DAHIL NA rin sa sobrang pagkapahiya ko sa sarili ko kaya hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na naka-tunganga dito hanggang sa nakatulog na ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong parang magigiba na ang pintuan ng kwartong inookyupa ko.
Papungas-pungas pa ako ng mga mata ng bumangon ako para tignan 'yon at ganon na lang ang pagkabigla ko ng makitang si Tyler pala ang may planong manira ng pintuan ko. Tsk. This bad boy!
Tinaasan ko siya ng kilay ng tignan niya ako, No- ng titigan niya ako, pero ang muka niya ay wala pa ding emosyon. Base din sa itsura niya ay mukang lasing na siya. Magulo ang kaniyang itim na buhok at namumula na ang kaniyang buong muka. Dahil na rin sa sobrang puti ng lalaking 'to kaya madaling ma-distinguish na lasing na nga siya.
Pero anong ginagawa niya dito? Ano na naman kayang nasa isip ng isang 'to?
"What the hell?!" Nawala ata ang antok ko at nag-akyatan lahat ng dugo ko sa muka ko ng basta na lang siya pumasok sa kwarto ko at prenteng nahiga sa kama. Oo nga, sakanila nga ang bahay na 'to, pero sh*t lang! From the moment I entered this house, ay sakin na ang kwartong ito at may sarili naman siya sa taas. So bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
Mabilis ko siyang sinundan at pabagsak na umupo sa gilid ng kama. As in malayo sakaniya. Ayoko ngang tumabi sakaniya baka makapatay pa ako ng wala sa oras. Iisipin ko na lang na boss ko at body guard niya lang ako.
"Hoy Mister, gising!" Alam kong hindi magandang manggising ng tulog lalo na't mukang lasing na lasing pa ang lalaking ' to. But, there's no way in hell that I will allowed him to sleep in my room. For goodness sake! "Mr. Allegre!" Malakas ko siyang tinapik pero umungol lang siya at nanatiling nakapikit habang nakabaluktot.
Nakaramdam naman ako ng kakaiba dahil sa ungol na 'yon.
f**k! Denise, umayos ka nga dyan! Amo mo siya, tandaan mo iyan!
Pinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang nagwawala kong organs- este puso bago muling ginising ang lasing na anak ni Gob. But to no avail. Mas lalo pa niyang inayos ang pagkakakumot sa katawan niya at tinakpan pa ng unan ang buong mukha niya. Aba't talaga nga naman! Napaka-sutil ng lalaking to e! Hindi ko alam kung tulog na ba talaga siya o nagtutulug-tulugan na lang para bwisitin ako!
"Fine! Bahala ka nga dyan! Bwiset, inom ng inom hindi naman pala kaya!" Para akong batang nagdabog at saka tumayo mula sa kama at dire-diretsong lumabas ng kwarto ko. There's no way I will sleep beside this guy. Over my dead body! Kahit pa gwapo siya 'no, hindi ako papayag na tumabi sakaniya. Eww! Never in my dreams na papayag akong matulog kasama ang lalaking hindi ko pa ganon kilala. We're totally strangers. Isa pa, sa isang lalaki pa lang ako pumayag na magpatabi sa kama. Too bad, I lost him. Life is really a b*tch.
Maingat akong naglakad palabas ng kwarto ko. Nakakahiya naman sa may-ari ng bahay na ito kung magigising ko pa siya. I mentally rolled my eyes. Nakakainis talaga! Gusto ko ng matapos ang death threats ng Daddy ng bad boy na 'to para bumalik na sa normal ang buhay ko. Ayoko nito, ayoko dito! He's no good for me. For Pete's sake!
-
DUMIRETSO muna ako sa kusina ng tuluyan na akong makalabas ng kwarto. In case like this, gusto kong uminom ng malamig na tubig, as in super lamig yung madaming yelo talaga. Mas okay pa nga kung ibuhos ko na lang sa ulo ko. Pero wag na lang, ayokong maligo ng madaling araw dahil lang sa lalaking 'yon! Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at inisang lagok iyon bago lumabas ng bahay. Sa backdoor sa kusina ako lumabas kasi nakita kong natutulog sa living room ang mga kaibigan ni Tyler. Ayoko naman silang magising din.
Dala ang pitsel ng may malamig na tubig ay dumiretso ako sa garden ng bahay. May mahabang duyan dito at kahit walang ilaw ay maliwanag pa din naman dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Malamig din ang simoy ng hangin at nakaka-relax sa mga kagaya kong badtrip.
Wooh! This is life! Quiet and fresh air.
Bigla na lang ako napasimangot ng maalala ko ang badboy na iyon. Kung hindi lang isang misyon ang Tyler na 'yon baka nasuntok ko na 'yon or worst binugbog ko na. Pero 'di ko hahayaang madungisan ang mga kamay ko ng dahil lang sa bad boy na 'yon. Baliw na nga ata ako. Natawa pero mainit ang ulo. Great, just great!
Bigla naman akong natigilan ng maalala ko yung nangyari kani-kanina lang. Those eye contact especially his million-dollar smirk. Para bang may hindi maganda siyang gagawin sakin. Pasensya na lang siya at hindi ako basta-basta babae lang. I'm a policewoman for Pete's sake. Hindi niya ako maisasama sa listahan ng mga babaeng pinaglalaruan niya. Ibahin niya ako sa mga ito. Hindi niya mabibilog ang ulo ko. Never!
Natawa na lang ako sa tinuran ko. Natigil lang ako sa pag-ngiti ng biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko agad 'yon dahil sa ganitong oras, emergency na lang ang active. Tsaka, wala namang ibang tatawag sakin kundi ang Mommy ko.
And I guess, mali ako. Kasi pangalan ni Eugene ang nag-appear sa screen ko. I answered his phone call right away kasi baka may problema na sa presinto.
"Hello?"
"Hey Den! Kamusta? Miss ka na namin ni Bob." Natatawang sabi niya sa kabilang linya. Rinig ko din ang ingay sa background niya. And I guess nasa bar na naman ang ugok na 'to. Ginagawa na niya atang bahay ang bar e. Typical bachelor!
"I'm fine here." Buti nga tumawag ka kasi na-bo-bored na ako dito at para mawala na din sa isip ko ang Tyler na 'yon. Gusto ko sanang idagdag sakaniya. Pero sa pagkakakilala ko sa lalaking 'to, tatawanan lang niya ako. "Dyan? Anong balita?" Grabe naman ako sa makabalita, parang isang linggo na akong nandito, e wala pa ngang isang araw. Haha.
"Ganon pa din. Wala pa ding pagbabago." He chuckled. "Nandito ako sa Yu's." Sabi niya kahit di naman ako nagtatanong.
"May bago ka namang babae 'no?" I can't help but to smile. I know Eugene very well. At alam ko kung gaano niya sinusumpa ang pakikipag-relasyon. Ayaw daw niyang pagsabayin ang trabaho at girlfriend kasi nakakagulo lang daw ang mga babae sa propesyon niya. Yeah, masyado siyang tapat sa serbisyo. And I'm very proud of him. But don't tell him please, lalaki kasi ang ulo niya. Haha.
"Yeah. Nandito ang bago kong misyon. Actually nakita ko na nga siya. And I guess tama ang source namin. Dito nga siya matatagpuan." Buong kompyansa niyang sabi sa kabilang linya. Pag ganitong ginagamit niya ang ganoong tono ay siguradong sigurado siya sa nakuhang impormasyon.
Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa misyon niya kasi alam kong hindi magandang ideya kung paguusapan namin ang mga ganung bagay over a phone call. Isa pa, pagdating naman sa ganitong mga bagay ay wala kaming pakialamanan unless magka-partner kami sa iisang misyon.
Nagkamustahan lang kami na para bang ang tagal na naming hindi nagkita. Tapos naikwento niya din na si Bob ay nasa Cebu pala, like us ay may misyon din siyang gagawin doon. Gustuhin ko man siyang tawagan at kamustahin din pero sa mga ganung trabaho, hindi sila nagdadala ng mga cellphones. Masyado kasing risky. Buti na lang yung misyong binigay sakin ni Daddy ay mag-baby sit lang. Mag-baby sit nga lang ng isang bad boy. Tsk.
After ng ilang kwentuhan pa at kamustahan ay tinapos na namin ni Eugene ang tawag. Lalo na't pakiramdam ko ay may isang pares ng mga mata ang nakatingin sakin kanina pa.
Maingat akong tumayo at hindi ko pinahalata na ramdam ko na may nagmamasid sakin kanina pa. Kahit gaano pa ako kabusy, kahit pa nakapikit ako o di kaya nakatalikod ay ramdam ko kapag may kahina-hinala sa paligid. Kagaya lang ngayon. Alam ko agad na hindi lang ako ang tao dito sa labas.
Mabilis akong kumilos pero hindi ako naglikha ng kahit anong ingay tsaka tumakbo papunta sa may dingding at sumampa doon. Inikot ko ang paningin ko sa labas at tama nga ang hinala ko. Dahil may bulto ng tao na nananakbo palayo sa rest house ng mga Allegre. Base sa postura niya ay isa siyang lalaki na medyo mataas lang kay Bobby ng kaunti. Bumaba ako para sundan ang lalaki pero hindi ko na siya nahabol pa ng sumakay agad siya sa itim na kotse na tumigil sa harap niya at mabilis silang nakalayo.
Nakatanaw lang ako sa papalayong sasakyan nila pero ang plate number ay hindi nakawala sa paningin ko. With just a simple glimpse, na-memorize ko na agad ang numero nito. Kinuha ko ang cellphone ko para itext kay Eugene ang plate number para ipa-trace niya ito. And he replied, yes at malalaman ko na agad kung kanino ang sasakyang 'yon bukas na bukas din.
Binalik ko ang phone ko sa likod ng pantalon ko at parang ninjang umakyat sa dingding atsaka tumalon na para bang walang nangyari.
Well this is my life. Ang mag-habol ng mga masasamang tao at protektahan ang mga taong naaagrabyado. Sanay na ako sa ganitong buhay, isa pa masaya ako dahil matagal ko ng gustong maging pulis kagaya ng Daddy ko. He's my idol, kaya imbis na mag-Doctor ako gaya ni Mommy ay ang yapak ni Daddy ang sinundan ko. Ewan ko ba, masarap kasi ang pakiramdam ko kapag may natutulungan ako.
Saglit akong natigilan at nag-isip. Alam kong hindi basta-basta ang lalaking kaninang nakamasid sakin. Alam kong may masama siyang pinaplano. Hindi sakin, kundi kay Tyler. Pakiramdam ko ay isa lang 'yon sa mga taong galit sa pamilya nila. Yeah, politics really sucks. "Oh f**k! Tyler!" Dali-dali akong tumakbo papasok sa loob ng bahay para tignan ang lalaking 'yon at nakahinga ako ng maluwag ng makitang mahimbing pa din siyang natutulog sa kama ko.
Lalabas na sana ako ng kwarto ng mapansin kong nakabukas ang bintana sa gilid. Dali-dali akong lumapit doon para tignan ang paligid at wala namang kahina-hinala, pwera lang sa isang kapirasong papel na halatang sinadyang iwanan dito ng kung sino man. Binasa ko agad ang papel at bumilis ng sobra ang t***k ng puso ko dahil sa nakasulat dito.
Kung hindi niyo titigilan ang negosyo ko, magpaalam na kayo sa mundong 'to kasi nabibilang na lang ang araw niyo. Kahit sa impyerno pa kayo mag-tago, wala kayong kawala sa mga mata ko.
It was written in bold letters na kulay red pa ang tintang ginamit. Mukang malaki talaga ang galit ng taong nagsulat ng mensaheng ito para sa mga Allegre.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa papel at kay Tyler na natutulog ng mahimbing at nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga. Alam kong wala na akong kawala sa misyong pinasukan kong 'to. Pagbalik-baliktarin man ang mundo, damay na talaga ako dito. At hindi din kakayanin ng konsensya ko kung may mangyaring masama sa pamilya nila.
"Kahit naman bad boy ka, ayoko pa ding mapahamak ka. Don't worry Tyler, walang masamang mangyayari sayo habang nandito ako. I will protect you and your family no matter what happen." Mahinang usal ko habang nakatitig sa maamong muka ng anak ng Gobernador.
Napapikit na lang ako at napasabunot ng sarili ng ma-realize ko kung ano ba ang mga lumabas sa bibig ko. "Oh yeah. Eto ka na naman Denise. Wala ka ng ka-dala dala. Nagpapaka-bayani ka pa din hanggang ngayon sa taong hindi ka naman pahahalagahan.." Iling-iling na sabi ko sa sarili ko at saka pekeng ngumiti.
Sa gabi ding to ay isa lang ang pumasok sa isip ko. Guarding this bad boy is no good for me even for my heart. And I hate it! I really do. But, I want to help them, I want to protect them with all my heart, lalong lalo na si Tyler. And it sucks!
-