04

2164 Words
Chapter 04 Sebastian Apostol's POV Nahihintay lang ako sa loob ng sasakyan habang nasa loob ng cake shop si Lucas at Jared. Bukas ang driver seat at nakasandal si Nathan sa hood ng kotse. Sumilip ako at tiningnan si Nathan na nagsisindi ng sigarilyo. "Nauuhaw na ako Nathan— wala bang malapit na store dito?" tanong ko. Lumingon si Nathan at umayos ng tayo. "Meron pinuno pero maya-maya nandito na din sina Lucas at siguradong may dala iyong mga maiinom," ani ni Nathan. Umayos ako ng upo at humalumbaba. Mas mabuting hintayin ko na nga lang sila. "Umalis nga kayo diyan sa harapan ng shop! Mga bwisit! Panira kayo ng mood ng mga costumer!" sigaw ng shop manager matapos makita ang dalawang batang pulubi na nakasilip sa loob. Ilang minuto ba akong tulala sa kung saan at hindi ko nakita iyong mga bata. Napatigil ako matapos may scenario na pumasok sa isip ko. Napaningit ako ng kumirot na naman iyon. "Pinuno!" ani ni Nathan. Narinig kong tinatawag na ni Nathan sina Lucas kaya agad ko siya pinigilan. "Ayos lang ako. Kumirot lang ang ulo ko," ani ko at tiningnan ang mga bata. Nakita ko ang sarili ko sa harap ng shop. Puno ng dumi ang kamay ko at damit. Ngayon naalala ko iyon— naalala kong adopted si Sebastian at lumaki siya sa kalsada. Inampon siya ng mga Apostol 'nong sampung taong gulang siya. Lumabas ako ng sasakyan. Naramdaman kong hinabol ako ni Nathan at tinanong kung saan ako pupunta. "Kakausapin iyong shop manager," sagot ko habang nakatingin sa shop manager na todo mura sa mga bata at para bang nakakadurog sa pagkatao ng manager ang pagtayo ng mga bata sa labas ng shop. 3rd Person's POV Mula sa kalayuan may nakaparada na dalawang sasakyan. Nakatayo ang mga ito sa labas ng kotse at nakatingin sa sasakyan na nakaparada sa harap ng cake shop. "Kailangan pa ba natin i-report lahat ng gagawin ng gagong iyon? Pagkakataon na natin ito para pabagsakin ang mga Apostol. Naniniwala ba talaga si boss na magbabago ang gago na iyan?" inis na sambit ng isa sa dalawang lalaki na nasa labas ng sasakyan. "Draven, naniniwala ka bang nagbabago na ang sira ulo na iyan?" tanong ng lalaking nasa driver seat ng itim an kotse sa binata na nasa passenger seat at nakatingin sa ilabas. "Hindi din mahalaga ang opinyon natin dito. Nandito tayo para kumpirmahin iyon," sagot ng may pangalan na Draken Erato. Napako ang tingin ng dalawa sa bulto ng binata na lumabas sa sasakyan. Patungo ito sa direksyon kung nasaan ang dalawang bata at iyong manager ng shop. "Bago ba itong palabas ng mga Apostol para makipag-ugnayan sa mga kasabwat niya?" tanong ni Nero Morrigan habang nakataas ang kilay. Ngunit hindi iyon ang pagkakakilala nila kay Sebastian Apostol. Wala itong kinakatakutan at puno ito ng pride. Alam din nila na walang pinag-aralan si Sebastian kaya hindi ito iyong tipo na makakaisip ng mga ganoon na taktika. Lumabas si Draken matapos makita na hinawakan ni Sebastian ang dalawang bata at kinakausap ang manager. — "Pinuno!" ani ni Nathan. Lumapit si Sebastian sa manager. "Ano bang ginawa ng mga batang ito para pati pagkatao nila sinusumpa mo?" tanong ni Sebastian. Sumama ang mukha ng manager— sa mukha kasi ni Sebastian at ni Nathan mukha ang mga itong gangster. Tinapon ng manager ang pera sa mukha ni Sebastian na kinagulat ni Nathan. "Kung iyang pera ang habol niyo ayan na! Umalis na kayo sa shop ko!" ani ng owner. Halata sa mukha nito ang takot at pinipigilan lang nito ang sarili na tumakbo dahil nakita niyang marami sa mga taong nasa paligid niya ang kumukuha ng video. Lumuhod si Sebastian na kinagulat ni Nathan lalo ng pulutin ni Sebastian ang pera at tiningnan ang manager. Nanatiling kalmado si Sebastian at palihim na napangisi ang owner lalo na makitang may mga nakatayong gwardya hindi kalayuan sa shop. "Ano pang ginagawa niyo dito? Alis!" sigaw ng manager. Tumingin sa kaniya si Sebastian at pinunit-punit ang pera na kinatigil ng lahat. Sa tiyura kasi nito mukha itong gangster lang sa kanto isama pa ang kasama nito na, walang ibang mga ginawa kung hindi nanghingi ng lapag. Tinapon iyon ni Sebastian sa ere na kinatanga ng manager. Nilagay ni Sebastian ang kamay sa isang bulsa at matamang tinitigan ang owner. "Humingi ka ng tawad sa mga bata," malamig na sambit ni Sebastian. Kinakabahang tumawa ang owner. "Sino ang inuutusan mo ha?" pumuwesto si Nathan sa likuran ng owner na nanlalamig. Kakaiba ang tingin sa kaniya ni Sebastian parang lalamunin siya ng buhay. "Humingi ka ng tawad!" sigaw ni Sebastian. Sinipa ni Nathan ang dalawang tuhod ng owner dahilan para mapahiyaw ito mapaluhod. Hinila ni Nathan ang buhok ng owner patingala. "Kung ako sa iyo susundin ko ang sinasabi ng pinuno ko. Mali ka ng binabangga," malamig na sambit ni Nathan. Tila nawalan ng kulay ang mukha ng owner matapos makilala ang lalaking nasa itim na hood at may suot na face mask. Isa ito sa investor ng shop niya. Nanginginig itong sumigaw ta humingi ng tawad. Binitawan ni Nathan ang lalaki matapos makitang bahagyang lumambot ang expression ni Sebastian. Nilingon nito ang mga bata na nagsimulang umiyak. Lumuhod sa harap ng mga ito si Sebastian at sinabing hindi na ng mga ito kailangan umiyak. "Pinuno," ani ni Lucas na agad lumapit kay Sebastian na agad tumayo matapos sila makita. "Nathan! Sinabi ko ng huwag mong hahayaan na lumabas ng sasakyan si pinuno. Kare-recover niya pa lang," galit na sigaw ni Lucas habang may mga hawak na paper bag na naglalaman ng iba't ibang klase ng cake. "Hindi ko naman pinalabas si pinun—" "Lucas, huwag ka ng magalit. Okay lang naman ako," ani ni Sebastian at timingnan ang mga batang pulubi. Kinuha ni Sebastian ang dalawa sa paper bag na hawak ni Lucas at binigay iyon sa dalawang bata. Nanlaki ang mata ng dalawang bata matapos iyon iabot sa kanila ni Sebastian. "Marami iyang cake. Alam ko gusto niyo 'nan. Sa inyo na," may ngiti na sambit ni Sebastian. Kinuha iyon ng mga bata at sabay na nagpasalamat habang pinupunasan ang mukha nila. Tinungkod ni Sebastian ang dalawang braso sa tuhod at ngumiti para pantayan ang dalawang bata. "Tuwing umaga. Ganito din mga oras— pumunta kayo dito para mabigyan namin kayo ng mga pagkain. Kung may mga kasama pa kayo pwede niyo din sila dalhin dito para makakain," ani ni Sebastian. Lumiwanag ang mukha ng dalawang bata matapos marinig iyon. Nakatingin lang ang tatlo kay Sebastian na kasalukuyang nakaupo na sa sahig at kausap ang tatlong bata. Sumama ang mukha ni Lucas matapos tumama ang mata niya sa dalawang lalaki na nakatayo hindi sa kalayuan sa shop. Mukhang sinundan nito sila. Yumuko si Lucas at bumulong kay Sebastian na agad napatayo at lumingon. Bahagyang nataranta si Sebastian. "Pwede na kayo umuwi. Dalhin niyo na iyan," ani ni Sebastian. May kinuha pa ito sa bulsa at binigay sa dalawang bata. Tinulak-tulak niya pa ito palayo para sabihin na umuwi na. Kumaway sa kaniya ang mga bata at tumakbo palayo. Nakatingin siya sa dalawang bata hanggang sa magdalawa ang paningin niya. Napahawak siya sa ulo. "Pinuno!" ani ni Lucas at inalalayan si Sebastian. Sinabi ni Sebastian na bumalik na sila sa sasakyan. "Nathan, ikaw na mag-drive. Ipapa-check up natin si pinuno," ani ni Lucas at sinakay sa backseat si Sebastian. Sa isip ni Sebastian dapat nakinis siya kay Lucas nahihilo siya at talagang pumipintig ang utak niya dahil doon. Iniisip pa lang ni Mike na ang totoong Sebastian sa nobela iyon ay tao at tiniis niya ang sakit na iyon ng ilang taon ay hindi niya maiwasan humanga. Nagagawa pa nitong makipagtagisan sa mga male lead at makipagpatintero kay kamatayan sa kabila ng sakit na iyon na parang hinahati sa dalawa ang bungo niya. Dinala nina Nathan sa hospital si Sebastian at agad nagpatawag ng doctor pina- CT scan ito at gumawa pa ng ilang check up. Pagkatapos 'non ay dumating ang doctor at pumasok sa hospital room na inakupahan nila. Binilin ng doctor na huwag masyadong magpagod— maraming pinagbawal ang doctor kahit ang stressed. "Sabihin mo na lang kaya doctor na huwag na akong gumalaw at mag-act na lang ako na patay," banat ni Sebastian. Bumuga ng hangin ang doctor at binaba ang record book. "Kung ayaw mo makaramdam ulit ng ganoon na sakit. Hindi ka gagalaw at magpapagod. Tatapatin na kita Mr. Apostol. Sa sakit pa lang hindi mo na kakayanin kaya—" "Doctor, kung ikaw ako at nasa ganito kang sitwasyon tapos malaman mo na may taning na ang buhay mo. Magi-stay still ka lang ba katulad ng isang patay na tao para lang hindi ka makaramdam ng sakit? Sa totoo lang kung sa ganitong sitwasyon gusto ko lahat ng gawin ang bagay na makakapagpasaya sa akin bago 'man lang ako mamatay," ani ni Sebastian habang nakaupo sa ibaba ng kama. Sumama ang mukha ni Lucas doon. Lumabas ito ng silid matapos magalit si Nathanbat sinabing hindi mamatay ang pinuno nila. Nanggagalaiti ito habang tinatahak ang daan palabas ng hospital. "Perez! Saan ka pupunta?" habol ni Jared at hinawakan ang balikat ni Lucas. Tinabig iyon ni Lucas at tiningnan ang lalaki. "Susugurin ko ang mansyon ng mga Ferrer! Sila ang may kasalanan ng lahat kung bakit ito nangyari kay pinuno! Sobra-sobra na ang mga naranasan niya para— para— argh! Bwisit!" sigaw ni Lucas at sinuntok ang pader na nasa gilid niya at yumuko. "Naiintindihan kita— nagagalit din ako. Hindi ko din ito gusto pero hiniling ito ni pinuno. Kung susugod ka doon para mo na din tinapon ang buhay mo and worst— sino na lang ang poprotekta kay pinuno kung mawala tayo. Narinig mo siya— tayo na lang ang pamilya niya," ani ni Jared. Nanatiling nakayuko si Lucas at pilit na kinalma ang sarili. "Hindi mamatay si pinuno. Kung kailangan halughugin natin ang buong mundo para humanap ng doctor gawin na natin. Sa ngayon mag-focus tayo kung paano siya makaka-recover— ibalik ang mga ala-ala niya at protektahan," dagdag ni Jared. Naggigitgit si Lucas ngunit umayos ito ng tayo. Humarap ito kay Jared at tinapik ang balikat nito bago naglakad para bumalik sa kwarto. "Bumalik na tayo. Hahanapin tayo ni pinuno," ani ni Lucas. Bumuga ng hangin si Jared at tumakbo palapit kay Lucas. Nanatiling nakatago si Draven sa kabang bahagi ng hallway. Narinig niya sina Lucas— lumingon si Draven matapos makita si Nero. "Ayaw magbigay ng kahit na anong impormasyon ang mga doctor dito. Mukhang pagmamay-ari ito ng isa sa mga alipores ni Apostol," ani ni Nero. Ngumisi ito at may winagayway na envelop. "Pero ibig sabihin 'non hindi ko pwedeng kuhanin ang isa sa mga medical result ng Apostol na iyon," ani ni Nero. Matapos kasi biglang ipatawag ang isa sa mga naging doctor ni Sebastian kinuha ni Nero ang envelop na nasa lamesa matapos makita ang pangalan ni Sebastian. Kinuha iyon ni Draven at binuksan. Binasa ang mga laman 'non. Maya-maya bumuga ito ng hangin at pinasok muli iyon sa loob. "Bumalik na tayo— ipakita natin ito kay Ferrer," ani ni Draven bago humakbang at naunang maglakad palayo. Hinabol siya ni Nero at sinabing hintayin siya. Sebastian Apostol's POV Nakita ko sina Lucas na nakasuot ng uniform at mukhang pupunta ng school. Ngayon bigla kong naalala iyon— bata pa si Sebastian at nasa 19 years old lang ito. Napasapo ako sa noo sa idea na ayaw ni Sebastian pumasok ng school ngunit kahit ganoon excempted ang IQ level nito. Marunong ito magsulat at magbasa kahit wala ditong nagtuturo. Tiningnan ko sina Lucas— hindi naman siguro sila magdududa kung sasabihin kong gusto ko pumasok sa school. "Hindi pwede na maiwan ngayon dito si pinuno. Hindi muna kaya ako pumasok," ani ni Nathan. Napangiwi ako sa idea na masyado silang overprotective sa akin. Masyado nila akong ginagawang bata. "Kaya kong mag-isa. Hindi niyo ako kailangan bantayan 24/7," ani ko at pinag-cross ang mga braso ko. Tiningnan sila at kumaway ng konti. "Pumasok na kayo ng school baka ma-late pa kayo. May exam kayo ngayon diba?" tanong ko. Walang excempted sa pagiging tamad ng mga gangster na kaharap ko. Tuwing mga exam lang sila pumapasok and i found it wierd since hindi sila bumabagsak. Matapos ang mahabang pamimilit at mga bilin nila. Nakaalis na din ang tatlo para pumasok ng school— naiwan ako mag-isa dito sa mansyon. Bored na tiningnan ko ang t.v— kinuha ang remote at pinatay iyon. Sumandal ako sa sofa at tumingala sa kisame. "Parang gusto ko na lang maging butiki," out of the blue na bulong ko. "Nagsawa ka na ba sa pagiging gangster mo at gusto mo na lang maging butiki?" Bahagya kong tinaas ang tingin ko habang nakapatong ang ulo at dalawang braso ko sa sandalan ng sofa. May lalaking nakatayo sa pinto— nakangiti ito at masasabi kong maganda din itong lalaki— nakikipagsabayan ito kina Lucas. "Sino ka naman?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD