08

2219 Words
Chapter 08 3rd Person's POV "N-No, gusto ko mag-stay kasama ka. Mas mukha kang good guy kaysa kay kuya," nangingilid ang luha na sambit ng batang babae. Napakamot sa pisngi si Sebastian sa idea na mali ang naging pagkakakilala nito sa kaniya. As far as I know siya ang villain sa novel na iyon. Dumating si Nathan at napatigil ito matapos makita sina Hector. Napatingin si Sebastian at sinabing sa kaniya na ang kandila. Napatingin ang batang babae lalo na ng ilapit ni Lucas ang cake. "Anyway, alam mo ba na kapag birthday ng isang bata dapat nagwi-wish. Kapag nag-wish sigurado magkakatotoo. How about mag-blow ka na ng candle para sa birthday wish mo?" tanong ni Sebastian. Kumunot ang noo ni Hector sa idea na hindi niya alam na birthday pala ng kapatid niya. "Kahit ilang candle pa ang i-blow ko. Aalis ka pa din," bulong ng batang babae. Hindi makapaniwala si Sebastian na ma-attach ito ng sobra sa kaniya. Wala pa silang isang araw magkakilala. Sabagay, kung siya ang nasa sitwasyon ng batang babae. Mas gugustuhin niya pa magtiwala sa ibang tao kaysa sa sarili niyang pamilya. "How about magkaroon tayo ng deal?" tanong ni Sebastian. Napatingin ang bata. "Sasama ka ngayon sa kuya mo then pwede kita bibigyan ng contact card ko. Pwede mo ako kausapin anytime," ani ni Sebastian. Umiling-iling ang batang babae. "Gusto kita makita— ayaw ko sumama," ani ng batang babae. Ngumiwi si Sebastian at tiningnan si Hector na parang humihingi na ng tulong. Tumikhim si Hector at humakbang palapit. Naalarma naman ang mga tauhan ng Ferrer dahil doon. "Ganito Hestia— kung sasama ka sa akin ngayon. Susunod sa lahat ng sasabihin ko at kakain ka— dadalhin kita ulit kay Sebastian?" ani ni Hector. Lumingon ang batang babae— sumama ang mukha nito at mas yumakap pa sa leeg ni Sebastian. Nanggigil na si Hector at nakikita iyon ni Sebastian. In some reason gusto niya tumawa doon. Tiningnan siya ng masama ni Hector kaya tumikhim ang binata at tiningnan ang batang babae. "Nagagalit na ang kuya Hector mo. Siguradong papatayin na ako 'nan kapag hindi ka pa sumama," ani ni Sebastian na halata ang biro sa boses ngunit mukhang hindi biro ang naging dating 'non sa batang babae. Nawalan ng kulay ang mukha nito at nanginginig. Bigla na lang itong umiyak and this time kahit si Sebastian hindi na ito napatigil. "Bad sila! Ayoko kay kuya at daddy! Ayoko sa kanila. Pinapatay nila lahat ng mahalaga sa akin! Ayoko sa kanila!" umiiyak na sambit ng batang babae. Iyong expression ni Hector biglang nagbago. Napalitan iyon ng sobrang lungkot at pag-aalala habang nakatingin sa kapatid. "Pinatay ni daddy ang mom ko! Pareho sila ni daddy! Bad sila!" Sinara ni Jared ang glassdoor. Nagpasalamat na lang sina Lucas dahil wala ng tao sa lugar na iyon that time dahil sa takot sa mga tauhan ng mga Ferrer. "Gusto din nila ako patayin. Papatayin din nila ako katulad ng mom ko," sumbong ng batang babae kaya niyakap ni Sebastian ang batang babae na patuloy sa pagsigaw kung gaano niya kinamumuhiaan ang kapatid at dad niya. — Nanatili pa ng ilang oras doon sina Hector at Sebastian. Pinakita ng batang babae ang family picture nila at doon nakita ni Sebastian na kamukha ni Hector ang ama nila. Ang nabasa ni Sebastian sa novel about sa background ni Hector ay blood related ang mommy ni Hector at ang uncle ni Sebastian na siyang parehong gahaman sa kapangyarihan. Gumagalaw sa dilim ang uncle ni Sebastian at siyang may dahilan kung bakit nasangkot sa aksidente ang mga Floran. Balak nito pag-away awayin ang mga pamilya at magpatayan sa gayon ay makapaghiganti siya ng hindi nadudumihan ang mga kamay. Ngunit kahit ano pang dahilan dapat hindi pinatay ng matandang Ferrer ang asawa sa harap ng sarili nitong anak. Hinaplos ni Sebastian ang buhok ng batang babae. "Mukha bang bad guy ang brother mo sa iyo? Katulad mo nawalan din siya ng mom," ani ni Sebastian. Napatingin ang batang babae. "Pero sabi mo papatayin ka din niya. Paano kung—" "Nagbibiro lang ako 'non. Kilala ko ang brother mo good guy siya like me," ani ni Sebastian at nag-pogi sign pa. "Iyon nga lang mas handsome lang ako sa kaniya at mas mahaba ang pasensya," natatawa na dagdag ni Sebastian. Tumawa alanganin si Sebastian matapos hindi tumawa ang bata at tumitig lang sa kaniya. "Pareho kayong hindi maka-gets ng biro noh. Anyway, mag-blow na tayo ng candle mo then kakantahan kita ng happy birthday," ani ni Sebastian. Naglagay siya ng kandila sa cake habang nakaupo sa mga hita niya ang batang babae. Hindi nito pinansin ang mga tingin ni Hector sa kaniya at ng batang babae. "May lighter kayo?" tanong ni Sebastian at tiningnan sina Lucas. Hindi sila gaanong nagsisigarilyo kaya wala siyang dalang lighter. "Here," ani ni Hector at inabot kay Sebastian ang lighter. Tumingin si Sebastian. "Ikaw magsindi— hawak ko iyong bata," sagot ni Sebastian na ngayon ay nakayakap na sa batang babae. Sumama ang mukha ni Hector matapos siya ngisian ni Sebastian. Sebastian Apostol's POV Akala ko makikipagtalo pa si Hector. Umupo din ito at sinindihan nga ang cake kaya napatingin sa kaniya ang batang babae. "Happy birthday, Hestia— happy birthday Hestia," nagsimula akong kumanta at natatawa naman sumunod sina Lucas para sabayan ako. Nakita ko naman pumapalakpak ang mga tauhan ng Ferrer at narinig ko din kumanta si Hector kaya tiningnan ko ang batang babae. "See? Hindi lahat gagawan ka ng bad— hindi din masama magtiwala minsan. So? Mag-blow ka na ng candle after mo mag-wish," ani ko na may ngiti sa labi. Tumingin siya sa akin pagkatapos sa cake na nasa gitna naming tatlo ni Hector. "Wish ko sana hindi magsinungaling si kuya na dadalhin niya ulit ako kay Sebastian," ani ng batang babae at hinipan iyon. Natutuwa akong pumalakpak kahit ang totoo bigla akong kinabahan doon. Kung patuloy kami magkikita ng batang ito ibig sabihin— tiningnan ko si Hector. Paulit-ulit din magko-cross nag landas naming dalawa. Napatigil ako matapos magtama ang mata naming dalawa— napaiwas ako ng tingin. Shoot, nagtama ang mata naming dalawa. Alanganin ko tiningnan ang batang si Hestia at tinanong. "Ibig sabihin sasama ka na sa kuya mo at magpapaka-good girl?" tanong ko. Tumango-tango ang batang babae pero halatang nalulungkot ito. Kinuha ko ang wallet ko at nilabas ang contact card ko. Kinuha ko din iyong story book na binasa ko kanina at binigay iyon sa batang babae. "Gift ko ito sa iyo then ito ang contact number ko. Kapag may ginawa silang bad sa iyo. Sumbong mo sa akin ise-save kita agad," ani ko na kinatingin ng batang babae. Bahagyang lumiwanag ang mukha ng batang babae matapos marinig iyon. "Promise?" tanong ng batang babae. Ngumiti ako at tinaas ang pinky finger ko. "Naman— promise, so? Sama ka na sa brother. Gabi na at baka may mga dumating na din na pulis. Kawawa naman kami kapag nahuli kami ng mga pulis— mapagkamalan kaming mga magnanakaw," biro ko. Tumango-tango ang batang babae kaya natutuwa na tumayo na ako. Lumapit ang head guard kaya inabot ko na sa kaniya si Hestia na yakap ang mga binigay ko. "Babye," ani ni Hestia na kumaway. Ngumiti lang ako at kumaway din. "Hindi ko akalain na may soft side pala ang isang Sebastian Apostol sa mga bata," komento ni Hector na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. "Tigilan mo na ang pagpapanggap mo dahil alam ko isa na naman ito sa mga plano mo," malamig na sambit ni Hector. Sinalubong ko ang tingin niya at nakipagtagisan ng titig. "Imbis pagdudahan mo ang sincerity ko mag-focus ka kung paano ka mapapalapit sa kapatid mo. Kuhanin mo ang tiwala niya— idiot," asik ni Sebastian bago niligpit ang cake na dapat kay Hestia at inabot iyon ng nakabalot kay Hector. "Ingatan mo ang kapatid mo— huwag ka ng gumaya sa akin na naging selfish at kinalimutan ang existance ng taong mas kailangan ako dahil sa kapangyarihan at sa kagustuhan kong maging karapat-dapat sa ibang tao," ani ko bago tumalikod. Humakbang ako palapit sa glass door at binuksan iyon. "Si Hestia na lang ang meron ka at masyado pang bata si Hestia para isantabi mo," bulong ko. Tuluyan na akong lumabas at iniwan doon sina Hector. Napatingin ako sa isa sa mga nakaparada na sasakyan matapos marinig ko ang boses ni Hestia. "Babye Sebastian," ani ni Hestia mula sa loob at kumaway. Ngumiti ako at kumaway din. Inaya na ako nina Lucas patawid sa kabilang kalsada since nandoon nakaparada ang mga sasakyan namin. Gabi na pala. Biglang umihip ang malamig na hangin kaya napabahing ako. Napatingin si Lucas at binigyan ako ng jacket. "Hindi na natin napansin ang oras," ani ni Lucas. Ngumiti ako at kinuha iyon. "Oo nga— gabi na pala." 3rd Person's POV Napatigil si Sebastian matapos matagpuan ang sarili niya na tumatakbo sa isang madilim an lugar. Out of instinct huminto siya at lumingon. Mula sa kadiliman may nakita siyang mga lalaki— may mga hawak na tubo, latigo at baseball bat. Tumatawa ang mga ito habang nakatingin sa kaniya. Ramdam niya ang panlalamig matapos makita iyon. Bago pa makalapit ang mga ito— muli ay tumakbo si Sebastian kahit wala itong tiyak na patutunguhan. "Sino sila? Bakit nila ako hinahabol?" tanong ni Sebastian hanggang sa may makita siyang liwanag. Inabot niya iyon at pumasok doon. Parang nawalan ng lakas ang buong katawan ni Sebastian at napaupo matapos may makitang katawan sa sahig. Naliligo sa dugo ang isang batang babae sa sahig at napapalibutan ng mga manika na nababalutan na din ng dugo. "Selene." Isang salita na namutawi sa bibig ni Sebastian matapos makita ang katawan. Nahila ni Sebastian ang hininga at nagising sa kalagitnaan ng gabi matapos magkaroon ng masamang panaginip. "Mga ala-ala ba ito ni Sebastian?" bulong ni Sebastian habang sapo ang noo. Ramdam niya pa din ang lungkot at galit. That time pakiramdam niya nilamon ng emosyon ng tunay na Sebastian ang buong pagkatao niya. Umiling-iling si Sebastian at bumaba sa kama. Tumayo siya at naglakad palapit sa pintuan para lumabas. Binuksan niya iyon at nakita ang madilim na hallway. Napalunok si Sebastian matapos makitang madilim nga. Walang tao doon ngunit nauuhaw siya. Bumuga ng hangin si Sebastian at sinara ang pintuan— nakahawak siya sa pader at tinahak ang daan patungo sa hagdan. Maya-maya napatigil si Sebastian matapos maramdaman na may nakatingin sa kaniya. Paglingon niya— bumungad sa kaniya ang mukha ni Jared. "Ahhhh!" sigaw ni Sebastian. Tinutukan kasi ni Jared ang mukha ng flashlight. Bumuluhandrit ng tawa si Jared sa reaksyon ng pinuno. Napatigil lang ito at napaubo matapos siya suntukin ni Sebastian sa sikmura. Napalabas sina Lucas sa kwarto at may mga tauhan ang naalarma mula sa labas. "Pinuno!" sigaw ni Lucas at tumingin-tingin sa paligid habang hawak ang baril. Nakita nila si Jared na hawak ang tiyan at dumadaing sa suntok ni Sebastian. "Hindi magandang biro iyon Jared! Paano kung atakihin ako sa puso grr!" ani ni Sebastian habang nakapameywangan. May nagbukas na ng ilaw mula sa ibaba at iyon ang mga tuhan ni Sebastian. "Ano na naman kalokohan ginawa mo Jared?" ani ni Nathan na binaba ang hawak na baril. Agad na sumagot si Jared na binibiro lang si Sebastian. Sumama nag mukha ni Acer dahil doon. Sobra nag atensyon na binibigay ni Sebastian kina Lucas at in some reason naiirita siya doon. Hindi maiwasan ni Acer na mapatanong kung kailan pa naging ganito ang trato ni Sebastian sa tatlong kasamahan. Simula pagkabata sa kaniya lang palagi ang nilalapitan ni Sebastian— ito lang ang nais palaging kasama ni Sebastian at nanatiling subordinate sina Lucas kapag kailangan ng back up. "Jared— hindi magandang biro ang ginawa mo kay pinuno," ani ni Lucas. Agad na humingi ng sorry si Jared at sinabing binibiro niya lang naman si Sebastian since nakita niya itong palabas ng kwarto. Nasa likod ni Acer si Nathan kaya malinaw na nababasa ni Nathan ang expression na ginagawa ni Acer habang nakatingin sa tatlo. Hindi masisisi ni Nathan si Acer kung ganoon ang naging pakiramdam nito since nagugulat pa din sila sa mga pagbabago kay Sebastian like— kapag may kailangan ito wala itong ibang ginawa kung hindi tawagin sila. Hindi ito katulad ng Sebastian na kilala nila na laging gustong kumilos mag-isa kapag wala si Acer. Hindi ito humihingi ng tulong sa kanila at palaging dumidistansya. "Iinom lang ako ng tubig. Walang ilaw kanina sa hallway," ani ni Sebastian. Napakamot sa ulo si Lucas. "Bukas wala ng magpapatay ng ilaw sa living room," utos ni Lucas. Silang apat lang naman ang maaring maglabas pasok sa mansyon na iyon kapag walang emergency. Nanatili lang naman kasi palagi sa labas ang mga tauhan ng mga Apostol para magbantay. "Maaga kang nagising pinuno. Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Jared habang sinusundan si Sebastian pababa ng hagdan. "Nagkaroon lang ako ng masamang panaginip. Hindi ko na nagawang makatulog," sagot ni Sebastian. Kumunot ang noo ni Acer sa idea na kahit ang mga pagsagot nito ay iba na din— like hindi ito iyong tipo na mago-open up malaki o maliit man iyon na bagay. Sasagot lang ito na medyo maayos kapag mahalaga iyon at kapag si Acer ang kausap. Naiinis ang binata dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD