"ROCKY? Hey, Miss Policewoman?"
Nagising ako dahil sa mahinang pagtapik ng kung sino sa may pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at muka ni Tyler ang bumungad sakin. Dali-dali akong bumangon at nanlalaki ang mga mata habang hinahawakan ang muka nito.
"F*ck! May problema ba sa muka ko? Ano bang nangyayari sayo?" Iling-iling na sabi nito at mahinang itinapik ang kamay ko palayo sa muka niya.
Huminga ako ng malalim at patagong kinurot ang braso ko. At nang masaktan ako tsaka ko lang na-realize ang lahat. "Is it a dream? F*cking sh*t!" Pinagsasampal ko ang sarili ko na siyang ipinagtaka ni Tyler.
"What's happening to you? Kanina pa kita ginigising kasi nasa meron kang bisita sa baba. Yung mayayabang mong kaibigan!" He whispered the last sentence kaya hindi ko narinig kung anong sinabi niya. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin pa. Masaya ako! Sobrang saya ko at panaginip lang pala ang lahat. Hindi nabaril si Tyler! Hindi siya napahamak!
"Oh my gosh!" Malakas na sigaw ko na sinamahan ko pa ang pagtili at nagtatalon sa kama ko.
"What the hell?!" Nakakunot ang noo ni Tyler habang nakatingin sa ka-wirduhan kong ginagawa. Matamis ko na lang tong nginitian at tinalon ng yakap na agad naman nitong sinalo. "Why are you so happy? Ano bang napanaginapan mo?" Tanong nito sakin habang yakap yakap pa din ako nito. But instead of answering him ay binigyan ko na lang to ng matamis na ngiti at mabilis na hinalikan sa labi.
Ramdam ko ang gulat sa muka niya ng halikan ko siya pero maya maya lang ay napangisi na ito at tinugon ang halik ko. Napangiti na lang din ako at pinikit ang mga mata. Mas lalo kong dinama ang labi niya sa labi ko.
Mabuti na lang talaga at isang panaginip lamang 'yon. Isang napakasamang panaginip. Hindi ko siguro kakayanin kung magkakatotoo iyon. Hindi ko kakayanin kung mawawala pati si Tyler sakin. I love Tyler so much kaya hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Iingatan ko siya at poprotektahan kahit pa maging kapalit nito ang buhay ko. Ang kaligtasan niya muna bago ang lahat. And that's my equation.
-
"AKALA namin kung ano ng nangyari sayo sa taas kasi naman ang lakas mong umirit!" Iling-iling na sabi ni Eugene habang may hawak ng tasa na may lamang kape.
"Pero infairness, Den. Ngayon lang kitang nakitang ganon ka-clingy sa lalaki." Natatawang sabi naman ni Bobby na nakatanggap ng sipa mula sakin. "Aray! Sadista ka talaga!" Nakangusong reklamo nito habang himas himas ang nasaktang tuhod.
"Ewan ko sainyong dalawa!" Nakasimangot na sabi ko sa dalawa.
Nandito kami ngayon sa may garden at binibisita daw ako ng dalawang ugok dahil miss na daw nila ako. Muka nila! Alam kong miss lang nila akong asarin kaya napasugod sa Mindoro ang dalawang 'to.
Bigla namang namula ang magkabilang pisngi ko ng dumaan si Tyler sa gilid namin. Naalala ko kasi ang nangyari kanina. Dahil daw sa pagsigaw ko kaya madaling umakyat sa taas sina Bob at Eugene kasi baka daw may nangyari ng masama sakin. Kaya nakita nilang buhat buhat ako ni Tyler habang nakayakap ako sa lalaki. At kanina pang umaga 'yon, mag-aalas tres na ng hapon pero patuloy pa din sa pangaasar ang dalawang ulupong.
Napailing na lang ako at inirapan ang dalawang lalaking nakangisi pa rin sa harap ko. Nilingon ko na lang si Tyler na may dalang bola ng pang-basketball. Hindi kami nito pinapansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad. At simula din ng dumating sina Eugene at Bobby ay hindi na ako pinapansin ni Tyler. Hindi ko alam kung galit siya! Bahala siya dyan!
And yeah, aside from being a bad boy, may isa pa palang hobby ang isang ito. Ang pag-babasketball. Magaling si Tyler mag-basketball nung minsang napanood ko ang paglalaro niya. Masasabi ko ngang kayang kaya niyang makapasok ng PBA kung seseryosohin niya lang ang hobby niyang 'yon. Pero syempre, hindi naman pwedeng mangyari 'yon. Kung maglalaro siya sa PBA, eh lalo lang siyang makikilala at mahahanap ng mga taong gustong patayin ito.
"Tara laro tayo!" Nakangising binato ni Tyler ang bola sa pwesto naming tatlo.
Agad namang tumayo si Eugene at nginisian pabalik si Tyler. "Sure!" Buong yabang na sagot nito. Nagkatinginan ang dalawang lalaki at pakiramdam ko ay konti na lang ay magkakasuntukan na ang dalawa kaya naman tinawag ko si Bobby para pigilan ang dalawa pero nginitian lang ako ng loko. Umayos pa ito ng upo at halatang aliw na aliw sa dalawa nina Tyler at Eugene.
Napairap na lang ako at muling sinipa sa tuhod si Bobby. "Tumigil na nga kayong dalawa! Gene, umuwi na nga kayong dalawa ni Bob! Baka abutin pa kayo ng dilim sa- Hoy! Ano ba kayo!" Napapadyak na lang ako sa inis dahil hindi pinansin ng dalawa ang sinasabi ko. Pumunta na sa court ang mga ito at naiwan kami ni Bobby sa may garden.
"Hayaan mo na kasi sila! Magenjoy ka na lang sa laro nila!" Natatawang sabi ni Bobby sakin atsaka sinundan ang dalawa sa may court. Wala na din akong nagawa at sumunod na lang din. Manonood na lang ako! Bahala sila dyan kung magsusuntukan sila! Mga bwiset sila! Mga isip bata!
Nagsimula na ang laro ng dalawang isip bata at si Bobby ang nagsilbing i-scorer ng mga ito. May mga sinabing rules si Bobby pero hindi ko 'yon naintindihan. Ano bang alam ko sa basketball diba? Bahala sila dyan!
Si Eugene ang may hawak ng bola. Nag-dribble ito at akmang i-shushoot ng humarang si Tyler dito at walang kahirap hirap na naagaw ang bola. Mabilis nitong nadala ang bola sa kabilang court at madaling shinoot ang bola. Naka-2 points agad ang bad boy. Sunod naman na nakashoot ay si Eugene. Palitan lang ang dalawa hanggang sa umabot ang scores ng 36-21, lamang si Eugene. Na kay Tyler naman ang bola at mag-slum dunk sana ito ng tapikin ni Eugene ang bola at nagkauntugan ang dalawa at sabay na bumagsak.
Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling dinaluhan ang mga ito, maging si Bobby ay lumapit din sa dalawa. Nilapitan ko agad si Tyler at tinulungan itong makatayo, si Bobby naman ay si Eugene ang nilapitan.
"Tama na nga! Tumigil na kayo sa paglalaro!" Nakasimangot na sigaw ko habang nakahawak sa siko ni Tyler. Pero sa halip na pansinin ang naging sigaw ko ay nagtinginan lang ang dalawang lalaki at muling naglaro. "Ano ba kayo!" Napapadyak na lamang ako sa inis. Ang titigas ng ulo!
"Pabayaan mo na kasi sila! May kailangan lang patunayan ang boss mong bad boy kay Eugene. Akala mo ba basta na lang namin hahayaan si Tyler? Ha! Muka niya!" Binulong nito ang huling salita kaya hindi ko na nasundan ang ibig nitong sabihin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. May dapat patunayan si Tyler kay Eugene? Ha! At ano naman 'yon? Naku! Sari-sari talaga ang mga ugok na to! Hay nako! Bwiset!
Kahit badtrip ay nagawa kong bumalik sa inuupan ko kanina at tahimik na lang na nanood sa paglalaro ng dalawa. Makailang beses pang nagbalyahan at nagkasakitan ang dalawa pero tuloy pa din ang laro kaya hindi ko na lang sila pinapansin.
Lumamang si Tyler ng 3 puntos kay Eugene at ayon kay Bobby ay isang minuto na lang bago matapos ang laro. Na kay Eugene na ang bola at akmang mag-shushoot ito ng 3 points ng biglang harangan ito ni Tyler at inagaw ang bola kay Eugene. Akala ko ay susundan ni Eugene si Tyler para pigilan itong mag-shoot ng bigla na lamang itong umupo sa sahig at napangiti na lang. Si Bobby naman ay ibinaba na din ang hawak na marker at nilapitan na lang si Eugene. Nag-apir pa ang dalawa at magkasabay na lumingon sakaniya. Nangunot ang noo ko dahil sa kakaibang tingin ng mga ito sakin at lalo akong nawirduhan ng magkasabay pang nag-thumbs up ang dalawa kasabay ng pagtapos ng laro.
And Tyler wins.
--
"ANO ba kasi 'yon? Bakit bigla namang naging close kayong tatlo ha?" Pangungulit ko kay Tyler. Sa halip na sagutin nito ang kanina ko pang tanong ay pinatay na lang nito ang TV at umakyat na sa kwarto nito at iniwan akong nakatulala.
Matapos kasi ang laro nila ay naging mag-kakaibigan na ang tatlo. Nagkukwentuhan na ang mga ito ng kung ano-ano at niyaya pa talaga ni Tyler na dito maghapunan ang dalawa. Kung kanina ay galit si Tyler kila Eugene dahil sa hindi inaasahang pagdating ng dalawa dito sa rest house ng mga Allegre, ngayon naman ay parang naging mag-be-best friends pa ang mga ito. Ano kayang nangyari? Nagkasundo ba sila dahil sa basketball? O may iba pang dahilan?
Hay nako! Kainis kasi si Tyler e! Bakit kasi ayaw niya pang sabihin ang dahilan? Ay mga bwiset! Bahala nga sila dyan. Basta masaya ako kasi panaginip lang pala ang lahat. Masaya akong hindi napahamak si Tyler. At lalong masaya ako kasi magkakaibigan na ang dalawang kababata ko at ang lalaking mahal ko. Sana lang ay magtuloy tuloy to. Sana puro masasaya lang at walang problema.
Yeah right. I admit it. Mahal ko na nga ang bad boy na ito. In just a short span of time, nahulog na ang loob ko sakaniya. At sana lang ay iba siya kay Edison. Sana lang, this time nasa tama na akong tama. Sana si Tyler na nga ang para sakin.
---