Chapter 05
Sebastian Apostol's POV
"Ako ito si Acer Benjamin, Sebastian!" ani ng lalaki habang sapo ang noo. Napatigil ako matapos marinig ang pangalan nito.
"Totoo nga ang balita. Nakalimutan mo na nga kami," ani ni Acer. Tinitigan ko siya mabuti— umayos ako ng upo at iniyukom ang kamao ko.
Naiinis ako sa mga main character ng story na ito pero kung may pinakaiinisan ako hindi sila kung hindi ang lalaking may pangalan na Acer Banjamin. Nilingon ko si Acer at pilit na ngumiti— sinabi kong umupo siya at kinamusta.
Nasabi ko na bang apat ang kababata ni Sebastian at si Acer ang pinaka-close niya since nasa kalsada pa lang sila ay kaibigan niya na ito.
Si Acer lang din ang pinapayagan ni Sebastian na tawagin siya sa buong pangalan. Sa chapter 1 hanggang sa chapter 20 pinalalabas doon na mas may tiwala pa si Sebastian kay Acer kaysa sa tatlo.
Si Acer lang din ang palaging kasama ni Sebastian sa kahit saan at ipapatawag lang sina Lucas for back up. Nanggigil ako dahil doon— tiningnan ko si Acer.
Lalo na 'nong nalaman ko na si Acer ang nagbaon ng bala sa ulo ko at ang tinanim ng ng mga Floran sa organization ni Apostol.
Alam iyon lahat ni Sebastian ngunit nagbulag-bulagan siya sa idea na si Acer lang ang maasahan niya at para na din niya itong kapatid.
"Pasensya na hindi ako nakapunta dito this past few days after ng nangyari. Masyado akong maraming inasikaso sa organization dahil wala ka," sagot ni Acer na nakasimangot.
Kanang kamay ni Sebastian si Lucas ngunit si Acer ang nag-aasikaso ng organization dahil ito nga ang pinagkakatiwalaan ni Sebastian. Masyadong busy si Sebastian sa paghihiganti at kung paano pababagsakin ang mga Floran at Ferrer kaya sa loob ng organization si Acer ang humahawak.
Iyon din ang naging dahilan kung bakit 'nong araw na umatake sila sa mga Ferrer. Wala pa sa kalahati sa mga tauhan ng mga Apostol ang lumaban para kay Apostol kahit ito pa ang ginawang tagapagmana ng matandang Apostol.
Iniisip nilang walang kakayahan si Sebastian at walang ibang ginagawa kung hindi gamitin ang dahas. Kung mawawala si Sebastian siguradong si Acer ang susunod nilang pinuno since inampon din si Acer ng nakakabatang kapatid ng umampon kay Sebastian.
"Sebastian? Ayos ka lang ba?" tanong ni Acer. Ngumiti lang ako at umayos ng upo.
Kung kukomprontahin ko siya about sa ginagawa niyang pakikipagsabwatan at iaalis sa grupo siguradong paghihinalaan ako lalo na sinabi ko na sa main lead na wala na akong balak ikonektado ang sarili ko sa kanila.
Kung tuluyan kong puputulin ang koneksyon ko mga Floran hindi ko na dapat i-big deal ang pakikipagsabwatan ni Acer sa mga Floran ngunit hindi ko pa din isasantabi ang idea na binaril niya si Sebastian at tinatraydor niya ito.
Tumayo ako at nag-unat. Kailangan ko umalis dito in some reason pakiramdam ko nasasakal ako.
"Saan ka pupunta pinuno? Kailangan mo ba ng kasama? Wala sina Lucas ngayo—"
"Babalik din ako agad. Kailangan ko lang magpahangin sa labas. Huwag ka ng sumunod— kaya ko mag-isa," sagot ko bago nakapamulsahan na tinungo ang pintuan.
Pupunta na lang siguro ako sa bookstore na malapit sa university nina Lucas then papasama ako sa kanila bumili ng mga bagong damit. Hindi ko type ang klase ng mga damit na laging suot ni Sebastian.
Laging nakasuot na suit at mukhang laging may gagawin na masama. Buti na lang talaga medyo trip ko ang fashion sense ni Lucas— sa kaniya ako humihiram ng damit kahit talagang masyadong malaki iyon para sa akin.
Nakapamulsahan ako naglalakad palabas nang may makita akong ilan pang tauhan. Yumuko ang mga ito matapos ako makita— mukhang pinapunta sila dito ni Lucas para bantayan ako.
"Dalhin niyo ako sa bookstore na malapit sa university nina Lucas," utos ko. Agad naman sila tumugon at pinagbuksan ako ng pinto.
Paano ko nalaman? Isa iyon sa mga lugar na dinitalye ng writer dahil doon gaganapin ang isa sa mga favorite scene ko sa book.
Kahit naman favorite character ko si Sebastian at kasalukuyan ko siyang pino-portray nandoon pa din iyon affection ko sa mga romance books.
Kung hindi lang siguro sila naging unfair kay Sebastian at nag-focus sila sa story development ng mga main leads baka nagustuhan ko din ang mga main characters.
Napaismid ako at nag-cross arm. Nagpatuloy ang biyahe at tinahak ang daan patungo sa university.
Nang makarating kami sa harap ng bookstore bumaba na ako. Sinabi ko sa mga gwardya na doon lang sila.
Pumasok ako sa loob. Iniba ko ang hairstyle ko at nagsuot ng sun glasses— wala na naman siguro makakakilala sa akin.
Pagtapak ko sa loob ng book store. In some reason nakaagaw agad ako ng pansin— napangiwi ako sa idea na hindi mapagkakailang magandang lalaki talaga si Sebastian.
Tiningnan ko ang kaliwang braso ko kung saan marami akong nakikitang mga cuts. Wala yata sa parte ng katawan na ito ang walang peklat.
Umiling ako at tinungo ang isa sa mga bookshelves. Kung hindi nagawa ni Sebastian na alagaan ang katawan na ito— ako kaya kong gawin iyon.
Lumingon-lingon ako hanggang sa mapako ang tingjn ko sa kabilang bookshelves. Napangiti ako matapos makitang maraming romance books doon at ang gaganda ng cover.
Lumapit ako doon at kumuha ng isang book. Mukhang maya-maya pa darating ang female lead dito at si Hector Ferrer— magbasa-basa muna ako.
3rd Person's POV
Pagpasok ni Hector Ferrer kasama si Nero Morrigan at si Portia Floran. Tila naman nahati ang tingin ng mga tao na nandoon sa bookstore.
"Ayon! Nakita ko iyong bagong volume ng hinahanap kong manga," natutuwa na sambit ni Portia at tinungo ang bookshelves kung nasaan ang area about sa mga manga.
Sinundan ni Hector at Nero si Portia ngunit hindi inalis ng mga ito ang tingin kay Sebastian na nagbabasa ng isang libro.
Nawala na sa isip ni Sebastian ang reason ng pagpunta niya doon dahil masyado siyang na-hooked sa binabasa niya.
Nasa kabilang area lang mga manga— nandoon si Portia at sa likod nito si Hector na kasalukuyang tinitingnan si Sebastian sa mga iwang ng bookshelves.
Tamang sabihin na binabantayan niya ito incase na may gawin itong hindi maganda.
"Anong ginagawa niyo dito! Diba sabi ko ayoko ng makita kayong magkasama!" sigaw ng isa sa mga estudyante na nasa kabilang area. Napatingin doon sina Portia.
Mukhang may nag-aaway kaya sinabihan ni Hector na umalis na sila doon. Napansin niya kasi na gumagalaw ang shelves.
Inaya nila si Portia sa counter para bayaran na ang books na binili nito. Tumakas pa sila sa last class nila para sa mga books na iyon.
"Ha? Ito na ba iyon? Wala bang kasunod ito? Bitin," reklamo ni Sebastian at tumingkayad para silipin kung may kasunod na volume pa iyong hawak niya na book.
Napatingin si Hector doon. Patuloy pa din ang away— sa kabilang area. Pinipigilan na din ng mga staffs iyong dalawang lalaki na siguradong galing din sa university nila.
"Iyong shelves!"
Natumba ang shelves ba nasa kaliwang bahagi ng area matapos ma-out balance ang isa sa dalawang lalaki kanina.
Out of instinct parehong tumakbo si Hector at Nero patungo sa iisang tao na nasa side na iyon na mukhang walang pakialam sa paligid nila.
"Look out!" sigaw ni Nero. Tinulak niya ang shelves. Nagbasakan ang mga libro at tatama lahat iyon sa ulo ni Sebastian.
Napaupo si Sebastian at tinakpan ang ulo. Hindi na niyang nagawang gumalaw.
Napatigil si Sebastian matapos may makitang pares ng sapatos at pag-angat niya ng tingin. Nakita niya si Hector na sa kaniya humagsak ang mga libro na dapat tatama kay Sebastian.
Nakatungkod ang dalawang kamay sa shelves at mukhang nasaktan ito sa pagtama sa katawan niya ng mga libro at ilang kahon na nasa itaas.
"Hector!"
Nagtama ang mata nila. Napatigil si Hector matapos makita ang kakaibang takot sa mukha ni Sebastian— iyon ang unang beses na nakita niya ang expression iyon sa mukha ng lalaki.
"Pinuno!"
Agad na dumating sina Lucas. Tinulak nina Nathan ang shelves na pilit binubuhat ni Nero para hindi ito agad bumagsak.
Lumapit si Lucas at tinulak palayo si Hector na hindi naka-react. Masama ang mukha ni Lucas na inalalayan si Sebastian na may yakap na libro.
"Anong nangyari! Anong ginagawa mo dito pinuno? Sinabi na namin na huwag kang aalis ng bahay diba?" asik ni Lucas. Humawak sa ulo si Sebastian at tiningnan kung may tama ba siya.
"Anong nangyari? Sumasakit na naman ba ang ulo mo?" agad na tanong ni Nathan.
"Hindi— natakot lang ako kasi akala ko tatamaan na naman ng kung ano ang ulo ko," sagot ni Sebastian at tiningnan si Hector.
"Grr! Anong ginagawa din ng dalawang iyan dito?" tanong ni Jared at tinuro ang dalawa.
"Hindi ba kayo marunong magpasalamat! Niligtas namin ang sira ulo niyong pinuno na parang may sariling mundo!" asik ni Nero na tinuro si Sebastian. Naiinis ito kasi hindi 'man lang ang mga ito nagpasalamat.
"Bakit kami magpapasalamat? Akala niyo ba hindi namin alam na pinaplano niyo lahat ng ito!" bulyaw ni Jared. Mas nagmukha iyong away bata dahil kay Jared at Nero.
Hindi makapaniwala si Sebastian na mga tagapagmana ang mga ito at miyembro ng dalawang notorious na organization na siyang kumukontrol sa underground sa kabila ng mga edad nito.
"Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin," ani ni Sebastian. Natahimik ang dalawa at napatingin si Hector.
"Pinuno!" asik ni Nathan. Nilingon siya ni Sebastian.
"Totoo sinabi ni Mr. Morrigan. Wala ako sa sarili kanina. Masyado akong nasiyahan sa binabasa ko— hindi ako naging aware sa paligid ko," pag-amin ni Sebastian. Maya-maya sumama ang mukha nito at nilingon si Hector.
"Pero sana sa susunod huwag na kayo mangialam. Sinabi ko ng ayoko ng magkaroon ng koneksyon sa inyo— ayoko din na magkaroon pa ako ng utang na loob sa inyo," ani ni Sebastian bago tumalikod. Pagharap nito nakita niya si Portia Floran na puno ng takot habang nakatingin sa kaniya.
"H-Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw iyong isa sa mga guy na sumaksak sa kapatid ko," ani ni Portia. Hindi umimik si Sebastian sa halip— mabilis itong naglakad at umalis doon. Sinundan siya nina Lucas palabas.
Yumuko si Hector at kinuha ang sun glasses na nahulog ni Sebastian kanina. Tiningnan siya ni Portia at agad na nilapitan.
"Bakit mo tinulungan ang lalaking iyon! Siya ang sumaksak kay kuya!" galit na sigaw ni Portia. Tiningnan siya ni Hector.
"Hindi mo ba nakita iyong document na binigay ko sa inyo na may laman na medical ni Sebastian Apostol? Mamatay na siya at dahil din iyon sa inyo. Kumilos na naman kayo ng hindi naayon sa kasunduan at walang pinagkaiba ang ginawa niyo sa ginawa ni Sebastian," sagot ni Hector. Sa tatlong organization ang pamilya ni Hector ang neutral. Kumikilos ito ayon sa pangangailangan at wala itong kinakampihan.
Napasapo si Nero sa noo sa idea na mukhang magsisimula na naman ng away ang dalawa. Tiningnan ni Nero si Portia na nagmamartsa na umalis.
"Ayos lang ba na hayaan mo siya na umalis na lang ng ganoon?" tanong ni Nero. Bumuga ng hangin si Hector at sinabing may mga tauhan sa labas para maghatid sa babae.
Masyado ng sumasakit ang ulo ni Hector sa gulong nangyayari sa mga Floran at Ferrer matapos niya panandalian itigil ang pagkilos sa pag-eliminate kay Sebastian. Hindi doon sang-ayon ang mga Floran matapos nga ang ginawang pag-atake ni Sebastian sa kanila.
Hindi lingid sa kaalaman ni Hector na pilit kinukumbinsi ng mga Floran ang ama niya para baguhin ang desisyon nitong bigyan pa ng isang chance si Sebastian.
Sebastian Apostol's POV
Pagdating na pagdating namin ng mansyon sinimulan na nina Lucas ang paglilitanya nila dahil sa nangyari sa library.
Tiningnan ko lang sina Lucas na naiinis sa akin. Bini-big deal nila iyong kung paano kung tumama ang ulo ko kung saan. May nakabaon na bala sa ulo ko at kung tumama pa ang ulo ko kung saan baka magkaroon ng internal bleeding and worst maari kong ikamatay iyon.
"Pinuno, saan ka ba kumukuha ng ganoon na lakas ng loob para gumawa ng ganoon na mga bagay? Mababagsakan ka na ng mga bookshelves wala ka pang alam and worst nanatili ka sa lugar kung nasaan ang mga Floran," ani ni Lucas. Nameywangan si Lucas at tiningnan ako ng seryoso.
"Kahit pa sinabi mo sa mga Ferrer na wala ka ng gagawin na pagkilos para gumanti— alam kong hindi ka nila basta titigilan lalo na ng mga Floran. Nasa deathlist ka pa din nila kaya sana pinuno maging aware ka na hindi ikaw iyong tipong pwedeng makipag-get a long sa mga Floran at Ferrer," dagdag ni Lucas. Bumuga ng hangin si Nathan at tumingin sa akin.
"Huwag mong kalimutan pinuno na may kinalaman pa din sila sa pagkamatay ng kapatid mo at ng mag-asawang Apostol," ani ni Nathan. Lumambot ang expression ko at ngumiti.
"Alam ko iyon at salamat. Hindi na ulit iyon mauulit," sagot ko. Napatigil sina Lucas dahil doon.
Tumikhim si Jared at sinabing magluluto siya ng pagkain na favorite ko. Nagkaniya-kaniya silang alis kahit si Acer kaya nagtaka ako.
Tumingjn ako sa reflection ko sa estante na nakatayo hindi malayo sa akin.
"Ang creepy ba ng ngiti ko?" tanong ko. Ngumiti-ngiti ako habang iniisip ang dahilan bakit biglang umalis iyong apat.