Chapter 03
3rd Person's POV
Marami sa tauhan ni Sebastian Apostol ang nagtataka sa kinikilos ng binata pero wala sa mga ito ang naglakas ng loob magsalita dahil sa tatlong tao na laging kasunod ng binata.
"Argh! Feeling ko buhay ulit ako. Ang sarap sa balat ng sikat ng araw," ani ni Sebastian na nasa labas ng mansyon. Kasalukuyan itong nag-uunat at sandaling tinatakpan ang mukha gamit ang likod ng palad.
"Pinuno, ngayon naka-recover ka na ano ng balak mong gawin?" tanong ni Lucas na kinalingon ni Sebastian.
"Unang-una kapag tayong apat lang— Sebastian itawag niyo sa akin pangalawa, hmm— gusto ko kumain ng cake ngayon," ani ni Sebastian matapos biglang pumasok sa isip niya ang cake. Napangiwi si Jared matapos marinig iyon.
"Pinuno, hindi namin pwede baguhin ang tawag namin sa iyo. Tauhan mo kami," sagot ni Jared na puno ng respeto. Hindi nagbago ang expression ni Sebastian dahil sa idea na alam niyang tatanggi ang mga ito sa gusto niya.
Tapat niyang tauhan ang tatlo— proven and tested dahil nabasa ni Sebastian sa novel na namatay ang tatlo para protektahan ang tunay na Sebastian. Binuwis ng tatlong lalaki ang buhay nila para sa pinuno nila at alam ng binata na posibleng mangyari muli iyon kung mabibigo siyang baguhin ang kapalaran ng mga ito.
"Tauhan ko kayo pero— mga kaibigan ko din kayo at— mga tunay na pamilya," dagdag ng binata na kinatigil nina Lucas.
"Sinasabi ko lang na tawagin niyo din ako sa pangalan ko kapag tayong apat lang," sagot ni Sebastian bago ulit tumalikod at inangat ang dalawang braso.
"Kung iyan ang gusto mo, Sebastian— bakit hindi?" sagot ni Lucas na kinaliwanag ng mukha ni Sebastian. Humarap muli ang binata at tiningnan sina Jared.
Ngumiwi ang dalawang lalaki bago tumikhim.
"Ahem, Sebastian," ani ni Jared. Bumuga ng hangin si Nathan at umiwas ng tingin.
"Sebastian, sabi mo gusto mo ng cake— may alam akong masarap na cake shop," ani ni Nathan na parang naiilang. Natutuwa naman na lumapit ang lalaki sa tatlo.
"Sige! Gusto ko tikman 'yong chocolate cake nila," ani ni Sebastian na nakaramdam ng sobrang excitement matapos marinig iyon.
Sa katauhan ni Mike hindi mahilig ang binata sa sweets pero dahil katawan iyon ng tunay na Sebastian naririnig niya pa lang ang word na cake nanubig na ang bibig niya sa pagkatakam.
Hindi ini-expect ni Mike na sa katauhan ni Sebastian magiging ganoon ang excitement na mararamdaman niya dahil lang sa idea na makakain siya ng cake.
—
Pinag-drive ni Lucas ng sasakyan si Sebastian since ayaw ng binata mag-drive. Iyon ang unang pagkakataon na humingi ng favor si Sebastian kaya talagang nagtalo pa si Nathan at Jared kung sino magda-drive para kay Sebastian since parehong gusto ng dalawa mag-drive para sa binata.
"Ako na magda-drive tangna. Hindi ba kayo nahihiya," mura ni Lucas sa dalawa at tinulak ang dalawa paalis sa pintuan ng kotse ni Sebastian.
Natawa ng mahina si Sebastian matapos magreklamo si Jared at Nathan dahil sa ginawang asal ni Lucas. Para pigilan ang dalawa sa pagtatalo si Lucas na ang nag-drive.
Tahimik lang si Lucas na nagda-drive habang si Sebastian naman ay nasa driver seat at nakatingin sa labas ng bintana.
"Mamaya pala may darating na doctor sa mansyon para palitan ang benda sa ulo mo. Darating din ang iba pa para kamustahin ka," ani ni Lucas sa lalaki.
"Ayoko sana ng istorbo. Hindi ba pwedeng bukas ko na lang sila harapin?" ani ni Sebastian na kinatingin sa kaniya sandali ni Lucas bago tumingin ulit sa kalsada. Hindi alam ni Lucas ang sasabihin dahil hindi niya alam kung tanong iyon or demand.
"Kung ayaw mo sila kausapin ngayon papakontak ko sila agad kina Jared para hindi na sila pumunta mamaya," sagot ni Lucas na kinatawa ni Sebastian ng mahina. Nilingon niya si Lucas at nag-thumbs up.
"The best ka talaga Lucas!"
Nabigla si Lucas sa attitude na iyon ni Sebastian pero tumawa lang ito at nagpatuloy na ulit sa pagmamaneho.
Napatigil si Lucas nang mapansin ang mga sumusunod sa kanilang sasakyan. Napamura si Lucas at mas pinabilisan ang pagpapatakbo.
Napahawak ng mahigpit si Sebastian sa seatblelt ng sasakyan nang halos paliparin ng binata ang sasakyan.
"Lucas! Anong ginagawa mo? Baka maaksidente tayo!" reklamo ni Sebastian na walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Pinuno! Sinusundan tayo ng mga Ferrer!" bulyaw ni Lucas. Napamura si Lucas sa idea na wala sa kondisyon ang pinuno nila at silang tatlo lang nina Jared ang maaring lumaban.
Kung sakali hindi din sila makakagalaw ng maayos dahil hindi nila pwede pabayaan ang pinuno nila kahit pa kaya nila ang mga kalaban kahit silang tatlo lang.
"Teka! Ihihto mo ang sasakyan," utos ni Sebastian na bahagyang napayuko.
"Pinuno! Anong sinasabi mo bakit ko ihi—"
"Ihinto mo!" sigaw ni Sebastian na naging dahilan para tapakan ni Lucas ang preno. Napamura ang binata ng magikot-ikot ang sasakyan nila dahil sa ginawang pagpreno ni Lucas.
"What the f**k!" mura ni Sebastian na agad napalabas ng sasakyan at napasuka.
"Pinuno!" sigaw nina Jared na hininto din ang sasakyan hindi kalayuan sa sasakyan nina Sebastian. Tumakbo ang mga ito palapit sa lalaki at inalalayan.
Bumaba ang mag taong nasa loob ng siyam na sasakyan na sumusunod sa kanila. Hindi sila pinansin nina Lucas na patuloy sa pagtapik sa likod ng binata.
Nanatiling nakahawak si Sebastian sa poste habang sumusuka.
"Tangna, papatayin mo ba ako Lucas," nanghihina na sambit ni Sebastian matapos pilit na umayos ng tayo at ipunas ang longsleeve ng suot niyang hood.
"Apostol!"
Napatingin si Sebastian na kasalukuyang suot ang hood para takpan ang benda sa ulo niya. Nagtama ang mata nila ng pinakaiinisan niyang character kaya kusang gumusot ang mukha ng binata matapos siya tingnan ng masama ng binatang si Hector Ferrer.
Sebastian Apostol's POV
Hindi ko alam ang kakalabasan ng usapan na ito lalo na at unexpected ito. Wala ito sa part ng novel since 'nong nagre-recover si Sebastian pumunta ito sa ibang bansa para hintayin gumaling ang sugat niya sa ulo.
Hinarangan ako nina Lucas. Ang daming kalaban tapos nandito pa ang mainlead. Sa katapusan ng kwento makukumpirma doon na mas malakas ang main lead kay Sebastian since napatay nga ng mainlead si Sebastian— ano pa ba ang ini-expect sa mainlead.
Kung hindi ko mapapakiusapan ang gagong ito katapusan na naming apat. Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan nina Lucas pero sa novel na ito malinaw pa sa sinag ng araw kung sino ang bida.
Kung hindi kami mamatay dito maaring sa mga susunod pa namin na encounter kaya mas safe kung talagang hindi na ulit magtatagpo ang landas namin pero paano mangyayari iyon? Hindi pa nagi-start ang tunay na kwento nasa harap ko na ang mga main character, damn it.
"Hindi niyo naman siguro kami aatakihin kung nakikita niyong wala kaming dala na kahit ano diba?" tanong ko matapos itaas nag kamay ko.
"Pinuno!" ani ni Jared na hindi makapaniwala na tanong sa akin.
"Bakit? Totoo naman na wala tayong dala. Parang makakapasok tayo sa cake shop kung may dala kayong mga baril," ani ko kay Jared na kinasapo ni Lucas sa noo. Tama ako hindi sila nagdala.
"Sa tingin mo ba papakawalan ka namin dahil lang sa sinabi mong iyan!" asik ni Hector Ferrer. Oo, kilala ko siya— siya lang naman iyong character na sobrang dinitalye ng author ng novel. Mula ulo hanggang paa— sinong hindi makakakilala sa ka kaniya kung kahit saan nagi-stand ang feature niya.
Deepy green eyes, black hair, natural red lips, perfect nose and jaw lines— paaanong hindi ko siya makikilala.
"Kung isusumbat mo sa akin ang nangyaring aksidente sa mga Floran kamusta naman ang ginawa ng mga tauhan mo sa akin?" tanong ko bago tinanggal ang hood ko af tinuro ang ulo ko.
"Salamat sa mga tauhan mo nag-iwan sila ng napaka-gandang remembrance sa ulo ko," asik ko na kinalaki ng mata nina Lucas. Napatigil sina Hector matapos marinig iyon.
"At sa tingin mo maniniwala ako sa mga kalokohan mo!" bawi ng male lead na kina-pokerface ko.
"Pwede ba mamatay na din naman ako. Hayaan niyong mamatay na lang ako sa bahay hindi dito— wala akong mapapala kung magsisinungaling ako sa inyo," bored na sambit ko bago tiningnan ang tatlong male lead sa harapan ko.
"Kung ayaw niyo maniwala bakit hindi kayo mag-imbestiga. Ako na argabyado dito wala na kayo sa katwiran kung aatakihin niyo ako dito lalo na at wala naman kaming dalang mga baril."
Nakipagsukatan ako ng tingin kay Hector. Maya-maya tinaas nito ang kamay na hudyat ay umatras.
Isa ito sa character description ng main lead. Maawain ito, may sense of justice and responsibility.
Tinungo ko na ang sasakyan— agad naman ako hinabol nina Lucas.
"Pinuno! Makakaganti na tayo sa ginawa nila sa iyo! Bakit kailan—"
"Jared, ilang taon na lang ang itatagal ko sa mundo at kayo aabot pa kayo ng 70 years old huwag niyo iyong sayangin para sa walang kwentang bagay," putol ko kay Jared bago binuksan ang pintuan ng passenger seat. Naramadaman ko na napatigil sina Jared matapos marinig iyon kaya bago ako sumakay sa sasakyan nilingon ko sina Jared.
"Umalis na tayo— huwag niyo ng tangkain lumabas. Ililibre niyo pa ako ng cake diba?" ani ko. Umismid si Jared pero tumalikod na din at tinungo ang sasakyan. Sumunod na din sina Nathan at nang makita ko silang nakasakay na nilingon ko sina Hector.
Ngumiti ako at kumaway.
"Sana hindi na ulit magtagpo ang landas natin! Huwag kayong mag-alala hindi niyo na ulit makikita ang pagmumukha na ito sa buong existance niyo," sigaw ko bago tuluyan pumasok sa sasakyan at sinbihan si Lucas na paandarin na ang kotse.
Sana talaga iyon na ang huli namin pagkikita at hindi ako mabigo sa gusto kong mangyayari sa pagbabago sa character ni Sebastian Apostol.
Ayoko pa mamatay for god's sake. Hindi sa kamay ng kahit na sino pa 'man at lalong ayokong mamatay sa pangalawang pagkakataon sa kamay ng main lead— hindi sa katauhan ni Sebastian.