07

1028 Words
Chapter 07 3rd Person's POV Napaubo ang batang babae kaya agad siya sandaling binuhat ni Sebastian. "Dahan-dahan lang," ani ni Sebastian. Uminom ulit ang babae this time dahan-dahan na at puno iyon ng pag-iingat ni Sebastian. Mukhang uhaw na uhaw ang batang babae at nagugutom. Pinakuha din ni Sebastian si Lucas ng makakain para sa bata. Katulad ng pinangako nito binasahan niya ang batang babae habang naghihintay. "Sabi ng prinsesa— sasama siya sa Prinsipe kung bibigyan siya nito ng kwintas na gawa sa mga perlas at gagawan siya ng isang kasuotan na hinabi ng isang diyosa," ani ni Sebastian. Hindi pa natatapos ng binata ang pagkukwento bumalik na si Lucas dala ang pagkain. Inabot iyon kay Sebastian na agad binuksan. Binigay niya iyon sa bata ngunit hindi niya ito ginalaw. "How about share na lang tayo? Nagugutom na din ako," ani ni Sebastian. Sumubo siya mula doon kaya tumingin ang batang babae. "Tikman mo itong chicken," ani ni Sebastian at inabot sa batang babae ang isang chicken. "A-Ayoko ng skin," bulong ng batang babae. Natawa si Sebastian at tinanggal iyon. Ngayon nasabi iyon ng batang babae hindi mapagkakailangang kapatid nga ito ng male lead parehong ayaw ng mga ito ang skin ng chicken. Kinain iyon ni Sebastian matapos himayin at sinubuan ang batang babae na agad kumain. Doon nakita ng head guard na sa unang pagkakataon nakita nila kumain ang batang babae na hindi umiiyak o pinipilit. Habang kumakain binabasahan ni Sebastian ang batang babae at nagsisimula ng magtanong ang batang babae about sa story. "Pinuno, may dinala akong cake," ani ni Nathan. Napatingin si Sebastian— lumapit ito sa kanila at inabot kay Sebastian ang cake na nasa maliit na box. "Birthday ko ngayon. Gusto ko din ng cake," ani ng batang babae. Napalingon si Sebastian at ngumiti. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Tamang-tama birthday mo ngayon— Nathan, pwede mo din ba kami ibili ng candle," ani ni Sebastian. Sinabi ni Nathan na sandali lang at lumabas. "Wait, ilang taon ka na ngayon kung birthday mo?" tanong ni Sebastian. Tinaas ng batang babae ang kamay at binaba ang tatlong daliri. Nagulat si Sebastian dahil hindi halatang 7 years old ito. Masyado itong maliit at payat— gumusot ang mukha ni Sebastian matapos marinig iyon. Pumasok sa isip ni Sebastian na maaring minamaltrato ng mga Ferrer ang bata. Hinawakan ni Sebastian ang kamay ng batang babae. "Tell me sinasaktan ka ba ng mga Ferrer? Hindi ka pinakakain?" tanong ni Sebastian. Imposibleng salat sa pagkain ang mga Ferrer kaya ganito ang tiyura ng isa sa mga tagapagmana. "Hestia!" Napatigil si Sebastian at sina Lucas matapos pumasok ang napakaraming tauhan ng mga Ferrer at sa unahan nito sina Hector. "Anong ibig sabihin nito?" malamig na sambit ni Hector. Niyakap ng batang babae si Sebastian at nagsimulang umiyak. Binuhat ni Sebastian ang batang babae at matapang na tiningnan si Hector. "Walang ginagawa na masama ang bata. Bakit kailangan mo sumigaw?" asik ni Sebastian. Sumama ang mukha ni Hector. "Sino ka naman para mangialam sa amin magkapatid. Ibalik mo dito si Hestia," malamig na sambit ni Hector. Sumama ang mukha ni Sebastian matapos pilit na hinihila ng tauhan ni Hector ang bata. "Nasasaktan ang bata ano ba?" ani ni Sebastian. Hinawakan nito ang batang babae at sandaling pinakalma. "Shh, huwag kang umiyak. Nandito na kuya mo," ani ni Sebastian. Hindi pumalag ang batang babae ngunit nagmamakaawa ito na huwag siya iwan. "Ito na ba ang bago mong paraan para gumanti sa amin Sebastian? Pwede ba huwag ka na lang mangialam dito— kaya nga dahil sa side mo na iyan na mahilig mangialam namatay ang kapatid mo diba?" ani ni Hector na parang nangaasar pa. In some reason naiinis si Hector sa pinakikita nitong affection sa kapatid. "Manahimik ka! Wala kang karapatan na i-open up ang about sa kapatid ko dito! Wala kang alam!" bulyaw ni Sebastian. Galit na galit ito dahil sa idea na ginagawang pang-asar iyon ni Hector. Hindi siya si Sebastian ngunit alam nito ang pakiramdam na mawalan ng kapatid. Puno ng galit ang mukha ni Sebastian ngunit nagbago ang expression nito matapos abutin ng batang babae ang mukha nito at pilit na nagpapakuha sa binata. "Huwag ka ng umiyak. Walang hiya ang kapatid mo pero alam ko hindi ka niya sasaktan," ani ni Sebastian at hinawakan ang pisngi ng batang babae. "Ayoko! Ayoko!" sigaw ng batang babae at yumakap sa leeg ng binata habang buhat ito ng tauhan. "Ano ng gagawin natin Lucas?" tanong ni Jared kay Lucas matapos makitang ayaw na nga bitawan ng batang babae ang pinuno nila. "No idea pero mukhang ayaw din ni pinuno iwan ang bata," ani ni Lucas habang nakatingin sa pinuno nila. Masyado itong naawa sa bata. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang na-attach ng sobra ang kapatid sa isang tao matapos ang nangyari na insidente. Wala kasi sa bahay na iyon ang pinagkakatiwalaan ng bata kahit siya. Lagi itong umiiyak at takot sa kanilang lahat. In some reason nag-aalala si Hector doon— dahil kahit kumain ayaw nito. "Princess, how about sumama ka muna sa kuya mo," ani ni Sebastian. Umiling-iling ang batang babae. "Naalala mo iyong binasa ko sa iyong book? About sa prinsesa at prinsipe? Ikaw iyong kapatid ng prinsipe doon diba— iyong pinoprotektahan niya prinsipe sa mga bad knight?" tanong ni Sebastian. Napatingin ang batang babae kay Hector na nakakunot ang noo. Tumingin siya kay Sebastian. "Hindi siya prinsipe. Hindi siya handsome and kind," banat ng batang babae. Pilit na tinikom ni Sebastian ang bibig habang sina Lucas naman ay napatikhim. Gusto ng mga ito tumawa kaya agad na sumama ang mukha ni Hector doon. "Hindi— ang point doon. Lahat ng big brother— pini-priority nila ang safety ng younger siblings nila. Katulad ng nasa books po-protektahan ka din niya like me— pinotrektahan kita sa mga bad guy kanina diba?" Alam ni Sebastian kung ano ang nature ni Hector sa novel kaya alam niyang poprotektahan nito ang batang babae. Hindi lang siguro ito nagkaroon ng pagkakataon dahil sa trauma ng bata. Walang idea si Sebastian kung anong nangyari sa bata since sa pagkakatanda niya ay walang character na Hestia sa novel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD