Chapter 13

1552 Words
"SAAN ba kasi tayo pupunta?" Hindi ko na tanda kung ilang beses ko na ba tong tinanong sakaniya pero hindi ako nito sinasagot.     tinitigan lang ako nito pero magkalipas ng ilang segundo ay napabuga na lang to ng hangin tanda ng nakukulitan na ito sakin.     "Sa Tagaytay. Diba I told you that we're going to my buddy's wedding?" Parang wala ng sagot nito bago muling inayos ang necktie nito sa harap ng salamin.     Hindi na lang ako sumagot at nagkibit-balikat na lamang. Lumabas na lang ako ng kwarto niya at nagtungo sa kwarto ko. I looked at the dress na nakapatong sa kama ko. Ibinigay to ni Tyler sakin kaninang umaga at ito daw ang susuutin ko ngayin sa kasal nga daw ng kaibigan niya.     Kinuha ko ito at tinignan. Napangiwi ako ng makita ang dress na ibinigay nito sakin. It's a flowery dress na medyo mahaba ang likuran. Kulay light pink ito na lalong nagpakunot ng noo ko. I didn't say naman na hate ko ang pink pero haler? Hindi naman ako ganong girly girl type. Sabi nga nila Eugene na medyo boyish daw ako. Duh! What's with this pink?     "Hay nako! Tyler Adam Allegre!" Sigaw ko na lang at nagpapadyak ng mga paa. Nang mapagod ako sa ginagawa ko ay napabuga na lang ako ng hangin at wala na akong nagawa kundi suutin ito at magayos na. Knowing Tyler, baka magwala 'yon kapag pinagantay ko pa siya ng sobrang tagal. Psh! Typical bad boy!     Hinayaan ko na lang na nakabagsak ang mahaba kong buhok na kinulot ko sa dulo. Naglagay din ako ng manipis na make-up sa muka. Nang makitang ayos na ako ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.     "Sa wakas, tapos ka na din!" Iling-iling na sinalubong ako ni Tyler at basta na lang hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. He even locked the door and walk towards to his car, syempre habang hawak hawak pa din nito ako sa kamay ko.     Nanlaki ang mga mata ko ng pumunta ito sa may passenger's seat at pinagbukas pa ako nito ng pinto. "Huh? What a gentleman you are!" Nakangising pangaasar ko sa bad boy pero sinimangutan lang ako nito. "Fine fine! Thank you!" Sumusukong saad ko at pumasok na sa loob. I put the seat belt on at madali namang umikot si Tyler para sumakay sa driver's seat.     Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat kilos ni Tyler ng may mapansin ako sa may likuran namin na isang kulay itim na van. Nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan ito. May kung anong kakaiba akong naramdaman.     Oh God, wag naman po sana!     Huminga ako ng malalim at nawala na ang atensyon ko sa hindi pamilyar na van ng magsimula ng magmaneho si Tyler.     "Ready for the long f*****g drive?"     "Ye-ah!" Tipid kong sagot dito dahil muling sumagi sa isip ko ang naturang van. Palihim kong chineck ang baril sa bag ko at ng makapa ito sa loob ay nakahinga ako ng maluwag.     Muli akong tumingin kay Tyler at matamis itong nginitian. Ayokong sabihin sakaniya ang kakaibang pakiramdam ko ng mga oras na ito, ayokong matakot siya. Gusto ko ay maging masaya lang siya para sa araw na ito, para sa araw ng kasal ng kaibigan niya. I don't want to spoiled the day.     Isa pa, wala namang mangyayaring masama sakaniya as long na nandito ako sa tabi niya.     Tumikhim ako at pilit iwinaksi na lang ang pangamba ko sa isip ko. "Ano nga palang oras ang wedding ng kaibigan mo? At sinong kaibigan?" Pagiiba ko na lang ng topic. Hindi ko din naman napansin na sumusunod samin ang van kaya nawala kahit papano ang kaba ko.     "9AM." Tipid na sagot nito. Psh! Supladong bad boy!     "9AM? Eh 10AM na ah? Super late na tayo!" Eh paano ba naman papunta pa lang kami ng Calapan tapos sa Tagaytay pa kami pupunta? Eh halos higit na tatlong oras ang magiging byahe namin o mas lamang pa dahil sa traffic. "Ano ka ba naman? Baka tapos na ang kasal tsaka pa lang tayo makakarating don!" Iling-iling na komento ko.     Napa-tsk na lamang ito. "Alam ni Vincent na manggagaling pa tayo ng Mindoro at sinabi ko din na sa reception na lang tayo makakapunta. And it's okay for him. So pwede ba? Relax!" Saglit ako nitong sinulyapan bago muling tumingin sa kalsada at nagpokus sa pagmamaneho.     Nagkibit-balikat na lang ako at patago itong inirapan.     "Okay okay! Sorry!" Pag-surrender ko dito. Paano ba naman kelan ba ako nanalo sa isang to?     Patago ko siyang inirapan at ipinaling ko na lang ang katawan ko paharap sa bintana. Plano kong ipikit ang mga mata ko ng kusang napadapo ito sa may rear view mirror. Nangunot ang noo ko at agad napaayos ng upo. Muli ay dinamba ng kung ano ang dibdib ko.     Nilingon ko si Tyler na walang kaalam alam sa nangyayari sa paligid niya. Tapos ay muli kong ibinalik ang tingin sa itim na van na sumusunod samin. It is the same van that I saw earlier. Hindi ako pwedeng magkamali, eto na ang kinatatakutan ko.     "TYLER, iliko mo ang sasakyan! Dalian mo!" Malakas na sigaw ko dito ng makitang nagbukas ng pinto ng van ang mga ito at lumabas ang nakaitim na lalaking naka-maskara at akmang papuputukan kami nito.     Kahit nagtataka man si Tyler ay sinunod niya ang iniutos ko. Madali ko namang kinuha ang baril sa bag ko. Binuksan ko ang bintana sa tabi ko at madaling pinaputukan ang lalaking nakasungaw sa naturang van at binaril ang kamay na nitong may hawak na baril. Nabitawan nito ang hawak na baril.     Bigla ding naglabas ng baril ang driver nito at pinaputukan ang likod ng kotse namin. Nabasag ang salamin ng kotse at rinig ko ang sunod sunod na malulutong na mura ni Tyler. Maging ang mga tao sa paligid ay nagsimula na ding magkagulo. Mabilis namang pinaandar ni Tyler ang sasakyan pero kita ko ang pangangatal ng kamay nitong nakahawak sa manibela.     "Don't worry, Tyler. Walang mangyayaring masama sayo as long na nandito ako sa tabi mo." Nakangiting sabi ko dito at mabilis na dinampian ng halik ang labi nito.     Napailing na lang ako sa sinabi ko. Hindi ako makapaniwala na magbabaliktad ang sitwasyon naming dalawa. Siguro ang iba ay magtataas ng kilay dahil imbis na si Tyler na siyang lalaki ang magprotekta sakin na isang babae ay nabaliktad namin ang sitwasyon. Pero wala akong pakialam. Sino bang nagpauso na dapat ang lalaki ang siyang matapang at ang babae ang dapat na siyang mahina? Kalokohan lang yan! Basta ako, poprotektahan ko si Tyler kahit ano mang mangyari.     Sunod sunod ang naging pagtango ni Tyler at mabilis ulit na nag-maneho. Ako naman ay bumalik sa pagtingin sa mga lalaking nakaitim na sunod sunod ang pamamaril samin.     Binuksan kong muli ang bintana at doon ako pumwesto para paputukan sila ng baril. Una kong binaril ang driver sa kaliwang balikat nito, sinunod ko ang kanang balikat nito kaya natigil ito sa pagmamaneho. Siguro ay sobrang sakit ng nararamdaman niya.     Tumigil ang itim na van at nagbabaan doon ang limang naglalakihang lalaki na puro nakaitim at nakamaskara. Nagtatatakbo ang mga ito samin habang pinagbabaril ang sasakyan namin. Madali akong kumilos at dalawang baril na ang hawak ko. Sunod sunod ko silang pinapatukan ko sa mga binti nila at wala silang nagawa kundi mapaluhod sa sakit na dulot ng pagbaril ko sakanila.     Napangisi ako ng magsitigil ang mga ito at sinundan na lamang kami ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na ang mga nakaitim na lalaking sumusunod samin. Napaupo ako sa passenger's seat at nangunot ang noo ng makitang itinigil ni Tyler ang sasakyan at marahas akong iniharap sakaniya.     "May sugat ka. Kailangan kitang dalhin sa hospital." Nakahawak ito sa braso kong nadaplisan pala ng bala. Hindi ko iyon napansin kanina kaya nagulat ako na madaming dugo na pala ang umaagos mula sa braso ko.     Dali-dali itong nagmanehong muli at kita ko ang pagtaranta niya. Kaya naman hinawakan ko siya sa kamay niya at matamis na nginitian siya.     "Wag kang magalala sakin, Tyler. Malayo sa bituka to. Hindi pa ako mamamatay." Nakangising sabi ko sakaniya at sinabayan ko ng malulutong na pagtawa. Pero natigilan ako ng magmura si Tyler at masama akong tinignan nito.     "T*ng*na! Stop whatever you are doing!Stop playing superhero! Stop saving my f*****g life! Stop, Rocky please. Ako ang lalaki at ako ang dapat magprotekta sayo! f**k this life! Wala talaga akong kwentang tao!" Unti unting humihina ang boses niya at napasubsob na lang ito sa manibela. "Stop baby please, ayokong mapahamak ka. Ayokong masaktan ka. Ayokong may masamang mangyari sayo. Hindi ko kakayanin 'yon, Rocky. Hindi ko kaya kung mawawala ka sakin. So please, stop putting your life in danger because of me! I'm begging you."     Napasinghap ako ng humarap siya sakin at punong puno na ng luha ang buong muka niya. Wala sa sariling inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang pisngi nito. Mapait akong napangiti at sunod sunod na pagtango ang isinagot ko sakaniya. "Wag kang magalala. Hinding hindi ako mawawala sayo." Mahinang sabi ko dito hanggang sa nagdilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.     Sorry, Tyler. Pero hindi ko magagawa iyang gusto mo. Hinding hindi ako titigil sa pagprotekta sayo. Patawarin mo ko, mahal ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD