Chapter 14

1160 Words
    “HINDI na kita mahal. At kailanman ay hindi kita minahal. It's just that I was overwhelmed to your presence. Kasi ikaw yung kasama ko sa bahay. Ikaw yung lagi kong nakikita. Ikaw yung nandyan sa tabi ko. Pero nagkamali pala ako. Hindi pala pagmamahal ang nararamdaman ko para sayo.”     “No! Nagsisisnungaling ka lang. Alam ko at ramdam kong mahal mo ko. Alam kong totoo ang pinapakita mo sa'kin.” Sigaw ko. Lumuhod ako sa harapan nito habang walang tigil ang pag-patak ng mga luha ko. Hindi ako papayag. Hindi ako naniniwalang hindi na niya ako mahal. Alam kong bad boy ang isang 'to pero hindi siya sinungaling.     “Ayoko sa babaeng tulad mo. Hindi ko nga akalain na magkakagusto ako sayo sa kagaya mo. Hindi na ako magtataka kung bakit ka niya iniwan. Kung bakit hindi ka niya pinaglaban.” Walang ka-kurap-kurap na sabi nito sakin. Lahat ng salitang binitiwan nito ay bumabaon sa puso ko. Para bang may kutsilyong tumutusok sa dibdib ko.     Hindi ako makapaniwala na kaya nitong sabihin ang mga salitang sinasabi nito ngayon ng walang kakurap-kurap.     Tama na Tyler. Hindi ko na kaya 'tong ginagawa mo sa'kin. Sobra ka na.     “You’re too weak for me. You’re just a loser. Hindi na kita kaya pang pakisamahan pa. Hindi na kita kayang makita pa. Ayoko na sayo. Sasabihin ko kay Daddy na tanggalin ka na bilang bodyguard ko. You’re too weak for me. I don’t need you anymore.” And then he left.     I was left dumbfounded.     Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko habang sinusundan ng tingin ang bulto nitong papalayo sakin. Hindi man lang nito magawang lumingon sakin. Totoo nga na ayaw na niya. Ayaw na niya sakin.     Nanatili akong nakaluhod habang wala pa ding tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Sobrang sakit. Sobrang sakit na marinig mula sa lalaking mahal na mahal mo na hindi ka nito mahal. Yeah right, for the second time around, sinaktan na naman ako. Nasaktan na naman ako. Iniwan na naman ako. For the second time, magisa na naman ako. -     “ROCKY?! Rocky, anak. Gising. Anak, bakit ka umiiyak? Anong masakit sayo? Rocky?"     Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod-sunod na pagtapik sa braso ko. Sa biglang pagbangon ko ay parang may kumirot sa may tagiliran ko. “Ouch.” Daing ko.     “Anak, magingat ka. Sariwa pa ang sugat mo. Humiga ka muna at kailangan mo pa daw ng mas marami pang pahinga..” Mahinahong sabi ni Mommy na nakahawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi nito. Agad kong inikot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwartong inookyupa ko.     Nasa hospital pala ako. Teka, anong nangyari sakin? Asan si Tyler? Teka, panaginip lang ba yung nangyari kanina? Hinawakan ko ang pisngi ko na basang basa ng luha. Sh*t! Panaginip nga. Thank God.     “Mommy, nasan si Tyler?’ Tanong ko agad dito. Bago palang sana sasagot si Mommy sa tanong ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong inookyupa ko. Bumungad sakin ang muka ng lalaking nasa panaginip ko kani-kanina lang. Kita mo sa muka nito ang sobrang pagaalala.     Kaagad itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Napakislot na lang ako ng biglang kumirot ang sugat ko. "Ty-ler?" Bulong ko dito.     "F*ck! Pinagalala mo ko. Pinagalala mo kaming lahat dito. Thank God you're awake." Mas lalo pang hinigpitan nito ang yakap sakin kaya hindi ko na lang maiwasang mapangiti. "Kamusta ka na? Masakit pa ang sugat mo? Rocky, next time wag mo na ulit gagawin 'yon ha? Stop playing a hero. Ikaw dapat ang pinoprotektahan, hindi ako."     Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Parang may humaplos sa puso ko. Kung kanina sa panaginip ko ay pinagtatabuyan niya ako, ngayon naman ay kabaliktaran. Ramdam na ramdam ko ang pagalala niya sakin at ang pagmamahal nito. Hindi nga nito pinapansin ang mga ngisi ng mga kaibigan nito sa may likuran nito na animo'y natatawa sa pagiging romantiko ng kaibigan nila. Wala din itong pakialam kahit nandito pa si Mommy.     Hays. Hindi ko maiwasang hindi ma-touch dahil sa mga sinabi niya.     Pasimple kong kinurot ang sarili ko kasi baka panaginip na naman ito pero nakaramdam ako ng sakit kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.     Mas lalo lang akong napapamahal sayo, Tyler. -     "AKO NA nga kasi."     Nandito kami ngayon sa living room ng rest house ng mga Allegre. 2 weeks ago simula ng ma-discharged ako sa hospital. Patuloy na din ang paghilom ng sugat ko at hindi na ako nahihirapan kumilos. Ready na ulit akong maghabol ng mga masasamang tao. Pero itong si Tyler ay ayaw pa din akong hayaang kumilos na magisa.     "No. Maupo ka lang dyan. Ako ng bahala dito."     Kakatapos lang kasi naming mag-merienda kaya sabi ko ako na ang maghuhugas ng plato since ako naman talaga ang gumagawa noon simula ng mag-stay kami rito. Pero etong boss ko ay ginagawa akong baby.     "Mag-relax ka na lang muna dyan, babe." Kinuha nito ang mga plato at dumiretso na ng kusina. Kinindatan pa ako nito bago umalis. Hindi ko namang maiwasang pamulaan ng muka. Gosh! Sino ba naman kasing hindi kikiligin diba? Kung ganyan kagwapo ang magaasikaso sayo. Ang sarap lang sa feeling.     Nanood na lang ako ng TV ng hindi pa din nawawala ang mga ngiti sa mga labi ko. Natigilan lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang name ni Daddy sa screen. Mukang nakabalik na si Daddy mula sa annual conference meeting nito sa Vietnam.     Yeah, hindi nito alam ang nangyari sakin 2 weeks ago kasi nga nasa Vietnam ito. At ngayong nakauwi na ito, mukang naikwento na ni Mommy ang nangyari kaya siguro ito natawag ngayon.     Maingat akong tumayo at sinilip ko muna si Tyler sa kusina. Busy pa ito sa ginagawa nito kaya naman lumabas muna ako sa may garden para sagutin ang tawag ni Daddy.     "Hello, chief. Good afternoon po."     "Den?" Upon hearing his voice, medyo nakaramdam ako ng takot at kaba. "We need to talk. Gusto ka din daw makausap ni Gov. Can you come over here in my office?" Tuloy-tuloy na sabi ni Dad sa kabilang linya     Nakahinga ako ng maluwag. Mukang hindi pa nakukwento ni Mommy ang nangyari sakin. Salamat naman. Bago kasi ako bumalik ng Mindoro ay pinakiusapan ko si Mommy na wag munang sasabihin kay Daddy ang nangyari sakin lalong lalo na yung samin ni Tyler. Sinabi ko dito na ako na ang bahalang umamin kay Daddy. And knowing my Mommy, alam kong papakinggan niya ako.     Kahit di niya kita ay tumango na lang ako. "Sige Dad. See you in a bit." Di ko na inantay ang sagot niya at binaba ko na ang tawag. Wala naman akong choice kundi sumunod kay Daddy. Misyon ko pa din si Tyler. Misyon ko pa din na protektahan siya laban sa mga gustong manakit sakaniya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD