Chapter 02
Sebastian Apostol's POV
Nang magising ako nasa hospital pa din ako. Ngayon kumbinsido na ako na hindi na ito panaginip. Balewala na bumangon ako at hinawakan ang ulo ko.
"Pinuno, nakikilala mo ba kami? Ayos ka lang ba pinuno?"
Napatingin ako sa tatlong lalaki na nasa gilid ng kama ko. Tinitigan ko sila— nasa kwento sila pero hindi ko tanda ang mag pangalan nila dahil sa dami ng character na nasa kwento.
Wala ding masyadong nilabas na solid na character para sa mga tauhan ni Sebastian dahil pinakilala sila 'nong time na mamatay na sila.
"Hindi ko maalala. Sino kayo?" nagtataka na tanong ko. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa matapos marinig iyon.
Sa part na ito sa novel hindi nawalan ng ala-ala si Sebastian pero wala akong balak sundin ang story line lalo na at hindi ko talaga sila kilala. Wala din akong balak sundin ang flow dahil hindi ako si Sebastian at mas lalong ayaw ko din mamatay.
Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong hospital gown. Hindi ko hahayaan na maranasan pa ni Sebastian ang mga paghihirap at sakit na mararanasan niya sa mga susunod pang pahina sa novel.
"Pinuno! Ayos lang iyon kahit hindi mo maalala! Magpapakilala kami ulit sa iyo isa-isa!"
Napatingin ako sa pula ang buhok matapos marinig iyon. Tumayo ito ng ayos at pinakilala ang sarili.
"Ako si Lucas Perez! Ako ang right hand mo, magkakilala na tayo since highschool. Informant din ako ng organization kaya kapag may mahalagang mission madalas tayong dalawa naiiwan sa meeting," ani ng lalaki. Napatigil ako matapos marinig ang pangalan na sinambit nito.
Lucas? Nanlaki ang mata ko matapos marinig iyon. Mamatay si Lucas sa kamay ng main lead— si Lucas din ang dahilan kung bakit pinatay ni Sebastian ang buong pamilya ng main lead.
"Pinuno, ayos ka lang? Bakit bigla kang namutla? Tatawag na ba kami ng doctor?" tanong ni Lucas na kinasapo ko sa noo. Saang part ba iyong pinaiimbistigahan ni Sebastian ang pamilya ng female lead.
"Lucas, may binigay ba akong mission about sa mag Floran?" tanong ko. Tiningnan ko si Lucas at nakita kong nagulat ito sa tanong ko.
"Huwag mo ng ituloy iyon."
"Pero pinuno! Nasa kalagitnaan na tayo— magkakaroon na tayo ng proof para mapatunayan na may kinalaman ang mga Floran sa nangyari sa pamilya ng mga Apostol," sagot ni Lucas. Kahit hindi tayo mag-imbestiga alam ko ng wala ka makukuha dahil walang kinalaman doon ang mga Floran.
Hindi ko pwede sabihin iyon dahil ayokong isipin nilang nababaliw na ako.
"Pinuno, sa tingin ko kailangan mo muna magpahinga. Hindi maganda ang lagay mo ngay—"
"Lucas, pagod na ako. Ayoko na maghiganti o isipin pa ang past. Kahit hindi niyo sabihin alam ko ng may taning na ang buhay ko at ayoko sayangin ang ilang taon ko sa mundo para lang sa paghihiganti," putol ko kay Lucas na kinatigil nilang tatlo. Humiga na muli ako sa kama at tumagilid.
Dahil sa bala na bumaon sa bungo ni Sebastian— tinaningan na si Sebastian ng doctor. Pwedeng maoperahan si Sebastian pero napakaliit lang ng chance na magising pa si Sebastian kung maooperahan siya.
Ayaw din ni Sebastian magpaopera dahil para sa tunay na Sebastian mas mahalaga ang paghihiganti kaysa sa buhay niya. Pero hindi ako— pagtutuunan ko ng pansin lahat ng bagay na gusto ni Sebastian. Makipaglaro ng basketball sa mga tauhan niya, kumain ng iba't ibang klaseng cake, maranasan pumunta sa arcade at magpatayo ng bahay malapit sa dalampasigan.
Pagkatapos ko magawa lahat ng iyon kahit maliit lang chance na makaya ng katawan ni Sebastian, papagamot ako— bibigyan ko ng pangalawang pagkakataon mabuhay si Sebastian Apostol. Kasi iyon ang kaisa-isang bagay na magagawa ko as a avid fan ng character ni Sebastian at bilang bagong Sebastian Apostol.
3rd Person's POV
"Lucas sa tingin mo dapat natin seryosohin ang sinasabi ni pinuno? I mean kung nasa tamang pag-iisip si pinuno hindi niya sasabihin iyon," tanong ni Nathaniel Reyes o mas kilalang Nathan. Ito ang kadalasan tagalinis sa kalat ng mga tauhan— pinagkakatiwalaan din ito ni Sebastian Apostol bilang mata niya sa loob at labas ng organization.
"Nasa tama 'man o hindi ang pag-iisip ni pinuno. Obligado tayo sundin lahat ng pinag-uutos niya— kahit pa sabihin ni pinuno na itigil ang mission at putulin ang koneksyon ng organization sa mga Floran," sagot ni Jared Alvarez bago tumayo sa kinauupuan at tinungo ang glass wall ng hospital. Mula sa kinatatayuan ng binata kitang-kita nito ang malawak na lugar at maraming tao sa ibaba.
"Bago tayo pumasok sa organization. Nagbigay tayo ng salita kay pinuno na susuportahan natin siya sa lahat ng bagay— kung iyon ang nais ni pinuno wala tayong karapatan umapila," dagdag ng binata bago tiningnan ang dalawang tao sa kabilang sofa.
"Susundin natin si pinuno— puputulin natin ang koneksyon natin lahat ng mission na konektado sa mga Floran at Ferrer," ani ni Lucas na kinatingin ni Nathan.
"Teka! Ang mga Ferrer na iyon ang tumambang kay pinuno at nagbaon ng ng bala sa ulo ni pinuno!" apila ni Nathan na kinatingin ni Lucas.
"Alam mo ang koneksyon ng mga Ferrer sa mga Floran diba?" tanong ni Lucas na kinatikom ng bibig ni Nathan. Palihim naggitgit ang binata at umiwas ng tingin.
Malaking pamilya ang mga Floran at Ferrer. Maimpluwensya din ang mga ito at mayaman— walang nagtatangka bumangga sa dalawang pamilya maliban sa leader nilang si Sebastian Apostol na leader ng isa sa malaking organization sa underground.
Binulabog ni Sebastian Apostol ang dalawang pamilya matapos tangkain ni Sebastian patayin ang isa sa tagapagmana ng mga Floran. Hindi biro ang impluwensya ni Sebastian as a mafia boss at ang organization nito— nagtulong ang dalawang pamilya para mapigilan si Sebastian.
Lumipas ang ilang araw— nagpalabas na ng hospital si Sebastian kahit pa sinabi ng doctor na kailangan pa ng ilang check up ni Sebastian bago makalabas.
"Hindi naman madadagdagan ang life span ko sa mga check up niyo diba? Sa bahay na lang ako magpapagaling ayoko na manatili dito," sagot ni Sebastian na kinatingin nina Lucas. Mapilit ang doctor ni Sebastian at dahil mukhang naiinis na din ang binata sumabat na si Lucas. Inaya ni Lucas ang doctor palabas para kausapin.
"Nakakainis, ayoko nga dito. Hindi ko gusto amoy ng hospital. As if naman may matatanggal ang bala sa ulo ko na parang magic sa mga check up nila," asik ni Sebastian matapos mag-cross arm.
Natawa si Jared at umupo sa gilid ng kama na kinauupuan ni Sebastian.
"Kung gusto mo makalabas pinuno si Lucas ang pilitin mo hindi ang doctor. Isang salita lang ni Lucas sa head doctor ng hospital na ito papalabasin ka na since pamilya ni Lucas ang may-ari nito."
"Whoa! Ganoon kayaman si Lucas? Bakit parang hindi iyon nabanggit sa novel," ani ni Sebastian na parang nagtataka.
"Novel?" ulit ni Jared. Napakamot sa pisngi si Sebastian at alanganin tumawa.
"Sorry, medyo ano isip ko. May kapangalan kasi si Lucas sa nabasa kong novel kanina," ani ni Sebastian bago inabot iyong libro na nakapatong sa lamesa.
"Here," ani ni Sebastian na tinaas pa ang book novel na nakuha niya sa loob ng drawer ng table kanina.
Siyempre sa side ni Sebastian palusot lang niya iyon since nadulas siya kanina about sa novel. Hindi niya pwede sabihin kina Jared na character sila ng isang novel na nabasa niya sa tunay na mundo.