PAG-KAALIS na pagkaalis ng pamilya Allegre sa opisina ni Dad ay nanatili pa din akong nakaupo dito. Marahan kong pinikit ang mga mata ko at muling nagpa-kawala ng malalim na buntong hininga atsaka nagangat ng muka para kausapin si Daddy.
"Sir." Pagkuha ko sa atensyon nito. Busy kasi siya sa pagbabasa sa mga folder na kanina pa niya hawak
"Bakit? May kailangan ka pa?" Bumalik na naman siya sa pagiging emotionless. Ugaling-ugali ko ng sumunod sa lahat ng gusto niya pwera lang talaga ngayon, Ayoko talaga. Hindi 'to pwede! Ginagalingan ko ang propesyon ko, hindi para maging body guard lang ng bad boy na 'yon.
"Yes po. Sir, ayoko po. Di ko po tinatanggap ang trabahong 'yon." Lakas loob kong sabi dito. Nag-angat naman siya ng tingin at matamang tinitigan ako. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pero alam ko na hindi ito magpapatalo sakin.
"PO2 Mariño, that's my mission for you. Kailangan mong tanggapin iyon para maging tunay kang pulis. Ang mga kagaya natin, hindi namimili ng misyong tatrabahuhin. Kesho magbantay ng bata ay pwede nating trabahuhin." Seryosong sabi pa nito. Ngunit hindi pa din makatingin sakin kundi sa mga papel na hawak niya.
"No, Dad. Ayon na nga po e. Pulis po ako, hindi po ako body guard. Ano pa po bang hindi ko pa napapatunayan sayo, Dad? Hindi naman po ako napapahamak, buhay na buhay pa din naman po ako hanggang ngayon. Kayang kaya ko po ang propesyong ginusto ko." Hindi ko na maiwasang mag-taas ng boses. Alam ko na kung bakit niya 'to ginagawa sakin. Gusto niyang itigil ko na tong pag-pupulis.
Saglit na natigilan si Daddy. Siguro hindi niya inaasahan na sisigaw ako sakaniya. Alam kong kabastusan ang ginawa ko. Daddy ko pa din siya kahit balik-baliktarin ko man ang mundo. Pero hindi ko 'to gusto. Ayoko ng ganito.
Tinignan ko si boss at ang kaninang emotionless niyang muka ay napalitan na ng pagaalala. Pagaalala ng ama sa nagiisa nitong anak na ngayon ko lang ulit nakita mula sakaniya.
Tumayo siya at nilapitan niya ako. He even holds my hand na bata pa ata ako nung huli niyang ginawa. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Den, alam ko kung gaano mo kamahal ang trabahong 'to. Nararamdaman ko dahil ama mo ako. Pero nahihirapan na kasi ako, lalong lalo na ang Mommy mo. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ka. Bilang mga magulang, ayaw naming makitang nag-aagaw buhay ang nagiisang anak namin. Alam mong sa simula pa lang ay ayaw ko ng gumaya ka sakin pero dahil mahal kita, sinusuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Pero please, anak. Sundin mo na ang pakiusap namin sayo. Bantayan at protektahan mo ang anak ni Governor Allegre. Doon kayo maninirahan sa malayong probinsya, iwas gulo dito sa Maynila. Doon makakampante kami ng Mommy mo na ligtas ka, kaysa dito na sumasalo ka ng bala." Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang nagpapaliwanag siya. Kita ko ang pagkislap nito at nagbabadyang pagluha.
Ang matapang at magaling na boss namin ay napalitan na ng mapagmahal na ama. Oo, 'di nga kami nagkakasundo pero naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito. Ako lang ang nagiisang anak nila at ayaw nila akong mapahamak. Sino nga namang magulang ang gugustuhing masaktan ang anak?
Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at nagisip ng ilang ulit. Once na pumayag ako sa pakiusap sakin ni Daddy, maiiba na ang buhay ko. Hindi na ako si PO2 Rocky Mariño na humahabol ng mga kriminal, magiging simple na lang ang buhay ko. Tahimik na mamumuhay sa probinsya at babantayan na lang ang bad boy na anak ni Governor Pero at least, hindi ko na bibigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang ko. Malayo na ako sa gulo, buhay na buhay pa ako.
Okay okay! Once and for all, makikinig na ako sakanila. Sa ganitong pagkakataon, hindi na dapat ako magmatigas at magmamagaling pa. Pero ngayon lang, ito lang.
Nagpakawala ako ng malalim na hangin bago nag-mulat ng mga mata. "Yes, Dad. Wag na po kayong magalala. Tinatanggap ko na po ang misyong ito para po sainyo ni Mommy." Ang kaninang malungkot na muka ni Daddy, ngayon ay nakangiti na. Parang nabunutuan siya ng tinik sa pagpayag ko sa misyong ito. At pati na rin ako ay masaya dahil nakikita kong masaya si Daddy dahil sakin. Ngayon ko na lang ulit nakita ang ngiti ni Daddy.
"Salamat anak." Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Sinagot ko din siya ng yakap. Minsan lang maging malambing ang Daddy ko kaya susulitin ko na. Isa pa, namiss ko ito.
Ilang saglit pa ay naghiwalay na kami sa pagkakayap. Nagkatinginan kami at parehas na natawa. Wow, ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Hindi kami nagaaway at pakiramdam ko ay bumalik ang closeness namin nung bata pa ako. Ang saya lang, sobra!
Natigilan lang kami ng may kumatok. "Tuloy." Sabi ni Dad. Tinignan niya ako at sumaludo siya sakin, ganun din naman ako. Pumasok si Bobby at Eugene na ang mga muka ay parang nangaasar. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpaalam na ako kay Daddy at sa dalawang ugok bago lumabas ng opisina ni Chief.
Tumuloy na ako sa table ko at sa huling pagkakataon ay pinagaralan ko ang mga kasong naka-assign sakin. Bago man lang ako umalis ay dapat matapos ko na ang mga ito at hindi na mahirapan pa ang pagpapasahan ko nito.
Buong maghapon ay inatupag ko lang ang mga nakabinbin na kasong naka-assign sakin. Bago umuwi ay kinausap pa ulit ako ni Dad na sasabihan na lang niya ako kung kailan kami aalis ng anak ni Gobernor papuntang Oriental Mindoro kung saan may nabiling property ang mga Allegre. Tanging pagtango lang ang naisagot ko kay Dad bago nagpaalam na uuwi na.
Nakarating ako sa apartment ko ng walang kahirap-hirap. Wala akong ideya kung kelan ba kami pupunta ng Mindoro kaya ngayon pa lang ay kakausapin ko na ang may-ari ng apartment na inuupuhan ko para magpaalam dito tapos uuwi na ako mamaya sa bahay ng mga magulang ko at magaantay na lang ng go signal ni Daddy.
Bagsak ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod sa maghapon. Hindi lang katawan ko pati na din ang isip ko. Pero bago pa ako makatulog ay kinuha ko muna ang laptop ko at nag-research ng tungkol kay Governor Allegre at sa mayabang nitong anak na kung di ako nagkakamali ay 'Tyler' ang pangalan.
Pag-click ko sa pangalan niya ay puro litrato lang nito ang lumabas. Mga stolen shots, meron namang nasa bar at mga nasa parties. Walang information akong makita na kahit ano tungkol sakaniya. Hmm, mukang malihim ang hambog na 'yon ah? Well anyway, I'm not PO2 Rocky Mariño for nothing. Malalaman ko din ang lahat-lahat tungkol kay Tyler Adam Allegre.
-
NAGISING ako dahil sa walang humpay na pagtunog ng cellphone ko. Tinignan ko muna ang orasan ko na nakasabit sa dingding bago sinagot ang tawag. It's already 8 o'clock in the evening. Napasarap pala ang tulog ko.
"Hello." I answered it without looking who the caller is.
"Baby Den." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "I missed you my baby. Your dad already told me your new mission. Can you come to our house now? I miss you my baby." My mom is one of the sweetest person I ever known. Kung anong kinatapang ng Daddy ko, siyang kinalamya naman ng Mommy ko. They are really opposites, but they love each other very much.
"Yes Mom. I will. Nakatulog lang po ako pero plano ko po talagang umuwi ngayon." I said.
"That's good my Den. We will wait for you, anak. Take care please for me and for your Daddy." Ramdam ko ang sigla sa boses niya. Kailan ko ba siya huling nakita? Last month? Nung na-confine ako sa hospital dahil sa nabaril ako sa tagiliran? Sobrang tagal na nga pala.
"Of course, Mom. Maghahanda na po ako. See you later! I love you so much." We said our goodbyes and I love you's bago ko binaba ang tawag.
Madali akong tumayo at dumiretso sa maliit kong CR para maligo. I took half an hour bago natapos. Simpleng fitted black jeans and white t-shirt lang ang isinuot ko at flat shoes na siyang panapin ko sa paa. I'm not used to wear fancy clothes, yung mga damit na may ribbon, glitters or whatsoever. Simple lang kasi ako, kaya minsan inaasar ako nung dalawang ulupong na tomboy daw ako. Tsk, wala akong pakialam sakanila.
Oh sh*t! Mukang ma-mimiss ko din yung dalawang 'yon ah?
Pinulupot ko ng towel ang buhok ko habang nagiimpake ako ng mga gamit ko. Kinuha ko ang maleta ko at sinimulan ng ipaglalagay 'don ang mga damit ko. Inilagay ko din sa malaki kong traveling bag ang ilan ko pang gamit. Yung mga mabibigat naman like yung kama at couch ko ay iniwan ko na dito. Wala naman akong TV or ref dito kaya wala akong masyadong dalahin.
Inayos ko muna ang sarili ko bago sinukbit ang bag ko at hinila ang maleta ko. Mabibigat ang paa ko ng lumabas ako ng apartment ko. Simula kasi ng maging pulis ako ay dito na ako tumira kaya sobrang laki ng naging parte nito sa buhay ko. Ayokong iwan ang apartment na 'to kasi madaming memories dito, pero hindi naman pwede. Don na nga ako titira sa Mindoro kasama ang anak ni Gobernor at wala ng kasiguraduhan kung kelan ba 'yon matatapos at maibabalik sa normal ang buhay ko.
Naglakad ako papunta sa bahay ni Manang Fe na siyang may-ari ng paupahan na 'to. Nasabihan ko na siya kanina na aalis na ako at binayaran ko na din ang huling upa ko sa apartment na 'to. Like me, malungkot din si Manang Fe kasi parang anak na din ang turing niya sakin. Isa din siya sa mamimiss ko. Sana lang ay mabilis matapos ang misyon kong 'to.
"Manang, ingat kayo dito ha? Tawagan mo lang ako kapag may problema." Niyakap ko ang matanda at matamis itong nginitian. Kung ano-ano namang habilin niya sakin na siyang tinawanan ko lang.
Pagkabigay ko ng susi sakaniya ay sumakay na ako sa kotse kong minsan ko lang magamit. Iniwan ko muna ang motor ko at ipapakuha ko na lang 'yon kay Bob bukas.
For the last time, nag-paalam muli ako kay Manang Fe bago nagsimulang magmaneho. Ayoko ng drama, pero nakakalungkot pala talagang iwanan ang mga bagay na nakasanayan mo na. Pero 'di ko pwedeng suwayin ang utos ni Dad. Kailangan kong pumuntang Mindoro para alagaan ang bad boy na anak ni Gobernor. Sa ayaw ko man, o sa gusto.
Mabilis akong nakarating sa bahay namin. Supposedly, one hour ang byahe pero nakarating ako ng wala pang 30 minutes. Lalo na siguro kung yung motorbike ko ang ginamit ko, baka kulang-kulang na kinse minutos lang ay nandito na ako.
Pagkababa ko pa lang ng kotse ay sinalubong na agad ako ni Mimi. Isa sa dalagang katulong namin. Ka-edad ko lang siya at kababata na din since sabay kaming lumaki. Ang Nanay niya ay matagal ng katiwala ni Mommy, dalaga pa lang ito at ang ama naman nito ang nagsisilbi bilang driver. Kaya naman malapit na malapit ang loob ko sa pamilya nila.
"Ate Denise!" Malakas na tawag nito sakin ng pagbuksan niya ako ng gate. Natawa na lang ako sa inasta niya. "Jusko ka, Ate! Buti naman at umuwi ka na. Namiss ka na namin dito. Wala na kasing mataray sa mansyon. Hehe." Sabi pa nito habang kinukuha ang mga gamit ko.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay walang humpay sa kakadaldal ang babaeng 'to. "Nasan sila Mommy at Daddy?" Tanong ko dito ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay.
"Nasa komendor ang mga magulang mo, Ate. Kanina ka pa inaantay ni Madam." Saad nito.
"Ah sige. Puntahan ko lang sila. Padala na lang ng mga gamit ko Mimi sa kwarto ha? Salamat ng marami!" Tumango siya sakin at umakyat na sa taas samantalang dumiretso naman ako sa dining area.
Nasa malayo pa lang ako ay rinig ko na ang masayang tawanan ng dalawa. I can't help but to smile hearing their laughters again. I admit it, I missed them both.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang mala-pyestang gayak sa mahaba naming lamesa. Sobrang daming pagkain na akala mo'y may birthday party dito. Iling-iling kong inangat ang tingin ko at lumapit sa mga magulang ko.
"My baby Den! Buti naman at nandito ka na." Lumapit ako kay Mom at niyakap siya. Sinagot din naman niya ang yakap ko at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. "Miss na miss ka na ni Mommy." Parang batang lambing pa nito.
"Hays Mom. Di na po ako bata. Ikaw talaga. Miss ko na din po ikaw." Natatawang sabi ko dito bago humiwalay kay Mom at nilapitan naman si Dad. "Good evening Dad." Bati ko dito.
Tumayo siya at niyakap din ako. "Good evening iha. Come join us." Tumango ako sakaniya at umupo sa pwesto ko sa tapat ni Mommy at sa kaliwa naman ako ni Dad. "Lucy, plate for Denise." Utos ni Dad sa nanay ni Mimi at agad namang tumalima si Aling Lucy. Kami na lang tatlo ang naiwan sa komedor.
"How are you baby?" My mom asked.
"I'm fine Mom. Hmm, by the way Dad? Kelan nga po pala kami pupuntang Mindoro? Ni..."
"Tyler." Pagdugtong nito. Okay fine, I hate memorizing names, lalo na ang mga bad boy na tulad niya.
"Yeah. Kelan po?" Balewalang tanong ko habang umiinom ng orange juice.
"Tomorrow." Walang kaemo-emosyong sagot nito.
"Ah bukas pa pala e." Saglit akong natigilan sa isinagot ni Dad at nanlaki ang mga mata ko maging ang butas ng ilong ko. What the f! Nasamid pa ako sa iniinom kong juice kaya napaubo ako. "Bukas na Dad? Bukas na agad?" Kulang ang salitang gulat sa expression ng muka ko. As in, 'di ko ineexpect na agad-agad ang pagalis namin. Imagine, kanina ko lang nalaman 'to? Tapos bukas na agad? Wala na bang mas nakakabigla pa dito?
Tinignan ko si Dad at seryoso ang muka niya. Hindi ko mahanap sa mga mata niya na nagbibiro lang siya.
Bagsak ang balikat ko at hindi na sumagot. Tomorrow will gonna be my worst day in my life! OMG! Bukas ko na makakasama ang bad boy na Tyler Allegre na 'yon! Huh! Goodluck to me!