01

1394 Words
Chapter 01 3rd Person's POV Mike Trinidad, 20 years old. 1st year college student na may course na business management. May simpleng buhay, simple at masayang pamilya— wala ng hinihintay pa si Mike bukod sa makapagtapos at katulad ng mga karaniwang tao ay makapagtrabaho. Simple lang din ang naging routine ng buhay ni Mike, papasok sa umaga sa school, uuwi at magdi-dinner— ngunit may isang habit si Mike na talagang nagpapatanggal ng boredom niya. Iyon ay ang pagpunta sa bookstore or library para magbasa ng mga novels. Hindi iyon normal para sa isang lalaki pero sa isip ni Mike walang masama doon. Mas interesado siya magbasa ng novels kaysa makipag-kaibigan at mag-basket ball— para sa kaniya walang wierd doon. Sa paraan na iyon nararamdaman ni Mike na parte siya ng iba't ibang mundo. Hindi siya nakakaramdam ng pagkabagot at may sense ang bawat segundong existance niya sa mundo. "Anong klaseng story ito? Romance?" nagtatakang tanong ni Mike sa sarili matapoa may madampot na libro at mabasa ang title. "Parang boring ng title— A few little cuts," ani ng lalaki bago sumandal sa bookshelves at buksan iyon. Unang nabasa niya ang pangalan ng Sebastian Apostol sa pangatlong pahina. "Ito ba iyong bida? Patingin nga," ani ng binata bago binuksan ang sunod na pahina. "Hala! Hindi siya ang bida?" Kinuha ni Mike ang libro at lumapit sa counter para bayaran ang libro na nabili sa counter. Matapos ibalot iyon ng sales lady— tinungo na ni Mike ang exit ng bookstore at naghintay sa labas ng masasakyan. Pakiramdam ni Mike ay interesante ang libro at may maganda na naman siya mababasa kaya excited siyang umuwi. Nang makarating siya sa inaakupahan na apartment binato niya na lang ang mga gamit sa sofa at tinungo ang kwarto. Hindi pa siya nakakapagbihis ay binuksan niya na ang libro para magbasa. Dumapa sa ibabaw ng kama at binuklat ang unang pahina. Lumipas lang ang mga oras hindi na napansin ni Mike na madaling araw na. Pasama na din ng pasama ang timpla ang mukha nito at talagang napamura matapos mabasa ang ending. "What the f**k! Ito na iyong ending!" asik ng binata matapos mabasa ang kwento ng buo at bigyan siya ng writer ng unexpected na ending. "Pinatay nila si Sebastian tapos happy ending na! Anong klaseng plot ito! Ni hindi 'man lang binanggit dito na humingi ng tawad ang male lead kay Sebastian matapos ang nangyaring aksidente." Naiinis na binigsak ni Mike ang sarili sa kama matapos ibato ang hawak na libro at unan sa kabilang bahagi ng kama. "Kung nasa loob lang akong kwento hindi ko hahayaan na mangyari lahat iyon kay Sebastian— hindi niya 'yon deserve." Malalim ang naging tulog na iyon ni Mike. Isama pa na sobrang pagod siya sa school at stressed sa binabasa niyang libro. Kasalukuyang nakatagilid si Mike habang yakap ang unan nang biglang magsalita ang binata. "Kung ako si Sebastian— hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa sarili ko. Hindi ko sasayangin ang buhay ko para sa mga walang kwentang tao. Wala silang kwenta," bulong ni Mike habang natutulog. Mula sa labas ng bintana may dumaan na maliwanag na bulalakaw. Kumislap iyon at nagpatuloy sa pagkinang hanggang sa tuluyan iyon naglaho sa kalangitan. Kalaunan, may walong sasakyan ang ngayon ay naghahabulan sa kahabaan ng kalsada. Nagpapalitan ng mga putok ng baril. "Pinuno! Nawala na sina Francis! Masyado na silang madami!" tarantang sambit ng isa sa mga tauhan ni Sebastian Apostol na nasa kabilang linya. Kinabig ni binata ang sasakyan at hinarangan ang anim na sasakyan na sumusunod sa kanila. Kinuha ni Sebastian ang paborito niyang espada sa back seat ng sasakyan at lumabas. "Pinuno!" sigaw ng isa sa mga tapat na tauhan ng binata. "Tumawag ka ng back up," walang takot na sambit ng binata bago tinanggal ang katana nito sa lalagyan at balewalang iniwasan ang mga bala. Sinugod ng lalaki ang mga taong tinangka siyang harangan. Wala niyang awa na sinaksak ang hawak na katana sa leeg ng mga taong humaharang sa dinadaanan niya. Patuloy ang naging laban hanggang sa lumapit ang tinuturing niyang tapat na tauhan at kaibigan. "Nakontak mo na sina Lucas?" tanong ni Sebastian matapos bumwelo para sa isa pang pagsugod. "Patawad, pinuno," ani ng lalaki na kinatingin ni Sebastian. Napatingin ang lalaki. Napatigil ito matapos makita ang baril na nakatutok sa ulo niya. Kasunod 'non ang malakas na putok na umalingawngaw sa buong paligid. Nabitawan ni Sebastian ang espada at bumagsak sa kalsada. Napatitig ang lalaki sa kalangitan— umaagos ang dugo nito sa kalsada at unti-unti ng nakakaramdam ng panlalamig ang binata. Unti-unti na din pumatak ang ulan at mula sa kalangitan nakita ni Sebastian ang pagdaan ng isang maliwanag na bulalakaw. "I-Im tired," bulong ng binata. Sebastian Apostol's POV "I'm tired." Nahila ko ang hininga ko matapos marinig sa isip ko ang isa sa mga linyang iniyakan ko sa huling kwentong nabasa ko. Napatigil ako ng pagmulat ko ng mata— puting kisame ang bumungad sa akin kaya napabagon ako. "Holyshit! Ano na naman ginagawa ko sa hospital! Inatake na naman ba ako?" ani ko na puno ng kaba bago hinawakan ang dibdib ko at tiningnan ang sarili ko. Baka pinalitan na naman nila ang puso ko ng wala akong kaalam-alam. Binuksan ko ang butones ng suot kong hospital gown para tingnan kung may tahi ako. Napatigil ako nang makita na wala ngang tahi iyon pero— "Katawan ko ba ito?" bulong ko matapos nakita ang balingkinitan na katawan ko na sa pagkakaalam ko hindi ganoon ang katawan ko since medyo chubby talaga ako at imposible na pumayat agad ako dahil lang sa natulog ako. Sinapak ko ang sarili ko dahil baka nanaginip lang ako. May pasok pa ako kailangan kong magising sa kahibangan na ito. "Ouch!" daing ko ng makaramdam ako ng hapdi. Hinimas-himas ko ang pisngi ko hanggang sa may mahahip ang mga mata ko sa kaliwang wrist ko. Napatingin ako doon at literal na napanganga ako matapos mabasa iyon. "What the heck! Apostol?" "Bakit may marka ako ng pangalan ni Apostol!" Basta ang alam ko lang nagbabasa ako ng isa sa mga novel na binili ko sa bookstore. Galit na galit ako sa isa sa mga male lead na lalaki matapos nila patayin ang isa sa mga favorite character ko. Flashback "Anong klaseng kwento ito! Nakakagigil! Hindi naman sinaktan ni Sebastian ang female lead ah! Bakit kailangan nila patayin!" nanggagalaiti na sambit ko matapos ibato ang hawak nahawakan kong unan at libro sa kabilang bahagi ng kama. "Bakit naman kinawawa ng writer na iyon 'yong antagonist! matapos niya gawan ng ganoon na background pinatay niya pa!" nanggigil na sambit ko bago binagsak ang sarili ko sa kama. Tinitigan ang kisame at tumagilid. "Kung nasa loob lang akong kwento hindi ko hahayaan na mangyari lahat iyon kay Sebastian— hindi niya 'yon deserve," bulong ko matapos maalala ang bawat line na binitawan ni Sebastian matapos aksidenteng mapatay ng main lead ang kaisa-isang kapatid ni Sebastian. End of the flashback Iyon ang huling alaala ko bago ako matulog at pagkagising ko— nandito na ako sa loob ng isang novel. "At paano ako naging si Sebastian Apostol!" sigaw ko at napasabunot sa sarili matapos ma-realize na nasa loob ako ng isang action-romance story. "Pinuno! Anong nangyari?" Kasunod ng pagbagsak ng pintuan ang pagpasok ng mga lalaking kasalukuyang nakataas ang mga baril at nakatutok sa kabilang bahagi ng kwarto. Halos mawalan ng kulay ang mukha ko matapos ma-realize na hindi talaga iyon panaginip dahil lahat ng nasa loob ng kwarto na iyon ay mga side character na nabasa ko sa novel. Hindi ako pwedeng magkamali dahil isa din sila sa reason kung bakit galit din ako sa writer. Lahat sila ay may role na mamatay para sa pesteng love story ng mga main character ang worst sa kamay pa ng mga taong pinagkatiwalaan nila. Hindi na doon naiiba ang naging kapalaran ni Sebastian before ang ending ng kwento. Tiningnan ko ang marka sa wrist ko na hugis korona at sa ibaba 'non ang pangalan na Apostol. "Ako na talaga si Sebastian Apostol— hindi ito panaginip." "Pero paano ako naging si Sebastian!" ani ko na napasabunot na lang sa sarili. Hanggang sa may tumulong dugo sa pisngi ko. "What the f**k! Tumawag kayo ng doctor!" Iyon na ang huling narinig ko matapos ako makaramdam ng hilo at sobrang panghihina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD