Chapter 4

2311 Words
"THIS IS B*LLSH*T! Godd*mnit!" Singhal ni Tyler ng makapasok kami sa rest house ng pamilya niya sa Calapan, Oriental Mindoro.     Medyo malayo ang property ng mga Allegre sa bayan. Habang nasa byahe nga kami ay wala na akong makitang mga tao o mga bahay man lang. Puro puno na lang ang bumubungad samin. Literal na nasa probinsya na nga kami. Ayaw ko man 'tong misyon na 'to pero wala na akong magagawa. Nandito na kami e. Ano pa nga ba? I will just enjoyed this mission. Malayo sa polusyon, malayo sa problema. Fresh air indeed.     "F*ck!" Nanlaki ang mga mata ko ng malakas na isinara ni Tyler ang pintuan ng isa sa kwarto sa second floor.     "D*uch*b*g!" I rolled my eyes at iginala ko na lang ang buong paningin ko sa kabuuan ng buong bahay kaysa isipin ko pa ang bad boy na 'yon. Simula ng umalis kami ng Manila ay wala ng tigil sa kakamura ang bad boy na 'yon. Nakakarindi siya masyado. Nakakainis!     Medyo may kaliitan ang rest house nila compare sa bahay namin at sa mansyon nila pero ramdam mo ang pagiging homey ng bahay na 'to. Puro white at brown lang ang kulay ng labas at loob kaya nakaka-relax sa mata. Muntik ko na ngang makalimutan ang dahilan ng pag-punta ko dito e, pakiramdam ko kasi ay magbabakasyon lang ako.     Their rest house is a 2-storey house with 3 bed rooms, dalawa sa taas at isa sa ibaba. Nakabukod ang kusina at dining area. May maliit na swimming pool at garden kung saan may duyan at man-made falls na masarap titigan kasi nakaka-relax ang agos ng tubig.     Kinuha ko ang mga gamit ko at pumasok sa kwarto sa ibaba. Dito ko piniling mag-kwarto para in case na magka-problema ay mabilis akong makakakilos, hindi ko na kailangang bumaba pa ng hagdan. Isa pa, ayoko din sa taas gawa nung Tyler na iyon. Baka masira lang lagi ang araw ko sa bad boy na 'yon!     Ni-lock ko agad ang pinto ng magiging kwarto ko at basta na lang iniwan sa may pintuan ang mga gamit ko at nag-dive agad ako sa magiging kama ko. Para akong bata na nagsu-swimming sa itsura ko ngayon. Ginalaw-galaw ko pa ang dalawang paa at dalawang kamay ko at dahil na rin siguro sa sobrang pagod at puyat ay tinamaan agad ako ng antok. Mamaya ko na lang siguro aayusin ang gamit ko. I really need to rest kasi sure akong bukas na bukas din ay magsisimula na ang magulo kong buhay kasama ang Tyler Allegre na 'to! - NAGISING ako dahil sa malakas na sigaw na nang-gagaling sa labas. Hindi sound proof ang mga kwarto dito kaya rinig na rinig ko ang pagsigaw ng anak ni Governor Allegre at base sa boses nito ay may kausap ito at panay pa din ang mura ng gago.     "Tsk! Bad boy talaga!" Bulong ko bago madaling tumayo at pumasok ng banyo. Mabilis lang akong naligo at hindi din naman ako maarte sa damit. Simpleng shorts at plain t-shirt lang ay masaya na ako. Hindi din ako naglalagay ng kung ano-ano sa muka. Ni mag-lipstick nga ay hindi din ako marunong. Kaya lagi akong inaasar nila Gene na tomboy daw talaga ako. Hay nako! Nakakamiss din pala yung dalawang ugok na 'yon! Mamaya pala ay tatawagan ko ang dalawang 'yon.     Hindi ko na tinuyo ang buhok ko at basta ko na lang sinuklay at saka lumabas ng kwarto ko. Hindi nga ako nagkamali at nasa labas nga ang galit na galit na muka ni Tyler habang nakaupo sa couch at may cellphone sa tenga.     "F*ck! Wala ba kayong ipapadalang katulong dito? What? T*ng*na!" I mentally rolled my eyes nang marinig ko ang walang habas niyang pagmumura. Typical bad boy! "Dad! What the f*ck!" He hissed at basta na lang tinapon kung saan ang mamahalin niyang cellphone. He's really an *ssh*le! "What?" Nagangat ako ng tingin at sinalubong ko ang nakakamatay niyang tingin. Hindi ako papatalo sayo 'no?     Nagpintig ang tenga ko dahil sa angas ng boses niya. Hindi ba niya alam kung sino ang kausap niya? Eh gago pala talaga 'tong isang 'to e! "Wala!" Sigaw ko pabalik at saka siya tinalikuran. Naglakad papuntang kusina para kumain. Simula kagabi ay hindi pa ako nakakain at alas dos na pala ng hapon kaya gutom na gutom na ako. Hindi ko muna papatulan ang kagaspangan ng ugali ng lalaking 'yon. Gutom ako, period.     Tinignan ko ang ref dito pero walang pagkain, pati sa mga cupboard ay puro wala din. Then I remembered Governor Allegre told me before. Bukod sa pagbabantay sa nagiisang anak ay gusto din ni Gob na turuan ng leksyon ang mayabang niyang anak. Kaya wala talaga kaming aasahan ni Tyler kundi ang isa't isa. Bibigyan lang niya ako ng pera para bumili ng mga kakailanganin namin dalawa including our groceries. Sakin walang kaso 'yon, sanay akong mamalengke, mag-luto, mag-laba at mag-linis ng bahay. At dahil kakarating lang namin kaya wala pang pagkain dito. I really need to buy foods for the both of us. Kung gusto kong mag-tagal kami dito sa Mindoro.     Bagsak ang balikat ko ng lumabas ako mula sa kusina. Wala na din si Tyler sa sala at sure akong nasa kwarto na naman niya ang isang 'yon. Mabuti na din 'yon na don siya mag-kulong. Mas safe siya don.     Umakyat na ako para magpalit ng damit at makapag-grocery na. Buti na lang at may tinapay akong dala kaya kahit papano nagkalaman ang sikmura ko.     Simpleng faded jeans and white shirt ang isinuot ko at rubber shoes bilang panapin sa paa. Sinukbit ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Natigilan pa ako ng makitang pababa ng hagdan ang mayabang kong alaga. Nakaporma din ito at mukang may lakad din.     "Where are you going?" Lakas loob kong tanong. Nilingon niya ako at hindi man lang nagsalita. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad palabas ng bahay na para bang hindi narinig ang tanong ko. Pero dahil sanay ako sa mga ganito, mabilis ko siyang naabutan at sapilitang hinarap sakin. "I'm asking you, where are you going Mr. Allegre?"     Tinignan niya ako, no I mean tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa way ng harapan niyang pagtitig sa kabuuan ko. Nang magsawa na siya sa ginagawa niya ay sa muka ko naman siya tumingin. Maya-maya pa'y nakita ko ang pag-ngisi niya. I closed my fist at nangangati na ang kamao kong sapukin ang manyak na 'to. Pero kinalma ko ang sarili ko, amo ko pa din siya kahit balik-baliktarin ko ang mundo.     "Ano bang pakialam mo ha? Kung sa impyerno ako pupunta, sasama ka ba ha?" Ay naku naku! Talagang tatamaan sakin ang kupal na 'to e.     Pinikit ko na lang ang mga mata ko at kinalma ang sarili ko baka 'di ko na talaga matantsa ang ugok na 'to e. "Mr. Allegre, as far as I'm concerned, may pakialam ako sa'yo kasi body guard mo po ako. Kung nas'an ka, dapat nandon din ako. At wala ka ng magagawa don." Pasalamat pa din ako na nakalma ko ang sarili ko kundi talaga tatamaan na talaga ang isang 'to.     Tinignan ko siya at umangat ang gilid ng labi niya. "Wow!" Nagulat ako ng malakas siyang tumawa. Ano na namang problema ng lalaking 'to? "I didn't know na bukod pala sa pagiging body guard ko ay nanay na din pala kita." Tumigil siya sa pagtawa at sinamaan ako ng tingin. "Look, PO2 Rocky Mariano, wala kang pakialam kung saan ako pumunta. Mind your own business! Ayoko sa lahat ng pinapakialaman ako!" Mabilis siyang tumalikod sakin at pabagsak na sinara ang pintuan.     Nanatili lang akong nakatayo doon at hindi na sumunod sakaniya. Pababayaan ko muna siya ngayon pero sa susunod na ipakita na naman niya ang kagaspangan ng ugali niya sakin, humanda lang talaga siya sakin. Wala naman sigurong magtatangka sa buhay niya dito sa Mindoro.? Ay nako! Ewan ko! "Grr! Bahala siya sa buhay niya! Malaki na siya!"     Lumabas na lang din ako ng bahay at ni-lock ang pinto. May sarili namang susi si Tyler at isa pa di ko alam kung saan nagsususuot ang lalaking 'yon at kung anong oras siya uuwi. Hay nako, daig ko pa ang may alagang pitong taong gulang na bata. Nakakainis! - BITBIT ANG dalawang plastic bag ay bumaba ako sa inarkila kong tricycle. Sumunod naman sa'kin ang driver at ibinaba ang isang kahon at isang sakong bigas na binili ko din sa palengke. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan kami magtatago dito ng anak ni Gob kaya maganda na yung laging handa. Isa pa, mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang pagiging body guard, hindi katulong.     "Salamat Manong." Nakangiting sabi ko sa matandang driver at kumuha ng pera sa wallet ko. "Wag niyo na po akong suklian. Salamat po ulit." Tumango ang driver sakin at sumaludo pa bago sumibat palayo.     Medyo padilim na ang langit ng matapos akong mamili. Sa tantya ko ay mag-aala-sais na ng hapon. Kaya hindi ko ineexpect na maabutan ko si Tyler dito. Akala ko ay gabi pa ang uwi niya since ganon naman talaga ang ugali ng mga tulad niyang anak mayaman.     Binuksan ko ang may kataasang gate at ipinasok ang sako ng bigas at kahon sa loob. Natigilan ako ng makakita ng magagarang sasakyan na nakapark sa garahe ng rest house ng mga Allegre. Iginala ko ang paningin ko at nangunot ang noo ko nang may lumabas na isang lalaking mukang kaedad ni Tyler mula sa loob ng bahay.     Basta ko na lang binitawan ang hawak kong plastic at dinukot ang baril ko sa bulsa. Mabilis akong lumapit sa lalaking nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin. "Woa! Ano yan?" Sabi niya habang nakataas pa ang dalawang kamay.     "Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Puno ng otoridad na tanong ko. Hindi naman siya sumagot at nanatili lang siyang nakatitig sakin pero ramdam kong natatakot na siya sakin. "Ano? Hindi ka sasagot?" Matapang na sigaw ko sa lalaki.     "Hey, hey relax lang. Wala akong masamang gagawin dito. Actually-" Hindi na niya natapos ang pagpapaliwanag nang may ilan pang lalaki ang naglabasan mula sa loob at pinaka-huling lumabas si Tyler na mukang nagulat din dahil sa hawak kong baril.     "PO2! Mga kaibigan ko sila." Agad na lumapit sakin si Tyler at pilit kinukuha sakin ang baril ko.     Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig at isa-isang tinignan ang anim na lalaking nasa harap ko. Bakas din sa muka nila ang gulat at takot lalo na yung lalaking tinutukan ko ng baril. Aba, malay ko bang kaibigan ni Tyler ang lalaking 'yon. As his body guard, sakin nakasalalay ang kaligtasan niya at kailangan kong maging maingat.     Agad ko din namang binaba ang hawak kong baril at sinuksok muli sa likod ng pantalon ko.     "Pare, pasensya ka na sa body guard ko. Muka ka kasing gagawa ng masama e." Natatawang sabi ni Tyler sa lalaking hanggang ngayon ay nangangatal pa din sa takot. Sorry naman siya! Nagtawanan din naman ang iba pa nilang mga kasama. Tinapik niya din ang balikat nito bago balingan ako ng tingin. "PO2 Mariano-"     "Rocky." Putol ko sa pagtawag niya sakin.     "Yeah, Rocky. This are my friends." Lumapit siya don sa lalaking una kong nakita at umakbay dito. "This is JP." Pakilala niya dito. Unti-unti na ding nawawala ang takot niya sakin nang tanguan ko siya. "Si Andrew, Sean, Vince, Lawrence and Kent." Pakilala niya pa sa iba. Base sa mga itsura at porma nila, mukang gaya ni Tyler ay mga anak mayaman din ang anim na ito at sa tingin ko ay mga bad boys din ang lahat. And all in fairness, lahat naman sila ay gwapo.     Tinanguan ko lang silang lahat at hindi nagsalita. "Hindi ko alam na pupunta sila dito kaya di ko na nasabi sayo kanina. Basta na lang silang tumawag sakin na nandito sila sa rest house kaya madali akong umuwi." Nangunot ang noo ko dahil sa pinagsasabi niya. Wala naman siyang dapat ipaliwanag sakin. "By the way, saan ka pala galing?" Tanong nito at tumingin sa likod ko. At don ko naalala ang mga pinamili ko.     Hindi na ako sumagot sakaniya at madali akong tumalikod at kinuha ang dalawang plastic bags na hawak ko kanina. Natigilan ako sa pagkuha ng mga plastics ng maramdaman kong may tao sa likod ko. Agad akong lumingon at sobrang lapit ng muka ni Tyler sa muka ko. Parang nag-freeze ang paligid namin at kumalabog ng sobrang lakas ng dibdib ko. Nagbaba ako ng tingin, mula sa kaniyang mata ay napatingin ako sa labi niya.     Mabilis akong lumayo sakaniya nang matauhan ako at sinamaan siya ng tingin. Nagkibit-balikat lang siya atsaka ngumisi na para bang may magandang nangyari sakaniya. Inirapan ko siya at tumalikod na para ipasok sa loob ang mga plastic na dala ko. Kasunod ko naman si Tyler na buhat ang box at yung lalaking Lawrence ang pangalan na siyang may bitbit ng sako. Sumunod din naman ang natitira pang lima at nagsiupuan sa couch habang masayang nagtatawanan at nagaasaran.     Basta ko na lang inilapag ang plastic na bitbit ko sa lamesa at madaling pumasok sa kwarto ko. Naririnig ko pa ang boses ni Tyler na kinakausap ako pero hindi ko na siya pinansin. Ni-lock ko agad ang pintuan ng kwarto ko at pabagsak na umupo sa gilid ng kama.     Napatulala na lang ako sa kawalan habang hawak-hawak ang dibdib ko na sobrang lakas pa din ng pagtibok. Nung makita ko ang muka ni Tyler na sobrang lapit sakin ay may naramdaman akong hindi pamilyar sakin. Wala pa man pero mukang hindi na maganda ang magiging epekto ni Tyler sa buhay ko. No! He's no good for me.     "Stop it Den! You are over reacting! Wala lang 'yon! You're here to guard that bad boy. Nothing else! Please, umayos ka! Mag-focus ka sa mission mo at hindi sa walang katuturan na bagay! Utang na loob!"    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD