Chapter 15

2138 Words
    KINAUSAP ko si Tyler na kung pwede ay umuwi muna kami ng Maynila. Hindi ko naman kasi siya pwedeng iwan dito magisa sa Mindoro at baka nakaabang ang mga kalaban ng Daddy nito. Mahirap na. Madami pa siyang tanong sa biglang pagyaya ko pero ang sinabi ko lang ay namiss ko na si Mommy. Hindi naman ako nito kinulit pa. Ayoko kasing aminin sakaniya na pinatawag ako ni Daddy at ng Daddy niya.     Nagpaiwan muna si Tyler sa condo unit niya habang ako naman ay kunwari umuwi sa bahay namin. Hindi naman ako gaanong nagaalala since may mga bodyguards pa din naman si Tyler na kasama sa unit niya.     Pagdating ko sa station ay dumiretso na agad ako sa office ni Daddy. Seven o'clock pa lang ng umaga pero alam kong nasa office na agad si Daddy. Mamaya ko na lang pupuntahan sila Eugene. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng office ni Dad.     "Come in." Sagot nito mula sa loob.     Parang nagtayuan naman ang mga balahibo sa katawan ko ng muling marinig ang boses ni Daddy. Matagal na kasi mula ng makausap ko ito. And I missed him.     "Magandang umaga po, chief. Good morning din po Gov." Bati ko pagpasok sa loob. Medyo ninenerbyos ako pero nilalakasan ko na lang ang loob ko kung ano man ang mangyayari sa paguusap namin ngayon.     "Maupo ka, iha." Seryosong sabi pa nito sakin.     Umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat ni Gov na hindi pa din nagsasalita. Nakayuko lang ang ulo nito na parang may malalim na iniisip. Hindi ko alam pero nakakaramdam naman ako ng kaba. Mukang may hindi magandang mangyayari sa usapan naming 'to.     "Gov?" Pagtawag ni Daddy dito. Napakurap ito atsaka lang niya ako nilingon.     "Pasensya ka na, iha. Nakarating kasi sakin ang nangyari sayo. Kamusta ka na? Kamusta na ang anak ko?"     "Ok na naman po ako, Gov. Si Tyler po ay nasa unit niya ngayon kasama po ang iba niyang body guards. At ayos naman po ang kalagayan niya."     "Maraming salamat, iha. Salamat sa pagprotekta mo sa anak ko. Tatanawin kong malaking utang na loob ito." Ibang Governor Allegre ang nakikita ko ngayon. Kung muka itong matapang at strikto noong unang kita ko sakaniya, ngayon naman ay nasasalamin ang pagiging mabait at mapagmahal na ama. You're so lucky Tyler na si Gov ang ama mo. "Hindi ko na patatagalin pa ang pakay ko sayo, iha. Gusto ko sanang lumipat kayo ng pagtataguan ni Tyler. Mukang natunton na kayo ng mga kalaban kong negosyante. Hindi ko na ililihim pa pero bukod sayo ay may mga tauhan din ako na nakatira malapit sa rest house namin sa Mindoro. Pinababantayan ko kayong dalawa ni Tyler. Hindi sa wala akong tiwala sayo pero mas gusto ko lang ng doble proteksyon para sa nag-iisa kong anak." Napaupo at napabuga ng hangin. "Nakita kasi ng tauhan ko na may nagmamasid sa labas ng bahay namin sa Mindoro, ilang araw ng ganon. Minsan nagiiwan pa daw ito ng kung ano-anong bagay para takutin kayo. Hindi mapakali ang asawa ko kaya naisipan namin na lumipat na lang muna kayo ng lugar."     "Tama si Governor, Denise. Para sa kaligtasan niyo din ito." Segunda naman ni Daddy.     Hindi ko na nagawa pang mag-protesta. Tulad ko ay tanging kaligtasan lang din ni Tyler ang iniisip ko. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sakaniya. Oo, gaga na kung gaga. Baliw na kung baliw. Pero ayokong may mangyaring masama sakaniya, hindi ko kakayanin.     Madami pa silang sinabi pero hindi na ako nakasagot pa. Tangin pag-tango at oo lang ang sinagot ko sa dalawa. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpapaalam na kay Governor. Kaya tanging kami na lang ni Daddy ang naiwan dito sa opisina niya.     "Alis na din ako, Dad. Kailangan ko pang puntahan si Tyler." Pagiwas ko ng tingin sakaniya at akmang lalabas na ako ng opisina nito nang tawagin niya ako.     "Kilala kita Denise at alam ko ang nararamdaman mo. Ngayon palang ay itigil mo na ang kahibangan mong iyan. Stop loving that man. He's no good for you. Gaya lang din siya ng dati mong nobyo na walang kwenta. Trust me! Umiwas ka na habang maaga pa. Isipin mo ang misyon mo, tanging iyon lang." Kahit di ako lumingon ay alam kong mapanganib ang tingin na ipinupukol niya sakin.     Hindi na ako sumagot pa sa sinabi niya at nagtuloy-tuloy na lang ako palabas ng opisina niya. Wala akong panahong makipagtalo pa kay Daddy dahil sigurado naman akong hindi naman ako mananalo sakaniya. Kung alam niya lang na matagal kong pinigilan ang sarili kong mahulog kay Tyler pero mismong puso ko ang unang bumigay.     Tumigil ako sa labas ng police station at umupo sa bakanteng upuang malapit doon. Muling bumalik ang alaalang matagal ko ng ibinaon sa limot.     "Kagaya lang din siya ng dati mong nobyong walang kwenta."     Mapakla akong natawa dahil sa sinabi ni Daddy. Walang kwenta? Yes alam kong walang kwenta ang lalaking kaisa-isa kong minahal. Pero sigurado akong hindi ganon si Tyler. Gago siya, oo. But, unlike Ed, Tyler is a better man.     "I need you Ed. Please don't do this to me." Basang basa na ng luha ang pisngi ko habang pilit tinatawagan si Edison. Ang boyfriend ko.     We met in a bar two years ago. Singer siya don samantalang nag-celebrate naman ang kaklase ko ng birthday sa bar na yon. Sabi niya, na-love at first sight daw siya sakin. At nagkataon naman na nasa iisang school pala kami nagaaral. So after that 'bar incident' malimit na kaming magkitang dalawa.     Naging close kami sa isa't isa hanggang sa umamin siyang mahal na nga niya ako.     He courted me for almost a year bago ko siya sinagot. Mahal na mahal namin ang isa't isa na kahit hindi siya gusto ng mga magulang ko ay ipinaglaban ko pa din siya. Because I thought he's worth the fight.     But I was wrong.     "Edison, please love. Pick up the phone. I need you." Wala akong tigil sa pagtawag sakaniya habang patuloy pa din ako sa pagiyak. Hanggang sa hindi ko na siya makontak pa kahit kailan.     He left me just like that. He left me like a trash. He left us. Kaya kahit anong gawin niya, never ko siyang mapapatawad.     And because of that jerk, nag-shift ako ng course. From being an art student to a criminology student. From being a cry baby to a strong woman. At kahit kailan wala ng makakapanakit sakin gaya ng ginawa niya dati.     Pero wala din pala. Ang pader na binuo ko sa puso ko ay natibag din dahil sa pagdating ni Tyler. Ang bad boy na ang alam lang ay ang magwaldas ng pera. Ang bad boy na walang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ng mga magulang niya. And bad boy na alam kong never akong magugustuhan.     Ang tanga ko diba? For the second time, I gave my heart, my body and even my soul to a man that I barely know.     Napabuga na lang ako ng hangin at napasabunot ng sarili.     Kahit talaga gaano ka katapang at katalino, pagdating sa pagibig magiging duwag at bobo ka talaga.     "Hays. Sana lang talaga hindi ka katulad ni Edison, Tyler." Sana. ---     TAHIMIK lang ako buong byahe namin ni Tyler. Lulan kami ng magarang sasakyan ng mga Allegre papunta sa isa pang rest house ng mga ito sa Palawan. Hindi pa alam ni Tyler kung anong napagusapan namin ni Daddy lalong lalo ng hindi niya alam na nandoon din ang Daddy niya sa station kanina. Hindi ko alam pero wala ako sa mood na mag-kwento sakaniya sa nangyari. Well, siguro dahil muli na namang pumasok sa isip ko ang nakaraan ko at ang mga sinabi ni Daddy. Pero alam nito na lilipat muna kami ng ibang pagtataguan dahil tumawag ang Daddy nito kanina sakaniya.     "Simula kanina ka pa ganyan. What's wrong? Nagaway ba kayo ng Daddy mo? Tell me, babe. I'm ready to listen." Hinaplos pa ako nito sa may hita habang titig na titig sakin.     "Wala. Siguro pagod lang ako kaya inaantok ako." Pag-iiba ko ng topic. Hindi naman ito namilit pa at pinahiga na lamang ako nito sa may hita niya.     "Ok. You may take some rest. Malayo pa ang byahe natin." Malambing na sabi nito. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Mabuti pa nga siguro na matulog na lang muna ako para pag-gising ko ay nasa maganda na ulit ang mood ko. Kailangan kong maging matapang para kay Tyler. Kailangan ko munang isantabi tong nararamdaman ko at hindi ito makakatulong saming dalawa.     Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na natutulog na magising ako sa sunod-sunod na pagputok ng baril. Napabalikwas ako ng bangon at bumungad sakin ang takot sa muka ni Tyler.     "Tyler? Kuya, anong nangyari?" Sigaw ko sa driver ng mga Allegre.     "Ma'am, may nakasunod po sating isang itim na van. Pinapuputukan po tayo ng baril." Bakas sa boses nito ang takot. Kaagad kong kinuha ang baril sa bulsa ko at binuksan ang bintana ng sasakyan. Dumungaw ako mula sa bintana at nakipag-palitan ng pagputok ng baril mula sa sumusunod samin.      Nabaril ko sa balikat ang lalaking nakadungaw din sa bintana kaya nabitawan nito ang hawak nitong baril. Sunod ko namang pinatamaan ang gulong ng mga ito. Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa pumutok na ang gulong nito. Muli ay may lalaking naglabas ng baril mula sa passenger's seat at muling pinaputukan ng baril ang sinasakyan namin.     "Ouch."     Napahawak ako sa pisngi ko na nadaplisan ng bala ng baril. Maliit lang ang daplis pero sunod-sunod ang pagtulo ng dugo mula sa pisngi ko. Walang tigil ang naging pagpapalitan namin ng pagbabarilan at buti na lang ay wala kami sa may residential area kaya walang madadamay samin.     Natamaan ko sa may dibdib ang driver ng van kaya huminto ang mga ito sa gitna ng kalsada. Maya maya lang ay nagbabaan ang mga sakay nito at sunod-sunod ang pamamaril sa kotseng lulan namin. Pumutok na din ang gulong ng sinasakyan namin.     "Tyler, let's go." Hinahawakan ko ang kamay nito at mabilis kaming tumakbo palayo sa mga kalaban. Sumunod naman agad samin ang driver na nakikipag-sagutan na din ng pamamaril sa mga ito. Madami ang mga armadong lalaki. Sa tantya ko ay nasa lima o anim sila. "Tyler, dalian mo." Sigaw ko.     Napatigil kasi ito ng makitang bumulagta na din sa kalsada ang driver namin. Gusto ko man balikan si Kuya pero mas kailangan kong protektahan si Tyler.      Takbo lang kami ng takbo. Hindi ko na alam kung nasaan na kami. Ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas ang lalaking pinaka-mamahal ko. Hindi ko na din alam kung nakasunod pa ba samin ang mga kalaban ng Daddy ni Tyler basta nasa isip ko lang ay mailayo si Tyler sakaniya.     Nang makarating kami sa may gitna ng gubat ay nakakita ako ng kubo. Pumasok kami sa loob ng makitang walang tao dito. Nilock ko agad ang pinto at pinaupo si Tyler na namumutla na sa sobrang takot. Nanginginig ito at maya-maya lang ay bumuhos na ang luha sa mga mata nito.     Kaagad ko itong niyakap para pakalmahin. Oo, bihira ako makakita ng lalaking umiiyak ng dahil sa takot pero kilala ko si Tyler hindi siya sanay sa mga ganito. Hindi tulad ko na sanay makipagpatayan sa mga masasamang tao.     "Tyler, relax. Malayo na tayo sakanila. Wag ka ng matakot. Nandito lang ko sa tabi mo." Pang-aamo ko sakaniya. Nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.     "Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sayo." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Kakagaling mo lang sa hospital ng dahil sakin tapos ngayon eto ka naman at binubuwis ang buhay para sakin. Napaka-wala kong kwentang tao. Napaka-walang kwento kong lalaki. Imbes na ikaw ang protektahan ko, ikaw pa tong nagbubuwis ng buhay para sakin. Ayoko ng ganito. Ayoko na sa ganitong buhay."     "Wag kang mag-alala sakin, Tyler. Kaya ko ang sarili ko. Ikaw ang kailangan kong protektahan."     "Oo, dahil mahina ako kaya ikaw ang dapat mag-protekta sakin. Dahil iyon ang trabaho mo."     "Hindi. Kailangan kitang protektahan dahil gusto ko. Hindi dahil sa misyon ko, hindi dahil mahina ka. Kailangan kitang protektahan kasi mahal kita. At ayaw kong mawala ka sakin."     Natigilan ito dahil sa sinabi ko. Akala ko ay makikipagtalo pa ito kaya laking gulat ko ng bigla na lang nitong hinawakan ang batok ko at inilapit ang muka ko sa muka niya. Naramdaman ko na lang muli ang paglapat ng labi niya sa labi ko.     It's just a couple of seconds but it feels forever.     "I love you, Rocky." Bulong nito.     Huminga ako ng malalim bago muling sinabi ang katagang hindi ko akalain na masasambit ko pa. "I love you too, Tyler."     Sasagot pa sanang muli si Tyler ng makapa ko ang tyan nito na may dugo. "Oh my God, Tyler." Sigaw ko hanggang sa nawalan na ito ng malay.   ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD