Rocky's point of view
"MAGSALITA KA! Saan mo tinago ang ginamit mong baril para patayin si Governor Hikamura?" Binagsak ni Bobby ang dalawang kamay niya sa lamesa sa interrogation room. I looked at Billy, ang lalaking tahimik na nakaupo sa harapan namin habang naka-posas ang dalawang kamay. Instead of talking, he just looked away and smirked.
"Mukang pipi ‘ata ‘tong isa ‘to e!" Akmang susuntukin na ni Eugene si Billy nang hawakan ko ang dalawang kamay niya.
"Huwag, Gene." Tinuro ko ang CCTV sa apat na sulok ng kwarto at mukang kumalma naman siya dahil don. Nginitian ko siya at tinapik ang balikat niya. "Mr. Billy Nepomuceno, umamin ka na lang kasi para hindi ka na namin pahirapan pa. Sabihin mo kung saan mo tinago ang ginamit mo para patayin si Governor at kung sino ang nag-utos n’on sa’yo. Para wala ng masaktan pa dito" Mahinahon kong tanong dito.
Nilingon niya ako at kita ko sa mga mata niya ang kaba at takot. Bukod sa pagiging pulis ay isa din sa skills ko ang pag-basa ng expression ng mga tao. I'm not a mind reader or psychic, whatsoever. But in just looking at the person ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya
"Hindi ka na masasaktan kung aamin ka. Kung sino man ang nag-utos sayo para patayin si Governor ay wag kang matakot. Nasa police custody ka at hindi ka namin hahayaang mapahamak. Just trust us, Mr. Nepomuceno. We promise you that." Pangungumbinsi ko pa sa lalaki na parang isang bata.
Ilang minuto pa, pero hindi pa din nagsasalita ang lalaki. Mataman lang itong nakatingin sakin at patingin-tingin sa limang pulis na nasa paligid. Inikot ko din ang paningin ko para tignan kung sino ang tinitignan niya.
Si Bobby, Eugene, Miro, Blaise, Louie at ako lang ang mga pulis na nandito sa kwarto. Kami kasing anim ang inatasan sa kasong ito.
Natigilan ako ng makita ko ang masamang tingin ni Miro kay Mr. Nepomuceno. Sa aming lahat na nandito sa loob ay si Miro lang ang pinaka-tahimik at ang sabi ay ang siyang pinaka-mabait. Niloloko nga ito na hindi bagay dito maging isang pulis dahil hindi kami dapat marunong maaawa.
Pero sa nakikita ko ay parang ibang Miro ang nasa harap ko. Binalik kong muli ang tingin ko kay Billy ng mag-salubong ang mga tingin namin ni Miro. At nahuli kong masama din ang pagkakatingin ni Billy kay Miro.
"Ano? Inuubos mo ba talaga ang pasensya namin, ha? Magsalita ka na!" Sigaw ni Eugene. Kung si Miro ang pinaka-tahimik at pinaka-mabait, si Eugene naman ang pinaka-mainitin ang ulo saming lahat. Bugnutin ito at mabilis mainis.
Tumayo ako at muling tinapik ang balikat ni Eugene at nginitian ito. Tumango lang siya sakin kaya naman bumalik ako sa pagkakaupo sa harap ni Billy.
"Tatanungin ulit kita, Mr. Nepomuceno. Oo at hindi lang ang dapat isasagot mo. Okay?" Akala ko ay hindi siya papayag sa sinabi ko pero nakita ko ang marahan niyang pag-tango. Huminga ako ng malalim bago nag-simulang mag-tanong. "Kalaban ba sa pulitika ang nag-utos sayo para patayin si Governor Hikamura?" Muli siyang nakipagtitigan sakin pero hindi nakawala sa paningin ko ang pagkatok niya sa lamesa. Dalawang katok ang ginawa niya.
"Meron bang nananakot sayo sa pag-amin mo sa’min?" Sunod kong tanong sakaniya. Kita ko sa peripheral vision ko ang gulat sa mukha ni Miro at ang pagtataka naman sa mga mukha nila Eugene, Bobby, Blaise at Louie.
Muling kumatok ng dalawang beses si Billy na nakapagpatango sa’kin. Pero hindi lang 'yon ang ginawa niya na siyang nakasagot sa mga katanungan sa isip ko. Kita ko ang pag-tingin ng mga mata niya sa gawi ni Miro na nakapamulsa sa gilid at matamang nakatingin lang sa’min.
Patago akong ngumiti at saka tumikhim na ikinakuha ko ng atensyon ng lahat. "May koneksyon ba siya sa nag-bayad sayo para patayin si Governor?"
Hindi ito agad nakasagot dahil sa pinutol ni Bobby ang pagtatanong ko. "Hey, Rocky! Ano bang tinatanong mo dyan? Eh hindi naman niya sinasagot ang mga tanong mo e."
"Relax ka lang, Bob. Alam ko na ang lahat. Trust me on this, okay?" Biglang nag-bago ang expression ng mukha niya at medyo kumalma na din ito. Tumango ito at muling bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko.
This time ay sumagot na ulit si Billy ng dalawa pang katok.
Oh wow, ngayon ko lang sasabihin na nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. Nagkakaroon ng thrill ang ginagawa kong pag-iinterrogate sa isang suspect.
"Eh, saan mo nga nilagay ang baril na ginamit mo? Saan mo ‘yon nilagay?" Tumayo na ako at bahagyang lumapit sakaniya. May kung ano siyang ginuguhit sa lamesa sa tapat niya at parang sinusulat niya kung saan nakalagay ang baril na ginamit sa pag-patay kay Governor Hikamura nung isang gabi.
Kung hindi dahil sa tatlong witness na nakakita sa nangyari ay hindi namin mahuhuli si Billy Nepomuceno na dating body guard ng Governor. At first, we thought that is just revenge to an old boss. Pero nakakita kami ng loopholes sa kasong iniimbistigahan namin at pati ang sabi ng mga NBI na hindi lang simpleng revenge ang motibo ng karumal-dumal na pag-paslang sa kaawa-awang Gobernador. At tama nga kami ng hinala. May nag-utos para patayin ito.
"Okay. Salamat, Mr. Nepomuceno for your cooperation." Nginitian ko ang suspect bago ako lumapit sa may microphone. "Pakibalik na si Mr. Nepomuceno sa kaniyang selda. Pakibantayang mabuti habang hindi pa natatapos ang kaso. Okay? Wala akong makuhang sagot mula sakaniya." Pagsisinungaling ko. Tumango ang dalawang pulis at inalalayan ang suspect palabas ng interrogation room.
Sumunod naman agad si Miro, Louie at Blaise. Pero bago pa tuluyang makalabas si Miro ay nilingon pa ako nito pero nginitian ko lang siya. Isang matamis na ngiti pero deep inside ay pinapatay ko na siya sa isip ko. Sa mga kagaya naming taga-pangalaga ng batas, hindi bagay sa isang tulad niya ang maging isang pulis. Kaya nasisira ang imahe ng mga kagaya namin dahil sa mga ganoon klase ng pulis.
Umupo ako ulit at inayos ang mga nag-kalat na papel sa lamesa pero kita ko pa din ang pagtataka sa mukha nina Bobby at Eugene. Siguradong nagtataka sila kung paanong natapos ang pag-iinterrogate namin sa suspek lalo na't hindi naman ito nagsasalita. Pero hindi ba nila ako ganon kakilala para maging ganito sila?
As far as I remembered, ay magkakaklase kami since Elementary. Mag-kapitbahay kami ni Eugene samantalang mag-best friend naman si Eugene at Bobby. Dahil na din siguro sa closeness naming tatlo ay simula elementary pa lang hanggang sa kolehiyo ay magkakasama pa din kaming tatlo. Pare-parehas pang BS Criminology ang kinuha naming kurso at hindi ko alam kung magkakaduksong na ba talaga ang mga bituka namin para kahit sa pagta-trabaho ay magkakasama pa din kami.
"Care to explain?" Pinag-krus ni Bobby ang dalawang braso niya sa harap ng dibdib niya at matamang tinignan ako.
"Ha? Bakit?" Patay malisyang tanong ko. Umangat lang ang gilid ng labi niya at napailing na lang. Kaya naman natawa na lang ako sa itsura niya. Bobby Bobby Bobby, hindi mo na ako nahulaan! Haha. "Haha! Look guys, masyado naman kayong seryoso. Okay, sasabihin ko na. Akala niyo lang hindi sinasagot ni Mr. Nepomuceno ang mga tanong ko, where in fact naguusap kami sa sarili naming lenggwahe." Nadagdagan ang lines sa noo ng nagkikisigan at nagga-gwapuhan pulis sa harap ko.
"Kapag kumatok siya ng dalawang beses, it means his answer is a yes. Pero kapag naman isang katok ay no, ang sagot niya. But as you can see lahat ng tanong ko ay dalawang katok ang isinagot niya, ibig sabihin lahat ng tanong ko ay oo, ang sagot niya." Pag-eexplain ko habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga papel sa lamesa ko.
"Pero bakit ganon ang ginagawa niya? Bakit hindi na lang niya sabihin ng direkta ang mga sagot? Para siyang tanga." Napapailing na sabi naman ni Eugene. Hay nako, Gene. Lagi na lang mainit ang ulo mo.
"Kinailangan niyang gawin 'yon para hindi siya patayin. May dalawang anak siyang babae at buntis pa ang asawa niya, ayaw niyang mawala sa mundong 'to kaya binigyan na lang niya tayo ng clue, para safe siya sa mga tao sa paligid." Tinignan ko ang dalawang pulis na kaibigan ko at pakunot ng pakunot ang mga noo nila. "Hays, alam niyo ang ga-gwapo niyo pamandin pero para kayong mga ewan! May isa satin sa loob ng kwartong 'to ang nananakot kay Mr. Billy Nepomuceno, kaya di siya makapagsalita ng diretso. Okay na ba?”
Rinig ko ang pagkawala ng malalim na buntong hininga ni Bobby at napasuntok na lang sa lamesa si Eugene.
"F*ck! Di ako makapaniwala na may isa sa kasamahan natin ang ganon. Sinisira niya ang pangalan nating mga pulis." Galit na galit na sabi ni Eugene. Akmang susuntukin pa muli nito ang lamesa ng pigilan ko na siya. Hay nako, napaka-mainitin talaga ng ulo ng isang ito.
"Kaya pala iba ang tingin ni Miro sakaniya. So ang Daddy ni Miro na si Vice Governor ang nag-utos kay Billy para patayin si Governor? Kasi kapag wala na si Governor ay papalit na sa pwesto ang tatay niya. Wow, as in wow! ‘Di ko akalain na ganon pala ang nangyari." Natatawang sabi ni Bobby.
Kahit naman ‘ata sino ay matatawa dahil sa epic fail na pag-utos ng mga ito kay Mr. Nepomuceno. Akala ko medyo mahirap ang kasong ‘to, pero wala pala itong pinagkaiba sa mga naunang kasong naresolba namin. Hindi ko man lang ‘ata nagamit ang lakas at isip ko dito.
Pagkatapos ng pagaayos namin sa loob ng kwarto ay sabay-sabay na kaming lumabas ng interrogation room. Pero hindi pa man kami nakakalayo ng hawakan ni Eugene ang kamay ko na nakapagpatigil sa paglalakad ko.
"Bakit?"
"Saan daw tinago ang baril?"
Bago sumagot ay nginitian ko muna ang dalawa. "Nasa cabinet ni PO1 Miro Cardena."
-
TINIGIL KO ang Ecosse FE Ti XX ko sa harap ng medyo maliit kong apartment. Ito ang kauna-unahang motorcycle na naipundar ko mula sa unang sahod ko. Kaya naman ganito ko na lamang ‘to kung ingatan at alagaan.
Tinanggal ko ang suot kong helmet at matapos kong susian ang pintuan ay pumasok na ako sa loob ng aking apartment. I turned on the lights in my living room, bago umakyat sa taas para magpahinga na.
Naligo lang ako saglit bago tinuyo ang medyo mahaba kong itim na buhok gamit ang blower habang nanonood ng TV. Napangiti na lang ako ng makita sa news ang pag-huli kay Vice Governor Cardena ng mga pulis. Nasa likod nito ang nag-iisang anak na si Miro na masama ang tingin sa mga reporters.
"Serve you right!" Nakangising sabi ko bago pinatay ang blower. Bago ako umalis kanina sa station ay iniimbestigahan na nila si Miro at nakita nga sa drawer nito ang baril na ginamit para patayin si Governor. Hindi naman nag-tagal at napa-amin na din si Miro sa ginawa nitong pag-utos kay Mr. Nepomuceno. Hindi pa alam kung anong kaso ang maaaring isampa kay Miro. At under investigation pa ito. Sorry na lang siya kasi hindi talaga nagwawagi ang mga masasamang taong tulad niya.
Gaya nga ng sabi ng paborito kong cartoon character na si Detective Conan, 'one truth prevails'.
Bahagya akong natawa sa naisip ko. Kung nandito lang siguro ang dalawang kaibigan ko ay sigurado akong pagtatawanan na naman nila ako at pauulanan ng pangaasar. Lagi na lang kasi nilang sinasabi na sayang daw ang 'ganda' at 'ka-sexyhan' ko para lang maging pulis. Pero wala akong pakialam sa dalawang 'yon. Bata pa lamang ako ay mahilig na akong makisali sa Daddy ko habang pinagaaralan nito ang mga iba't ibang kaso sa bahay namin. Simula n'on ay pinangarap ko ng maging isang pulis. Pero hindi ako 'tomboy' okay? Sa katunayan nga ay may crush ako.
Speaking of crush. Humiga ako sa malambot kong kama atsaka kinuha ang iPad ko at sinimulan ng mag-browse kay google para iistalk na naman ang kaisa-isa kong crush. Si Robert Downey Jr. Siya ang gumanap bilang si Sherlock Holmes and of course siya si Iron Man.
Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko sana iyon papansinin ng makita kong nag-flash sa screen ang pangalan ni Chief. Kaya naman kahit tinatamad ay kinuha ko ang cell phone ko sa tabi ko at ka-agad na sinagot ang tawag nito.
"Hello Sir. Good evening po."
"Hello PO2 Mariano, magandang gabi din. Tumawag ako sayo para i-inform ka na kailangan kitang makausap bukas na bukas din. This is an urgent assignment at sa’yo ko naisip na ibigay kasi alam kong kayang-kaya mo ‘to."
"Ano po ‘yan, Chief?" Kabadong tanong ko dito. First time in the history na kabahan ako ng ganito. Sa tono kasi ng boses ni Chief ay alam kong may kakaibang mangyayari sa meeting namin bukas. Pero sana ay mali ako hinala.
"Bukas na lang ng umaga natin pagusapan ang misyong ibibigay ko sa’yo." Walang buhay na sagot nito.
Kahit di niya kita ay tumango pa din ako sa kabilang linya. "Sige po, Sir. Thank you po." Hindi na siya sumagot at binaba na niya ang tawag.
Napatingin na lang ako sa cell phone ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Never in my life na nagkamali ako ng hinala. Feeling ko talaga ay may kakaibang mangyayari bukas na hindi sakin naka-pabor. Pero kung ano man iyon ay malaki naman ang tiwala ko kay Chief. Alam kong di niya ako magagawang ipahamak. Hindi niya hahayaang masaktan ang kaisa-isa niyang anak.
-