian. Agad na tumango si Nathan at lumabas ng bookstore.
"Mommy, daddy, ku-kuya," bulong ng batang babae at tinuro ang cover ng story book.
Sa isip ni Sebastian mukhang nasa 4 years old lang ang batang babae. Hindi maiwasan ni Sebastian na ma-curious kung anong mga napagdaanan nito at naisip nito ang pagpapakamatay sa ganitong edad.
Umupo si Sebastian sa sahig at inupo sa hita niya ang batang babae.
"Kung magbe-behave ka ngayon. Babasahan kita nitong books then kukuha pa tayo," ani ni Sebastian. Nilingon siya ng batang babae— namumugto ang mga mata nito.
Puno ng lungkot ang mata nito at walang buhay. Napasapo si Sebastian sa noo— ngayon lang siya naka-encounter bg bata na ganito ang expression.
Dumating na ang isa sa mga tauhan ng Ferrer. Inabot ang feeding bottle ngunit nagulat si Sebastian matapos tabigin iyon ng batang babae at nagsimulang umiyak.
"Here," ani ni Lucas. Napaangat ng tingin ang batang babae.
Plastic bottle iyon at mukhang binili lang ni Lucas kanina. Binuksan iyon ni Lucas at iniinom sa harapan ng batang babae.
"See? Masarap iyong tubig try mo. Pinuno, tikman mo din," ani ni Lucas. Nagtataka 'man ay kinuha iyon ni Sebastian at uminom din.
"Oo nga ang tamis. Try mo baby," ani ni Sebastian at inabot sa batang babae
Kinuha iyon ng batang babae ng dalawang kamay. Dahil nanginginig ito inalalayan siya ni Sebastian.