I WOKE up early as expected. Sino ba naman kasing makakatulog pa ng maayos kung tumawag sayo ang Chief niyo? And he hates late, kaya kung ayaw kong mawala sakin ang pinaka-mamahal kong trabaho ay kailangan kong maging responsible sa mga mata niya. Well, isa naman talaga 'yon sa katangian naming mga pulis.
Sinuot ko agad ang uniporme ko at umupo ako sa tapat ng malaki kong salamin at pinatuyo ang buhok ko. Ayokong-ayoko kasing lumalabas ng naka-lugay ang buhok ko, gusto ko nakatali lang ito into a 'bun' para hindi hassle sa paghabol sa mga kriminal.
Hahaha! Di ko maiwasang matawa sa mga sinasabi ng mga taong malapit sakin. Lagi na lang nila akong inaasar na tomboy daw ako. Porket ba isang pulis ang babae? Tibo na agad? Porket ba magaling sa pakikipaglaban, pusong lalaki na agad? Hindi ba pwedeng lumaki lang akong araw araw nakakakita ng baril at sa paligid na puro aksyon?
Napakamot na lang ako ng kilay ko sa naisip. Pasimuno kasi sila Bob at Gene sa pangaasar sakin. Kung di ko lang sila kababatang dalawa baka kung ano ng nagawa ko sa dalawang playboy na 'yon! Well anyway, wala na akong pakialam pa sa mga pinagsasabi ng mga tao laban sakin. Inggit lang sila kasi maganda at sexy ako! Hahaha!
Kinuha ko na ang susi ng motor ko at ang helmet ko bago ako lumabas ng maliit kong apartment. Nang ma-check kong naka-lock na ng maayos ang bahay ko ay sumakay na agad ako sa motorsiklo ko at matulin na nagmaneho papunta sa station.
Habang nasa kasagsagan ako ng pagmamaneho ay may napansin akong may naghahabulan sa may side walk na hindi kalayuan sa pwesto ko. Mabilis na tumatakbo ang lalaking naka-kulay itim na t-shirt na naka-sumbrero at may hawak na itim na bag at hinahabol naman ito ng isa pang lalaking kagaya ng uniporme ko.
"Psh! Nice timing!" Nakangising bulong ko habang sinusundan sila ng tingin.
Tinigil ko ang motor ko sa isang tabi at naglakad papunta sa may side walk. Hindi ko pa din hinuhubad ang suot kong helmet at nanatili lang akong nakatayo dito. Nang matanaw kong malapit na ang lalaking hinahabol ay mabilis na akong umaksyon.
Hinubad ko ang suot kong helmet at malakas na inihagis iyon sakaniya. Sapul ko agad ang tuhod niya. Dahil sa hindi inaasahan ng lalaki ang ginawa ko kaya nadapa ito. Hindi niya maintindihan kung sino ba ang titignan niya at kung ano ba ang una niyang gagawin. Palipat-lipat siya samin ng tingin at akmang babangon na siya at kukunin ang hawak na balisong nang mabilis akong makalapit sakaniya at tinuntungan ang kamay nito.
"Awww!" Daing ng lalaki nakadapa pa din hanggang ngayon. Inalis ko ang sumbrerong suot niya at nakita ko ang kabuuan ng itsura niya.
"Ikaw na naman? Di ka ba talaga nadadala ha?"
Hindi siya sumagot sa itinanong ko. Sa halip ay tinawanan pa niya ako ng kay lakas kaya lalong nag-pintig ang dalawang tenga ko sa mala-demonyo niyang tawa. Pero 'di ako papatalo sa mga kagaya niyang kriminal.
Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakatungtong sa kamay niya kaya napasigaw na siya sa sobrang sakit. "Ano? Akala mo ba madadaan mo ko dyan sa pag-tawa mo? Tsk! Ulol!" Iling-iling na sabi ko. Muli ko na naman sanang aapakan ang kamay niya pero dumating na ang pulis na naghahabol sakaniya kanina.
"Ma'am!" Sumaludo pa siya sakin at bilang pag-bati ay ganoon din ang ginawa ko. "Maraming salamat po sa paghuli dito kay Berto. Kanina pa po ako pinahihirapan ng ugok na 'to e!" Akmang susuntukin niya pa ang lalaking nakadapa pa din ng pigilan ko siya.
"Dalhin mo na siya sa istasyon. Ikaw na ang bahala sakaniya." Tumango siya at agad na pinosasan si Berto na ginagawa na atang tambayan ang presinto. Pasalamat siya at mga minor cases lang ang ikinakaso sakaniya kaya nakakapag-pyansa pa siya. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong pang-habang buhay na si Berto sa kulungan. Hindi na kasi nagtanda e. Pero bahala siya sa buhay niya, mas may kailangan pa akong dapat gawin ngayon na mas importante dito.
Tumalikod na ako at dala ang itim na bag na bitbit ni Berto ay sumakay na ako sa motor ko at ibinigay ito sa medyo may katandaang babae na nakaupo sa kalsada at umiiyak.
"Nako, maraming maraming salamat po talaga!" Mangiyak ngiyak na pagpapasalamat nito na tinanguan ko na lamang.
Muli akong sumakay sa motorsiklo ko para puntahan ang pakay ko. Malapit na lang naman ang police station sa tinigilan ko kaya wala pang kinse minutos ng makarating ako sa istasyon.
Pagbaba ko pa lang ng motor ko ay nakita ko na agad ang kaisa-isang kotseng itim na naka-park sa labas ng istasyon. Kahit ‘di ko tignan ang plate number ng sasakyan ay sigurado na akong kay Chief ang kotseng ‘to.
Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na ‘to. Ka-kailanganin ko na namang mag-banlaw. Dahil sure akong sasabunin na naman niya ako dahil late ako sa oras na sinabi niya. And he hates late. D*mn it!
Oo nga, wala akong kinatatakutan. Kahit ilang beses na akong nabaril, kahit pa nakulong na ako sa nasusunog na building at kahit pa naging hostage na ako ng kilalang adik sa lugar namin ay hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong kaba.
Kung gusto mong maging isang magaling na pulis, dapat matapang ka at walang inuurungan.
Gan’on sana ako, pwera lang kung si Chief ang paguusapan. Sakaniya lang talaga ako takot. Bukod kasi sa mga nakakatakot niyang mga tingin, ay nakakadagdag pa sa kaba naming mga pulis ay ang ugali niya. Wala kasi siyang pakundangan sa pagsasalita. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin, kahit pa madaming nakikinig sainyo. Bukod pa nga sa mahigpit siya sa oras, ay ayaw niya din ng patanga-tanga. Actually, kahit naman sino ay ayaw ng tangang tauhan. Pero basta, ibang-iba ang boss namin sa lahat.
Isa pa, ayaw ko ding mapahiya sakaniya. Kung gusto kong maisalba ang posisyon ko at trabaho ko dito ay dapat magpakitang gilas ako sakaniya.
"Come in." Maotoridad na utos niya. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko pagka-rinig ko pa lang ng boses niya. Pambihira talaga! Boses pa lang parang maiihi na ata ako sa slacks ko. Goodluck naman talaga sakin!
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago pinihit ang seradura ng pinto. Pag-pasok ko pa lang sa loob ay nagtaasan na kaagad ang balahibo ko, lalo na ng makita ko ang name plate na nakapatong sa lamesa.
PSSUPT Richard Augustin D. Mariano, Regional Chief Directorial Staff PRO 17
"Magandang umaga po, Sir!" Sumaludo ako pag-kakita ko pa lang sakaniya at gumanti naman siya. Binalewala ko na lang ang takot na nararamdaman ko at pinakalma ko na lamang ang sarili ko. Walang mangyayaring hindi maganda sakin dito. Alam kong hindi naman niya ako pababayaan.
"Magandang umaga din, PO2 Mariano. Maupo ka, iha." Walang emosyong utos nito. Umupo na lang ako sa bakanteng upuan sa tapat ng lamesa niya, gaya ng utos niya. Binaba niya ang hawak na folder sa lamesa bago humarap sakin. "Pinatawag kita dito dahil may misyon akong ibibigay sa’yo." Seryoso ang mukha nito at hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon.
"Ano po 'yon?" Magalang na tanong ko kahit pa deep inside ay dinadamba na ng takot ang dibdib ko.
Sasagot pa lang sana siya ng bumukas ang pintuan ng opisina nito at iniluwa ‘non ang dalawang lalaki at isang babae. Ayon sa suot nila ay mukha silang mayaman. Ang isang lalaki ay mukang ka-edad ni Daddy at ang babae naman ay mukhang mas bata lang kay Mommy ng lima o anim na taon. At ang isang lalaki ay sa tantya ko ay halos ka-edad ko.
"Good morning, Chief. We're very sorry that we're late." Sabi ng lalaking tingin ko ka-edad lang ni Daddy. Sa way ng pagsasalita at pag-kilos niya, bukod sa halatang mayaman ito ay mukang may mataas din itong posisyon sa gobyerno.
"It's okay, Governor Allegre." Governor? Tama nga ako ng hinala. May posisyon siya sa gobyerno. Hindi pa din kumukupas ang kakayahan kong makabasa ng tao. "Maupo po kayo." Utos ni Chief at umupo naman ang tatlong bagong dating sa couch sa tabi ko.
"Governor Allegre, Mrs. Allegre and Tyler, I would like you to meet my only daughter, PO2 Rocky Mariano." Pakilala sakin ni Chief sa mga bisita niya. Yeah, you heard it right. Tatay ko ang boss namin at kaya ayaw kong mapahiya sakaniya kasi tutol siya sa pagiging pulis ko. Ginagalingan ko at iniingatan ko ang sarili ko para suportahan niya ako sa gusto kong pag-sunod sa yapak niya. "Ang anak ko ang tutulong sa problema niyo. Wag kayong mag-alala, magaling na pulis si Denise at kayang-kaya niyang protektahan ang pamilya niyo lalong-lalo na ang unico hijo niyo." Tuloy-tuloy na sabi ni Daddy sa mga bisita niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng ma-realize ko kung ano bang pinagsasabi ni Daddy. Mukhang tama nga ako ng hinala. Hindi maganda ang mangyayari sa paguusap naming ‘to. Wala itong maidudulot na maganda sa buhay ko.
Nilingon ko sa couch ang mga bisita ni Daddy at hindi pa sila nag-ko-komento sa sinabi ni Daddy. Tinignan ko naman ang anak ng mga ito at may kung ano akong naramdaman ng mag-tama ang mga mata namin. Maya-maya lang ay ngumisi na ito at napailing na lang, na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya.
"I didn't expect this, Chief Mariano." Iling-iling pa na sabi pa nito. "Isang babae? Sa babae mo ipagkakatiwala ang buhay ko? Baka nga pumatay ng lamok ay hindi niya magawa. Ipagtanggol pa kaya ako? You must be kidding me." Nakangising dagdag pa nito.
Nag-pintig naman ang dalawang tenga ko sa narinig ko mula sa mayabang na lalaking ‘to. Pakiramdam ko ay umuusok na din ang butas ilong ko sa sobrang inis dahil sa sobrang baba ng tingin niya sa mga babae lalo na sa'kin.
"I agree." Segunda naman ng babaeng kasama nila at mukhang ito ang Mommy ng mayabang na lalaking ‘to. "Paano naman niya magagawang protektahan ang anak ko? Baka nga si Tyler pa ang mag-alaga dyan sa anak mo." Oh wow! Iba ang tabas ng dila ng isang ‘to ha! Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Hindi muna nagiisip bago mag-bitaw ng mga salita? Kung anong gustong sabihin ay sasabihin na lang ng walang pakundangan? Aba teka!
"I'm sorry to say this, Mrs. Allegre. Pero magaling ang anak ko sa propesyong ito. Isa siya sa pinaka-magaling na pulis sa distritong ito at kahit babae siya ay madami siyang alam na iba't-ibang martial arts para protektahan ang sarili niya at pati na din ang anak niyo. Wag niyo pong minamaliit ang kakayahan ng anak ko. Unang-una, isa po siyang PO2 at hindi po siya basta body guard lang, pero dahil mag-kaibigan kami ni Governor Allegre, kaya tinutulungan ko kayo sa problema niyo. Kung ayaw niyo po sakaniya, pasensya na, pero wala na akong maibibigay pa sainyong mas magaling na pulis kaysa sa anak ko." Puno ng paninindigang saad ni Daddy sa mga bisita niya.
Natigilan si Mrs. Allegre at hindi na nag-komento pa. Parang may kung ano namang humaplos sa puso ko sa sinabi ni Daddy. Akala ko ay wala siyang pakialam sa’kin dahil sa hindi ko sinunod ang utos niyang mag-doctor na lang ako kagaya ni Mommy, iyon naman pala ay ipinagmamalaki din pala niya ako kahit papano. Tama nga si Mommy na mahal na mahal ako ng Daddy ko. And I love him too, so much, hindi man ako vocal sa nararamdaman ko para sakaniya.
But wait?! Anong sinabi ni Dad? Ako? Magiging body guard ng mayabang na lalaking ‘to? No way! Ayoko! Isa akong pulis, hindi taga-bantay ng bad boy na walang respesto sa mga babae!
Ilang minutong natahimik ang tatlo at maging kaming dalawa ni Daddy. Halata mong pinagiisipan nilang mabuti ang mga sinabi ni Daddy sakanila. Maya-maya lang ay padabog na tumayo si Tyler at basta na lamang lumabas sa opisina ni Daddy ng walang paalam.
Napailing na lang ako sa nasaksihan ko. Tsk! Wala talagang modo.
"Tyler!” Sigaw ng ama nitong Governor. “Pasensya ka na, Pare sa inasta ng anak ko. Kakausapin namin siya pag-uwi. Hindi pa niya nauunawaan ang lahat. Pasensya na din sa inasta ng asawa ko. Alam kong kayang-kayang protektahan ng anak mo ang anak ko. Pa" Sabi ni Governor Allegre. "Maasahan talaga kita." Dagdag pa nito.
"Hmm, pasensya na din sa inasal ko kanina. Ayoko lang kasing mapahamak ang kaisa-isa kong anak. Pero may tiwala ako sa’yo, sana lang talaga maprotektahan niya ang anak ko." Paghinging paumanhin ni Mrs. Allegre. Nilingon niya ako at akala ko ay tatarayan niya ulit ako pero ngumiti siya sakin. Nginitian niya ako ng sobrang tamis. "Sa’yo ko na ipagkakatiwala ang Tyler ko. Ikaw na sana ang bahala sakaniya, iha. Pasensya na din sa inasal niya. Kami na ang bahalang kumausap sa batang iyon." Lumapit siya sa’kin at laking gulat ko ng yakapin niya pa ako. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat.
Nag-angat ako ng tingin at naalala ko ang mukha ng walang modong Tyler na iyon. Psh! That bad boy! Babantayan ko at aalagaan ang isang ‘yon? No way! ‘Di ako makakapayag. Kakausapin ko si Daddy para alisin ako sa misyong ito. Ayokong maging body guard ng bad boy na ‘yon! AYOKO! AYOKO! AYOKO!